7 TANOD SA RAPE, KOTONG, KALABOSO SA QC

(NI FRANCIS SALCEDO)

ARESTADO ang pitong tanod ng barangay Commonwealth, Quezon City dahil sa umano’y pangingikil sa isang drug suspect at panggagahasa sa asawa nito, Martes ng gabi.

Inireklamo ng ginang na si alyas Susan ang pitong suspect  makaraamg pasukin ng pitong tanod ang kanilang tahanan nitong Biyernes at sapilitang  inaresto ang kanyang asawa, dahil kasama umano ito sa drug watch list.

Pagsapit sa barangay hall, iginiit umano ng mga suspek na may nakuhang shabu sa asawa ni Susan at hiningian ito ng P50,000 para hindi ikulong.

Dahil wala silang pera, inialok na lang ng mag-asawa ang kanilang motorsiklo sa mga tanod. Pero inutusan din ng mga tanod si Susan na maghagilap ng pera sa mga kaanak.

Sinamahan ng mga tanod si Susan, pero sa halip na magtungo sa kaanak nagulat na lang aniya siya nang sapilitan siyang dalhin sa motel, kung saan siya halinhinang ginahasa ng dalawa sa mga suspek.

Ipinatubos din aniya ng mga suspek sa mag-asawa ang kanilang sariling motorsiklo sa halagang P30,000.

Dito na nagsumbong ang mag-asawa sa police Criminal Investigation and Detection Group.

Martes ng gabi una nang naaresto ng mga operatiba ng CIDG ang tatlo sa suspect , kabilang ang isa sa mga gumahasa umano kay Susan na kinilalang sina Nelson Tuo  , Ricardo De Asio, Erwin Ven.

Samantala kusa naman isinuko ng kanilang barangay chair Manuel Co ang apat na suspect na sina Tolentino Saliao, Eliseo Cayago, at Gienard Dayao.

Narekober sa kanila ang mga drug paraphernalia na itinanim  sa mag-asawa.

Inihahanda na ng CIDG ang reklamong rape at robbery extortion laban sa pitong suspect.

 

Please follow and like us:
Read More

JEEP VS TRAK: 2 PATAY, 14 SUGATAN

(NI FRED SALCEDO)

Dead on the spot ang dalawang pasahero ng jeep habang sugatan naman ang 14 na pasahero nang  salpukin ng rumaragasang cargo truck ang pampasaherong jeep, Miyerkoles ng madalingg  araw sa Mindanao Ave., Quezon City.

Ayon kay Police Staff Sgt. Andy Sotto ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, nangyari ang aksidente sa kasagsagan ng maulang panahon galing Sangandaan ang jeep na pa-U-turn sana sa St. James Mindanao Ave.

Namatay agad ang isang lalaking pasahero na kinilalang si Jay Rufino Pamplina, service crew at Mark Angelo Bernardo, na hindi rin nakaligtas habang ginagamot sa ospital

Kinilala ang driver ng jeep (NYD 783)na si Lewelyn Jaud na inararo ng rumaragasang cargo truck na  may plakang WLF 513 na minamaneho naman ni Herjun Panero na patungo sa Valenzuela.

Sa lakas ng pagkakabangga, humampas pa sa poste ang jeep dahilan kaya’t tumilapon ang mga pasahero ng jeep. Nayupi rin ang likurang bahagi nito habang basag ang windshield ng trak. Nagkalat naman sa kalsada ang mga gamit ng mga pasahero.

Samantala nagtamo rin ng sugat sa ulo si Jaud habang naipit naman sa trak si Panero.

Ayon kay Mark Gatchalian, pahinante ng trak, gagarahe na sana sila sa Valenzuela City matapos mag-deliver ng sabon sa Las Piñas City.

Giit pa niya, hindi inaantok si Panero at mabagal din umano ang kanilang takbo. Hindi lang daw nila napansin ang jeep at sinubukan pa nilang mag-preno pero sumalpok na ito.

Kasalukuyan pang inoobserbahan ang mga pasaherong isinugod sa ospital habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

BIGTIME TULAK NG P27-M SHABU PATAY SA ENCOUNTER

(NI KOI HIPOLITO)

DEAD ON THE SPOT  ang isang bigtime na tulak ng ipinagbabawal na gamot nang makipagbarilan sa mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at ng PDEA-NCR Regional Office na nagsagawa ng drug buy-bust operation, Linggo ng umaga, sa kahabaan ng P. Tuazon Ave., corner 18th Ave., Brgy. San Roque sa Quezon City.

Nakilala ang napatay na si Edgardo Alfonso,ng  Brgy. Tramo sa lungsod ng Pasig.

Base sa ipinadalang report ni RDEU Chief PMaj. Ferdinand Mendoza kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, nakipagtransaksyon ang suspek sa isang undercover agent subalit nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon at biglang bumunot ng dalang kalibre .45 na baril at pinaputukan ang pulis bago nagtatakbo patungo sa direksyon ng Del Pilar St.

Nagpatuloy na nakipagpalitan ng putok sa mga humahabol na mga otoridad ang suspek hanggang makorner at mapatay.

Narekober malapit sa bangkay ng suspek ang 4 piraso ng zip lock plastic bags na naglalaman ng tig-isang kilo ng mga pinaghihinalaang shabu kada isa na may kabuoang street market value na P27.2 milyon, 15 bundles ng P1,000 sa  halagang P1.5 milyon marked money, isang cal.45 pistol na may laman na isang magazine at mga basyo ng bala para nabanggit na kalibre ng baril.

Sinabi ni General Eleazar na isa ang napatay na suspek sa target ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga at kasama rin ito sa NCRPO Case Operational Plan at miyembro din umano ang suspek ng mga sindikato na nagpapakalat at nag-o-operate ng illegal drug trade sa buong Metro Manila.

 

Please follow and like us:
Read More

3 PATAY NA BABOY SA  SAPA POSIBLENG MAY ASF

(NI PAOLO SANTOS/PHOTO BY CJ CASTILLO)

BUNSOD ng masangsang na amoy, tatlong  patay na baboy ang nadiskubre matapos itapon sa isang creek sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan, dakong alas 11:30 ng umaga nang madiskubre ang mga patay na baboy sa isang creek sa kahabaan ng Lingayen St., Area 5 Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan.

Sinabi sa ulat ng pulisya na isang Arnold Llantino, 51, ng Brgy. Silangan, ang nag-report sa mga awtoridad sa natagpuang patay na baboy sa naturang creek.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Batasan police, sa pangunguna nina PMajor Sandie Caparroso, PCapt. Francisco Lucena at pinuntahan ang naturang lugar.

Kaugnay nito, bago ang pagkakadiskubre sa mga patay na baboy, ilang residente sa lugar ang nakaamoy nang masangsang na nagmumula sa naturang creek.

Dumating din sa naturang lugar ang doctor ng Bureau of Animal Industry, sa pangunguna ni Dr. Oscar John Cabanayan, kasama ang limang iba pa sa lugar, para kumuha ng sample sa specimen ng mga naturang baboy na natagpuan.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang mga naturang baboy ay namatay dahil sa hinihinalang African Swine Flu virus.

Nakatakdang sunugin ang mga naturang patay na baboy matapos i-turn over sa Bueau of Animal Industry ang mga ito.

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINURDAHAN NG SAKSAK SA KATAWAN

(NI LILY REYES)

LABINLIMANG tama ng saksak  sa  iba’t ibang parte ng katawan  ang  tumapos sa buhay   ng isang hindi kilalang babae, Linggo ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa isang saksi, bigla na lang umanong  nagtatakbo ang biktimang nakilala lang sa pangalang  ‘Apple’    palabas galing sa looban ng Agham Road at humingi   ng tulong pasado alas- 9:00 ng  Linggo ng gabi.

Sumakay umano ang babae  at naupo  sa isang nakaparadang  pedicab  makalipas ang ilang saglit ay  nawalan ng malay  ang babae  at bumagsak doon din.

Karamihaan umano ng tama ng saksak ng biktima ay sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Bakas pa ang dugo sa eskinita sa Sitio San Roque kung saan sinasabing nanggaling ang biktima nang dumating ang mga   imbestigador ng Quezon City Police District.

Napag-alamang tatlong araw pa lang umanong  umuupa doon si ‘Apple’ kasama ang asawa na suma-sideline bilang jeepney driver.

Ayon sa may-ari ng paupahan, nakausap pa niya ang asawa ng biktima para sabihin ang nangyari.

Tumanggi raw itong puntahan ang kanyang asawa at baka madamay at patayin din daw siya.

Hinahanap ngayon ng mga pulis  ang asawa ng biktima para makakuha ng karagdagang detalye.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-ACTRESS DEBORAH SUN, ANAK, 2 PA HULI SA DROGA  

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

HULI sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD)  ang  dating aktres na si Deborah Sun at anak nito, kasama ang dalawa pa, Linggo ng madaling araw, sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Nakapiit sa Police Station 8 ng QCPD  ang aktres na si  Jean Louise Salvador,  lalong kilala sa pangalang Deborah Sun, 60, ang anak nitong si  Angela Salvador, 45, Gonzalo Gonzales, 49,  at Gerald de Guzman, 53, kapwa mga nakatira sa  Unit 803 Royal Mansion Mont Real St., Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon kay  QCPD-PS-8 Commander, P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, nakatanggap umano sila ng impormasyon na ang mga suspek ay  may  ginagawang iligal sa nasabing unit kung kaya agad sila nakipag-coordinate sa  PDEA-NCR  at agad na ikinasa ang buy bust operation.

Nang matiyak na nasa loob na ng nasabing unit ang mga suspek ay  agad  na isinagawa ang buy bust operation kung saan ay  naaktuhan ang  suspek na  si De Guzman na nakikipag-abutan ng droga sa poseur buyer  na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga  suspek.

Nakumpiska  mula  sa mga suspek ang humigit sa isang gramo ng shabu na tinatayang nasa P6,800  at ang  P1,000 marked money.

Sinampahan ng mga kasong  Violation Of Sec.  11 and 12 ang apat na suspek  na bukod sa Sec. 11 and 12 ay may kasama pang Sec. 5 ang suspek na si De Guzman.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAKAPIRING, NAKAPOSAS, PINATAY SA QC

shooting incident123

(NI LILY REYES)

WALANG awang pinatay ang isang hindi kilalang lalaki  habang ito ay naka piring  at nakatali ang mga kamay ng barilin at saksakin kahapon ng madaling araw sa Quezon |City.

Sa report PLt.Col. Elmer Monsalve, hepe ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), tinatayang  nasa 30 – 40 anyos ang edad ng hindi pa nakikilalang biktima, 5”0’ ang taas, naka suot ng brown  na sando at maong na short at may  tattoo sa noo na   ‘Richard Soria’ at “mommy Lea at Tikla” naman sa dibdib  at  ‘GOD is good at all time’ sa may tiyan.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Juvy Fallasgon ng CIDU, bandang alas 4:00 kahapon ng madaling araw ay nakarinig umano ng sunod-sunod na putok si  Jose Macarisas, habang nag-iigib ng tubig.

Agad na pinuntahan ni Macarisas ang pinagmulan ng mga putok ng baril sa may Quirino Highway  Brgy. Balongbato, at tumambad sa kanya  ang duguang bangkay ng biktima na naka piring, nakatali ng nylon cord ang dalawang kamay, may 27 tama ng bala  at mga saksak sa katawan.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Macarisas, namataan niya ang armadong lalaki na mabilis na sumakay sa isang Pajero na hindi niya na plakahan bago humarurot sa may Qurino Highway.

Ayon sa CIDU, dalawang araw lamang ang pagitan dahil isang bangkay din ng babae  ang pinagbabaril habang nakaposas  bago itinapon sa nasabing barangay.

Dahil dito, ay mahigpit na ipinag utos ni  QCPD Director PBrig. Gen. Joselito T. Esquivel , sa ang 12 station commander na  na maging alerto at regular na magmanman sa kanilang nasasakupan laban sa  mga kilabot na kriminal.

 

Please follow and like us:
Read More

BIR EXEC NILOOBAN NG ‘GAPOS GANG’

(NI TJ DELOS REYES)

PATULOY na nagsasagawa ng follow-up operation ang Quezon City Police District (QCPD) sa limang armadong kalalakihan na nanloob sa tahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) executive at Iginapos ang kanyang mister, anak, at kasambahay, Miyerkoles  ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Franco Oqueseña Iglesias, 59,  businessman,  misis niyang si Gilda Balmeo Iglesias,  55,  Assistant Division Chief (Large Tax Payer Division), anak na si  Donn  Jericho, 21, at kasambahay na si Jessa Espana Mae, 20, dalaga, tubong  Agusan Del Sur.

Base sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng mga biktima Brgy. West Kamias.

Lumalabas na kadarating lamang umano ng mag-asawang Iglesias sa kanilang tahanan sakay ng kulay itim na Toyota Fortuner (PQM-418) at ipinarada sa loob ng kanilang garahe.

Sinasabi na isasara na ng kasambahay ang gate nang biglang sumulpot ang limang kalalakihan na pawang armado ng baril at itinulak papasok ng bahay ang housemaid.

Mabilis na iginapos ng duck tape ang kasambahay at ang opisyal ng BIR maging ang mister at anak nito saka nag-ikot ng bahay ang mga suspek at tinangay ang P 125,000.00 cash, mga mamahaling alahas, cellular phones at gadgets.

Makaraan na malimas ang mga mahahalagang gamit ay tumakas ang mga suspek gamit ang sasakyan ng mga biktima at isinama pa ang negosyanteng si Franco na nakatali rin ang magkabilang kamay sa loob ng Toyota saka inabandona sa harapan ng  No. 168 RB Mansion E Rodriguez Brgy. Bagumbayan ng nasabing lungsod.

Nang makaalis ang mga suspek ay nagawang makalabas ng sasakyan si Franco at humingi ng tulong sa  security guard ng mansion na nakilalang si Reynante Fajarito na siya namang nag-report sa pulisya.

Agad namang inimbitahan ng pulisya ang BIR official at inilarawan nito ang dalawa sa limang suspek na nanloob sa kanilang tahanan na ngayon ay subject ng manhunt operation ng kapulisan.

 

Please follow and like us:
Read More

AWOL NA PULIS-PRO ARMM, TODAS SA TANDEM SA QC

(NI TJ DELOS REYES)

TODAS ang isang pulis na nakatalaga sa Police Regional Office- Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) matapos na pagbabarilin ng riding in tandem Huwebes ng hapon sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Michael Pernecita Delos Reyes, 36, may asawa, ng  Block 2, Lot 26 GK Sitio Pajo, Brgy. Baesa.

Base sa ulat, dakong 1:28 ng hapon nang maganap ang insidente sa Taal St. Brgy. Alicia Bago Bantay ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng saksing na si Richard Muyrong Osita,  tricycle driver, nagulat na lamang siya nang tapatan ng dalawang lalaki na sakay ng itim na motorsiklo at kapwa nakasuot ng helmet, ang nasabing pulis na sakay din ng motorsiklo saka sunud-sunod na malapitang pinaputukan.

Lumalabas na susunduin sana ng pulis ang kanyang mga anak sa paaralan nang mangyari ang krimen.

Narekober sa crime scene ang pitong piraso ng basyo ng bala ng  caliber .45;  deformed slug, at fragment ng fired bullet.

Nabatid na dating nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7 si Delos Reyes  subalit itinapon ito sa PRO-ARMM noong 2017 subalit nag-Awol na ito. Patuloy ang isinasagawang imbestgasyon ng pulisya upang malaman kung ano ang motibo sa  pamamaslang sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

INAWAY ANG ASAWA, MISTER NAPATAY NG TIYUHIN

crime143

(NI TJ DELOS REYES)

PATAY ang isang mister matapos saksakin ng mismong tiyuhin nito makaraan ayaw magpaawat sa pang-aaway sa kanyang asawa, Sabado ng gabi sa Quezon City.

Kinilala  ang biktima na si Egie Asuncion, 27, construction worker, ng Joan of Arc St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Patuloy naman pinaghahanap ng kapulisan ang tiyuhin ng biktima na  si Jimuel Sadidul, 41, binata, na agad na tumakas.

Base sa ulat, dakong alas-7:05 ng gabi ,nag-away umano ang biktima at ang kanyang misis na nakilalang si Rona Jane sa loob ng kanilang tahanan.

Dahil sa ingay ay gumitna ang tiyuhin at inawat ang mag-asawa sa pag-aaway pero sa halip na huminto ang biktima ay mas lalong nagalit at pinaghahampas pa nito ang kanyang misis hanggang sa magtago sa ilalim ng mesa ang babae.

Lumabas ng bahay si Asuncion na may dalang back pack subalit hinabol ito ng kanyang tiyuhin at doon ay inundayan ng malalim na saksak sa ilalim ng kili-kili.

Nang marinig ng misis ang sigaw ng mister ay lumabas ito sa kaniyang pinagtaguan at doon ay nakita niyang duguang nakabulagta ang asawa.

Naisugod pa ang biktima sa Novaliches General Hospital subalit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO NAGBARIL SA ULO

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa matinding depression, tinapos na ng isang lolo ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Justiniano Malinana, 81, residente ng No. 98 Salvador St. Brgy. 150, Baesa.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon nang matagpuan ng kanyang anak na si Marivic Enriquez, 54, ang kanyang ama sa loob ng kuwarto nito na duguan na may tama ng bala sa ulo at wala na itong buhay.

Dahil dito ay agad humingi ng tulong sa kanyang mister si Enriquez bago mabilis na isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 22 revolver na kargado ng isang basyo ng bala at dalawang hindi pumutok na bala at suicide note kung saan nakasaad ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

SCHOOL HEAD, BGY OFFICIALS SA QC PWEDE NANG MAGSUSPINDE NG KLASE

(NI JEDI PIA REYES)

PUPUWEDE nang magpalabas ng sariling desisyon patungkol sa suspensyon ng klase ang mga pinuno ng mga paaralan at barangay kapag masama ang panahon.

Ayon sa Quezon City Public Affairs (QCPA), naipabatid na sa School Disaster Risk Reduction and Management Councils (SRDDMC) ng lungsod ang nasabing hakbang, alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd).

Binigyang-diin ng QCPA na ang mabilis na pagdedesisyon ay makatutulong upang maiwasang mayruong masaktan o magbuwis ng buhay dahil sa epekto ng Habagat o bagyo at iba pang sakuna.

Maging ang mga lider ng barangay ay pinapayagan ding magsuspinde ng klase at trabaho sa kanilang nasasakupan kung may makatwirang pre-disaster risk assessments.

“The barangays, through their chairpersons, may declare suspensions,” ayon kay Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) head Mike Marasigan.

Ang mga pinuno ng eskuwelahan at barangay ay inaatasan na agad na magsumite ng ulat sa QCDRRMO patungkol sa kanilang desisyong magsuspinde ng klase.

Nauna na ring nagpalabas ng Memorandum Circular No. 1 si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagtatakda ng mga panuntunan patungkol sa localized na suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno.

Kinakailangan lang na mai-anunsyo ang suspensyon ng 4:30 ng madaling araw para sa mga pang-umaga at hindi lalagpas ng alas-11:00 ng umaga para sa mga panghapong klase.

Please follow and like us:
Read More

GINANG NABAGSAKAN NG PUNO, PATAY 

crime145

(NI LILY REYES)

PATAY  ang 38-anyos na ginang makaraang mabagsakan ng  malaking puno ng kahoy, Biyernes ng  madaling araw sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC)  ang biktimang  si  Omayra  Sumala, ng  Brgy. UP, Diliman, Quezon City.

Sa report ng  Crimial Investigation and Detection Unit (CIDU)  ng Quezon City Police District  ( QCPD), ang insidente ay naganap bandang alas  4:30 ng madaling araw  habang kasagsagan ang malakas na ulan.

Natutulog umano  ang biktimang si Sumala sa kanilang  kuwarto katabi ang  dalawang  anak at asawa nang bumagsak ang puno sa kanilang bahay at madaganan ang biktima.

Nagtamo naman ng mga gasgas sa katawan  ang  dalawang anak at asawa nito.

 

Please follow and like us:
Read More

2 HOLDAPER NAKIPAGBARILAN, PATAY SA MGA PULIS

(NI LILY REYES/PHOTO BY JIMMY CARBO)

TUMIMBUWANG  at patay ang dalawa  sa tatlong kilabot na holdaper makaraang biktimahin  ang  lady trader at technician sa Novaliches, Quezon City, bago mag hating gabi kahapon.

Base  sa report ni PLt.Col. Rossel I. Cejas,  bandang  alas -11:30 Huwebes ng gabi  nang holdapin ang dalawang  biktima  ng tatlong  suspek na magkakaangkas sa motorsiklo sa may Andrew St., cor. Jude Maris St., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Kinilala ang dalawang biktima na si Dulce Austria, businesswoman at Felix Valesteros, technician na pawang residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches ,QC.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bandang alas 11:30 ng gabi nang tutukan ng baril at holdapin ng tatlong suspek ang mga biktima habang naglalakad sa  Dela Cruz St. sa nasabing barangay.

Mabilis naman nakapagsumbong  sa pulisya ang dalawang biktima kung saan agad na nakaresponde ang mga operatiba ng Novaliches Police Station PS4 at namataan ang tatlong holdaper na tumatakas  gamit ang motorsiklo na walang plaka.

Mula sa Dela Cruz St., hinabol ng rumespondeng otoridad ang tatlong armadong holdaper  at nasukol ang mga ito. Gayunman, sa halip sumuko, nanlaban ang mga ito dahilan ng kanilang kamatayan.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO HULI SA BUY BUST SA QC

(NI JEDI PIA REYES)

KALABOSO ang isang aktibong sundalo gayundin ang dalawang iba pa sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Natukoy ang suspek na sundalo na si Staff Sergeant Rector Baguioso, miyembro ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army at kasama niyang dinampot sina Don Samson at Marilyn Gomez.

Nabatid mula kay Quezon City Police District Station 11 Commander Police Colonel Alex Alberto, target ng operasyon sina Samson at Gomez na una nang nabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng isang poseur buyer sa bahagi ng Leo Street ng nasabing barangay.

Gayunman, naabutan din na bumibili umano ng ilegal na droga ang sundalong suspek kaya’t maging siya ay dinampot.

Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Maaaring maharap sa kasong administratibo maliban sa kasong kriminal ang suspek na sundalo.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS PINUGUTAN NG MISTER DAHIL SA SELOS

(NI TJ DELOS REYES)

LABIS na selos ang tinuturong dahilan ng isang mister kung bakit nito nagawang barilin, pagsasaksakin saka pinugutan ang kanyang live-partner, Miyerkoles ng hapon sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Alejandro Baltazar Llano, 34, walang trabaho, residente ng Arba St. corner Munoz St, Barangay Batasan Hills, ng nasabing lungsod habang nakilala naman ang biktima na si Maricel Alejo, kinasakasama ng una.

Ayon kay Batasan Police Station 6 Commander P/Lt. Col Joel Villanueva, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa mismong tahanan ng mag-asawa.

Lumalabas na isang tawag ang natanggap ng kapuilisan mula sa barangay kung saan mayroon isang lalaki na armado ng baril na naglalakad sa kalsada.

Agad na nagresponde sa lugar ang mga kapulisan subalit nagawa pang i-hostage ni Llano ang anak nito na tatlong taon gulang.

Sumisigaw naman na humihingi ng tulong ang anak na babae habang nasa sa loob ng bahay at sinasabi na patay na ang kanyang ina.

Ilang minuto rin ang tumagal ang negosasyon bago tuluyang sumuko ang suspek sa pulisya.

Nang inspeksyunin ang tahanan, nakita ang katawan ni Alejo sa loob ng banyo na nagtamo pa ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan habang ang ulo naman nito ay nakita sa kusina.

Kasalukuyan nasa pangangalaga ng ng Police Station 10 si Llano at nakatakdang sumailalim sa drug test.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG OPISYAL NG CPP-NPA ARESTADO SA QC

(NI LILY REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

NAARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang mag-asawang  umano’y mataas na opisyal ng CPP-NPA, sa bisa ng dalawang search warrant  na ipinalabas ni Executive Judge  Cecilyn  Burgos – Villabert  .

Kinilala ni QCPD Director, PBrigGen.  Joselito Esquivel,Jr. ang mga naarestong suspek na sina Winona Marie Onate  Birondo, 60, umano’y  Secretary General ng Communist  Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA), National Propaganda  Commission at ang asawa nitong si Alexander Ramonita  Kintanar Birondo, 67, umano’y staff din ng National Education Commission at kapwa ng Block 5 Lot Strauss St., North Olympus Subd. Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Sa press briefing sa Camp Karingal, sinabi ni NCRPO Chief,  P/Major General Guillermo Eleazar, naghain umano ng search warrant ang mga operatiba ng District Special Operations Unit  (DSOU) sa isang  Rolando Caballero,  alyas Jet, na may kasong murder ngunit  hinadlangan umano ng mag-asawang Birondo  kung kaya nakatakas  ang suspek na si Caballero .

At dahil sa pagkakatakas ni Caballero ay  inaresto ng mga pulis ang mag-asawang Birondo  at ng I verify ng mga pulis  ang pagkatao ng dalawa ay  saka lang nalaman na  may partisipasyon pala ang mga ito sa CPP/NPA.

Nakuha ng mga pulis sa pag-iingat ng mag-asawang opisyal ng CPP/NPA ang  1 cal 45 pistol, at mga bala ,1 MK2 hand grenade ,1 rifle  grenade, 40 MM explosive at 1 rolyo ng detonating  cord .

Ang mag-asawang  Birondo ay sinampahan ng mga kasong Direct Assault  at paglabag sa  PD 1829 na mas kilala  bilang penalizing  Obstruction  of Apprehension  and  Prosecution  of Criminal Offenders.

Ayon kay Esquivel, ituturing ng QCPD  na ordinaryong  mga suspek ang mag-asawang opisyal ng CPP/NPA, sa kabila  ng pagiging matataas na opisyal  ng rebeldeng grupo.

Sinabi pa rin ni Esquivel na  posibleng  ihalo pa nila ang mag-asawa sa 200 ordinaryong mga preso ng Masambong Police Station 2 ng QCPD.

Nilinaw  naman ni Eleazar, na ‘by  chance’ at walang kinalaman  sa pagiging  local  terrorist ang Birondo couple ang pag-aresto sa kanila kundi dahil sa kasong obstruction of justice .

Napag-alaman na  halos isang buwan pa lamang nakatira  sa Brgy. Mariblo, San Francisco Del Monte  ang mag-asawang opisyal ng CPP/NPA/NDF.

Sa ngayon ay hindi inaalis ng QCPD-NCRPO  ang posibilidad na may kinalaman  sa mga paghahanda  ng makakaliwang grupo  sa katatapos na SONA  ng Pangulo at posibleng ito rin ang dahilan kung bakit nasa Metro Manila ang mag-asawa.

Napag-alaman din na ang mag asawang Birondo  ay naaresto na noong Marso 4, 2015, kasama ang ilang  CPP/NPA Central Committee member na si Ruben Saluta pero pinalaya rin dahil kasama sila sa mga NDF consultants sa naunsiyaming  peace talks sa Oslo, Norway.

Please follow and like us:
Read More

BABY NALUNOD SA BALDE NG TUBIG, PATAY

CRIME12

(NI LILY REYES)

PATAY na nang matagpuan ng kanyang tiyahin ang isang taong gulang na batang babae sa loob ng kanilang banyo matapos na umano’y malunod sa isang balde ng tubig sa Quezon City, Biyernes ng gabi, ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo.
Kinilala ni PCapt. Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang biktima na si Trisha Mae Rosana Cojo, ng 27 Sampaguita St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Alvin Quisumbing, ng CIDU-QCPD, nadiskubre lamang ang nakahandusay na bata sa tabi ng balde ng tubig ng kaniyang tiyuhin na si Marlon Rosana, bandang alas-7:00 ng gabi noong nakalipas na July 19.

Agad namang isinugod sa Malvar General Hospital ang bata subalit binawian din ito ng buhay bandang alas-8:01 ng gabi noon ding Hulyo 19, dahil sa pagkalunod, ayon kay Dr. Zenia Verzosa.

Una dito, ay inutusan ni Analyn Cojo, ina ng biktima ang kanyang panganay na anak na nakilalang si Noelyn na tingnan ang kanyang bunsong kapatid dahil nagluluto siya ng kanilang hapunan.

Ayon sa pulisya, posibleng hindi napansin ng mga kasama sa bahay na pumasok sa banyo ang bata at naglaro ng tubig sa balde at doon ay nalunod saka tumumba ang timba kaya nasa semento na ang bangkay ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA NADAGANAN NG JEEP

(NI LILY REYES/PHOTO BY ED CASTRO)

MALUPIT na kamatayan ang sinapit ng isang empleyada makaraang madaganan ng tumagilid na pampasaherong jeep habang  sugatan ang pitong pasahero, Sabado ng umaga kahapon sa Quezon City.

Kinilala ni PMajor Aldrin M. Enrico, hepe ng QCDTEU – Traffic Sector 4 ang biktima na si  Jocelyn Flores, 35, dalaga, empleyada at nakatira sa Phase 1, Blk. 1, Lot 11, Makaturing St., Brgy. Manresa, Quezon City.

Si Flores ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Capitol Medical Center dahil sa tinamong matinding pagkalasog ng likod nang madaganan ng pampasaherong jeep.

Ang mga sugatang pasahero ng Izuzu Jitney na my plakang PAB- 388 na sina Amit Albent, Catherine Romeo, Jonatahn Baliane, Rosemarie Orgona, Aheryn Tupaz, Jaz Bagumbayan at Dave Cordero.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting  to homicide, multiple injuries at damage to properties ang nakapiit sa Traffic  Sector 4 na si Angel Fabrero, 53, driver ng jeep (PAB–388) at Alfred Gallosa, 41, driver ng truck na may plakang CAE – 1961.

Base sa report ni Patrolman John Dave Mallilin, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente sa kahabaan ng Timog Ave. bandang alas 7:40, ng Sabado. Binabaybay  umano ng pampasaherong jeep ang Timog Ave.  na minamaneho ni Fabrero patungo sa Scout Tuazon St., nang bigla  na lamang itong  sinalpok  ng sumunod na truck na minamaneho ni Gallosa.

Sa lakas ng pagkakasalpok ng truck sa likurang bahagi ng PUJ  ay tumagilid ito.

Please follow and like us:
Read More

SUNTUKAN SA BUS: SSS EMPLOYEE PATAY SA SEKYU

(NI TJ DELOS REYES)

NAMATAY ang isang empleyado ng Social Security System (SSS) matapos suntukin ng security guard sa batok, na nakaalitan nito sa pampasaherong bus Huwebes ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Robin Corpuz Rosales, 48, may asawa, at residente ng Blk 8, Lot 27, Soldiers Hills, Tala Caloocan City.

Nadakip ang suspek na si Dionicio Luyas Dilubio, 23, binata, ng Marban Security and Investigation Agency, Inc. ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Base sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Edsa Kamuning kanto ng Kamias Road, Brgy. West Kamias.

Sakay ng pampasaherong bus si Rosales kasama ang kanyang misis na nakilalang si Leiya, nang magkabanggaan sila ng suspek na lulan din sa nasabing bus.

Ang simpleng banggaan ng katawan ay nauwi sa suntukan sa loob ng bus hanggang sa awatin ang dalawa ng mga pasahero.

Dahil dito, nagdesisyon na lamang si Rosales at ang misis nito na bumaba sa bus subalit habang patungo sa Victory Liner terminal ay sinundan siya ni Dilubio at sinuntok sa batok.

Tumumba sa kalsada ang biktima at nawalan ng malay kaya isinugod sa Philippine Heart Center subalit binawian din ng buhay dahil inatake pala ito sa puso.

Nakapiit na sa QCPD ang suspek at nahaharap ito sa kasong murder.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BEBOT DAKIP SA ‘BAHAY FOR SALE’ SA FB

arrested12

(NI TJ DELOS REYES)

NALAMBAT ng Quezon City police District ang dalawang babae na ang modus operandi ay kukunan ng picture ang isang bahay at ibebenta ito sa internet.

Ayon sa nakarating na ulat kay NCRPO Director Major General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga suspek na sina Christina Santos Pablo, 49, digital marketing specialist, ng San Vicente St., Camarin, Caloocan, at Jocelyn Dela Cruz Rendon, digital marketing specialist, Brgy. Sta. Lucia, Novaliches ay inireklamo nina Gil Mendoza Villanueva, 52, pangulo ng Home Owner’s Association at residente ng Block 2, Lot 3, Villa Hermano 3, Princess Home Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches, at Maria Fatima Samaniego, Human Resources II employee, at naninirahan sa Blk. 4, Lot 3-1, ng nasabi ring subdibisyon.

Lumalabas na inireklamo ni Samaniego sa pangulo ng kanilang homeowners ng subdibisyon si Rendon nang i-post umano nito ang bahay ni Samaniego sa online selling  sa  Market Place/Facebook.

Agad namang umaksiyon si  Villanueva at kasama si Samaniego ay nagpanggap silang buyer at doon ay nakumpirma nilang ibinebenta ang tahanan na pag-aari ng biktima sa halagang P3, 780,000 at ang down payment ay P 1, 208, 400.

Sa gitna ng transaksiyon, humihingi umano si Rendon ng P39,000 sa biktima para sa reservation fee at napagkasunduan na sa SM Novaliches magbabayaran kung saan naaresto ang dalawa sa ‘entrapment’ operation ng mga operatiba ng Anti-Cyber Crime ng QCPD.

Nakapiit na ang mga suspek habang nahaharap sa kasong paglabag sa estafa (Swindling) at unjust vexation in Relation to Section 6 ng RA 10175.

 

Please follow and like us:
Read More

P3.4-M DROGA NABAWI SA LIVE-IN PARTNER

ARRESTED-9

HULI ang maglive-in partner matapos silang ituro bilang mga supplier ng mga naunang naarestong pusher sa Quezon City.

Sa follow-up operation ay nahuli ang mag-live in sa Barangay Manggahan, Pasig City kung saan nasamsam ang nasa kalahating kilong hinihinalang shabu.

Hindi na nakaporma pa sina alyas Mark, 28, at live-in partner nito na si alyas Patricia, 18 anyos.

Nabatid na ikinasa ang follow-up operation matapos silang inguso ng dalawang suspect sa Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Nang magpositibong nasa lugar si Mark ay bumili ang poseur ng halagang P22,000 shabu at nang magkakaabutan ng pera ay doon na dinakma ang suspect. Nasamsam kay Mark ang may P3.4 milyong halaga ng droga.

Ayon kay Police Col. Erson Digal ng QCPD, si alyas Mark ang itinuturong supplier sa malaking bahagi ng Quezon City.

 

 

Please follow and like us:
Read More

CONSULTANT NAHULOG MULA 9TH FLR NG CONDO

crime12

(NI FRED SALCEDO)

PALAISIPAN pa rin sa mga pulis kung tumalon o nahulog ang isang consultant ng isang kompanya, sa Quezon City.

Ito ang iniimbestigahan ng mga awtoridad makaraang matagpuan ang katawan nito na duguan at lasug-lasog  sa garden ng isang condominium sa Barangay Bagumbayan, Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni P/Captain Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit CIDU, ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Jose Miguel Del Rosario, 56-anyos, consultant ng Kawasaki at residente ng Olympia Heights  Condominium na matatagpuan sa Orchard Road, Eastwood City, Cyber Park , Bagumbayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon natagpuang duguan at lasug-lasog na katawan ni Del Rosario sa garden sa ground floor ng nasabing condominium.

Una dito ay namataan ang biktima at ang live-in partner niya na nakilalang si Roselle Ann Mae Palma na nagtalo at nauwi sa matinding away sa parking lot ng condominium.

Nilapitan umano ito ng guwardiya upang pag-ayusin.

Bagama’t naawat naman ang pagtatalo ng mag-live-in ay nagdesisyon umano ang babae na umakyat sa 9th floor at tuluy-tuloy na nagtungo sa kanilang silid at inimpake ang kanyang mga damit at kagamitan.

Nabatid na nagpasama pa umano si Palma sa sekyu sa unit at habang palabas ng silid ang babae ay panay naman ang habol ni Del Rosario at pinipigilan itong umalis subalit nagpatuloy pa rin ang una at naiwanang nakatayo sa hallway ang biktima.

Nabatid pa na habang nasa loob ng elevator si Palma ay nakatanggap ng tawag ang sekyu sa handheld radio na nahulog si Del Rosario mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng condo.

 

Please follow and like us:
Read More

DANCE INSTRUCTOR NAKALIGTAS SA 9 NA BALA

crime85

(NI TJ DELOS REYES)

NAKALIGTAS ang isang dance intructor sa siyam na bala na ibinaon  sa kanyang ng isang lalaki, Sabado ng gabi sa Quezon City. Ligtas na sa anumang panganib ang biktima na nakilalang si  Michael Allan Velasco, 40, residente ng 102 C. Benitez St., Cubao.

Nakilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Ronnie’.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr., hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa Champaca St, Brgy. Pasong Tamo. Nauna rito, nakatanggap ng mensahe ang biktima mula sa kanyang Facebook account na kailangan ni ‘Ronnie’ ang serbisyo ni Velasco bilang dance instructor para turuan ng sayaw ang mga kawani ng isang hardware.

Nagpadala rin ng paunang bayad na P1,000 si ‘Ronnie’ kay Velasco para sa pamasahe ng biktima papuntang Champaca St. mula Cubao.

Pagdating ni Velasco sa Champaca St., nagkita sila ni ‘Ronnie’ at saka inutusan  ng suspek si Velasco na umangkas sa dala-dala nitong motorsiklo.

Dinala  ng suspek ang biktima sa isang open court sa Champaca St. din at saka inagaw ang cellphone ng biktima bago pinaputukan ng siyam na beses.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo habang si Velasco ay dinala sa ospital ng mga tumulong na taumbayan.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril.

 

Please follow and like us:
Read More