PAGKATAPOS NG ROLLBACK; TAAS PRESYO ULIT SA GASOLINA

LANGIS-2

(NI ROSE PULGAR)

MAGPAPATUPAD na naman ang mga kompanya ng langis sa bansa ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod linggo matapos ang magkasunod na linggong rollback.

Sa abisyo ng ilang insider sa oil industry, ang panibagong dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro.

Habang aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada litro ang sa presyo ng kerosene.

Sa Martes (Mayo 21) ng umaga inaasahang ipatutupad ng mga oil companies ang panibagong oil price hike.

Please follow and like us:
Read More

BIGTIME ROLLBACK SA LANGIS SA SUSUNOD NA LINGGO

PETROLYO-15

(Ni FRANCIS ATALIA)

MALAKING rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo ang asahan sa susunod na linggo bago ipataw ang ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, kailangan munang magbaba ng presyo ang mga kompanya ng langis bago ipatupad ang ikalawang bahagi ng TRAIN law dahil sa pagbaha ng oil supply sa world market.

“The reason is nagkakaroon ng supply glut. So, marami pa rin ang nasa merkado na petroleum products, at ang demand ay nagkaroon ng slowdown ‘yung pagbili ng consumers worldwide,” ani Fuentebella.

Inaalam pa ng DOE ang eksaktong halaga ng itatapyas sa presyo ng produktong petrolyo habang inaantabayanan pa ang full assessment ng trading results para sa buong linggo hanggang ngayong araw.

“Gusto nating i-emphasize na i-apply muna ang rollback para ma-determine ‘yung base price bago i-apply ang excise taxes …” dagdag pa niya.

Kaugnayan nito, pinaalalahanan ng DOE ang mga kompanya ng langis na huwag ipatupad ang ikalawang bugso ng fuel excise taxes sa mga produktong petrolyo na nabili noong 2018.

Mahaharap sa administrative penalties tulad ng pagpapasara sa kanilang negosyo at sa criminal penalty ng large scale estafa ang sinumang mahuhuling lalabag.

 

Please follow and like us:
Read More

PRESYO NG PETROLYO IBABABA

oil

SUNUD SUNOD nang magbababa ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis dahil sa paggalaw ng presyo nito sa global markets. Magtatapyas ang Chevron Philippines Inc. (Caltex) ng presyo ng diesel sa P0.25, gasoline sa P0.10, at kerosene ng P0.25.Ang Jetti Petroleum Inc., Eastern Petroleum Corp. at PTT Petroleum Philippines Inc. ay magbabawas din ng presyo maliban sa kerosene. Magsisimula bukas, December 18 ang tapyas-presyo ng petrolyo.Una nang nagsabi ang SeaOil Philippines at Pilipinas Shell Petroleum Corporation ng price adjustments habang hindi pa naglalabas ng presyo ang iba pang oil companies.

 

Please follow and like us:
Read More