PNPA CADET PATAY SA INIT; 4 PA NAG-COLLAPSE

PNPA-4

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang isang 4th Class cadet ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos ma-stroke sa kasagsagan ng training sa loob ng Camp General Mariano Castañeda, sa Silang , Cavite.

Sa inisyal na ulat, namatay si Cadet  Al-Rasheed Macadato, 21, makaraang mag-collapse habang nagjo-jogging sa PNPA Oval.

Nabatid  na bukod pa kay Macadato ay may apat na iba pang kadete na nag-collapse din nitong Martes ang itinakbo sa PNPA dispensary para sa first aid treatment.

Subalit grabe umano ang naging kondisyon ni Macadato  kaya kinailangan ilipat ito sa  Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kung saan tuluyan na itong nasawi Miyerkoles ng umaga.

Nagrereklamo naman ang pamilya ni Macadato dahil hindi sila agad natawagan sa nangyari sa kanilang anak.

Pero, ayon kay Police Lieutenant Colonel Byron Allatog ng PNPA, sinunod lamang nila ang standard operating procedure sa nangyari kay Macadato.

Kinumpirma naman ng mga attending physician na hindi hazing ang sanhi ng kamatayan ng kadete na nasa 10 araw pa lamang ng kanyang summer training.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jose Chiquito Malayo, PNPA director na paiimbestigahan niya ang insidente at ipasisilip din ang medical records ng biktima para malaman kung talagang fit itong sumailalim sa matinding pagsasanay.

Nakahanda ang PNP na magkaloob ng tulong sa pamilya Macadato.

Please follow and like us:
Read More