PNP OFFICIAL INAMBUS PAGLABAS NG HEADQUARTERS

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na salarin ang isang police official sa Calamba City, Laguna, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Police Lt. Ramil Gonzalez, sa ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay kay Police Major Dexter Domingo, deputy chief of police ng Calamba City, pinagbabaril si Gonzales ilang saglit nang makalabas ito ng Provincial Police Headquarters sa Camp Vicente Lim sa Barangay Mayapa makaraang dumalo ito sa Officer’s Basic Course training pasado alas 8:30 ng gabi ng Linggo.

Naisugod pa sa Global Care Hospital si Gonzales subalit binawian din ng buhay sa kalagitnaan ng operasyon.

Sinabi ni Domingo na may “person of interest” na sila kaugnay ng krimen subalit tumanggi na itong pangalanan habang nasa proseso pa sila ng imbestigasyon.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng paglikida sa police official.

Please follow and like us:
Read More

OPISYAL NG PNP INARESTO SA NAKAW NA SASAKYAN

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Marawi City Police Station (CPS) makaraang mabawi sa kanyang pag-iingat ang isang nakaw na sasakyan.

Nabatid sa ipinadalang ulat ni Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) Director P/BGen. Marni Marcos sa Camp Crame, nakilala ang naarestong suspek na si P/Cpt. Santos Libres Monares, ng Marawi CPS.

Isang Ford Everest na may conduction sticker # lK3400 ang nakumpiska kay Monares na nakarehistro sa isang Dolores Gutierez mula sa Sta. Cruz, Manila.

Si Monares ay inaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence at Anti-Carnapping Unit ng PNP-BARMM, makaraang  wala itong maipakitang lisensiya at rehistro ng minamanehong sasakyan.

Itinuro naman ni Monares ang isang P/Cpt. Ramces Cartejana ng Police Regional Office (PRO)10 mula sa Camp Alagar, Cagayan de Oro City, na siyang nagbenta sa kanya ng nasabing sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

PNP OFFICIAL HULI SA ‘DI PAGSAULI NG M16 RIFLE

PNPLOGO1

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISA na namang police officer ang inaresto ng mga tauhan ng Eastern Police District Intelligence Unit (EPD-DIU) sa kasong Malversation of Government Property sa Quezon City, Miyerkoles ng hapon.

Sa ipinalabas na report ni EPD Director P/Brigadier General Christopher Tambungan, nakilala ang dinakip  na si  Police Staff Sgt. Jesus Dela Cruz, 40.

Si dela Cruz ay inaresto sa Quezon City Police District (QCPD) Station 12 sa Eastwood ganap na ala-1:00 kung saan siya kasalukuyang nakatalaga,  sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni  Judge Ignacio ng MTC 209, Mandaluyong City, kaugnay sa paglabag sa  Article 217 ng RPC o Malversation of Government Property.

Nabatid kay Tambungan na nabigo si dela Cruz na isauli ang naka-issue sa kanyang service firearm na M16 rifle noong nakatalaga pa ito sa Marikina City Police Station noong 2007, sa kabila ng ilang ulit na pagpapadala sa kanya ng mga notices at summons mula 2009.

Binigyang-diin ni Tambungan na hindi nila palalagpasin ang ganitong gawi ng mga police personnel na hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na alituntunin kaugnay sa tamang paggamit at pagsasauli ng mga government properties.

Idinagdag pa ni Tambungan na patuloy nilang tutugisin sa ilalim ng kanyang liderato ang lahat ng mga wanted persons maging ang kanilang kabaro bilang bahagi ng ipinatutupad na PNP Internal Cleansing Program.

Si Dela Cruz ay nasa   headquarters ng EPD ngayon para sa kaukulang dokumentasyon.

 

Please follow and like us:
Read More