NIGERIAN, 4 PA, TIKLO SA P7-M QC BUY BUST

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

TINATAYANG aabot sa P7 milyon iligal na droga ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Ramon Magsaysay, sa Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni  PDEA Director Levi Ortiz, ang Nigerian national na si Ifeanyi Agustin at ang mga kasamahan na sina Jamal Sumangan Landuan, Karen Christine Mallari, Amrudin Hadji Hassan at Rudin Hadji.

Sa imbestigasyon ay nabatid na  bandang alas 10:00 ng gabi  nang isagawa ang buy–bust operation ng mga ahente ng PDEA National Capital Region (NCR) sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang higit isang kilo ng hinihinalang shabu na may halagang P7 milyon.

Ayon sa report, wholesale at malakihan ang modus operandi ng sindikato na ang binabagsakan din ay mga bigtime pusher kung saan inimbestigahan na  kung anong drug group sila.

Ang limang suspek ay nakapiit ngayon sa PDEA main office sa QC makaraang sampahan ng kaso sa korte ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.

Matatandaang noong nakalipas na  Marso  at Enero 2018, apat na Nigerian national  na umano’y miyembro ng African drug syndicate at Black Mamba ang natimbog  ng PDEA sa Bacoor, Cavite at Dasmarinas, Cavite.

Please follow and like us:
Read More

2 ARESTADO SA P700-K DROGA SA MAKATI HOTEL

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos salakayin ang hotel na tinutuluyan ng mga ito at masamsaman ng droga na nagkakahalaga ng mahigit sa P700,000, sa Makati City.

Hindi na nakapalag sina  Warrick Lemuel Tan Ngo at John Ivan Breva nang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA).

Nakuha sa mga ito ang hinihinalaang shabu na ibinebenta sa mga yuppies at party goers sa mga high-end bars sa Makati at Taguig.

Nahuli na umano si Tan Ngo noong 2014 sa katulad na kaso gayundin si Breva na nakulong noong 2011 at nakalaya taong 2014 at muling nasangkot sa droga.

Sinabi ni PDEA Special Enforcement Service chief Gregorio Pimentel na matagal nang minamanmanan ang dalawa.

Nabatid pa na sa mga brown envelope itinatago ng mga suspect ang droga dahilan para hindi ma-detect ang shabu sa kanilang pagpasok sa hotel.

Please follow and like us:
Read More

P6.8M SHABU TIMBOG SA BUY BUST, 4 ARESTADO

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement  Agency(PDEA)  sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang apat na suspek na nahulihan ng P6.8 milyon ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Cotabato City at Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay PDEA-BARMM director Juvenal Azurin, unang naaresto ang magkapatid na sina Mogia at Norma Medzil sa isang buy bust operation sa parking lot ng isang pampublikong hospital sa Cotabato City at isang nakilala lamang sa alyas na “Bai” bandang alas-11:50 bago mananghali nitong Sabado.

Nakumpiska sa tatlong drug dealer umano ang 10 malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo na may katumbas na halagang P3.4 milyon.

Naaresto naman sa ikalawang operasyon bandang alas-6:00 ng gabi ng parehong araw si Nards Atis, sa Brgy, South Manuangan sa bayan ng Pigcawayan na itinuturing na isang high value target na nasa listahan ng PDEA, matapos ang tatlong buwan na surveillance.

Si Atis na nakumpiskahan din ng 10 malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4M ay may operasyon ng ilegal na droga sa Cotabato City, Pigcawayan at sa mga bayan malapit sa North Cotabato at mga lalawigan sa Maguindanao.

Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng PDEA sa Cotabato City ang apat na nadakip habang inihahanda ang kasaong kakaharapin kaugnay sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

HOTEL SINALAKAY, HIGIT P5-M ECSTASY, COCAINE NASAMSAM

drugs

(NI KOI HIPOLITO/PHOTO BY JACOB REYES)

NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act.of 2002) ang isang suspek na nagrenta ng isang safety deposit box na nilagyan umano ng mga illegal party drugs sa isang high-end hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ito ay matapos madiskubre ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng PDEA Regional Office NCR na pinangunahan ni Intelligence Agent V.Joel Villorente at ng Taguig City Police Community Precint (PCP-7) at ng Station Drug Enforcement (SDEU) sa direktiba naman ni Taguig City police chief Col. Alexander Santos, ang pagsasagawa ng search operation dakong alas-11:00  ng gabi nitong Biyernes.

Nakilala ang suspek na nagrenta sa naturang safety deposit box na si Domingo Uy Jr., 44, residente ng No.1 Balete Drive Andres North Condominium 2803 ng Quezon City.

Base sa report ng PDEA NCR kay Pdea Director General Aaron Aquino, isinagawa umano ang paghahain ng search warrant laban sa nirentahang safety deposit box ng suspek matapos ipag-utos ni Judge Rossana Fe Romero-Maglaya, Second Vice Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 88 ng Quezon City.

Nasamsam sa ginawang paghahalughog ang 2,750 piraso ng mga pinaghihinalaang ecstasy na meron standard market price na P4,675.000, 14 piraso ng transparent plastic cartridge ng mga pinaghihinalaang cocaine na meron timbang na 200 grams at meron market value na P1,060,000.

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police Station ang suspek na si Uy matapos na masakote sa isang follow up operation.

 

Please follow and like us:
Read More

PDEA CHIEF, AMATZ PINOY RAPPER MAGHAHARAP SA MTRCB

shantipdea`12

(NI TJ DELOS REYES)

MAGHAHARAP sina Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino at si Pinoy rapper Shanti Dope matapos ihayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTCRB) na ipatatawag ang dalawang kampo upang talakayin ang umano’y kahilingan ng ehensya na i-ban ang kantang ‘Amatz’.

Nagpahayag naman ng kahandaan si Aquino na harapin si Dope para malinawan nito kung bakit niya ibig ma-iban ang kanta ng rapper.

“Why not make a song that will help the youth para iwasan ang droga, hindi ganyang kanta,” ayon sa PDEA chief.

Sa isang statement, sinabi ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas na imbitado sa pulong ang PDEA, Dope at iba pang partido upang makuha ang kanilang panig sa usapin ng pagban ng nasabing kanta.

Nitong Biyernes ay hiniling ng PDEA na i-ban ang pag-ere ng awiting Amatz, na  tila nagtutulak o nagpo-promote umano ng paggamit ng marijuana, na ilegal sa ating bansa.

Ayon kay Arenas, kinikilala ng MTRCB ang polisya ng estado na ang bawat kabataan ay may karapatang maprotektahan laban sa “improper influences and circumstances” na maaaring maka-apekto sa emotional, social and moral development nila.

Paliwanag pa ni Arenas na ang pagpapatupad ng naturang karapatan ay kailangang balansehin ng naaayon sa batas upang maprotektahan din ang freedom of speech o expression.

Inalmahan  ng Pinoy rapper ang kahilingan ni Aquino na itigil na ang pag-ere at promosyon ng kanta nitong “Amatz”

Sinabi ni Dope na mali ang interprestasyon ng ahensya at dapat na

suriin nila ang buong mensahe ng awitin imbes na pinili lang ang ilang bahagi nito.

“We enjoin [PDEA] Director [General Aaron] Aquino to listen to the whole song, and not just take a few lines out of context. The song begins with the persona talking about the ill effects, the violence, and dangers of drugs,” na siyang naka-post sa facebook account ni Dope.

Iginiit pa nito na ang kahilingan ng PDEA na i-ban ang kanyang awiting ‘Amatz’ ay isa umanong “dangerous precedent” sa “artistic freedom” sa bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

AWITIN NA ‘AMATZ’  IPINABA-BAN NG PDEA

shantidope12

(NI TJ DELOS REYES)

HINILING ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes ang pagpapaban sa kantang “Amatz” ng  Shanti Dope.

Sa sulat ni PDEA Director General Aaron Aquino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), at  ABS-CBN Corporation, ipinapahinto nito ang pag-ere, patugtugin at gamitin ang kantang ‘Amatz’ sa iba’t ibang media promotion.

“The chorus of the song is mostly about ‘Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal. At the same time, the lyrics also mention, Ito hinangad ko; lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama sayo ng gramo, di bale ng musika ikamatay,” saad pa ni Aquino.

Lumalabas na pino-promote ng nasabing kanta ang paggamit ng droga at marijuana kaya nais ni Aaron na mai-ban ito.

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound,” ani Aquino.

Ayon pa sa PDEA Chief, inirerespeto niya at mataas ang kanyang paghanga sa mga artist at music industry sa bansa pero ang awitin “Amatz” ay hindi katangap-tanggap sa kanyang pandinig dahil hinihikayat nito ang publiko sa paggamit ng bawal na gamot.

“We respect and appreciate our artists in the music industry, however, we strongly oppose the promotion of musical pieces or songs that encourage the recreational use of drugs like marijuana and shabu. It is contrary to our fight against illegal drugs,” pahayag pa ni Aquino.

Sinabi pa ng opisyal na ang ‘Amatz song’ ay tila hinihikayat ang publiko partikular na ang mga kabataan na gumamit ng illegal na droga kung kaya’t dapat lamang ito mai-ban sa pag –ere.

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVERS NABULAGA SA OPLAN HARABAS NG PDEA

drug test12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

MAGKAKASUNOD na isinagawa ang sorpresang drug test sa mga truck drivers ng mga container van  sa Port Area at sa Tondo, Manila.

Ito ang napag-alaman kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Director General Aaron Aquino, makaraang ipatupad ang  panibagong “Oplan: Harabas”   sa pakikipag-uganayan ng ilang ahensya ng gobyerno upang maibaba ang demand ng  illegal na droga ,pagtataguyod ng mga lugar ng trabaho na walang droga.
“We are also doing this to keep track of long haul drivers under the influence  of illegal drugs” , ayon kay Aquino.

Sa pagsasagawa ng  drug test sa mga truck drivers sa dalawang malalaking daungan, ang Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Tondo at Port of Manila sa  South Harbor , Port Area, Manila, ang  Land Transportation Office  (LTO), Land Transportation Franchising  and Regulatory  Board (LTFRB) , Philippine  National Police  (PNP), Bureau of Customs (BOC) ,  Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG),  Manila International Container Port(MICP),  International  Container  Service Terminal Inc., (ICSTI), Asian Terminal Inc., (ATI), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila  Tricycle  Regulatory Office (MTRO) .

Nabatid pa sa PDEA, na may  mga kaugalian ang ilang mga driver na gumamit ng droga upang manatiling gising sa kanilang biyahe kaya  isinailalim sila sa drug screening  dahil nag-ooperate sila ng malalaking sasakyan o heavy duty vehicles at bumabiyahe ng malalayo.

Dahil dito ,ang sinumang truck driver na tumangging  sumailalim sa mandatory drug test  ay irereport sa LTO at ang mga mapapatunayang positibo  sa illegal na droga ay matatanggalan ng lisensya.

Dumating din ang PDEA’s Preventive Education  and Community  Involvement  Service (PECIS) upang magsagawa naman ng on-site counseling  at tutulong  sa pagpapa-rehab sa mga driver na mapapatunayang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga  sa pakikipag-ugnayan na rin sa  Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).

 

 

Please follow and like us:
Read More

DEAL IKINASA SA MALL: LALAKI TIMBOG SA P6-M SHABU

shabu kulong 12

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang isang 32-anyos na cellphone technician ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon sa isinagawang buy-bust operation sa seaside ng isang mall sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Sarifi Uday Dumama, ng Globo De Oro St., Quiapo Manila, na nakuhanan ng isang paper bag at plastic container na naglalaman ng 21 piraso ng  transparent plastic na may ipinagbabawal na droga at tinatayang nasa mahigit isang kilo na ang street value  ay nasa mahigit P6 na milyon.

Ayon kay PDEA Agent Floro Catangcatang, may dalawang araw na silang nakatanggap ng impormasyon na may nag-aalok ng shabu sa kanilang impormante kaya lumuwas sila  ng Pasay upang isagawa ang buy-bust operation.

Nagtawagan sila ng suspek na magbabayaran sa likod ng Mall Of Asia sa kanto ng Marina St. at Seaside St. Pasay City.

Pasado alas 10:00 Miyerkoles ng umaga nang tumawag ang suspek na nasa area na siya ng usapan at doon niya iaabot ang droga.

Sa nasabing lugar ay ibinigay ang bundle ng boodle money na  puro papel ang laman sa ilalim at napapaibabawan ng one thousand peso bill na pinagmukhang isang milyong piso.

Todo tanggi naman ang suspek na kanya ang ilegal na droga at nagdahilang  inutusan lamang siyang dalhin ang epektos kapalit ng P10,000.

Agad na dinala sa Camp Vicente Lim sa CALABARZON ang suspek na si Dumama upang isailalaim sa masusing imbestigasyon para alamin ang mga kasabwat nito sa iligal na gawain.

Please follow and like us:
Read More

MAGBIYENAN MAGKASUNOD NA TINODAS SA BAHAY

crimeshooting

(NI JULIE DUIGAN)

MAGKASUNOD na binaunan ng mga bala ang mag-biyenang lalaki na sinasabing sangkot umano sa aktibidad ng illegal na droga, nang magkasunod na pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa harapan ng kani-kanilang bahay sa Tondo, Manila, Linggo ng gabi.

Nakilala ang magbiyenan na sina John Carbin Madayag, 26, estudyante, ng 31 Lurel St.,  at si Jun Aguilar, 57, barangay maintenance, na  residente naman sa 22 Camachile Ext, kapwa sa Tondo.

Samantala, patuloy naman ang pangangalap ng testigo sa pagkakakilanlan ng tumakas na gunman na inilarawan lamang na nakasuot ng puting t-shirt, shorts at bull cap.

Batay sa ulat na isinumite ni Det.Jansen Rey San Pedro, kay P/Capt. Henry Navarro hepe  ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:07 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa  harapan ng magkahiwalay na bahay ng magbiyenan sa Laurel St. at sa harap ng bahay ni Aguilar.

Nabatid sa report ng pulisya, habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo si Madayag sa harap ng kanilang bahay sa Coral St, nang lapitan ng suspek saka malapitan itong binaril sa ulo.

Nang matiyak na napuruhan si Madayag, naglakad ang suspek patungo naman sa bahay ni Aguilar, may ilang metro ang layo sa panulukan ng Laurel St, at Camachile St., saka umano ito pinaputukan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagawa pa umano ni Aguilar na makatakbo patungo sa loob ng kanilang bahay , pero sinundan ito saka muling pinaputukan. Nang masigurong patay, mabilis na tumakas ang gunman .

Kitang kita pa sa CCTV ng barangay ang pagtakas ng suspek sa direksiyon ng Pacheco St, habang nagpapalit ng damit pang-itaas upang hindi makilalala.

Si Madayag ay isinugod ng kanyang kinakasamang si Annabel Ferrer sa Mary Johnston Hospital habang si Aguilar naman ay isinugod ng mga kaanak sa Gat Andres Hospital, ngunit kapwa patay na ang mga ito.

Inaalam naman ngayon ng mga awtoridad kung posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang krimen matapos na lumitaw sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na ang mga biktima, ay kapwa hinihinalang drug personality sa kanilang lugar.

Ayon kay Ariel Piorada, punong barangay sa  Brgy.119,  bago ang pamamaril,  may dalawa umanong lalaki na  nagpakilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nagsasagawa ito ng balidasyon hinggil sa aktibidad ng mga biktima.

Natuklasan rin naman ng mga awtoridad na ang dating asawa ni Annabel, bago niya maging karelasyon si Madayag, ay binaril at napatay rin noong Abril 2018 lamang dahil rin sa umano’y illegal drug activities nito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang dalawang piraso ng kalibre .45 live ammunitions at limang pirasong fired cartridge shells.

 

Please follow and like us:
Read More

DRUG TEST RESULT NG ABS, GMA TALENTS GUSTONG MAKITA NG PDEA

channel talents12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYON sa isang radio broadcast, ang gustong mangyari ni PDEA Director Aaron Aquino ay ilabas ng ABS-CBN  at ng GMA7 ang resulta ng isinagawang drug tests ng dalawang networks sa kanilang mga artista. Tinatanong din niya kung ang drug testing ba ay under the supervision ng PDEA o ng PNP. Ibig bang sabihin ay walang report sa kanya ang mga tauhan niya kung nandoon sila?

Ano ba ang nangyayari sa ganyan? Simula noong ipatupad ng mga networks na kailangang ang lahat ng mga talents ay sumailalim sa drug testing, ang nangyari riyan, sila mismo, kanya-kanya ang nagpapa-drug test sa mga medical laboratories. Puwede naman iyon, pero dahil nagpa-test sa kanila ang mga artista, ang mga medical laboratories ay natalian na rin ng patients’ privacy agreement. Hindi nila maaaring sabihin kahit na kanino kung sino man ang addict na nagpa-test sa kanila.

Ang mga networks, alam nila iyan, pero kung ang lumabas bang positive sa droga ay isang big star, kakanta kaya ang network? Kung mataas ang ratings ng mga serye, kumikita ang pelikula, maraming fans, sisirain ba ng network ang kanilang artista?

In the first place, bakit hihintayin ng PDEA na ang mga networks ang maglabas ng listahan ng mga artistang addict. Hindi ba sila ang malakas ang loob na nagsabing may listahan sila? Eh di i-validate nila iyong listahan nila at sila ang maglabas. Trabaho naman nila iyon. Bakit kailangang ang mga networks ang asahan nilang mag-validate ng listahan nila? Iyong “anti drug enforcement”, trabaho iyan ng PDEA, hindi ng mga networks kaya huwag sila ang asahan ninyo.

Ang interest nila sa drug testing ay dahil ayaw nilang sumakit ang ulo nila sa mga artistang addict na maaaring makakuha pa ng trabaho sa kanila. Pero papaano nga kung sikat?

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVERS SA PASAY NABULAGA SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA

drug test12

(NI LYSSA VILLAROMAN, JESSE KABEL/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

NAGSAGAWA ng surprise mandatory drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lahat ng driver ng public utility vehicles sa Pasay City bilang bahagi ng programang anti-narcotic drive “Oplan Harabas”  ng naturang ahensya.

Ang surprise mandatory drug test para sa mga drivers ng public utility vehicles ay inumpisahan sa Pasay-Rotonda patungong terminal sa Mall of Asia (MOA).

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino na dumating sa terminal sa MOA, naging positibo naman ang reaksiyon ng mga driver na sumailalim sa kanilang programang “Oplan Harabas”.

Naniniwala rin ang mga driver na ang isinagawang surprise mandatory drug test ay pabor sa kanila upang malinis ang kanilang hanay sa gumagamit ng droga.

Inaasahan din ng 30 drivers na sila ay mabigyan ng PDEA ng certification na sila ay malinis at hindi gumagamit ng droga.

16 DRIVER POSITIBO, POSIBLENG TUMAAS PA

Umabot sa 16 na tsuper ang nagpositibo sa isinagawang sorpresa at mandatory na drug testing ng PDEA sa mga driver ng PUVs.

Ang nasabing bilang ay mula sa 49 na “Oplan Harabas” na sabayang ginawa ng PDEA sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Aquino,inaasahan nila ang paglobo nito kapag pumasok na ang iba pang report sa buong bansa. Pero ayon kay Aquino, ang urine samples na kinuha sa mga driver ay sasailalim pa sa confirmatory test.

Sakaling magpositibo pa rin sila sa confirmatory test ay sususpindihin ng LTO ang kanilang drivers’ license.

Please follow and like us:
Read More

P3.4-M SHABU NAKUHA 3 BABAE SA MALL PARKING LOT

shabu sa mall1

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

ARESTADO ang  tatlong babae sa naganap na drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  kung saan ay nakumpiska sa  mga ito ang P3.4 milyong halaga ng shabu .

Kinilala ng PDEA-NCR ang mga naarestong suspek na sina  Mary Jane Antonio Batan, 23, , dalaga, vendor ng  Sampaloc, Manila;  Elaine  Carba,  22, ng Malolos, Bulacan at Lara  May Medina, 28, ng Malolos Bulacan

Sa report na nakarating kay PDEA  Director General Aaron Aquino,  ang buy-bust operation ay ikinassa ng mga operatiba ng PDEA-NCR bandang alas 5:45 Miyerkoles ng hapon sa 3rd  level parking  lot ng  SM Centerpoint  sa Sta Mesa, Maynila.

Nasamsam ng mga operatiba ng PDEA  ang 500 gramo ng  hinihinalang shabu mula sa mga  naarestong suspek na ngayon ay nakapiit sa tanggapan ng PDEA.

Ang mga suspek ay nahaharap  sa kasong Section 5 ng RA 9165.

Please follow and like us:
Read More

‘DRUG DEALER’ MAY GRANADA; PATAY SA SASAKYAN NG PDEA

crime12

(NI DAVE MEDINA)

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang big time drug dealer na nagtangkang magpasabog ng granada makaraang madakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Alabang, Muntinlupa City, Linggo ng gabi.

Ayon kay PDEA Dir. Derrick Carreon, isang buy bust operation ang ikinasa ng PDEA laban sa suspek na si Edwin Cabezudo sa isang apartelle sa Alabang.

Nakabili ang poseur buyer na PDEA agent ng kalahating  kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon kaya inaresto ang suspek na maayos namang sumama.

Pero habang nasa sasakyan ng PDEA sa bahagi ng C5 Road patungo sa national headquarters ng PDEA sa Quezon City, sinubukan nitong kunin ang nakatagong granada sa kanyang pantalon kaya napilitan ang PDEA agent na paputukan si Cabezudo.

Nadala pa sa Quirino Memorial Hospital ang suspek pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

Please follow and like us:
Read More

2 PDEA AGENTS, DRUG SUSPECT SUGATAN SA BARILAN

pdea

(NI LYSSA VILLAROMAN)

DALAWANG ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kapwa sugatan  gayundin ang suspect na inaaresto matapos kumasa ang huli at paputukan ang dalawang ahente. Isa rin ang tinamaan ng ligaw na bala, Miyerkoles ng umaga sa Pasay City.

Sanhi ng tama ng bala sa katawan ay parehong ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina PDEA Agent 3 Charlemaine Tang,  at PDEA Agent 2 Richard  Seure, 44.

Ang sugatang suspek na nakilala lamang na alias “Boy” at ang kahera ng Unioil gasoline station na tinamaan ng ligaw ng bala ay nakilala lamang sa pangalang Justine ay kapwa isinugod sa Adventist Hospital.

Ayon kay Pasay City chief of police, Sr. Supt. Bernard Yang, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng umaga  sa Unioil gas station sa Buendia-Harrison St., ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagkasa ng buy-bust operation ang operatiba ng PDEA laban sa suspek at kasama nito matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain ng mga ito.

Natunugan naman ng mga suspek na miyembro ng PDEA ang kanilang ka-transaksiyon dahilan upang bumunot ito ng baril at pinutukan ang mga ahente.

Makalipas ang tatlong minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at mga suspek  ay nakitang duguan ang dalawantg operatiba ng PDEA maging ang suspek  na si “alias  Boy” pati na rin ang kahera ng nasabing gasoline station.

Ang kasama naman ng duguang suspek ay mabilis na nakatakas.

Please follow and like us:
Read More

SK KAGAWAD SA DRUG WATCH LIST ARESTADO

MARIJUANA

(NI JG TUMBADO)

NALAMBAT ng pulisya ang isang 22-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa ikinasang anti-drug bust operation sa Rosario, Cavite, madaling araw ng Linggo.

Kakasuhan sa paglabag sa ilalim ng Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 ang suspek na si Henry D. Oyao Jr., residente ng Barangay Muzon Dos, kasalukuyang SK kagawad at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Elmer De Guia, alyas “Agler”, 27, at ang 16-anyos na babae na itinago sa pangalang “Nicole”.

Ayon kay PO1 Ricardo Mendoza Jr., ng Rosario Municipal Police Station, nasa parehong puwesto bilang ikalawa sa listahan ang barangay official at si De Guia na mga bagong talang drug pusher sa lugar.

Batay sa report, alas 4:30 ng madaling araw nang ilatag ng Rosario Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa grupo ni Oyao sa Barangay Muzon Dos.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa posesyon nina Oyao ang apat na pirasong plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P600.

Nasa kustodiya na ng station custodial facility sina Oyao at De Guia habang ang menor de edad naman na suspek ay nai-turn over na sa Municipal Social Welfare and Development para sa pangangalaga nito.

Please follow and like us:
Read More

P4.6-M MARIJUANA PLANTS, BINUNOT, SINUNOG

pdeamj1

CEBU CITY – Nahuli ang mga caretakers ngunit hindi ang mga may-ari ng marijuana platation kung saan binunot ang may P4.6 milyong halaga ng marijuana plants sa Brgy. Gaas, sa bayan ng Balamban, sa Cebu.

Inaresto sina sina Amado Cañonera Jr. at Bernabe Pardillo, habang nakatakas naman ang mga nagtanim nito na sina Ben Habasa, Jeric Cañonera, at Romnick Ocariza.

Sinabi ni SPO2 Rolando Navarro, ng Balamban Police Station, matagal na umanong under surveillance ang lugar matapos makatanggap ng tip na may tanim na marijuana sa lugar.

Agad ding sinunog ng mga tauhan ng Cebu Provincial Police Office ang halos 12,000 mga marijuana plants habang iniimbestiahan ng PDEA-7 ang mga nahuling caretakers.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 11-K BARANGAY IDINEKLARANG DRUG-FREE

pdea

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa 11,080  mga barangays sa buong bansa sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte mula ng simulan ang crackdown sa illegal na droga noong 2016 ang idineklarang drug-free as of Januray 31 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.

Sa isinagawang “Real Numbers” press briefing sa Camp Crame, inilahad ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na sa kabuuang 42,044 barangays sa buong bansa, 21,974 pa ang kailangang linisin mula sa droga.

Para mai-deklarang drug-free ang isang barangay kailangang mag-convene ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) upang  i-validate na wala ng supply ng droga, drug transit activity, clandestine drug laboratory, chemical warehouse, marijuana cultivation site, drug den, drug pushers at mga  users.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Carreon na napakahalaga ng papel ng Barangay Drug Abuse Councils (BADACs) sa kanilang inilunsad na  training-orientation sa mga Local Government Units (LGUs) sa buong bansa bilang hakbang at sukatan ng pagdedeklara sa mga barangays drug cleared.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni spokesperson Senior Supt. Bernard Banac na umaabot na sa 301 drug dens at shabu laboratories sa bansa ang kanilang nabuwag simula July 2016 to January  2019.

Sa 301 mga nabuwag, 287 dito ang mga drug dens,  14 ang clandestine shabu laboratories, idagdag pa rito ang iba’t-ibang uri ng mga illegal drugs na nagkakahalaga ng PHP25.94 billion na kanilang nasamsam na kinabibilangan ng 3,401.17 kilograms ng shabu na may street value na PHP 19.14 billion.

Umaabot naman 170,689 na mga individual naman batay sa datus ng Real Numbers na sangkot sa illegal drugs ang naaresto ng mga awtoridad sa nabanggit na panahon, kabilang dito ang 627 government workers kung saan 263 sa kanila ang mga  elected officials, 69 ang mga uniformed personnel, at 295 naman ang government employees.

Nakapagsagawa rin ang mga pinagsanib na pwersa ng mga law enforcement agencies ng kabuuang 119,841 na mga anti-illegal drugs operations sa kaparehas na panahon.

Sa consolidated report lumalabas  na as of January 2019, nasa 5,176 na mga drug suspects ang iniulat na namatay habang isinasagawa ang kanilang anti-illegal drugs operations.

Simula July 2016 hanggang January 2019, nakaaresto naman ang pulisya ng 2,016 na mga  minors, 1,089 ang pushers; 533 possessors; 271 users; 105 visitors sa mga drug den; 6 ang mga drug den maintainers; 9 na drug den employees at 3 cultivators.

Ayon naman sa  Department of Social and Welfare Development (DSWD), ang mga narescue na mga  minors ay dapat iturnover sa mga Bahay Pagasa centers ng mga LGUs ng hindi lalagpas sa loob ng 8 oras na police custody, bago ilipat sa pangangalaga ng DSWD.

Samantala naglunsad naman ang PDEA ng community-based reformation centers na naglalayong i-rehabilitate ang mga drug offenders na tinawag nilang Balay Silangan Reformation Center o “house of hope”. Isa itong pansamantalang masisilungan na magbabago sa  mga biktima ng droga tungo sa pagiging self-sufficient at law abiding citizen.

Sa ilalim ng Balay Silangan Reformation Program tinuturuan ang mga drug offenders tungkol sa mga livelihood  programs  at skills training para matulungan na masustinihan ang kanilang pagbabago.

Sa kasalukuyan mayroon ng 24 na Balay Silangan centers ang naitayo sa buong bansa at umaabot na sa 150 individual ang nakapagtapos dito simula noong January 2018 hanggang January 2019.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

P900-M COCAINE NALAMBAT SA LOOB NG 15-ARAW

pdeadrugs

(NI NICK ECHEVARRIA)

IPINAHAYAG ni Philippine National Police (PNP) spokesperson SSupt. Bernard Banac na nasa 164.8 kilo na ng cocaine na nagkakahalaga ng P871,654,226.00 ang narekober ng mga awtoridad mula sa mga baybaying-dagat ng  bansa simula February 10.

Ginawa ni Banac ang pahayag makaraang marekober ang tatlo pang batch ng mga bloke-blokeng cocaine sa magkahiwalay na lugar noong Linggo.

Unang  nadiskubre at inireport ng dalawang mangingisda ang 34 na bloke ng cocaine sa baybayin ng Tandag City, Surigao del Sur noong Linggo, na tinatayang may street value na P180 milyon.

Linggo rin nang matagpuan ang isa pang bloke  ng cocaine  sa dalampasigan ng Dingalan, Aurora  na may mahigit isang kilong timbang at  nagkakahalaga ng P6.3 milyon.

Muling nadagdagan  ang orihinal na narekober 36 na bricks ng cocaine sa Caraga Davao Oriental noong Linggo  makaraang muli na namang makabawi ng karagdagang 3 pang bricks ng umanoy cocaine  sa Talisay Beach, Purok Macopa, Bgy. Santiago, Caraga, Davao Oriental, Lunes ng umaga.

Noong nakalipas na linggo matatandaan na tatlong bloke ng cocaine ang narekober sa magkakahiwalay na lugar sa mga bayan ng mauban at Perez, sa Quezon Province at 2 bloke naman  sa Paracale, Camarines Norte.

Sa Siargao Islands naman kalahating bilyong pisong halaga ng cocaine ang narekober din ng pulisya sa unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

 

Please follow and like us:
Read More

BIGTIME PUSHER HULI SA P1.7-M IDE-DELIVER NA SHABU

bigtime

TINATAYA sa P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang buy bust operation Sabado ng gabi ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang suspect na kilala lamang sa alyas Lem nang harangin ng mga operatiba.

Bitbit nito ang tatlong plastic bag na may 250 grams ng hininahalaang shabu na may market value na P1.7 milyon.

Gayunman, iginiit ng suspect na hindi umano siya nagbebenta ng droga kundi runner lamang dahil ipinadedeliver lamang umano ang mga ito.

Hindi naman naniwala ang PDEA sa alibi ni ‘Lem’ dahil matagal na umano itong under surveillance ng awtoridad.

Si ‘Lem’ umano ang operator sa eastern part ng Metro Manila at upang hindi mabulilyaso ang lakad ay siya mismo ang naghahatid ng kontrabando sa ‘buyer’.

Please follow and like us:
Read More

MAGULANG NG MGA BATA SA DRUG RAID KINASUHAN

DRUG RAID-AJ GOLEZ

(NI JEDI REYES/PHOTO BY AJ GOLEZ)

SINAMPULAN na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga magulang na umano’y nagpabaya sa mga anak matapos na madakip ang mga ito sa anti-illegal drugs operations sa Navotas City.

Mga kasong paglabag sa Section 10 ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at paglabag sa Article 59 ng Presidential Decree No. 603 o ang Child and Youth Welfare Code ang inihain laban sa magulang.

Diin ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino, magsisilbing babala ito sa mga pabayang magulang na hahayaan lang na pakalat-kalat sa kalsada ang kanilang mga anak na karaniwang nadadawit sa krimen.

“Filing the appropriate charges will serve as warning to parents for their neglect and letting their child roam in the streets, making them vulnerable to be used by groups involved in drug trafficking,” ani Aquino.

Nilalayon ng pinalakas na kampanya ng PDEA na maiwasang magamit ang mga menor de edad ng ilang sindikato ng krimen, lalo na ng ilegal na droga.

Kabilang sa mga kinasuhang magulang ay sina Joland Fernandez Sta. Maria, Geralyn Gulles Patalita, Nicanor Alarde Rosalijos, Emie Moreno, Daniel Bautista, Mary Ann Paraon, Cipriano Glico Moso, Arlene Cortes Salvamante, Loren Ambulo, Rowena Mendoza, Gregory Rojo, Norma Dalimit, Liza Montalban, Ronjing Montalban, Romulo Aguilar Mahinay, Rosebel Sarno Mendoza, at Jeffrey Molina Baltazar.

Isinagawa ang operasyon sa isang slum area sa Barangay North Boulevard nuong Enero 16 na nagresulta ng pagkaka-aresto ng 16 tao, na ang 12 ay mga bata o nasa edad 4 hanggang 15 taon.

Ang mga naturang bata umano ay ginagamit bilang runner, pusher, o drug den maintainer. Nasa kustodiya na ng Bahay Pag-asa ang mga paslit.

 

Please follow and like us:
Read More

P3.2M SHABU NASAMSAM

meth

(NI BONG PAULO)

UMAABOT sa P3.2 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation sa Bonifacio Street, Midsayap, North Cotabato, nitong Huwebes ng tanghali.

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Midsayap, Army’s 34th Infantry Battalion at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang target sa naturang operasyon na si Boy Mama Maguid, 40, ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Nabatid na matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang suspek bago pa ikasa ang buy bust operation.

Nabatid na mula sa Cotabato city ay sumakay ng pampasaherong van patungong Midsayap ang suspek para makipagkita sa PDEA agent na nagkunwaring buyer.

Naaresto si Maguid matapos na ma-corner ng mga pulis at sundalo sa Bonifacio Street, partikular sa tapat ng isang fast food restaurant sa bayan, alas-12:40 ng tanghali.

Nakuha mula kay Maguid ang kalahating kilo ng sinasabing shabu at mga drug paraphernalia.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA 12 sa General Santos City.

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS COURIER NAKITA SA SINALAKAY NA DRUG DEN

DRUG DEN by AJ GOLEZ

(NI CHE ALMADIN/PHOTO BY AJ GOLEZ)

NASA 28  katao, kabilang ang nasa 12 mga menor de edad, ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawa nilang buy bust operation sa nasa tatlong mga drug den sa Navotas Fish Port, Lungsod ng Navotas kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ay ganap umanong alas – 10:00 ng umaga nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng nasabing ahensiya sa tatlong mga drug den sa loob ng Navotas Fish Port kung saan ay doon nila nahuli ang itinuturong supplier na ipinakilala lamang sa Alyas Negro kasama ang 16 pang mga kalalakihan na hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad at 12 mga menor de edad na may kasama pang apat na taong gulang na batang lalaki na umano ay ginagamit na drug courier.

May isang buwan na din umanong sumailalim sa surveillance ang nasabing lugar na nauwi sa pagkakatuklas ng mga tatlong drug den na mga menor de edad pa ang mga ginagamit na courier.

Nasa 44 na mga plastic sachet ng  hinihilang mga shabu ang narecover ng mga awtoridad, kasalukuyan pa rin naman ang pagsasagawa ng inventory.

Agad din naman binitbit ang mga nahuli sa PDEA headquarters sa Lungsod ng Quezon habang nakatakda ring iturn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga masagip na menor de edad.

Please follow and like us:
Read More