NAGPANGGAP NA PULIS, TIMBOG SA ENTRAPMENT

(NI JG TUMBADO)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group ang isang lalaking nagpanggap na pulis sa ikinasang entrapment operation sa isang convenience store sa San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Ang suspect ay kinilalang si Robel Yap Canlas.

Batay sa reklamo ng isang aplikante sa pagkapulis, Agosto noong nakaraang taon nang makilala nya si Canlas na nagpakilalang Senior Police Officer 2.

Inalok umano sya nito ng P40,000 kapalit ng tulong na ma-secure ang height waiver nito.
Oktubre noong nakaraang taon, nagbayad ang complainant kay Canlas pero sa halip na ibigay ang kanyang height waiver ay nanghingi pa umano ito ng dagdag na P20,000 para sa neuro at medical examinations.

Sa ikatlong pagkakataon, nitong Linggo,  Hulyo 14, nanghingi na naman ang suspek ng dagdag P4,000 mula sa complainant para umano sa processing fee. Dito na nagpasaklolo ang biktima sa IMEG na agad nagkasa ng operasyon.

Nakuha mula sa suspek ang isang PNP backpack, kalibre 45 na baril at anim na mga bala, pekeng PNP ID at badge.

Nahaharap ngayon si Canlas sa patung-patong na mga kaso.

Please follow and like us:
Read More

MARUMING TUBIG, YELO SINISILIP SA NALASON NA 40 ESTUDYANTE

(NI ROSS CORTEZ)

KONTAMINADONG tubig o yelong ginamit sa mga palamig na nainom ng mga estudyante mula grade 7, 8 at 9 ng Imus Institute Satellite School, ang sinisilip na sanhi ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ng higit sa 40 biktima na pawang isinugod sa ospital noong Miyerkoles ng hapon.

Ngayong Biyernes ay personal na nagtungo sa Imus Institute ang team ng DoH Regional Office 4A, Provincial Health Office, Imus City Health Office at Imus PNP, para mag- imbestiga at kumuha ng mga water sample sa loob ng eskuwelahan.

Ayon kay Dr Ernesto Pablo Medina, posibleng sa nainom na mga palamig tulad ng sago gulaman, milktea, iced tea at choco drinks nakuha ng mga biktima ang gastroenteritis.
Kaya naman sumailalim sa water sample ang kanilang mga gripo, maging ang mga tubig na gamit ng kanilang mga concessionaires.

Nailayo na rin ang isyu na posibleng sa nakitang patay sa kabilang subdibisyon nanggaling ang posibleng kontaminasyon sa tubig o yelo.

Imposible raw na maging airborne ang virus na nakaapekto sa posibleng kontaminasyon, at malayo na rin daw sa water source nila ang lugar kung saan nakita ang bangkay ng nakabigting biktima.
Bigo namang makakuha ng sample ng yelo ang Provincial Health Office dahil walang tao sa bahay na pinagkukunan nito.

Mula pa nitong Huwebes ay kanselado na ang klase sa buong eskuwelahan at babalik sa normal na klase sa Lunes.
Inaasahan ding makapagpapalabas ng water sample result ang Provincial Health Office, 18-oras matapos itong isailalim sa pagsusuri.

 

Please follow and like us:
Read More

BALASAHAN SA PNP NAGPAPATULOY

(NI AMIHAN SABILLO)

ASAHAN ang patuloy na balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa mga susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, na sa  buwan ng Agosto at Setyembre ay may mangyayaring balasahan sa PNP lalo na sa mga key officers katulad ng PNP Regional Directors.

Matatandaan na nitong buwan ng Hunyo huling nagkaroon ng rigodon sa mga key officers ng PNP matapos magretiro si Brigadier Gen John Bulalacao bilang Regional Director ng PNP Region 6.

Pumalit sa kanyang puwesto si PBGen Rene Pamuspusan na dating director ng Headquarters Support Service, umupo naman bilang bagong director ng Headquarters Support Service si PBGen Jesus D. Cambay Jr.

Si PCol Remus Zacharias Canieso  naman ay naupo bilang Acting Deputy Regional Director for Administration, ng PNP Region 6.

Sinabi ni Albayalde ang promosyon at reshuffle sa PNP ay nakabatay sa patuloy na validation ng performance ng mga key officers lalo na sa level ng performance ng mga provincial directors.

Please follow and like us:
Read More

4 PULIS, 3 PA TIMBOG SA SUGAL, INUMAN

pnp online sabong12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO  ang apat na aktibong police personnel, isang non-uniformed personnel at  isang ex-policeman sa kasong ilegal na sugal habang nag-iinuman sa loob  ng Belen Lutong Bahay Restaurant, sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina PSSg Erwin Gobis , PSMS Demetrio Laroya, PCpl Ariel Pasion,  pawang  nakatalaga sa PNP Health Service sa  Camp Crame at  PSSg Gerry Ocampo, ng PNP Crime Lab, habang ang civilian employee ay nakilalang si   Leo Ocinar ng RMD, DPRM at isang dating  pulis na si Fidel Agustin.

Ayon kay  IMEG chief P/Col. Romeo Caramat, ang mga suspek ay naaktuhang tumataya sa isang on-line game na Electronic Sabong (E-Sabong) habang umiinom sa nabanggit na restaurant sa 3rd Ave., Bagong Lipunan, Cubao, bandang alas-10:00 ng gabi.

Kasama ring dinakip ng mga awtoridad ang may-ari ng online game establishment na si Teddy Carpio.

Nakumpiska ng mga tauhan ng IMEG sa operasyon ang  P14,430 na “bet money” mula sa mga suspek,  2 television sets na gamit sa online gambling, digital video recorder para sa CCTV, mga ticket, 2 signal HHD digital box at 23 bote ng alak na gagamiting ebidensya.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng mga ulat ang IMEG kaugnay sa madalas na pagtambay habang nagsusugal at nag-iinom ang ilang mga pulis sa naturang pampublikong lugar.

Nabatid din mula sa Pagcor na tanging ang Phil Cockfigthing International Inc na matatagpuan sa 2nd Flr KACC Philmade Annex Bldg sa panulukan ng  J. Abad Santos & Quirino St. Clarkfield Pampanga, ang binigyan nila ng lisensya para sa operasyon ng online game ng E-Sabong.

Nasa kustodiya na ngayon ng IMEG ang mga naaresto, kasama ang mga nakumpiskang mga ebidensya, habang inihahanda na ang kasong kakaharapin kaugnay sa paglabag sa PD 1602 at pag-inom sa mga pampublikong lugar na mahigpit na ipinagbabawal ng Pangulong Duterte sa mga miyembro ng PNP at AFP.

 

Please follow and like us:
Read More

ARMAS ‘DI PA ISINUSUKO NI ERWIN TULFO

ERWIN12

(NI JG TUMBADO)

HINDI pa rin isinusuko ng Radyo Pilipinas anchor na si Erwin Tulfo ang kanyang mga baril sa pulisya sa kabila ng pag-atas ng Philippine National Police (PNP) na isuko ang mga ito.

Ito ang nabatid mismo sa press briefing ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde batay na rin sa report sa kanya ng PNP-Firearms and Explosives Office. Nitong buwan ng Marso nang mapaso na ang License To Own And Possess (LTOPF) ni Tulfo.

Babala ni Albayalde, hindi na dapat paabutin ni Tulfo na gumawa pa ng operasyon ang pulisya at magpatupad ng search warrant para makuha ang mga baril nya.

Nabatid rin sa opisyal na hindi na rin nag re-apply ang magkakapatid na Tulfo para sila ay bigyan ng police security detail na una nang binawi sa kanila.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi lang ito partikukar sa magkakapatid na Tulfo kundi itoy ipinatutupad sa lahat.

 

Please follow and like us:
Read More

MINI BUS NANUWAG NG POLICE ASSISTANCE DESK; 2 PULIS SUGATAN

accident121

(NI JG TUMBADO)

DALAWANG bagitong pulis ang sugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong mini bus ang kanilang police assistance desk sa bayan ng Rosales, Pangasinan araw ng Martes.

Nagtamo ng mga galos at sugat sa iba’t ibang bahagi ng  katawan bunga ng aksidente sina Patrolman Vangeline Sacia at Patrolman Allen Sapitula, na naisugod sa ospital.

Bukod sa nabanggit na mesa ay nadamay din sa pagbangga ng mini bus ang nasirang police mobile patrol habang ito ay nakaparada malapit sa kinalulugaran ng dalawang pulis.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Rosales police, nagbabantay sina Sacia at Sapitula sa kahabaan ng national highway dakong alas 2:50 ng hapon nang makita ng mga ito ang paparating na mini bus na gumegewang-gewang sa bahagi ng Don Teofilo Sison Bridge sa Barangay Carmen West hanggang tumbukin na ang kanilang istasyon at mahagip ang mga ito.

Ayon sa 48-anyos na driver ng mini bus na si Jonathan Cacal, nagkaroon ng problema sa preno at manibela na dahilan ng aksidente.

Nangako naman si Cacal na magbibigay tulong pinansyal sa pagpapagamot ng dalawang pulis at maging sa nasirang police car.

 

Please follow and like us:
Read More

POLL CASUALTIES: 20 PATAY, 24 SUGATAN — PNP

PNP BLOOD

(NI FRANCIS SORIANO)

UMAABOT na sa 20 ang patay habang 24 iba pa ang sugatan sa naitalang election related violence ng Philippine National Police (PNP)  sa pagtatapos ng May 13 midtern elections.

Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac, ang nasabing bilang ay mula January 13 hanggang May 11 umpisa ng kampanyahan.

Dagdag pa Banac, mas mababa ito kumpara sa nakaraang halalan base sa talaan ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC). Lumobo rin anya ang bilang ng vote buying sa bansa makaraang makapagtala ng mahigit 100 katao ang nadakip sa vote buying habang mahigit 186  naman ang naaresto sa liquor ban.

“Number has been increased by the PNP to respond to numerous complaints from the public on vote buying/selling. We urge the public to help document suspected violations, preserve the evidence, and inform authorities of the incident right away,” ayon kay Banac.

 

Please follow and like us:
Read More

PNP KAY MAYOR BALDO: SUMUKO KA NA

baldo pnp12

(NI JG TUMBADO)

NANAWAGAN Martes ng hapon si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na sumuko sa batas.

Ang pahayag ni Albayalde ay matapos ibaba ang kautusan ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 sa pag aresto kay Baldo.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na mas maigi nang sumuko ang dating alkalde dahil darating din ang araw na haharapin nito ang korte.

Natanggap ng mga opisyal ng Albay Provincial Police Office ang kopya ng arrest warrant dahil sa inihaing kasong double-murder at attempted murder laban kay Baldo.

Si Baldo rin ang itinuturong responsable sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at security escort na si Police Senior Master Sergeant Orlando Diaz.

Matatandaan na hindi na nagpakita pa sa publiko at tuluyang lumayo si Baldo matapos itong  makapag piyansa sa unang kaso nitong illegal possession of firearms.

Please follow and like us:
Read More

6 PULIS NAMBUGBOG SA DRUG SUSPECT, SINIBAK

pnp300

(NI JG TUMBADO)

SINIBAK na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang anim na pulis na isinasangkot sa pambubugbog sa isang lalaking drug suspect sa Cebu City.

Kasabay ng suspensiyon ay ang pag dis-arma sa hindi pa pinangangalanang pulis at pagsasailalim sa kanila sa kostudiya ng Personnel Holding and Accounting Unit sa Cebu City Police Office (CCPO) habang sila ay patuloy na iniimbestigahan.

Ang hakbang ni Albayalde ay kasunod ng pagkumpirma nito na pawang mga pulis ang nasa likod ng krimen batay na rin sa pag-iimbestiga ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP.

Una ng nag-viral sa social media ang video na kuha sa naganap na pananakit sa lalaki na tinukoy bilang si Eddie Basillote habang ito ay naglalaro ng video game sa isang shop sa Barangay Talamba, noong Abril 18.

Dito makikita na pinagsasampal, pinagsusuntok, sinipa at pinalo ng silya at baril si Basillote kahit ito ay nakaposas na.

Nabatid na ang pinsan ng lalaki ang nag upload ng video sa social media na nag viral.

Sinasabing walang bitbit na anumang warrant ang mga pulis na basta na lamang hinuli at sinaktan si Basillote na kasalukuyang nakadetine sa himpilan ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

PNP, BFP, BJMP ISINAILALIM SA FULL ALERT 

dilg500

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISINAILALIM sa full alert status ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), Bureau Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa panahon ng Semana Santa bilang paggunita sa Holy Week.

Binigyang-diin ni DILG Secretary Eduardo M. Año na dapat walang masasayang na oras sa pagbabantay at dapat  ay 24/7 ang trabaho ng PNP, BFP at BJMP sa ilalim ng full alert status para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kay  Ano, walang pinipiling oras at panahon ang mga kriminal kaya dapat lang na hindi rin magpahinga ang DILG at mga ahensya na nasa ilalim nito partikular ngayong Semana Santa. “Bawal muna magpahinga sapagkat ang Semana Santa ay panahon din ng mga mapagsamantala,” dagdag pa ni Ano.

Binilinan ng DILG Chief ang mga local government units (LGUs) na pakilusin ang kanilang mga law at traffic enforcers, barangay tanod, barangay peace action keeping teams, public safety officers at force multipliers sa palibot ng mga  simbahan,  religious destinations at maging sa mga lugar na madalas puntahan ng mga bakasyunista.

Dapat umanong tiyakin ng mga local executives at ng PNP ang maayos na seguridad sa mga paliparan, pantalan, bus terminals, pilgrimages, simbahan at mga matataong pamilihan sa kanilang mga nasasakupan.

Inatasan din ni Ano ang PNP na magsagawa ng mahigpit na koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para suriin ang mga bus drivers kaugnay sa illegal drug use.

Binigyang diin din  ni Ano na nasa kamay ng a mga bus driver ang kaligtasan ng  mga commuters sa pagbiyahe  pauwi sa kanilang mga probinsya para gunitain ang Semana Santa kaya dapat walang adik na driver sa kalsada.

Pinapurihan din ni Ano ang PNP sa pagtatalaga ng 91,000 pulis sa buong bansa para tiyakin ang kaligtasan ng mga bibiyahe at ang security operations sa mga places of convergence at mga transport terminals.

Please follow and like us:
Read More

ALBAYALDE, ELEAZAR NAG-IKOT SA AIRPORT, TERMINAL 

albayalde12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PERSONAL na nag-ikot si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa kamaynilaan para inspeksyunin ang seguridad na inilatag sa mga bus terminals, Miyerkules ng umaga.

Partikular na tinungo ni Albayalde, kasama sina NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar, QCPD Director P/BGen. Joselito Esquivel at PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, ang Araneta Bus Station sa Cubao, Victory Liner sa Pasay City at ang Ninoy Aquino International Airport.

Nais matiyak ni Albayalde ang kahandaan  ng mga police assistance desks na naatasang mangalaga para asistehan ang mga pasahero na bibiyahe sa mga lalawigan para sa paggunita ng Holy Week.

Pinaalalahanan din ni Albayalde sa kanyang pag-iikot ang mga pasahero at mga gwardiya sa mga terminals para sa mga safety measures na dapat gawin ngayong Semana Santa.

Nabatid din ng hepe ng pambansang pulisya ang kakulangan ng mga bus na inirereklamo ng mga biyahero na nakadaragdag sa sobrang init ng panahon. Ayon kay Albayalde  naka-full alert ngayon ang PNP sa Metro Manila lalo na sa mga matataong lugar,  simbahan at sa mga lugar na tourist spots habang heightened alert naman ang ipinatutupad sa ilang mga rehiyon ng bansa.

Napansin din  ni Albayalde na tila unti-unti nang natututo  ang mga bumibiyahe dahil sa report ay wala nang gaanong nahuhuli na nagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay sa mga terminal at paliparan na kanyang binisita.

Umaabot sa 91,000 mga police personnel ang idineploy ng PNP para tiyakin ang kaligtasan ng mga bakasyunista, turista at mga deboto ngayong Lenten Season.

 

Please follow and like us:
Read More

PNP HANDANG TUMULONG KAY JIM PAREDES

jim

(NI JG TUMBADO)

TUTUTUKAN ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iimbestiga sa sex video ng singer at dating miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes na kumakalat ngayon sa social media.

Gayunman, kikilos lamang umano ang PNP kung mismong si Paredes ang lalapit at hihihingi ng tulong para imbestigahan ang nasa likod ng pagpapakalad nito, ayon kay PNP Spokesperson Lt. Col. Bernard Banac.

“Kung mangyari man na talagang hihingi siya ng tulong, nakahanda po ang PNP na umalalay at imbestigahan ang pangyayari,” saad ni Banac sa kanyang pulong balitaan kahapon.

Una nangg inihayag ng dating APO singer na ‘fake’ ang video na kumalat subalit kalaunan ay inamin din ni Paredes na siya nga ang nasa viral sex video kasabay ng pagsasabing hindi niya alam kung sino ang may kagagawan sa pagkalat nito.

Paliwanag pa ni Paredes na pang personal na gamit lamang umano niya ito at hindi para isapubliko.

Pinaalalahanan naman ni Banac ang publiko na iwasan ang pag ‘share’ ng naturang sex video.

“Sa pangkalahatan, ang paalala natin sa lahat kapag may mga ganitong mga pribado na issues, kung maaari lang po ay wag na natin itong gamitin, ‘wag ipakalat, bilang mga responsableng netizens na gumagamit ng social media,” ani pa ni Banac.

Please follow and like us:
Read More

14 PULIS SIBAK SA P2-B INVESTMENT SCAM

scam12

(NI BONG PAULO)

TINANGGAL sa kanilang puwesto ang 14 na mga pulis ng Police Regional Office o PRO 12 na sinasabing sangkot umano sa Pulis Paluwagan Movement o PPM investment scheme habang iniimbestigahan sa mahigit P2 billion-peso investment scam.

Ayon kay PRO 12 Public Information Officer, Police Col. Aldrin Gonzales,  nitong Biyernes ay tinanggal na sa kanilang pwesto sina Police Lt. Col Henry Binas, Senior Master Sergeant Margild Aranas, Master Seargents Dervin Baluran, Francis Gee Caravalle at Roderick Ringon.

Tanggal din sina Staff Sergeants Joemar Abella, Roger Agodania at Jeannete Dosdos. Kasama ng mga ito ang mga Corporals na sina Rhodora Bombita, Richelle Reyes, Joy Butchie Mae Caravalle, at Daisy Babe Javierto at maging ang mga Patrolman na sina Kristin Buta at Venue Amor Velasco.

Sinabi ni Gonzales na ang pagtanggal sa mga pulis ay ipinag-utos mismo ni PNP 12 Regional Director ni Police Brig. Gen. Elesio Tam Rasco.

Matatandaan na noong Lunes ni-relieve rin ni PNP Chief, General Oscar Abayalde sina PRO 12 Directorial Staff Col. Manuel Lukban at General Santos City Police Director Col. Raul Supiter.

Ang mga ito ay inilipat sa police holding and accounting unit of the Directorate for Personnel Records and Management sa Camp Crame. Ayon kay Gonzales, ito ay bahagi ng standard operating procedure para maiwasan na makaimpluwensya ang mga ito sa imbestigasyon.

Tiniyak din ni Gonzales ang patas na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG 12 nasabing investment scam. Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon sa nasabing usapin ang National Bureau of Investigation (NBI).

 

Please follow and like us:
Read More

3 OPISYAL SA BILYONG PALUWAGAN SCAM SINIBAK

scam12

(NI JG TUMBADO)

TINANGGAL na sa puwesto ang tatlong police officials na nakatalaga sa General Santos City Police Office (GSCPO) dahil sa nabunyag na bilyong pisong investment scam na sila umano mismo ang nagpapatakbo sa kanilang organisasyon.

Ang pagsibak kina Police Lt. Col. Manuel Lucban,  Lt. Col. Henry Dinas at General Santos City Police Office Director Colonel Raul Supiter ay agarang isinagawa ni Police Regional Office 12 Director Brigadier General Eliseo T. Rasco batay na rin sa direktiba ni PNP Chief Director General Oscar D. Albayalde.

Ang tatlong nabanggit na opisyales ay pansamantalang ikinostudiya sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Police Regional Office 12 kasunod na rin ng paghahain ng kasong administratibo laban sa kanila.

Sinabi ni PNP spokesperson Lt. Col. Bernard Banac, inatasan na rin ng PNP Chief ang CIDG na syang mangunguna sa gagawing imbestigasyon sa kinasasangkutang scam sa Police Paluwagan Movement o PPM.

Una nang ibinunyag mismo ni Rasco ang naturang scam kung saan nasa mahigit 500 pulis na nakadestino sa General Santos City Police Office (GSCPO) at maging ng ilang kanilang mga kaanak, hukom at sibilyan ang nabiktima ng paluwagan na umaabot sa P1.9 bilyon.

Sa mismong loob ng Camp Fermin Lira sa General Santos City nagsimula ang investment scam  kung saan ay kinukumbinsi umano ang mga mamumuhunang pulis, kanilang mga kaanak, hukom, at mga sibilyan na magkaroon ng 60% tubo sa loob lamang ng 15 araw habang 100% interest naman ang makukubra kada buwan.

Nabisto lamang ang scam nang malamang may nawawala nang malaking halaga ng pera na sa paluwagan.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS  NAKA-VIDEO PA SA PAGGAMIT NG SHABU, HULI

policemanila

(NI KIKO CUETO/PHOTO BY JULIUS CARBO)

HINDI pa man lubusang humuhupa ang galit ni national Capital Region Police Office Chief Dir. Guillermor Eleazar, sabit na naman ang isang pulis Maynila.

Ngayon naman naaresto ang isang pulis sa ginawang buy-bust operation sa  Sampaloc, Maynila Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Patrolman Ferdinand Rafael, 52 anyos na nakasaklay na dahil umano sa operasyon sa kanyang paa. Nakadestino siya sa Manila Police District (MPD).

Sa imbestigasyon, lumalabas na dalawang linggong minanmanan ang suspek nang ireklamo ng ilang concerned citizen tungkol sa ilegal na gawain nito.

Agad siyang dinampot ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang magbenta ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nakuha naman mula sa bahay ni Rafael sa Calabasita St. ang nasa 15 gramo ng umano’y shabu na may halagang P102,000.

Sa surveillance video, nakuhanan din siya na gumagamit ng shabu kasama ang dalawang lalaki.

Napabilang sa Philippine National Police (PNP) si Rafael noong 1995 pero nag-AWOL matapos ang isang taon.

Nakabalik siya sa serbisyo noong 2002 at nakatalaga ngayon sa District Admin Holding Unit ng MPD at naka-assign sa Traffic Sector 8.

Sermon naman ang inabot ni Rafael mula kay NCRPO Director Guillermo Eleazar.

Nanggagalaiti sa galit si Eleazar nang hindi masabi ni Rafael ang pangalan ng kaniyang superior sa MPD.

“Anong klaseng pulis ka ni hindi mo alam kung sino ang immediate superior mo,” ani Eleazar.

Hindi na rin siya nagbigay ng pahayag laban sa mga paratang sa kaniya. “No comment na po,” ani Rafael.

Dahil sa sunod-sunod na pagkahuli sa mga pulis mula NCRPO nitong linggo, muling nagbabala si Eleazar sa mga gumagawa ng katiwalian sa kanilang hanay.

“Mortal sin for the policeman na gumamit ng droga. Ito ang laging sinasabi natin sa internal cleansing natin. Zero tolerance, no compromise tayo pagdating sa droga,” aniya.

Mahaharap sa kasong administratibo at kriminal si Rafael. Maaari ring matanggal sa puwesto ang kaniyang commander sa kalalabasan ng imbestigasyon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT SA 2-K SCALAWAG SIBAK SA ‘INTERNAL CLEANSING’ NG PNP

PNP by JHAY JALBUNA -2

(NI JG TUMBADO)

NASA kabuuang 2,528 mga pulis na ang sinibak sa serbisyo kaugnay ng iba’t ibang uri ng iregularidad simula ng Duterte Administration noong Hulyo 2016 hanggang nitong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Ito ang ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, na bukod sa mga na-dismiss na sa serbisyo ay nasa 4,511 naman ang suspendido.

Inilabas mismo ni Albayalde ang pinakahuling datos kasunod ng sunud sunod na pag-dakip sa mga tinaguriang ‘police scalawags’ na nasasangkot sa robbery extortion at kidnap for ransom na kung saan ay personal na ipriniprisinta ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar.

Iginiit ni Albayalde na sa kabila ng adhikain para tuluyang malinis ang hanay ng PNP mula sa mga ‘scalawags’ ay ilan sa mga ito ay hindi mapigilang gumawa ng ilegal na aktibidad dahil sa kasakiman.

“Kahit na siguro gaano kalaki ‘yung sweldo na ibigay sa atin kung talagang meron talagang mga ganitong klaseng tao, ito ang sinasabi natin siguro na bulag sa pera, ‘yung greed ay sobra at hindi nila maiwasan yung pagka-inggit nila sa ibang tao sa mga materyal na bagay”, pahayag ni Albayalde sa kanyang press conference sa Camp Crame Huwebes ng hapon.

Sinisiguro ni Albayalde na ang kanilang pag-implementa sa internal cleansing campaign ay mananatili sa ngalan ng ‘check and balance’ para tiyaking hindi gagawa ng anumang pang-aabuso sa kapangyarihan ang kanilang mga tauhan partikular sa walang humpay na war on drugs.

Albayalde also assured that the PNP is implementing “check and balance” measures to make sure that police officers do not abuse their authority amid the government’s relentless war on drugs.

“Baka kasi maraming umabuso dahil sinasabi ng ating pangulo that he will back us up pero walang sinabi ‘yung Presidente natin na back-up niya kami even if we abuse our authority],” saad pa ng PNP chief.

Samantala ay sinuportahan naman ni Albayalde ang naging aksyon ni Eleazar sa kinaharap na pulis Las Pinas na nanghingi ng ransom money at paglipat sa pangalan nito sa isang motorsiklong pag-aari din ng drug suspek.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 400 BUGOK NA PULIS, SINIBAK

pnp

(NI NICK ECHEVARRIA)

MULA nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte,  nasa 441 na ang kabuuang bilang ng mga  tiwaling pulis ang nasibak sa serbisyo mula 2016.

Sa ulat ni PNP spokesperson P/Colonel Bernard Banac. 322 sa mga ito ang nag positibo sa paggamit ng iligal na droga habang  119 na iba pa ang sangkot naman sa mga kasong may kinalaman sa  pangongotong, at pagbibigay proteksyon sa mga drug suspek.

Binigyang-linaw din ni Banac, na lahat ng mga nasibak sa serbisyo na mga pulis ay walang makukuhang retirement benefits  idadag pa ang kinakaharap na kasong criminal ng mga ito.

Idinagdag pa ni Banac na 8,000 mga pulis naman ang nahaharap sa disciplinary action kaugnay  sa mga kasong administratibo kung saan  may mga na-reprimand, na-demote sa mga ranggo at nasuspinde sa serbisyo ng walang kaukulang bayad.

Ipinalabas ng PNP ang ulat makaraang muling  uminit ang isyu sa mga tiwaling pulis kaugnay sa makahiwalay  na insidente ng pangongotong at kidnapping umano ng dalawang pulis sa Pasig at Pasay City kamakalawa kung saan kinuha ng mga ito ang gamit ng mga complainant gayundin ang paghingi nila ng halos tig-P100,000 kapalit ng pagpapalaya ng mga hinuling live-in partner na iniugnay  sa iligal na droga.

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA MAY KAANAK NA TATAKBO SA ELEKSIYON, BINALASA

pnp

(NI NICK ECHEVARRIA)

IPINATUPAD ni Philippine National Police (PNP) Chief P/General Oscar Albayalde ang limitadong pagbalasa sa 1,370 mga pulis na may kaanak o kadugo sa isang kandidato na tumatakbo kaugnay sa 2019 midterm election.

Kabilang ang 121 mga Provincial Directors, City Directors, Mobile Force commander at Chief of Police na may dalawang taon nang nanunungkulan sa kanilang assignment sa ipinag-utos na “limited reshuffle policy”.

Layunin ng hakbang na matiyak na walang papaboran o kikillingan ang kapulisan sa mga kandidato  sa mga  lugar na may kamag-anak silang tumatakbo partikular sa local elections na bahagi ng administrative measure na ipinatutupad ng PNP.

“As non-partisan and deputized law enforcement agency of the Commission on Elections, we strongly and firmly remain faithful to our apolitical mandate to ensure and protect the will of the electorate towards honest, orderly and peaceful elections,” ayon sa ipinalabas na statement ni Albayalde.

Kasabay nito, binigyan ni Albayalde ng resignation orders ang limang police personnel na naghain ng certificate of candidacy para kumandidato.

Batay sa talaan ng Directorate for Personnel and Records Manangement (DPRM), umaabot sa 1,858 na PNP personnel ang may kamag-anak o may relasyon sa mga pulitiko  ngayong  eleksyon subalit 1,370 lamang sa mga ito ang naka assign sa political jurisdiction ng mga kandidato habang ang natitirang 488 ay nailipat na sa ibat-ibang assignments.

Kabilang sa mga nalipat ng bagong assignment ang 26 na Police Commissoned Officer at 1344 na mga Non Commissioned Officer habang  kakandidato naman bilang Vice Mayor at Municipal councilors sa Bukidnon, Surigao Del Norte, Northern Samar, Lanao Del Sur at Zamboanga Del Sur ang limang resigned personnel ng PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

11 MOTORISTA NASAMPOLAN NG ANTI-WANGWANG NG PNP 

siren

(NI JG TUMBADO)

LABING-ISANG motorista ang nasampulan ng Philippine National Police Highway Patrol Group sa pinalakas na kampanya nito kontra wangwang.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, karamihan sa mga reklamong ipinarating sa kanila ay ang mga kandidatong gumagamit ng wang-wang.

Inilunsad ang mga operasyon sa Quezon City at San Juan City kung saan ay kabilang sa mga pinara ay mga pribadong sasakyan at motorsiklo na may domelight, blinker, at flasher. Kinumpiska lamang ang mga wangwang at hindi muna pinagmulta ang mga nahuli.

Damay na rin sa nahuli ang mga gumagamit ng hindi awtorisadong vanity plates.

Diin ni Police Brigadier General Roberto Fajardo, hepe ng PNP-HPG, ang mga pinapayagan lamang na gumamit ng wangwang at blinker ay ang AFP (Armed Forces of the Philippines), PNP, iba pang law enforcement agencies, at mga ambulansya.

Please follow and like us:
Read More

BAGONG RANK CLASSIFICATION NG PNP IPATUTUPAD  NA

pnp

(NI NICK ECHEVARRIA)

IPATUTUPAD na ang bagong rank classification ng mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang nakasaad sa Memorandum Order na ipinalabas nitong Miyerkoles mula sa tanggapan ni  P/Major General Lyndon Cubos, Director ng PNP Directorate for Personnel and Records Management kung saan ipinaguutos na ang agarang pag-gamit ng mga bagong ranggo sa lahat ng komunikasyon ng pambansang pulisya.

Ang bagong rank classification sa hanay ng PNP ay alinsunod sa Republic Act (RA) 11200 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong February 8, 2019.

Nakasaad sa naturang batas na ang bagong rank classification sa mga opisyal ng PNP ay gagawing Police General kapalit ng Police Director General; Police Lieutenant General kapalit ng Deputy Director General; Police Major General kapalit ng Police Director; Police Brigadier General kapalit ng Chief Superintendent; Police Colonel kapalit ng Senior Supt.;  Police Lieutenant Colonel kapalit ng Superintendent; Police Major kapalit ng Chief Inspector; Police Captain kapalit ng Senior Inspector at Police Lieutenant kapalit ng Inspector.

Samantala sa hanay naman ng mga Non-commissioned Officers at enlisted personnel,

ang mga bagong ranggo ay tatawaging Police Executive Master Sergeant mula sa dating Senior Police Officer (SPO) 4; Police Chief Master Sergeant na katumbas ng  SPO3; Police Senior Master Sergeant  sa SPO2; Police Master Sergeant para sa SPO1; Police Staff Sergeant para sa police Officer 3 habang Police Corporal para sa PO2  at Patrolman/Patrolwoman para sa PO1.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 11-K BARANGAY IDINEKLARANG DRUG-FREE

pdea

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa 11,080  mga barangays sa buong bansa sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte mula ng simulan ang crackdown sa illegal na droga noong 2016 ang idineklarang drug-free as of Januray 31 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.

Sa isinagawang “Real Numbers” press briefing sa Camp Crame, inilahad ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na sa kabuuang 42,044 barangays sa buong bansa, 21,974 pa ang kailangang linisin mula sa droga.

Para mai-deklarang drug-free ang isang barangay kailangang mag-convene ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) upang  i-validate na wala ng supply ng droga, drug transit activity, clandestine drug laboratory, chemical warehouse, marijuana cultivation site, drug den, drug pushers at mga  users.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Carreon na napakahalaga ng papel ng Barangay Drug Abuse Councils (BADACs) sa kanilang inilunsad na  training-orientation sa mga Local Government Units (LGUs) sa buong bansa bilang hakbang at sukatan ng pagdedeklara sa mga barangays drug cleared.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni spokesperson Senior Supt. Bernard Banac na umaabot na sa 301 drug dens at shabu laboratories sa bansa ang kanilang nabuwag simula July 2016 to January  2019.

Sa 301 mga nabuwag, 287 dito ang mga drug dens,  14 ang clandestine shabu laboratories, idagdag pa rito ang iba’t-ibang uri ng mga illegal drugs na nagkakahalaga ng PHP25.94 billion na kanilang nasamsam na kinabibilangan ng 3,401.17 kilograms ng shabu na may street value na PHP 19.14 billion.

Umaabot naman 170,689 na mga individual naman batay sa datus ng Real Numbers na sangkot sa illegal drugs ang naaresto ng mga awtoridad sa nabanggit na panahon, kabilang dito ang 627 government workers kung saan 263 sa kanila ang mga  elected officials, 69 ang mga uniformed personnel, at 295 naman ang government employees.

Nakapagsagawa rin ang mga pinagsanib na pwersa ng mga law enforcement agencies ng kabuuang 119,841 na mga anti-illegal drugs operations sa kaparehas na panahon.

Sa consolidated report lumalabas  na as of January 2019, nasa 5,176 na mga drug suspects ang iniulat na namatay habang isinasagawa ang kanilang anti-illegal drugs operations.

Simula July 2016 hanggang January 2019, nakaaresto naman ang pulisya ng 2,016 na mga  minors, 1,089 ang pushers; 533 possessors; 271 users; 105 visitors sa mga drug den; 6 ang mga drug den maintainers; 9 na drug den employees at 3 cultivators.

Ayon naman sa  Department of Social and Welfare Development (DSWD), ang mga narescue na mga  minors ay dapat iturnover sa mga Bahay Pagasa centers ng mga LGUs ng hindi lalagpas sa loob ng 8 oras na police custody, bago ilipat sa pangangalaga ng DSWD.

Samantala naglunsad naman ang PDEA ng community-based reformation centers na naglalayong i-rehabilitate ang mga drug offenders na tinawag nilang Balay Silangan Reformation Center o “house of hope”. Isa itong pansamantalang masisilungan na magbabago sa  mga biktima ng droga tungo sa pagiging self-sufficient at law abiding citizen.

Sa ilalim ng Balay Silangan Reformation Program tinuturuan ang mga drug offenders tungkol sa mga livelihood  programs  at skills training para matulungan na masustinihan ang kanilang pagbabago.

Sa kasalukuyan mayroon ng 24 na Balay Silangan centers ang naitayo sa buong bansa at umaabot na sa 150 individual ang nakapagtapos dito simula noong January 2018 hanggang January 2019.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

75 PULIS PA SA MARAWI SIEGE NA-PROMOTE

police19

(NI JEDI PIA REYES)

BINIGYAN ng special promotion ang karagdagang 75 pulis na nagpakita ng kanilang katapangan at pagbubuwis ng buhay sa pagsabak sa Marawi siege.

Kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) en banc ang promosyon sa susunod na mataas na ranggo ng mga pulis kasunod na rin ng rekomendasyon ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na magawaran ang mga ito ng meritorious promotion.

Sinabi ni NAPOLCOM vice-chair at executive officer Rogelio Casurao na ang mga nasabing PNP uniformed personnel ay nagtrabaho ng husto para tuluyang mapulbos ang may isanlibong miyembro ng Maute-ISIS group at Abu Sayyaf Group kasama na ang mga lider na sina Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Aabot din sa halos 2,000 mga bihag ang nailigtas at hindi bababa sa 400 mga de-kalibreng armas, gayundin ang mga bala at pampasabog ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Marawi.

“The courage displayed by these valiant police personnel earned themselves not only the admiration of the members of the PNP but also of the people they had sworn to serve,” ani Casurao.

Nauna na ring kinumpirma ng NAPOLCOM ang special promotion ng may 745 pulis na sumabak din sa giyera sa Marawi.

 

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL TASK FORCE VS BATOCABE KILLERS BINUO

PNP 300

BUMUO na ng special task force ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at sa security escort na si SPO1 Orlando Diaz.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na inatasan na niya ang Special Investigation Task Group na kumilos at gawin ang lahat ng paraan upang tugisin ang mga suspect at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kongresista.

Umapela rin si Albayalde sa publiko na magreport ng impormasyon na makapagtuturo sa mga suspect. Si Batocabe ay miyembro ng House panel tulad ng committees on dangerous drugs, energy, health, tourism at good government and public accountability.

Isa syang mahusay na abogado na nagtapos ng maraming parangal sa University of the Philippines. Nakatakda sanang tumakbo bilang mayor si Batocabe sa Daraga sa eleksiyon.

Please follow and like us:
Read More

PNP: ANTI-DRUG OPS ‘DI TITIGIL KAHIT PASKO

shabu

HINDI matutulog sa pansitan ang Philippine National Police (PNP) sa operasyon laban sa droga kahit ngayong holiday season, ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde.

“’Di tayo titigil diyan dahil iba naman ‘yung nag-ooperate [na police unit] sa anti-illegal drugs,” ayon kay Albayalde.“’Yung gagawa sa operations sa anti-illegal drugs ay hindi naman ‘yan maitatalaga doon sa mga ibang duties and responsibilities para sa kapaskuhan lalo na ‘yung Oplan Sita, police presence, ‘yung pagtatalaga ng police assistance desks lalo na sa malalaking simbahan,” ayon pa dito.

Tiniyak din ni Albayalde ang publiko sa mataas na presensysa ng kapulisan ngayong holiday season dahil na rin sa inaasahang pagkilos ng masasamang elemento. “Yung pagsasapit ng kapaskuhan ay tumataas ‘yung ating crime lalo na ‘yung crime against properties natin.  Tyak na mababawasan yan,” sabi pa ni Albayalde.

Please follow and like us:
Read More