PICKUP VS PICKUP: 7 SUGATAN

(NI BONG PAULO)

PITO katao ang naiulat na nasugatan, kabilang na ang isang empleyado ng gobyerno, makaraang magsalpukan ang dalawang pickup sa pakurbadang daan ng Purok 11, Brgy. Poblacion, Makilala,  Cotabato, Lunes ng tanghali.

Kinilala ang mga sugatan na sina Mojahid Cosain Magayan, 39, government employee, na siya ring drayber ng Toyota pickup (A7N222); Anisa Macadato Magayan, 39-anyos; Noraima Gapor Sarip 32; Rainida Limgas Gapor, 24; Nassiba Mapandi Botawan, 49; Almira Ritone Gapor, 15, lahat ng Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato.

Habang ospital din ang bagsak ng drayber ng Nissan pickup calibre na Navara na si Ruel Aguilar Serrano, 76, ng Quezon Blvd, Kidapawan City.

Nangyari ang insidente alas-12:35 ng tanghali kung saan binabaybay ng isang Nissan Navara Calibre Pick-up  (F2K780) ang national highway galing Davao City papunta ng Kidapawan at pagdating sa nabanggit na lugar ay napadako ito sa kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang paparating na pickup mula sa kasalungat na direksiyon.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA TODAS, 2 KRITIKAL SA BUMANGGANG PICK-UP

accident121

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang isang 63-anyos na lolo at maging ng kanyang 21-anyos na anak na lalaki nang salpukin sila ng isang pick-up habang sakay sa kanilang “kuliglig” sa bayan ng Calamaniugan,  lalawigan ng Cagayan, gabi ng Miyerkoles.

Kapwa binawian ng buhay habang ginagamot sa District Hospital ang mag-amang sina Inocencio Fermin Sr. at Inocencio Jr. ng Barangay Fula sa bayan ng Buguey.

Bukod sa mga nasawi ay dalawa pang iba ang nasa maselang kondisyon sa ospital na nakilalang sina Prince Jay Columna at Juliet Miranda, na parehong sakay din sa kuliglig.

Nabatid sa report kay Police Lt. Ma. Teodora Cabral, hepe ng Camalaniugan police, nag overtake umano ang driver ng pick-up na nakilalang si Ernesto Rabit Jr., sa isang sasakyan sa bahagi ng national highway ng Barangay Cullit.

Subalit hindi na umano nagawang bumalik sa linya si Rabit at dire- diretsong sumalpok sa kasalubong na kuliglig na nasa kabilang linya.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver na si Rabit at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide with physical injuries and damage to properties.

 

Please follow and like us:
Read More

SASAKYAN NAHULOG SA PARKING AREA NG HOTEL

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG driver ang nasugatan nang umano’y mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong pick-up, na nagresulta sa pagkahulog nito mula sa ikalawang palapag ng parking area ng isang hotel sa  Ortigas Center, Pasig City, Biyernes ng umaga.

Ayon kay P/MSgt. Allan Matula, ng Pasig City Police, ang biktima ay nakilala lang na si Rocky Pagaran Yabut, driver ng silver na pick-up na may plakang NBI-8838 at pagma-may-ari ng isang Rolan Roque.

Si Yabut, na sinasabing posibleng nabalian ng leeg at kaliwang braso, ay naisugod na sa Rizal Medical Center at nilalapatan ng kaukulang lunas.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng pulisya na bago mag-alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa parking area ng Malayan Plaza Hotel, sa ADB Avenue, Ortigas Center.

Nasa ikalawang palapag umano ng parking area ang naturang pick-up nang sinasabing mawalan ng kontrol dito ang driver kaya’t humarurot at biglang nahulog mula sa ikalawang palapag ng parking area hanggang sa tuluyang bumagsak nang patagilid sa kalye ng Topaz Road, kanto ng Opal Road.

Tumalsik rin sa kalsada sa ibaba ang bakal na rehas na harang ng parking area nang banggain ng sasakyan.

Dahil sa tindi ng impact ng insidente ay wasak ang harapan at tagilirang bahagi ng sasakyan habang sugatan ang driver nito, na kaagad namang dinaluhan ng mga rescuer at naisugod sa pagamutan.

Mabuti na lamang at walang nabagsakan ang sasakyan at rehas na bakal, kaya’t walang nadamay sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Please follow and like us:
Read More