5 PATAY SA AKSIDENTE SA QUEZON, CAGAYAN

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

LIMA katao ang nasawi sa mga aksidente sa Tayabas City, Quezon at Cagayan province habang may ilan pa ang sugatan.

Dedbol ang dalawang motor rider nang masalpok ng rumaragasang kotse sa Barangay Camaysa sa Tayabas City, Quezon dakong alas-8:05 ng umaga ng Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angelo Villa Juan at ang kanyang angkas na si Sally Elpa, kapwa residente ng Barangay Ipilan, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon, parehong mabilis na nagpapatakbo ang kotse at motorsiklo sa magkabilang linya ng national road ng nasabing barangay nang mag-overtake umano ang motor at nabulaga sa paparating na kotse.

Sa lakas ng impact, tumilapon sa bangketa ang mga biktima na bagamat naisugod sa ospital ay hindi na umabot nang buhay.

Ayon kay Police Master Sergeant Carlito Bantug Jr., Tayabas police investigator, parehong walang suot na helmet ang mga biktima.

Samantala, tatlo ang namatay sa banggaan ng isang passenger van at trailer truck sa national road ng Barangay Naruangan, bayan ng Tuao, Cagayan province, Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang drayber ng van na si Arnel Ulakit habang sa ospital na pumanaw si Michael Ulakit at ang isang babae na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Police Staff Sergeant Voltaire Cabbangan, Tuao police investigator, pitong pasahero ang nasaktan sa aksidente na isinisisi rin sa malakas na pag-ulan sa lugar na nagdulot ng madulas na kalsada.

Lumabas sa imbestigasyon na kumabig ang drayber ng trak na si Jessie Dumenden sa linya ng van matapos na iwasan nito ang nakalaylay na kawad ng kuryente sa kanyang daraanan.

Please follow and like us:
Read More

TATAY NA RAPIST NG ANAK, BUMUGBOG SA MISIS, ARESTADO 

(NI ANNIE PINEDA)

HIMAS-rehas ang isang tatay matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa sariling anak na babaeng menor de edad at pambubugbog sa kanyang asawa, sa probinsya ng Quezon.

Nahaharap ngayon sa kasong Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o R.A. 9262 at Stronger Deterrence and Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination o R.A. 7610 ang suspek na si alyas Barok, 53, ng Brgy. Poblacion, Guinyangan Quezon.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Works and Development (DSWD) ang mag-inang biktima.

Sa reklamo ng ina, matagal na siyang sinasaktan ng kanyang asawa lalo na kapag hindi niya nagawa ang mga utos nito.

Dahil dito, hindi na rin nakayanan ng menor de edad na anak na babae ang ginawa ng kanyang ama kaya’t naglakas-loob na rin na magsumbong sa ina na ginahasa siya ng sariling tatay.

Hindi na nagdalawang-isip ang ina, at agad na sinama ang anak sa himpilan ng pulisya at nagsampa ng reklamo laban sa suspek na nagresulta ng agaran nitong pagkadakip.

“Hangga’t kaya ko pa at nakakatayo pa ako sa tuwing sinasaktan niya (suspek), pero kapag usapan anak , na anak pa niya mismo ay nagawa niyang babuyin ay hindi ko na mapapalampas pa,” ani pa ng ina.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAWIGAN NG QUEZON NAGDEKLARA NA NG STATE OF CALAMITY

el1

(NI DANN RIVERA)

NAGDEKLARA na ang lalawigan ng Quezon ng state of calamity bilang tugon sa mga pangangailangang pang-agrikultura ng mga magsasaka sa probinsya upang maihanda sa mas malaking panganib at epekto ng El Niño.

Ito ang naging hakbangin ni Gobernor David Suarez kung saan ayon sa datos, nasa P1.3 bilyong na ang naitalang agricultural damage sa bansa dulot ng El Niño, samantalang tinatayang nasa higit P140 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

Sa isinagawang Farmers and Annual Livelihood and Induction of New Officers ng mga magsasaka sa Brgy.Ayusan Uno sa bayan ng Tiaong, sinabi ni Suarez ang kahalagahan ng mabilis at maagang paghahanda para sa epekto na maaari pang idulot ng El Niño higit sa produksyon ng palay,mais at iba pang mga panananim.

Isa sa solusyon dito ng pamahalaang panlalawigan ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga agricultural equipment katulad ng water pump at irrigation system.

Ayon kay Suarez agad siyang nagpatawag ng special session kasama rito ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang talakayin ang kasalukuyang epekto nito sa lalawigan upang agad-agad ay magamit ng probinsya ang calamity fund para makabili ng mga equipment at maitugon sa pangangailangan ng mga magsasaka higit lalo ang mga magniniyog .

Patuloy namang sinusuportahan ng pamahalaang panlalawigan ang produksyon ng mga organic fertilizer sa bawat bayan ng Quezon na inaasahang iaangkat sa probinsya bilang karagdagang pagkakakitaan ng mga magsasaka.

 

Please follow and like us:
Read More

P182-K NARRA HOT LOGS NAREKOBER SA QUEZON

troso1

(TEKSTO/PHOTO BY JUN V. TRINIDAD)

BURDEOS, Quezon – Patuloy na ginagahasa ang mga natitirang puno sa kabundukan ng Polillo island sa lalawigan ng Quezon matapos marekober ng mga awtoridad ang abandonadong narra hot logs sa bayang ito noong Biyernes,

Sa report ng Quezon police, natagpuan ng magkasanib na puwersa ng forest rangers at pulisya ang abandonadong bagong putol na puno ng narra sa Barangay Aluyon dakong alas 3:00 ng hapon.

Ang mga kahoy na iligal na pinutol ay may kabuuang sukat na 365 board feet at tinatayang nagkakahalaga ng P182,000 sa underground market.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang tukuyin ang mga illegal loggers na nasa likod ng mga abandonadong kahoy.

Noong Enero 29, narekober din ng mga tauhan ng pamahalan ang 137 troso ng narra na may kabuuang sukat na 2,188 board feet sa Barangay Caniwan sa bayan din ng Burdeos.

Ang mga hot logs mula sa isla ay ibinabyahe sakay ng bangka patungo sa bayan ng Mauban upang dito magsimula ang pagdadala ng mga iligal na kahoy sa mga destinasyon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Calabarzon region.

Ang Polillo island sa harap ng Pacific Ocean ay may tatlong bayan – Polillo, Burdeos at Panukulan.

Noong 1950s hanggang 1980s ay kinalbo ng commercial logging ang kabundukan sa isla na ngayon ay may nalalabi na lang 19 porsyento ng kanyang dating kabuuang forest cover.

Please follow and like us:
Read More