SHABU, SIM CARD ISINIKSIK SA BULALO; DALAW SA BILIBID HULI

preso

(NI ROSE PULGAR)

HULI ang  isang dalaw at nasamsam sa kanya ang limang pakete ng hinhinalang shabu at isang sim card na nakalagay sa bulalo na dadalaw  sana  sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Lunes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Correction (BuCor ) spokesperson Major Alberto Tapiru at kinilalang sina Glenn Dayrit, 43, driver, ng Plaridel St., Angeles Pampanga.

Ayon kay Tapiru, dakong alas-11:00 ng umaga nang dumalaw si Dayrit at dadalhan nito ng pagkaing bulalo  ang  isang preso sa building 14 nang nasabing  piitan.

Nang isailalim sa inspection ang dalang ulam ng suspect,  dito tumambad ang limang sachet na hinihinalang shabu na ipinalaman pa sa buto ng bulalo at isang sim card.

Napag-alaman din na kasama sa nakakulong sa building 14 ang tinaguriang Bilibid 19 kung saan dadalaw si Dayrit.

Depensa naman ng suspect na napag-usapan lamang sya na dalhin ang ulam sa presong si Ron Dela Cruz at hindi niya alam na may laman pala itong droga.

Iniimbestigahan  na ng Bucor kung sino ang nag-utos kay Dayrit.

Napag alaman pa na apat na beses nang nagdala ng ulam ang suspect sa bilibid ngunit inaalam pa kung may naipuslit na itong droga sa nakaraan na pagdalaw.

Please follow and like us:
Read More

MISIS NA DRUG PUSHER SA KULUNGAN, ARESTADO

(NI HARVEY PEREZ)

ARESTADO ang isang babaeng dadalaw sa kanyang asawang preso matapos maaktuhan na nagbebenta pala ng iligal na droga sa mga nakakulong pa na preso, Martes ng gabi sa Manila Police District-Police Station 4, Sampaloc, Maynila.

Sanhi nito, hindi na pinalabas ng presinto ang   suspek na si Aileen Manuzod, 34 , nasa watchlist at taga1551 Int. 3 Loreto St., Brgy. 420, Zone 43, Sampaloc.

Sinampahan din  ng kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165, kilala bilang Comprehensjve Dangerous Drug Act 2002 bukod kay Manuzod,  ang pinag-abutang inmate na si  Abdullah Ampatua Rahaman, 21, alyas Abdul, vendor, Pacita complex, Biñan Laguna, sa Manila Prosecutors Office.

Sinabi ni  PColonel Robert Domingo, station commander ng MPD-PS 4, nagduda umano sila kay Manuzod matapos makakita ng shabu at drug paraphernalia sa selda kaya inobserbahan  ang babae na dumadalaw sa kanyang asawang si  Russel Cumigad.

Inalam umano nila ang pagkakilanlan ng mga dumalaw sa preso at dito nila nakita ang pangalan  ni Manuzod na malimit na  dumadalaw sa asawang nakakulong.

Nalaman na nang  muling pumunta si Manuzod para dumalaw sa kanyang asawa ay minonitor na ng mga pulis ang kilos nito at  nakitang pumunta ito sa kabilang selda,  may dinukot sa ilalim ng kanyang shorts at iniabot kay Rahaman.

Nilapitan siya ni  Patrolman  Bernadeth Mapue at nakuha sa kamay ni Rahaman ang dalawang sachet ng shabu at P600 naman  kay Manuzod.

Please follow and like us:
Read More

PRESO NAPRANING SA GUTOM, ASIDO NILAKLAK

cell

(NI ANNIE PINEDA)

NAWALA umano sa katinuan ang isang preso nang magutuman dahilan para magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng asido, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Inoobserbahan ngayon sa ospital si Jake Santos, 21, ng Homested Bambang Nueva Vizcaya.

Batay sa report ng Bambang Police Station- Nueva Vizcaya, nakita na lamang ang biktima na nanghihina at umiinda ng matinding pananakit ng tiyan dahilan para dalhin nila ito sa ospital sa nasabing bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nalungkot si Santos kung bakit wala man lamang ipinadala sa kanya ang live-in partner na pagkain sa piitan.

Tinawagan umano ni Santos ang kinakasama at sinabing bakit wala siyang dalang pagkain, saka nagtungo sa  palikuran ng kanilang selda at ininom ang nakitang  asido na ginagamit sa paglilinis.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima at patuloy na inoobserbahan.

 

Please follow and like us:
Read More

MURDER ISINAMPA VS 4 PRESO SA MCJ RIOT

(NI HARVEY PEREZ)

PORMAL nang isinampa ng Manila Police District-homicide section, ngayong Martes ang kasong murder laban sa apat na Persons Deprived of Liberty (PDL) na itinuturong pumatay sa dalawang PDL sa naganap na riot, noong Setyembre 29, ng umaga sa Manila City Jail.

Ini-inquest  na sa Manila Prosecutors Office (MPO),ang mga PDL na sina Jose Carlo Hemo , 31, ng 1467 Int. 63, Gomez St., Paco,lider ng Sputinik gang ; Ruben Laguinday , 32 , ng 234 Water Lily St. Punta Sta. Ana, Maynila;  Arsenio  Santos , 29 , ng Rodriguez St., Balut ; at Danilo Castel , 40  ng Manila North Cemetery.

Nalaman na tatlo sa PDL ay may  nauna nang kasong murder  maliban kay Castel na may kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Nabatid  sa impormasyon na inihain ni PCpt. Henry Navarro ,nalaman  na ang mga suspek ang itinuturong nakapatay sa dalawang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na sina  Lito Escala, 39, ng 1321 Alinyan St, Moriones, Tondo ;at Alvin Royo, 37, ng 1165 Panganiban St, Sta. Mesa, Maynila.

Itinuro  ang PDL na si Hemo na siyang pasimuno ng kaguluhan sa Dorm 11 at Dorm 12 matapos  nitong magsalita nang umpisahan ng patayin ang  mga biktima kasunod ay dumampot na ito ng tubo at pinaghahataw si  Escala katulong si Santos na armado naman ng isang improvised paddle hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay.

Samantalang si  Royo naman ay kinuyog ng iba pang miyembro ng Sputnik at nang malugmok ay binagsakan naman ng matigas na bagay sa ulo ni Castel na naging sanhi ng kamatayan nito.

Kabilang  ang dalawang nasawi sa siyam na PDL na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC)  na  idineklarang patay dakong alas 8:30 ng umaga.

Nabatid na si Escala ay  kinuha na ng kanyang mga kamag-anak habang si Royo ay nanatili sa morgue ng pagamutan.

Magugunita na napaulat na nagsimula ang kaguluhan sa masikip na hinihigaan ng mga PDL, kung saan nagkatadyakan ang dalawang preso hanggang sa magkampi-kampihan at nauwi sa riot na naganap alas 6:28 ng umaga sa Dorm 11 at 12.

Patuloy pa rin na naka-lockdown ang MCJ at suspendido ang dalaw ng preso sa MCJ.

 

Please follow and like us:
Read More

MCJ RIOT: 4 SA PAGPATAY SA 2 PRESO KAKASUHAN NA

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

SASAMPAHAN ng panibagong kaso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang apat na Persons Deprived of Liberty (PDL) na itinuturong pumatay sa dalawang PDL sa naganap na riot, Linggo ng umaga sa Manila City Jail.

Sanhi nito, malamang na magtagal pa sa kulungan at madagdagan pa ang bubunuin na sentensiya ng mga PDL na sina Jose Carlo Hemo , 31, ng 1467 Int. 63, Gomez St., Paco, lider ng Sputnik gang ; Ruben Laguinday, 32, ng 234 Water Lili St. Punta Sta. Ana, Maynila ;  Arsenio  Santos , 29 , ng Rodriguez St., Balut ; at Danilo Castel , 40,  ng Manila North Cemetery.

Bukod  kay Castel, may kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang tatlong suspek at may una nang kasong murder.

Nabatid na ang apat na PDL ang itinuturong nakapatay sa dalawang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na sina Lito Escala, 39, ng 1321 Alinyan St, Moriones, Tondo ; at Alvin Royo, 37, ng 1165 Panganiban St, Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa isang lider ng Dormitory 11 na hindi nagpabanggit ng pangalan,  nagsimula ang kaguluhan sa masikip na higaan ng mga PDL, kung saan nagkatadyakan ang dalawang preso hanggang sa magkampi-kampihan at nauwi sa riot.

Unang sinabi ni  MCJ spokesperson Jayrex Bustinera, ang riot ay naganap alas 6:28  ng umaga sa pagitan ng Sigue Sigue Sputnik at BCJ sa loob ng dorm 11 at 12 na nagresulta ng pagkasugat ng 34 na PDL.

Please follow and like us:
Read More

2 JAIL OFFICER KINUYOG NG MGA PRESO SA PASAY CITY JAIL; SUGATAN

(NI ROSE PULGAR)

SUGATAN ang dalawang jail officer ng  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Pasay City Jail makaraang mag-ingay at magwala ang 12 preso na nakatakdang ilipat ng ibang jail facility kahapon ng hapon sa Pasay City.

Ayon kay BJMP Spokesman chief Inspector Xavier Solda, ililipat ang 12  preso sa Camp Bagong Diwa Bicutan jail facility sa Taguig City.  Nang malaman aniya ng mga bilanggo na ililipat sila ng kulungan, tumanggi ang mga ito at nag- nagmatigas na lumabas ng kanilang selda hanggang hatakin ang dalawang jail guard  na pansamantalang hindi muna binanggit ang mga panagalan na may ranggong  jail officer 1 at pagtulungang kuyugin, dakong 1:45 ng hapon.

Agad dinala sa Pasay City General Hospital ang dalawang BJMP personnel na nagtamo ng mga sugat at pasa sa  iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy na nakikipagnegosasyon si Pasay City Jail Warden  Supt. John Jay Arijola sa  mga nasabing preso.

Dahil sa naganap na tensyon sa loob bg nasabing piitan  itinigil ang pagpapasok ng dalaw ng kaanak ng iba pang preso na nakakulong.

Maging ang mga naunang nakaakyat na mga dalaw ay agad na pinababa sa kalagitnaan ng tensyon sa ika-apat na palapag ng nasabing piitan.

“I learned na temporarily naantala ang visitation dahil sa mga PDL na ito but we hope to resume it the soonest time possible,”ani Solda.

Ayon pa kay Solda, kabilang sa 12 preso ang apat na may sakit na pulmonary tubercolusis (PTB) kaya kailangan silang mailipat sa mas maayos na pasilidad para sa kanilang medical treatment.

Samantala, inihayag ni Senior Inspector Orlando Alicante, deputy warden, tahimik na ang sitwasyon sa loob ng nasabing jail.

Sinabi ni Alicante, bago naganap ang tensiyon, nakahanda na ang paglipat ng 11 preso ngunit hindi ang isang ex-convict ng New Bilibid Prison (NBP) na may kasong droga.

Nagwala ito at hinablot ang isa sa dalawang jail officer at kinuyog sa loob ng selda.

Agad naman nagresponde ang ilang pang jail officer hanggang sa kinuyog din ang isang personnel at binugbog.

Agad naman nagkapag responde sa nasabing piitan ang awtoridad sa pangunguna ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, upang  alamin ang tensyon sa loob ng kulungan.

Please follow and like us:
Read More

PULIS-BUCOR KRITIKAL SA SAKSAK NG PRESO

(NI ROSE PULGAR)

AGAW- buhay ngayon sa pagamutan ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang saksakin ng isang preso na umanoy may kapansanan sa pag-iisip sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), Huwebes ng umaga sa Muntinlupa City.

Agad naman isinugod sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Inspector Edgardo Ferrer , Duty Officer ng NBP, makaraang magtamo ng isang tama ng saksak sa dibdib.

Kinilala naman ang presong nanaksak na si Wilson Topic na nakakulong sa Maximum Security Compound Building 4A sa NBP na sinasabig nakararanas ito ng schizophrenia o kapansanan sa pag-iisip.

Base sa nakarating na report ni Justice Undersecretary Mark Perete, dakong alas-8:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Maximum Security Compound sa loob ng NBP.

Ang suspect ay agad na dinala sa psychiatric ward ng NBP para sa pagsusuri.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng NBP sa pananaksak at wala pang malinaw na dahilan upang gawin ito ni Topic.

Kaugnay nito, hindi pa rin nakikipag-ugnayan ang mga tauhan ng NBP sa Muntinlupa City Police hinggil sa naganap na insidente.

Ayon kay Police Col. Gerry Umayao, hepe  ng Muntinlupa City Police, hindi sila pinayagan na makapasok sa loob ng NBP para sa isasagawang imbestigasyon sa insidente.

 

 

Please follow and like us:
Read More

INAGAWAN NG TULUGAN, PRESO PATAY SA BUGBOG

crime44

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASAWI dahil sa sakal at bugbog ang isang 55-anyos na preso ng kanyang kapwa inmate nang nagtalo matapos na okupahan ng huli ang tulugan ng una sa loob ng Custodial Center sa Dasmarinas City, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan ng Dasmarinas City ang biktimang si Roberto Marinas, ng Brgy Sto Nino Cristo, Dasmarinas City, dahil sa tinamong bugbog mula kay Zaldy Alvaran, 42, binata, ng 173 Sitio Talisayan, Brgy Sampaloc 4, Dasmarinas City Cavite , kapwa inmate sa Dasmarians City Custodial Center.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmarinas City Police Station, dakong ala-1:15 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa loob ng Dasmarinas City Custodial Center.

Nauna dito, nakahiga umano ang biktima sa kanyang higaan nang pinipilit ng suspek na paalisin ito.

Nagalit ang biktima na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa sakalin ito ng suspek saka pinagbubugbog hanggang sa nawalan ng malay kaya isinugod ito sa ospital at idineklarang patay.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SA KAHON NG PABANGO; PRESO HULI

cell

(NI CYRILL QUILO)

HULI ang isang inmate ng Batangas Provincial Jail sa isinagawang sorpresang inspeksyon ng Batangas City Police Station, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang ang inmate na si James Paul Alo , 29, ng Brgy. San Antonio, Sto.Tomas Batangas.

Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang Batangas City Police Station sa sopresang inspeksyon sa mga inmates ng Batangas Provincial Jail sa Brgy. Cuta Batangas City, bandang alas-10 ng umaga noong Biyernes.

Nang pasukin ni PG1 Mark Dalisay ang Selda no. 6 kung saan nakakulong si Alo, nakita sa kanya ang isang transparent plastic sachet na hinihinalang may shabu na nakalagay sa isang kahon ng pabango.

Dagdag kaso ang kinakaharap ngayon ng nasabing inmate na paglabag sa kasong RA 9165 at ang mga ebidensya ay dadalin naman sa Batangas Provincial Crime Laboratory.

Please follow and like us:
Read More

PRESO WALANG DALAW NA KAANAK, NAG-SUICIDE

kidapawan16

(NI ANNIE PINEDA)

NAGPASYANG wakasan ang sariling buhay ng isang preso sa pamamagitan ng pagbigti nang hindi na umano ito dinalaw ng kanyang kaanak, sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktimang si Jamel Fuerte, 47, ng Brgy Singao Kidapawan City.

Batay sa report ng Kidapawan City Police, nakita na lamang ang biktima na nakabigti sa loob ng selda gamit ang tie-box na itinali nito sa leeg.

Si Fuerte ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Act of Lasciviousness.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente, napansin nilang matamlay ang biktima at bihira na lamang itong bisitahin ng kanyang pamilya.

Posible umanong labis na pagkalungkot ang dahilan kaya tinapos na ng biktima ang sariling buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

JAILER NILANSI; PRESO NAKAPUGA

cell

(NI NILOU DE CARMEN)

NAGAWANG makatakas ng isang detainee sa Cabuyao City police station detention cell matapos  malansi nito ang naka-duty na jailer Huwebes ng hapon.

Kinilala ang nakatakas na inmate na si   Michael Eraña, tubong Pampanga at nakulong matapos ana maaresto  dahil sa kasong pagtutulak ng iligal na droga noong nakaraang taon.

Base sa report ng Cabuyao police, alas 3:30 ng hapon nang dumaing ng sobrang pananakit ng tiyan ang suspek habang nasa selda.

Nagpasiya ang duty jailer na si PSSg Lyndon   Bañez na ilabas ito ng kulungan at dalhin sana sa ospital.

Subalit nang aktong lalagyan ng posas, biglang itinulak ng suspek ang pulis at saka mabilis na tumakbo palayo ng presinto.

Sinubukan pa itong habulin ng jailer at ng ilan pang pulis subalit mabilis na nawala ang preso.

Nasa kostudiya naman ngayon ng Cabuyao police ang jailer na si Bañez at inihahanda na ang kaso laban dito.

 

Please follow and like us:
Read More

3 PRESO PATAY SA HEAT STROKE

kulong

(NI KEVIN COLLANTES)

TATLONG bilanggo, ng Taytay Municipal Police Station (MPS) at Antipolo City Police, na pawang nahaharap sa iba’t ibang kaso, ang magkakasunod na binawian ng buhay, hinalang matapos na hindi matagalan ang labis na init na dinaranas sa loob ng mga bilangguan, nitong Linggo.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), dakong alas-6:00 ng umaga nang bawian ng buhay ang inmate na si Rey Jean Revillas, na nakakulong sa Taytay MPS dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse law, habang tinatangkang isalba ng mga doktor ng Taytay Emergency Hospital.

Lumilitaw na dakong 5:25 ng madaling araw ay bigla na lang umanong hinimatay si Revillas habang nasa loob ng bilangguan, kaya’t kaagad na isinugod sa pagamutan, ngunit hindi na ito naisalba pa ng mga doktor.

Samantala, dakong alas-9:15 ng umaga naman nang bawian rin ng buhay sa naturang pagamutan si Arnel Santos, na inaresto sa isang buy-bust operation noong Mayo 17, 2019 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinasabing dahil sa init ng panahon ay nakaranas nang paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang inmate kaya’t kinailangan itong isugod sa pagamutan ngunit namatay rin habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Ang inmate naman ng Antipolo City Police na si Albert dela Cruz, 60, na dumaranas ng depresyon, ay isinugod sa Rizal Provincial Hospital Annex 2 building dakong 9:32 ng gabi nang dumaing ng paninikip ng dibdib.

Isinugod naman ng duty jailer si dela Cruz sa pagamutan ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor dakong alas-9:35 ng gabi.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BEAUTICIAN NA DADALAW SA BF NA PRESO BINARIL

crimeshooting12

(NI ALAIN AJERO)

HIMALANG nabuhay ang isang beautician matapos barilin sa ulo ng isa sa dalawang maskaradong lalaki habang dadalaw sa nakakulong na kinakasama, sa Malabon City, nitong Biyernes.

Agaw-buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Sheryl Pineda, 48, ng Block 1, Lot 10 Sitio 6, Brgy. Catmon sanhi ng tama ng bala sa ulo habang nakatakas naman ang mga hindi nakilalang maskaradong suspek

Paalis ang biktima kasama ang pamangkin na si Jian Ronquillo sakay ng isang tricycle ala-1:40  ng hapon para dalawin ang kinakasama ni Pineda na nakapiit sa Malabon City Jail, nang bumulusok sa eksena ang mga suspek sa Governor Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy, Catmon.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan nang malapitan sa ulo ang biktima.

Sa pag-aakalang todas na ang biktima ay tumalilis ang mga salarin habang itinakbo ni Ronquillo ang tiyahin sa nasabing ospital.

Isang basyo ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon upang makilala at mahuli ang mga suspek at malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL NA PRESO PUMUGA TANGAY ANG ARMAS SA PIITAN

arrest

(NI JG TUMBADO)

TINUTUGIS na ng pulisya ang magkapatid na presyong pumuga mula sa detention cell ng Municipal Police Station ng Albiga sa Samar, Lunes ng gabi.

Ayon sa Samar Police Provincial Office, alas-7:40 ng gabi nang tumakas si Roel Mabahin, 22, at kapatid nitong si Rodel, 19-anyos.

Si Roel ay may kasong carnapping, habang robbery with frustrated homicide naman ang kinakaharap na kaso ni Rodel.

Tinangay pa ng dalawa sa kanilang pagtakas ang tatlong M16 rifle, isang 9mm pistol at cellphone mula sa istasyon ng pulisya, wallet ng isang pulis, at bandolier na may magazine ng baril.

Kinuha din umano ng mga ito ang isang motorsiklo na nagsilbing getaway vehicle. Tinangka pa umano ng dalawa na i-hostage ang isang non-uniformed personnel sa kanilang pagtakas ngunit nakaligtas ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente habang tinutugis na rin ngayon ang takas na mga bilanggo.

Please follow and like us:
Read More