BANGKA LUMUBOG; 49 PASAHERO, 7 CREW NASAGIP NG PCG

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng 49 pasahero at 7 crew members nang lumubog ang bangkang de motor malapit sa pantalan ng Calbayog City sa Samar nitong Lunes.

Batay sa report, hindi pa halos nakalalayo ang bangka sa layong isang daang metro mula sa pantalan nang hagupitin ito ng malakas na hangin at alon na naging sanhi ng paglubog nito sa kabila ng wala namang forecast ng bagyo o sama ng panahon sa Samar.

Nabatid kay Samar PCG commander Lt. Junior Grade Wilky Homer Saga, na umalis ang lumubog na bangka lagpas alas-11:00 ng umaga lulan ang 49 na mga pasahero nito at 7 crew patungo sana sa bayan ng Tagapul-an.

Mabilis naman ang naging pagtugon ng mga rescuers mula sa  Coast Guard Station Samar Quick Response Team, City Disaster Risk Reduction Management Council, Philippine National Police Maritime Group at lite ferries na nagresulta sa pagkakaligtas sa lahat ng mga sakay ng lumubog na bangka na naibalik din sa Calbayog City.

Agad na inilipat ang mga nailigtas na pasahero sa pangangalaga ng  PNP Maritime Group sa Calbayog, City at Coast Guard para sa kaukulang medical assistance na sa kabutihang palad ay wala namang naiulat na malubhang nasugatan.

Lumalabas na tatlong oras sana ang kabuuang biyahe ng isang bangkang de motor mula sa Calbayog City patungo ng bayan ng  Tagapul-an na may layong 44 na kilometro.

 

Please follow and like us:
Read More

OIL SPILL SA DAVAO DEL NORTE KINOKONTROL NG PCG

carmen

(TEKSTO/PHOTO BY JG TUMBADO)

KAAKIBAT ng Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang mga residente sa pagtulung-tulong na malinis ang Ising River sa bayan ng Carmen sa Davao Del Norte matapos ang naganap na oil spill na mula sa compound ng kumpanyang Davao Packaging Corporation.

Sa isinagawang containment/recovery operations ay naglatag ng dalawang “spill boom” ang PCG upang mapigilan ang pagkalat pa ng maruming langis sa nabanggit na ilog.

Sa kasalukuyan ay nasa 24 na bariles (drum) ng maruming langis at 117 bags ng contaminated solid waste o “latak” ng langis ang nakukuha ng mga residente simula ng mangyari ang insidente noong Huwebes.

Siniguro ng PCG na papanagutin ang naturang kumpanya kaugnay ng oil spill sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

P11-M SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT NG COAST GUARD

yosi1

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umaabot sa P11 milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo lulan ng dumaong na cargo ferry sa Zamboanga City Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ni Lt. Commander Jimmy Vingno, station commander ng Coast Guard sa Zamboanga City dakong alas-5:30 ng umaga nang makumpiska ang nabanggit na shipment sa loob ng isang commercial ferry na nagmula sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Vingno na ang pagkakatuklas sa malaking halaga ng smuggled na mga sigarilyo ay bunga ng intelligence report hinggil sa isang commercial ferry na naglalaman ng mga imported na sigarilyo patungo ng pantalan ng Zamboanga kung kaya mabiis na  inalarma ng PCG ang kanilang mga tauhan.

Nasa 158 kahon ng mga smuggled na imported na sigarilyo ang nabawi na inilagay sa compartment ng engine room nito ng vessel.

Sa unang report sinasabing may halong illegal na droga umano ang mga kahong-kahong imported na sigarilyo, subalit sa isinagawang pagsusuri wala namang nakitang mga ipinagbabawal na gamot.

Wala pang pang umaangkin sa kasalukuyan sa mga nasabat na  kontrabando ng sigarilyo.

Please follow and like us:
Read More