3 PULIS-MAGUINDANAO, HULI SA DRUG BUST

(NI JG TUMBADO) TATLONG aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakadestino sa Police Regional Office-12 (PRO12) ang dinakma ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Parang, Maguindanao. \Nakilala ang nasakoteng mga pulis na sina Patrolman Sandiali Mangundacan Manalao, Staff Sgt. Fahmi Bangon Como, at Master Sgt. Monjel Nassal Aradais na pawang nakatalaga sa Lanao del Sur Provincial Police Office (LDSPPO). Ikinasa ang nabanggit na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng LDSPPO-Inteligence Branch; Provincial Drug Enforcement Unit; Parang Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Bangsamoro…

Read More

AWOL NA PULIS HULI SA BUY BUST

(NI KOI HIPOLITO) MAHAHARAP ngayon sa mga hiwalay na kaso ng paglabag sa Violation of Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002) ang isang Absent without Leave o AWOL na pulis matapos masakote sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng RDEU, RSOU ng National Capital Region Police Office, PNP IMEG at Muntinlupa City Police Station Huwebes ng hapon sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Ang suspek na si dating Patrolman Victor Bustamante, 37, ay narecruit noong 2011…

Read More

PARAK TIMBOG SA EXTORTION

(NI NILOU DEL CARMEN) NAARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na umano’y nangotong sa isang babae sa Lipa City, Batangas, Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Senior Master Sergeant Darwin Ona, miyembro ng Mataas na kahoy, Batangas police station habang nakatakas naman ang umano’y kasabwat nito na miyembro ng Philippine Air Force. Inaresto ang suspek sa Barangay Inusluban habang bininilang nito ang pera na iniabot ng biktimang babae sa loob mismo ng kanyang bahay. Batay sa imbestigasyon, humingi ng tulong…

Read More

PULIS BINARIL NG DYOWA NG EX-GF

north cotabato 12

(NI BONG PAULO) ARAKAN, NORTH COTABATO – Sugatan ang isang pulis matapos pagbabarilin ng kasintahan ng kanyang dating nobya sa Barangay Ganatan, Arakan, North Cotabato, Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Patrolman Chris Manuel, 30, residente ng Antipas, North Cotabato at nakatalaga sa Cotabato Provincial Mobile Force Company sa Amas, Kidapawan City. Kinilala ang suspek na si Ryan Amor, 30, security guard at residente ng Amas, Kidapawan City. Ayon sa ulat na ipinarating ng Public Information Office ng CPPO, pumunta umano ang pulis sa bahay ng kanyang ex-girlfriend…

Read More

PULIS BINARIL SA EDSA

police12

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY JG TUMBADO) PATAY ang isang pulis makaraang barilin ng mga suspek na riding in tandem sa  San Juan City, Martes ng hapon. Nakilala ang biktima na si SPO2 Solomon Cugay, nakatalaga sa  National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan na nagresulta sa dagliang pagkamatay nito. Ayon kay P/SSupt. Florendo Quibuyen, Deputy Director for Administration ng Eastern Police District (EPD), naganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Connecticut St.,  Barangay Greenhills bandang alas-3:30 na nagdulot ng mabigat…

Read More

PULIS ITINUMBA NG TANDEM SA ANTIPOLO

police

(NI TJ DELOS REYES) TODAS ang isang pulis matapos pagbabarili ng riding in tandem sa mismong loob ng subdivision na tinitirhan nito Lunes ng umaga sa lungsod Antipolo. Kinilala ang biktima na si PO3 Jose Jello Changcoco, 48, anyos nakatalaga sa Angono Police Station at residente ng #802 Pearlene St Crisrimar Village Brgy. San Roque ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni SPO2 Aldrin Tangi, dakong 6:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Gate 2 ng Cristimar Village ng nabanggit na barangay. Papasok na si Changcoco sa kanyang trabaho at…

Read More

ROOKIE COP SINAGASAAN SA CHECKPOINT

CHECKPOINT by AJ GOLEZ)

(NI LUISA LEIGH NIEZ) MALUBHA  ang isang tauhan ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) matapos  sagasaan  ng isang motorcycle rider sa Brgy. Payatas,  Huwebes ng gabi. isinugod sa pagamutan ang isang tauhan ng Batasan Police Station (PS6) nang sadyang sagasaan sa check point ng motorcycle rider sa Brgy. Payatas, QC bandang gabi. Kaagad namang nadakip  ang suspek na kinilalang si  Peter John Halog, 19,  ng No. 2 S Lucas St., Brgy. Payatas, QC. Samantala ang biktimang si PO1 John Edison Arlan-Tan, ng   QCPD-PS6 ay…

Read More

PULIS INATAKE SA PUSO SA RESPONDE

police

(NI JEDI REYES) DEDO ang pulis na nakatalaga sa Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD) nang atakihin ito sa puso habang dakma nito ang lalaking suspek sa pagnanakaw sa Mega Q-Mart kahapon ng madaling araw. Biglang bumagsak at nabagok ang ulo sa semento ng 51-anyos na si PO3 Joenel Besonaya sa kalagitnaan ng interogasyon nito sa nahuling suspek. Batay sa paunang imbestigasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang rumesponde si PO3 Besonaya…

Read More

2 PULIS SUGATAN SA BUMALIGTAD NA SASAKYAN

police

DALAWANG pulis ang sugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa bayan ng Alicia, Isabela. Dinala sa pagamutan at kapwa nasa maayos nang kondisyon sina PO1 Floyd Mamauag, 30, at PO1 Robin Catulin, 24. Batay sa ulat ng Alicia police, nag-overtake umano ang mga biktima na sakay sa isang Montero Sport sa isa pang sasakyan na nasa kanilang harapan. Bagama’t nakaiwas sa kasalubong na kotse ay dumiretso naman ang kanilang sasakyan sa isang malaking canal bago bumaligtad. Nakaligtas naman ang dalawa pang sakay ng SUV na sina PO1 Brian Don Mendoza, 24; at…

Read More

5 PATAY SA POLICE OPS

police200

PATAY ang lima katao sa sabay-sabay na police operations na isinagawa sa iba’t ibang barangay sa Guilhulngan City, Negros Oriental, ayon sa pulisya, Huwebes ng umaga. Sinabi sa report na may 100 search at arrest warrant ang inilatag ng pulisya sa tulong ng Armed Forces of the Philippines. Mga nanlaban umano ang limang nasawi nang ipatupad ang warrant sa kani-kanilang bahay. Samantala, dinala sa Guihulngan City Police Station ang mga inaresto para sa kaukulang proseso. Patuloy ang operasyon na ginagawa sa lalawigan.

Read More

PULIS PINATAY SA HARAP NG BAHAY

police

PERSONAL na alitan ang tinututukan ngayon ng mga imbestigador matapos barilin at patayin ang isang pulis sa harap ng kanyang bahay sa Sitio Central, Barangay Pit-os, Cebu City, Linggo ng umaga. Tinadtad ng tama ng bala si PO2 Romeo Jumalon, 42, at hindi na umabot nang buhay sa ospital Sinabi sa report na nakatayo si Jumalon sa harap ng bahay bandang alas-4 ng madaling araw nang biglang pumarada ang isang sasakyan at pagbabarilin siya ng mga sakay nito. Si Jumalon ay nakatalaga sa Regional Service Group of the Police Regional…

Read More