JUDY ANN SANTOS AT PIOLO PASCUAL,WALANG IMPOSIBLE

JUDY ANN-PIOLO-2

Sa finale presscon ng teleseryeng Starla ng DreamscapePH na pinagbibidahan ng ating television superstar na si Judy Ann Santos,

Kinumpirma niya na pahinga muna siya sa paggawa ng series.

Hindi naman  sa namimili na siya, iba  kasi ang kinakaing oras while taping a series kumpara sa paggawa ng pelikula.

Of course, alam naman nating pamilyadong tao na ang sikat na aktres kaya mas gusto niyang tapusin naman this year ang dalawang pelikulang natanguan na niya last year.

But she told us na hindi naman siya nagsasara ng pinto that anytime na may magandang TV project na ibibigay sa kanya basta’t magustuhan niya ay magtatrabaho siya.

Sa 16 weeks na umariba sa ratings ang Starla, sa pagtatapos nito ay naging maboka si Juday sa pagsabing nakabuo siya ng bagong pamilya kasama ang buong cast ng Starla na mami-miss niya  talaga. Thankful si Juday sa naging smooth run ng taping. Umaasa siyang in the future ay makakatrabaho pa niyang muli ang mga ito. Sa presscon ay iginiit naman ni Juday na okey sila ni Piolo Pascual. When asked about sa kanilang nabinbing proyektong pelikula together,  wala naman daw imposible  sa kanila.(Dominic Rea)

Please follow and like us:
Read More

PIOLO ‘DI MAKAIWAS SA SWEETS

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

AMINADO si Piolo Pascual na mahilig talaga siyang kumain nang matatamis. Para sa aktor ay hindi naman ito masama sa katawan basta kontrolado at kinakailangan ding mag-ehersisyo.

“Minsan nakakaubos ako ng three to four doughnuts. At the end of the day, it’s all a matter of balance. Like ako kunyari ‘pag gusto ko may craving ako for something sweet, if I can finish like half a dozen box of doughnuts. I know I have to work out. I have to train, I have to sweat if off,” bungad ni Piolo.

Sa edad na 42 ay kapansin-pansin pa rin ang magandang pangangatawan ng aktor. Kapag walang trabaho ay puspusan umano ang ginagawang pagpapawis ni Piolo. “If marami kang mag-divert or just limit your lifestyle. You know the things that you have to avoid. Okay lang ‘pag once in a while may mga craving ka, you balance it out with exercise.

I don’t eat as much food when I’m eating as much sugar. You make sure to burn it. I’m always conscious about what I have to burn and how I have to look because I am my own product. So I make sure that I have a balanced diet as well. Even if I have my sugar fix, I make sure I balance it out with a training or work out,” pagbabahagi niya.

Samantala, kahit walang teleserye ay kabi-kabila naman ang ginagawang pelikula ni Piolo bilang aktor at bilang movie producer.

“I finished a movie with Lav Diaz. The Lav Diaz that was shown for Cinemalaya. I finished a movie with Brillante Mendoza celebrating the 100 years of Philippine Cinema. And also, we’re participating sa Pista ng Pelikulang Pilipino with ‘I’m Ellenya L.’ with Maris (Racal) and my son Iñigo (Pascual). I’m finishing a film with Alessandra de Rossi that we are co-producing. November, were starting the film. I’m finishing up an album, hopefully we get to launch it before Christmas season,” nakagiting pahayag ng aktor. -Reports from JCC-   

 

Please follow and like us:
Read More

JUDY ANN UMAASA PA SA REUNION PROJECT NILA NI PIOLO

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

UMAASA pa rin si Judy Ann Santos na posible pa silang magkatambal ni Piolo Pascual sa isang proyekto. Matagal nang napababalitang muling magkakatrabaho ang dalawa pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nangyayari. “Lagi naman tinatanong ‘yan sa bawat press conference. Gaya ng sinabi ko, wala namang imposible, with a right project, it will always happen, always happens. It’s just that wala akong mapusuan na script,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Ayon sa Young Superstar ay marami talaga siyang natatanggap na alok na proyektong kasama Piolo pero hindi pa niya matanggap ang mga ito. “Marami, maraming-marami. Hindi nawawala ang offer that’s for sure and that I can say. It’s just, if I see a project na para sa amin ni Piolo, sasabihin ko naman eh. It’s just that it’s been too long and we do not want to present a movie na basta na lang, para lang magkaroon ng Juday-Piolo project,” kwento ng aktres.

Para kay Judy Ann ay kinakailangan mas maging mapili o maingat na siya ngayon para sa mga proyektong ginagawa. “Habang tumatagal, lalong nagiging kritikal. Kasi mas gusto kong maayos ang takbo ng istorya. It should be well worth the wait, and habang hindi pa kami gumagawa ng project ibig sabihin, wala akong nagugustuhan na istorya. Ako actually and dahilan kasi ako ang namimili ng project talaga,” pagtatapos ni Juday.

Matatandaang taong 2006 pa huling nagkatambal sina Judy Ann at Piolo sa pelikulang ‘Don’t Give Up On Us Baby.’ -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

ARTISTA NG ABS-CBN BAWAL MAG-SHOOTING SA MINDANAO

brillpiolo12

(NI JERRY OLEA)

FIRST choice si Piolo Pascual sa papel niya sa pelikulang Lupang Hinirang na idinidirek ni Brillante Mendoza.

“Kasama talaga siya from the very start,” sambit ng premyadong direktor nang mainterbyu ng  Diaryo Bomba sa awards night ng Sinag Maynila 2019 indie filmfest nitong Abril 7, Linggo, sa Conrad Hotel.

“Kasama talaga siya sa project na yun.

“Actually, naiba lang yung role… not because of schedule, dahil we have to shoot in Mindanao, at nag-isyu ng memorandum ang ABS-CBN that they don’t allow their actors to go to Mindanao.

“So, kailangan siyang i-shoot dito. So, iniba ko yung kanyang role, syinut ko siya dito sa Manila.

“But we will still go to Mindanao. My team will still go to Mindanao.”

Maganda ang karanasan ni Direk Brillante sa pakikipagtrabaho kay Piolo sa Lupang Hinirang.

“Actually, matagal ko na dapat ano… second na dapat ito,” matamang lahad ni Direk Brillante.

“Kaya lang, as usual, ang mga problema ng actors na merong telenobela, yung schedule.

“It so happened na naayos namin ang schedule this time, so nakasama siya sa pelikula.” Tapos na ang mga eksena ni Piolo sa pelikula, pero matatagalan pa ang shooting ng ibang

sequences.

Gusto ni Direk Brillante na idirek si Piolo sa isa pang pelikula. “Well, I’m looking forward, kasi madaling katrabaho si Piolo.

“I didn’t expect na… alam mo yun, kasi exposed siya sa mainstream.

“Saka iba naman yung way of doing films ko, hindi naman siya katulad ng paggawa ng mainstream.

“So, hindi ko ini-expect na makaka-adapt siya ng ganoon kabilis, naka-adapt siya ng ganoon kabilis, at impressed din ako sa kanya dahil hindi siya ganoon na ine-expect ko.

“He’s very quiet. Nag-i-internalize siya sa set. Ano lang siya, nasa isang sulok lang siya, which I like a lot.

“Kasi, ganoon ang gusto ko sa mga artista, e. Ayoko yung masyado silang ano sa se“I like him to be always in character.”

For next year pa ang showing ng Lupang Hinirang.

Sa November nakatakdang ipalabas ang pelikula ni Direk Brillante entitled Mindanao, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial (100 Years) ng Philippine Cinema na magki-kick off sa Setyembre.

Bida sa Mindanao sina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

At one point, ang title niyon ay Bayang Magiliw, na naging Maguindanao, bago naging Mindanao.

Iyong Bayang Magiliw ay gagamiting title ng isa pang movie na tatampukan din ni Piolo, kasama sina Baron Geisler, Rocco Nacino, at Laurice Guillen.

Naku! Baka puwedeng isama sa cast si Judy Ann Santos para mag-reunion na sila ni Piolo!

Natawa si Direk Brillante, “Ha! Ha! Ha! Sige… tingnan natin kung puwede. Sige! Ha! Ha! Ha! Ha!”

 

Please follow and like us:
Read More

DIREK BRILLANTE MASAYA SA PERFORMANCE NI PIOLO

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ISANG pelikula ang ginagawa ngayon ni Brillante Mendoza na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Naninibago raw ang premyadong direktor na makatrabaho ang aktor sa kauna-unahang pagkakataon.

“Sinu-shoot pa lang siya, hindi pa kami tapos. Marami pa kaming shooting (days). I was surprised kasi first time ko makatrabaho si Piolo and alam nating lahat na hindi talaga ako nakakapagtrabaho sa mga mainstreams actors. I was happily surprised na si

Piolo madali siya mag-adapt sa way of film making  style ko. ‘Yung aesthetics ko na paggawa ng pelikula,” pagbabahagi ni direk Brillante.

Maraming mga eksena para sa proyekto ang kinunan sa iba’t ibang lugar sa Luzon at Mindanao. Ayon sa direktor ay hindi tungkol sa pulitika ang bago nilang pelikula.

“’Yung kwento niya tungkol siya sa encounter ng SAF at ng MILF or MI. We won’t focus on the political side. We will focus more on the story of the two groups. And at the same time, we would like to show more the story of Filipinos as a whole. Hindi ‘yung may pinapaboran na grupo. ‘Yon ang gusto naming ikwento at doon namin gusto mag-focus,” paglilinaw ni direk Brillante.

Maraming international film  festival na ang nasalihan ng iba’t ibang pelikulang nagawa ng direktor. Ngayon ay hindi pa raw naiisip ni direk Brillante kung saan niya isasali ang pelikula nila ni Piolo. “Basta ang importante ngayon matapos muna ‘yung film. Gusto naming mapanood, mabuo muna siya and then we’ll decide after,” pagtatapos niya.  -Reports from JCC-

 

 

Please follow and like us:
Read More

JUDAY HINIHINTAY PA RIN NI PIOLO

PIOLO JUDAY12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SI Judy Ann Santos lang ang hinihintay ni Piolo Pascual para matuloy na ang reunion movie nila na as we all know ay noon pa talaga pinaplano’t matagal na ring hinihintay ng kanilang mga fans.

Ayon kay Piolo kung kelan pwede si Juday, he’ll make himself available dahil nga gustong-gusto na niyang matuloy ito.

“It’s just a matter of time, I guess. When she’s free already to do the film. But I’m keeping my fingers crossed. I hope, bago kami tumanda, that’s what I always say.

“And anytime she’s free, I’ll make myself free to her,” sabi ni Piolo nang makatsikahan namin sa contract signing niya with AMA Online Education (AMA OED) as its new Ambassador.

Kamakailan nga ay nag-viral pa ang video ng aksidenteng pagkikita nila sa elevator kung saan ay makikitang okay na okay naman talaga sila.

“Juday and I will always be friends no matter what happens, you know. Pag nagkikita kami, parang. . .Wala naman talagang issue sa amin, eh,” sey pa ng aktor.

Pero sa ngayon, talagang wala pa raw kasiguraduhan or kahit time-frame kung kaylan sila magsasama ulit. Meron daw siyang reunion film na ginagawa ngayon under Star Cinema pero ayaw pa niyang sabihin kung sino ang ka-reunite niya but definitely, hindi si Juday.

“I’m in talks with Star Cinema for another film. But just the same, I cannot disclose it yet. We’re shooting already but I’m excited for that because it’s a reunion film as well,” sey niya.

Samantala, perfect na perfect si Piolo para maging Ambassador ng AMA OED since mayroon din siyang scholars na pinag-aaral. Marami na siyang napagtapos, actually na bihira ang nakakaalam dahil hindi rin naman niya ipinamamalitang masyado.

Kaya nga natutuwa siya dahil pwede silang magkaroon ng partnership ng AMA for the scholars.

“This is a good opportunity for the scholars that we have, for those who are still in high school or grade school, we can set up a program for them for college,” he said.

 

VALERIE DECEMBER BRIDE OF NON-SHOWBIZ BF

 

Bumalik na si Valerie Concepcion sa dati niyang manager na si Becky Aguila na una niya talagang manager bago siya lumipat sa pangangalaga ni Arnold Vegafria noong 2015.

Ayon kay Valerie nang makapalitan namin ng text message, natapos na raw ang kontrata niya kay Arnold kaya kinausap niya ulit ang dating manager.

“Wala naman po kasi kaming problema ni tita Becky. Even when I wasn’t with their agency, I would still text her pag may occasions,” saad ni Val.

Noon pa ay si tita Becky na raw ang itinuturing niyang second mom.

“So, when my contract ended, it was either ako na lang with my mom (ang mag-manage sa sarili) or back to tita Becky. And I chose the latter because as I’ve said, Tita Becky is like a 2nd mom to me.

“She’s been there for me from the start and I really appreciate that,” pahayag pa ng aktres.

Sobrang happy raw siya ngayon na back in each other’s arms na sila ng kanyang pangalawang ina.

“Happy po ako kasi welcome na welcome pa rin po ako kina Tita Becky and Kat (Katrina Aguila, Becky’s daughter) and I’m grateful for that,” sey pa ni Val.

Sa December na ikakasal si Valerie sa kanyang non-showbiz fiancée na si Albert Sunga. Kasalukuyan na silang nagpeprepara for the wedding pero keri pa rin daw na tumanggap ng work.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PIOLO ‘RETIRED’ NA SA MGA TELESERYE

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

MABUTI na lang hindi ako nakarating sa launching ng AMA Online Education kay Piolo Pascual bilang bagong endorser nila. Eh di sana kami na naman pinaglaruan ng mga baklang reporter na nag-cover dun di ba?

Sobrang init kasi ngayon, kaya kung wala gaanong lakad, di na lang ako naglalabas.

Kaya medyo na-guilty din ako kay Ferdie Sia ng AMA kasi ang bait-bait nila niyan sa akin. Lalo na kay Bong Revilla na kinuha nilang endorser nun, in fairness suportado talaga nila nang husto si Bong.

Kahit nung nasa Camp Crame pa nun si Bong, hindi sila nakalilimot magpadala ng pagkain o kahit ano  tuwing birthday niya.

Dumadalaw pa nun sa Crame si Ferdie, kaya sobrang bait nila at solid ang suporta nila kay Bong hanggang ngayon.

Kahit sa iba pa nilang endorsers mabait sila.

May ilan lang nun na endorser na parang nadala sila, hindi dahil sa artista kundi sa managers nila. Minsan kasi wala naman problema sa artista, sa manager lang talaga na ang hirap pakiusapan.

Kaya ako ang bait ko sa mga advertisers kasi itsitsismis ka talaga kung may attitude ka.

Grupo-grupo rin kasi sa advertising, at kapag may palpak na ginawa ang isang endorser, ang bilis kumalat niyan at pag-uusapan ka talaga. Minsan tuloy hindi na napupunta sa kanila ang trabaho.

Kaya dapat behave ka no!

Anyway, hindi naman magsisisi ang AMA kay Piolo dahil mabait naman si Papa P, di ba?

Ang maganda pa, malaki ang maitulong nito sa isang advocacy ni Piolo on Education.

Madadagdagan ang mga scholars niya na sinusuportahan.

Meron na nga raw siyang napa-graduate sa high school, kaya puwede na silang tumuloy sa college sa tulong ng AMA Online.

Doon sa contract-signing ni Piolo sa AMA ay naikuwento na rin niya sa mga press na hindi na raw talaga siya magsu-soap. Tama na raw yung mga nagawa niyang soap sa loob ng 20 years niya sa showbiz.

Gusto na lang niyang mag-focus sa movies, kaya bago siya umalis pa-Florence, Italy para mag-aral, may dalawang pelikula na siyang natapos.

Meron siyang ginawa kay direk Brillante  Mendoza para sa 100 Years of Philippine Cinema.

Bukod pa diyan, aligaga rin naman si PIolo sa pagpu-produce, at marami nga raw silang naka-line up.

Medyo sad nga ngayon si Piolo dahil inamin naman niyang flopey talaga ang Kuya Wed nila na kinu-produce kay Ogie Alcasid,

Pero hindi naman siguro sila luging-lugi diyan dahil puwede pa nila mabenta sa ibang platform yan. Medyo matagalan nga, pero kayang-kaya nina Piolo yan!

Maganda naman dahil pursigido na talaga si Piolo kasama sina direk Joyce Bernal, at Ericson Raymundo na mag-produce ng marami pang pelikula.

May kinalaman nga dun ang pag-aaralan nila sa Florence.

PANALANGIN KONG  KUMITA ANG PAPA POGI TODAY FOR THE LOVE OF MOTHER LILY

Bongga nga si Mother Lily, sa gitna ng krisis sa movie industry, tuluy-tuloy

pa rin ang paggawa niya ng pelikula.

Ngayong araw nga ay magbubukas ang Papa Pogi niya na kung titingnan

mo, mapapaisip ka kung kikita ba ito dahil walang sikat na artistang kasali.

Pero hindi naman ang artista, kundi ang pelikula mismo.

Kuwento sa akin ng mga nakadalo sa premiere night nito nung kamakalawa lang na ginanap sa Trinoma, nakakatawa raw ang pelikula.

Doon nga raw nila nakita na mga security guards, hindi na raw lumabas ng sinehan kasi naaliw na raw sila sa panonood.

Kunsabagay, magaling naman talaga mag-comedy si Alex Calleja na nagsulat at nagdirek nito.

Doon sa premiere night ay suportado talaga ng mga taga-It’s Showtime ang pelikulang ito. Siyempre, ginawa nila iyun para kay Teddy at kay Alex Calleja na rin na nagsusulat din dun sa Showtime.

Dumating sa premiere night sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Karylle, ibang Hashtag members, Nicole Cordoves, at iba pa nilang kaibigan sa ABS-CBN 2.

Kaya umaasa silang lahat na tangkilkin ito at mataypan ng mga manonood.

Kasi, pagkatapos ng Alone/Together (at Ulan nina Nadine at  Ca balik na naman sa flop ang mga pelikula natin. Sana this time, makabawi naman daw dito sa Papa Pogi. Sana nga!

Siyempre love ko si Mother Lily. Kaya pray  talaga ako na kumita na ang mga susunod na pelikula ng Regal.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MOMMY NI PIOLO, TAKOT SA MOMMY NI JUDAY!

juday22

suri(NI  The FIRST NOEL Ferrer)

NAG-CELEBRATE ng kaarawan si Mommy Carol Santos sa Madison Square sa E. Rodriguez at ang sinabi nilang tayo-tayo lang na party ay naging malakihang pagtitipon ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Siyempre pinangunahan iyong ng nga anak niyang sina Jeffrey, Jackie at Judy Ann Santos.

Kasama rin ang kanyang mga kapatjd at kaibigan, pati na ang tinatawag nilang balaeng hilaw na si Mommy Amelia Pascual (mommy ni Piolo) na takot mapagalitan at mamura ng kaklase niyang Carolina kaya lagi siyang present sa mga pa-birthday piging.

Naiyak ang kapatid ni Mommy Carol na nagsabing – “tough siyang tingnan pero napaka-loving niyan. Siya ang nagpa-aral at bumuhay sa amin kaya itinuring namin siyang sister-mother-father all rolled into one.”

Karamihan ay good health and more blessings ang wish kay Mommy Carol.

Bago nag-happy birthday song at cale blowing, guess kung sino ang kumanta at talagang na-impress ang mga tao sa boses niya.

Walang iba kundi si Yohan Santos-Agoncillo na ang sabi ng mga tao ay di hamak na improvement of the race – kung kay Juday ikukumpara.

“Aral muna,” sabi ng Teleserye Queen na nag-multiple platinum artist.

And I thank you

 

Please follow and like us:
Read More

OGIE ALCASID NAG-ENJOY KAY PIOLO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SA nakaraang presscon ng Timeless Classics Valentine concert nina Martin Nievera and Lani Misalucha, natanong ang Concert King kung ano ang ipinagkaiba ng mga nakasama na niyang magagaling na female singers natin sa bansa kabilang na sina Regine Velaquez, Zsa Zsa Padillla and ex-wife Pops Fernandez.

“They’re all amazing but they have a different amazing about them like for instance, Regine, I’m sure Lani will also be a good proof of this, when Regine sings talaga, you need to step back.

“It’s like when a wave comes in, you need to get away when the wave goes back, the undertow of the wave.

“Regine requires a lot of power. Sometimes I think, she also downshifts when she performs with singers who can’t keep up with her. That’s one good thing about Regine,” pagde-describe ni Martin.

Si Zsa Zsa naman daw ay “easy fit” for any singer, “because she’s so velvet, voice si velvet smooth, you just need to be able to be as smooth.”

Pero ang dati niyang asawang si Pops daw ang pinakamadali para sa kanya na katrabaho dahil hanggang ngayon, nagagawa pa rin daw nilang tapusin ang sentences ng isa’t isa.

“We still have that connection, we’re in a place now that is higher than love, higher than lust, and then, want, then need, expectation, disappointment.”

Wala rin daw silang script ni Pops kapag nasa stage sila dahil nga alam na alam na nila ang iniisip ng bawat isa pati na ang movements.

Kay Lani naman daw, ani Martin, “she makes me step it up, which I think is very much needed for singers who’s been doing this for what, 36 years?”

Kailangan daw talagang maging mahusay ka kapag si Lani ang kasama mo.

“You really need to be on your toes, in every aspect. So, for me, she makes me a better singer,” pahayag pa ng Concert King.

Every year ay may Valentine concert ang magagaling nating singers tulad nina Martin and Lani. Tulad nga nitong Timeless Classics na gaganapin mismo sa Araw ng mga Puso, Feb. 14, 8pm sa PICC Plenary Hall.

Kaya namang ang pagse-celebrate raw ng Valentine’s Day with their partners ay hindi na nila nagagawa at sanay na sila sa ganitong set-up. Mas importante sa kanila ang makapagbigay ng entertainment sa mga couples na nagde-date kapag ganitong okasyon na sabi nga ni Martin, “to keep them in the mood for love.”

 

@@@

 

Pinasok na rin ni Ogie Alcasid ang movie production via Kuya Wes kung saan ay siya rin ang bida. First indi (independent) film din ito ng singer/songwriter, collaborating with Spring Films ni Piolo Pascual bilang co-producer.

Ayon kay Ogie, marami raw siyang natutunan kay Piolo pagdating sa pagiging producer and film actor.

“Lagi akong nakikinig sa kanya, siyempre, mas marami siyang alam kaysa akin as a producer, as a film actor. I mean, of course, I’ve been doing this longer than him, pero mas marami siyang insights, marami akong natutunan sa kanya,” pahayag ni Ogie nang makausap namin sa premiere night ng Kuya Wes.  Kumusta si Piolo bilang co-producer?

“Sobrang encouraging. Of course, sasabihin niya kung pangit. Marami siyang opinion. Dito sa Kuya Wes, wala naman siyang sinabing nega (negative). Pero andu’n siya sa “pag-aralan natin kung ano ‘yung takbo ng pelikula.” Hindi ‘yan basta kung ano ang gusto ko, ‘yun ang ilalabas ng tao. Kung ano ang gusto ng tao,” pahayag ni Ogie.

Matatandaang entry to Cinemalaya Film Festival ang Kuya Wes last year at ngayon ay magkakaroon na ito ng commercial run sa mga sinehan sa Marso.

Kakaibang Ogie Alcasid ang mapapanood sa pelikula dahil isa itong serious movie at first time namin siyang napanood sa ganito kaseryosong role and acting.

Proud and happy rin si Ogie na napasama sa FantaSporto Film Festival in Portugal ang Kuya Wes at pupunta sila ng direktor na si James Robin Mayo para dumalo sa nasabing filmfest ngayong Pebrero.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More