PARAK HULI SA PAGTUTULAK NG SHABU

arrested124

(NI JESSE KABEL)

ARESTADO ang isang police corporal sa ikinasang buy-bust operation ng kanyang mga kabaro sa Barangay Basak Pardo sa Cebu City, Biyernes ng gabi.

Pansamantalang hindi kinilala ng  Cebu City Police Office ang nadakip na pulis dahil sa ikinakasang follow-up operation laban sa hinihinalang source ng shabu ng nasabing pulis.

Sa ulat ng Cebu City PNP, Biyernes kamakalawa ng gabi inilunsad ng mga tauhan ng CCPO Station 7 ang  operasyon laban

Sa kanilang kabaro matapos na magpositibo ang kanilang test buy.

Kasunod ng isinagawang buy-bust operation laban sa target na pulis ay nakumpiska ng mga awtoridad ang may 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000 at P27,000 cash.

Nakumpiska rin ng awtoridad ang service firearm ng suspek na pulis, kasama ang magazine at mga bala nito.

Base sa record ng Cebu City Police Office (CCPO), kabilang sa drug watchlist ang pulis na taga-Barangay Sawang Calero.

Pansamantalang nakakulong ang pulis sa CCPO detention cell.

 

Please follow and like us:
Read More