LAHAT LABAN SA SMB

MAGPALAKAS at pigilan ang San Miguel Beer na maka-grandslam.

Ito ang misyon ng mga koponan sa kanilang patuloy na players-swapping, na pinapayagan naman ng PBA Commissioner’s Office.

“Naghahabol yung teams natin sa trade deadline.”

Ito ang pag-amin ni PBA Commissioner Willie Marcial kung bakit patuloy ang pagpapalit ng players ng mga team sa loob ng mga nakaraang linggo.

Ayon kay Marcial, hanggang November 8 ang trade deadline kaya’t ligal ang ginagawang players-swapping ng mga koponan.

Sa loob ng tatlong linggo, 14 na players ang nakasama sa trading block kabilang sina Christian Standhardinger, Chris Banchero, at pinakahuli si Bobby Ray Parks Jr.

Si Parks ang 2018 PBA Draft 2nd overall pick ng Blackwater Elite na napunta sa TNT KaTropa kapalit nina Don Trollano, Anthony Semerad, at future first round pick.

Patuloy ang pagpapalakas ng mga koponan bago ang 2019 PBA Governors’ Cup playoffs para pigilan ang Beermen sa kanilang inaasam na historic grand slam.

Hindi na maaaring magpalit ng players ang mga koponan na kasama sa semifinals at tanging teams na eliminated sa last conference ang pinapayagang makipag-trade para sa darating na 2019 PBA Draft sa December 8.

Please follow and like us:
Read More

UE’s REY SUERTE HANDA NA SA PBA

(NI LOUIS AQUINO)

MATAPOS ang kanyang graceful exit sa UAAP, makaraang pangunahan ang University of the East sa panalo kontra National University, 79-77, sa huling laban nila ngayong Season 82, handa na ang 6-foot-3 na si Rey Suerte na subukan naman ang professional league.

Ipinahayag ng tubong-Monkayo, Compostela Valley ang kanyang pagsabak sa 2019 PBA Rookie Draft.
“Siguro aakyat na sa PBA kung papalarin,” sabi ni Suerte kaugnay sa plano niya makaraan ang maikling career sa UE Red Warriors, na tuluyang nagtapos ang kampanya sa UAAP.

Si Suerte ay may average 17.6 points, 6.8 rebounds, 3.9 assists, at 1.2 steals at kasama sa mga kinokonsidera sa Mythical Team ngayong Season 82.

Bago lumipat sa UE, naging maningning ang collegiate career ng 24-year-old guard sa pinanggalingang University of the Visayas na tinulungan niya sa tatlong winning titles, na naging daan sa pagkakamit niya ng dalawang Cesafi MVP awards.

Para kay Suerte, eye-opener sa kanya ang paglalaro sa UAAP. “Grabe ang competition dito, sobrang hirap talaga.

Pero na-amaze ako sa sarili ko kasi kaya ko palang makipagsabayan kaya thankful ako.”

Inaasahang makakabilang si Suerte sa first-round selection sa taunang PBA Rookie Draft sa December 8.

 

Please follow and like us:
Read More

BALIK-PBA NI ABUEVA: A LONG PROCESS — MARCIAL

NATUTUWA man si PBA commissioner Willie Marcial sa public apology video na pinost sa kanyang Instagram account ni Phoenix forward Calvin Abueva, inamin nito na matatagalan pa bago tuluyang alisin ang indefinite ban na ipinataw sa kanya.

“What he did was good. We have been talking, but the process (of lifting the suspension) is still long,” ani Marcial.
“If he’ll be able to do what we talked about, and I gave him a list of things to do, if he can do all those, then we’ll talk again,” dagdag nito.

Ayon kay Marcial, hindi nakasalalay sa PBA Board of Governors ang pag-alis ng ban kay Abueva  ngunit kailangan pa rin niya ang opinyon ng mga ito. “Depends on their comments since they are all my bosses.”

Maging si Phoenix coach Louie Alas ay masaya na tanggap na rin ni Abueva ang kanyang pagkakamali.

“Great for Calvin because before, he feels it wasn’t his fault. But now he’s learned to accept it (his mistakes),” sabi ni Alas sa ESPN5.

“I feel Calvin has started to mature and he’s willing to undergo the process. Now we can also see the light under the tunnel because before, there’s none since he was suspended indefinitely,” dagdag ng Phoenix coach na naniniwalang madalas ay nami-misunderstood lang ng mga tao si Abueva.

“If people only know Calvin, he’s such a good person. He’s rugged but he’s got a nice heart. Feeding the street kids and Calvin teaching what he knows about basketball, he’s been doing that since his days at San Sebastian. And he’s done that because Quiapo is very near San Sebastian,” pagtatanggol pa ni Alas kay Abueva.

 

Please follow and like us:
Read More

PBA PAPASOK SA CHINA

(NI RAVENSON BIASON)

TATRABAHUHIN nina PBA Commissioner Willie Marcial at Board Chair Ricky Vargas na makapasok ang PBA sa China.

Ngayong araw (Martes) ay nakatakda silang tumungo sa Changsha para makipagpulong kay Mo Yanfei, presidente ng Hunan World Research Internet Company Limited, para sa posibleng pagsasaere ng PBA sa China.

Kaya naman masasabing, “NBA’s loss is PBA’s gain.”

Nagkataon kasi na nagkaroon ‘fallout’ sa pagitan ng China at ng NBA dahil sa kontrobersyal na tweet ni Houston Rockets team manager Daryl Morey na nakikisimpatya sa mga raliyista sa Hongkong.

Kasama rin sa PBA delegation sa China sina Barangay Ginebra board representative Alfrancis Chua, league marketing head Gelo Serrano, at Bong Sta. Maria ng Philippine Global Network, na joint subsidiary ng TV5 Network Inc. at Philippine Long Distance Company.

“Maganda ito kung sakali dahil first time na mangyayari sa Philippine sports na mayroong channel na make-carry ng (PBA) games sa China,” sabi ni Marcial.

“At the same time, magiging closer ang liga sa mga Pilipino na nasa China at yung mga Chinese naman, makikita rin yung brand ng basketball sa Pilipinas.”

Nabatid na ihihirit din ni Marcial na magkaroon ng official game ang PBA sa China.

Ito ang dahilan kaya’t inimbita rin niya si East Asia League CEO Matt Beyer na sumama sa miting sa China.

Si Beyer, isang American na based sa Beijing, ang nag-imbita sa PBA teams San Miguel, TnT Katropa at Blackwater sa Terrific 12 tournament sa Macau noong nakaraang taon.

Please follow and like us:
Read More

 PBA GOVERNORS CUP: BEERMEN LABAN SA HOTSHOTS

(PHOTO BY MJ ROMERO)

MAAGANG magkakasubukan ang grand slam-chasing San Miguel Beer at last year’s PBA Governors Cup titleholder Magnolia Pambansang Manok Hotshots sa main game ngayong gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Walang pang talo ang San Miguel na biniktima ang Phonix Pulse Fuel Masters, Alaska Milk Aces, at pinakahuli ang NLEX Road Warriors sa Dubai.

Sasandalan ng Beermen, na target ang ikalawang Triple Crown, ang kanilang star-studded locals at import na si Dez Wells.

Aasa naman ang Hotshots sa kanilang import na si Romeo Travis, Best Import awardee sa koponan Alaska Milk.

Naniniwala si Magnolia coach Chito Victolero na malaki ang tsansa nila laban sa SMB dahil mayroon sila na wala ang mga ito.

“Ang lamang siguro namin sa San Miguel is the fact that we have a good chemistry with Romeo Travis,” ani Victolero.

Sa kabila naman ng pagkawala ng kanilang marksman na si Marcio Lassiter dahil sa injury, nananatiling mapanganib ang Beermen na pagdating sa opensa lalo’t maganda ang inilalaro nina Von Pessumal na nag-average ng 6 points on 43-percent three-point shooting, at Wells na sa kasalukuyan ay may 33 points, 9.67 rebounds at 4 assists per game.

Please follow and like us:
Read More

2 MPBL PLAYER TUMALON SA PBA

(NI ANN ENCARNACION)

BINALEWALA ng dalawang manlalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang posibleng malasap na kaparusahan matapos kapwa lumipat at pumirma ng kontrata sa Philippine Basketball Association (PBA).

Kinilala ang dalawang manlalaro na sina Almond Vosotros at Samboy De Leon na tumalon sa Talk N’ Text KaTropa at kasama ng koponan na sumabak sa East Asia League Terrific 12 tournament sa Macao.

Ang EAL Terrific 12 ay nagsimula Setyembre 17 at magtatapos sa 22, bilang paghahanda na rin ng mga koponan sa ikatlo at huling komperensiya ng PBA, ang Governor’s Cup.

Una nang nagpahayag ang MPBL na ipinagbabawal sa mga manlalaro na nasa aktibong koponan ang lumipat sa PBA habang nasa kasagsagan ng elimination round ang liga.

Si Vosotros ay naglalaro para sa Kalookan Supremos habang si De Leon ay nasa Iloilo Royals bago sila lumipat sa KaTropa.

Base sa ulat ni Gerry Ramos ng Spin.ph, si Vosotros ay may kontrata sa Supremos na may “exit clause” na nagbibigay dito ng karapatan na makabalik sa PBA kung may magbibigay sa kanya ng offer bago pa lumabas ang bagong kautusan ng MPBL na inaprubahan noong Agosto 21.

Samantala, inaalam pa ang sitwasyon ni De Leon, kung katulad o hindi ng kay Vosotros ang kontrata niya sa Royals.

 

Please follow and like us:
Read More

BEERMEN NAMUMURO

(NI ANN ENCARNACION)

ISANG panalo na lang ang kailangan ng San Miguel Beer kontra TNT para makopo ang 2019 PBA Commisioners‘s Cup crown.

Kung sakali, ito ang magiging ikalawang conference title ng Beermen ngayon taon matapos pagharian ang All-Filipino Cup nitong Mayo.

Hangad ng Beermen na makuha ang ikalawang grandslam sa 44 na taong professional basketball league sa bansa.
Pipilitin naman ng Katropa na pigilan ang Beermen sa kanilang Game 6 match-up ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum at makapwersa ng decider Game 7.

Itinakas ng Beermen ang krusyal na 99-94 panalo kontra Katropa sa Game 5 kung saan nagawa nilang habulin ang 16 puntos na kalamangan ng kalaban sa huling 12 minuto at kunin ang 3-2 bentahe.

Muling sinandigan ng Beermen ang ex-NBA player na si Chris McCollough na kumamada ng walong diretso sa kabuuang 19 puntos ng Beermen para selyuhan ang naturang panalo.

“We got to have rest, then go to practice and be ready for Game Six, play good basketball and win championships,” sabi ni McCollough.

Nagtala si McCollough ng kabuuang 35 puntos, 22 rebounds, apat na assists, isang steal at tatlong blocks.

Ang tira ni McCollough ang nagtulak sa Beermen sa 95-94 abante sa natitirang 26.5 segundo ng laro. Una rito ay ipinasok niya ang dalawang free-throws upang ilapit ang Beermen sa 93-94.

Matatandaan na sinabi ni McCollough na wala siyang pakialam sa Best Import of the Conference award na napanalunan ni TNT import Terrence Jones at sa halip ang pokus niya ay mapagkampeon ang Beermen.

Inaasahan naman ni SMB coach Leo Austria na mas lalong magiging mahirap ang laban nila sa Game 6 kaya kailangan umano nilang maghanda ng husto upang masungkit ang hinahangad na titulo.

Please follow and like us:
Read More

 2019 COMMISSIONER’S CUP FINALS; KATROPA KONTRA BEERMEN 

(PHOTO BY MJ ROMERO)

HINDI na pinagtagal ng San Miguel Beer ang paghihintay ng una nang nakapasok sa Commissioner’s Cup finals na TNT Katropa matapos dispatsahin ang karibal na Rain or Shine, 98-95, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Magsisimula sa Linggo ang una sa best-of-seven finals showdown ng Beermen at Katropa, na sinipa naman ang Barangay Ginebra noong Huwebes sa ikaapat na paghaharap nila.

Angat pa ng one point ang Elasto Painters ngunit naagaw ng Beermen ang kalamangan nang pumasok ang tres ni Chris McCullough na sinundan pa ng isang long 2-pointer ni Terrence Romeo, 98-94, less than two minutes sa game.

Isa ang naipasok ni Rey Nambatac sa dalawa niyang freethrows kaya’t naibaba ang lamang ng Beermen sa tatlo, 98-95.

May pagkakataon pang maka-tie ang E-Painters ngunit nabigo si James Yap na  maisakatuparan ang planong three-point shot kaya’t tuluyang naitakas ng Beermen ang panalo.

 

Please follow and like us:
Read More

PARA KAY TERENCE JONES, PBA MAS MATIMBANG SA NBA 

PRAYORIDAD ni Terrence Jones na mapag-champion ang TNT Katropa ngayong Commissioner’s Cup kaysa muling maglaro sa NBA.

Ito’y matapos i-dethroned ng Katropa ang Barangay Ginebra, 103-92, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Huwebes ng gabi at umabante sa PBA second conference finals.

Nauna nang inulat ni Athletic beat writer Kelly Iko na magbabalik si Jones sa NBA sa dati nitong team na Houston Rockets, kumuha sa kanya bilang 18th overall noong 2012 NBA draft.

Naglaro si Jones sa Rockets hanggang 2016. Matapos dito ay napunta siya sa New Orleans Pelicans at hindi nagtagal ay sa Milwaukee Bucks hanggang 2017.

Agosto 2017 nang naglaro siya para sa Qingdao DoubleStar Eagles sa Chinese Basketball Association ngunit Nobyembre ng nasabing taon ay na-kicked out siya dahil sa pakikipag-away sa head coach nito.

Naging miyembro rin siya ng Santa Cruz Warriors (2017–2018), Erie BayHawks (2018–2019) at Pebrero 2019 ay pumirma siya ng 10-araw na kontrata sa Rockets at Marso ay muli siyang pinapirma ng panibagong 10-day contract kung saan naglaro siya ng isang araw para Rio Grande Valley Vipers ng NBA G League.

Para kay Jones, ang pokus niya ngayon ay maging kampeon kasama ang Katropa. “You know, I’m not really focused on that (NBA). As a player playing in the championship, I can only focus on the task at hand and that’s winning the championship here.”

“We feel that we have to fight for each other and make sure to have something that hasn’t happened for a long time,” dagdag niya.

Huling nanalo ng titulo ang TNT noong 2015.

Dahil naman sa naitalang ikalimang triple-double 24 points, 13 rebounds at 10 assists sa pagwawagi kontra Gin Kings, si Jones ang pinakapaboritong manalong Best Import ngayong Commissioner’s Cup.

Please follow and like us:
Read More

DOBLENG DAGOK SA ALASKA

(NI REVENSON BIAZON/PHOTO BY MJ ROMERO)

DOBLENG dagok ang ang ibinigay ng Blackwater Elite sa Alaska nang talunin ito at pagkaitan ng outright quarterfinals berth Linggo sa PBA Commissioner’s Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtulong-tulong sina Roi Sumang, Rabeh Al-Hussaini at rookie Ray Parks sa huling bahagi ng laro upang biguin ang Aces, 112-104.

Dahil sa panalo ay tumapos na may 7-4 record ang Elite, kulelat sa nakaraang conference na may dalawa lamang panalo ngunit ngayon ay kabilang na sa top three ng team standings. Ito ang pinakamataas na na-accomplished ng team sa franchise history nito.

Nabigo naman ang Aces sa ikalimang sunod na pagkakataon at dumaudos sa 4-7 kartada, ka-tie ang Phoenix sa no. 8 spot.

Malalaman sa final day ng eliminations kung aling team ang makakaharap ng Alaska sa playoffs para sa natitirang quarterfinals berth.

Please follow and like us:
Read More

PHOENIX, MERALCO PWERSADONG MANALO

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

KAPWA puwersado ang Phoenix Pulse Fuelmasters at Meralco Bolts na ipanalo ang kanilang magkahiwalay na laban ngayong gabi sa Cuneta Astrodome upang manatiling buhay ang tsansa na makapasok sa susunod na round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Pilit babangon ang Fuelmasters sa nalasap na  kabiguan sa pagsagupa nito sa napatalsik nang NLEX Road Warriors sa ganap na alas-4:30 ng hapon bago sundan ng pagsasalpukan ng Bolts at nasa ikalawang puwesto na North Port Batang Pier sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Nalasap ng Fuelmasters ang masaklap na 108-128 kabiguan kontra San Miguel Beer kung saan hindi man lamang ito nakatikim ng kalamangan at nahulog pa sa ikawalong puwesto sa 4-6 panalo-talong kartada.

At kahit out of contention na ang Road Warriors ay ayaw pa ring magrelaks ng Fuelmasters.

“Hindi puwede na magkumpiyansa sa NLEX,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas. “Gusto din nila na makapagbaon ng panalo bago makumpleto ang lahat ng laro nila kaya kailangan na nasa 100% pa rin ang laro namin.”

Mas mabigat naman ang hamon na haharapin ng Bolts na makakasagupa ang matagal nakapagpahinga at nasa ikalawang puwesto sa team standings na Batang Pier.

Huling nabigo ang Bolts kontra Magnolia Hotshots, 88-99, sa out-of-town na larong ginanap sa MVA Gym sa Zamboanga upang mahulog sa ika-10 puwesto bitbit ang 3-6 kartada.

Matatag naman sa ikalawang puwesto at may twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals ang Batang Pier na may 8-2 kartada matapos nitong huling biguin ang Columbian Dyip, 110-108.

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA VS PHOENIX: ‘DI PWEDENG MAGRERELAX

(NI ANN ENCARNACION)

WALANG plano ang Barangay Ginebra na gayahin ang naging pagkakamali ng North Port Batang Pier sa pakikipagsagupa nito sa Phoenix Fuelmasters sa pagpapatuloy ng elimination round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Bagaman kulang sa mga manlalaro dahil sa iba’t ibang kadahilanan, nagawang maitakas ng Fuel Masters ang matinding upset kontra North Port Batang Pier sa paghugot ng 97-87 panalo noong Miyerkoles.

Nabatid na nakipagkita na kay PBA Commissioner Willie Marcial ang naka-indefinite suspension na si Calvin Abueva dala ang sulat na humihingi ng paumanhin sa pananakit kay TNT Katropa import Terrence Jones.

Gayunman wala pang linaw kung kailan siya muling papayagang makapaglaro ng liga.

Maliban kay Abueva, may fractured foot ang isa pang point guard ng Fuelmasters na si LA Revilla na “out for the rest of the tournament” na. May injuries din sina Rey Guevarra, Mike Gamboa at Jaypee Mendoza.

Ito ang dahilan kaya hindi naitago ni NorthPort Batang Pier coach Pido Jarencio ang panghihinayang sa pagkatalo ng kanyang team laban sa Phoenix.

“Nag-relax talaga. Masyadong nag-relax. Walang energy. Execution, wala. Yung defense, masyadong malambot,” himutok ni Jarencio.

Ngunit wala sa bokabularyo ni Ginebra coach Tim Cone na magrelaks kontra mapanganib na Fuelmasters.

“We know Phoenix — they are a physical and defensive-minded team and play with great tempo. They are always a tough matchup for us,” ani Ginebra Cone na hangad na manalo upang mapatatag ang kapit sa ikalimang puwesto sa team standings.

Una munang magsasagupa ang nag-aagaw buhay na NLEX Road Warriors at Rain Or Shine Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon bago ang tampok na salpukan ng Fuel Masters at Gin Kings sa ganap na alas-7 ng gabi .

 

Please follow and like us:
Read More

DYIP, WARRIORS IIWAS-TALSIK 

pba12

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

MAAGANG mapatalsik ang kapwa iiwasan ng Columbian Dyip at NLEX Road Warriors sa kani-kanilang pakikipagsagupa sa Rain Or Shine at Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod, sa  pagpapatuloy ng elimination round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup na dadayo ngayong araw sa Batangas City Coliseum.

Haharapin ng E-Painters na nabigo kontra North Port Batang Pier, ang Columbian Dyip na natalo naman kontra TNT Katropa sa ganap na alas-4:30 ng hapon.

Makikipagsalpukan naman ang NLEX Road Warriors kontra nagtatanggol na kampeong Barangay Ginebra sa ganap na alas-7 ng gabi.

Kailangang maipanalo ng kapwa may isang panalo pa lang na Dyip at Road Warriors ang kani-kanilang mga laban upang hindi agad maetsapwera sa kasalukuyang reinforced conference.

Nalasap ng E-Paintes ang masaklap na kabiguan sa huling laban nito nang nagawang lusawin ng Batang Pier ang 25 puntos na abante nito at tuluyang natalo sa overtime ang ROS, 107-105.

Pinahirapan naman ng husto ng Columbian Dyip ang nangunguna ngayong TNT KaTropa bago naitakas ng huli ang 109-102 panalo.

Nasungkit naman ng Barangay Ginebra ang ika-1,000 nitong panalo sa PBA matapos itakas ang 110-107 overtime win kontra San Miguel Beer upang umakyat sa ikalimang puwesto sa pagtatala nito sa kabuuang 3-3 panalo-talong record.

Samantala nagawang putulin ng Road Warriors ang anim na sunod na kabiguan nang talunin ang Meralco Bolts, 100-91, at makuha ang unang panalo.

Muling haharap sa matinding pagsubok ang Road Warriors na sasagupa sa mas malakas na Gin Kings na nagkaroon ng dagdag na firepower sa katauhan ni Stanley Pringle, na nakuha sa trade sa North Port Batang Pier.

Please follow and like us:
Read More

TENORIO, JONES PINAGMULTA

la te12

(NI ANN ENCARNACION)

PINARUSAHAN ng Office of the PBA Commissioner sina Barangay Ginebra pointguard LA Tenorio at TNT Katropa import Terrence Jones dahil sa pisikalan noong nakaraang game nila.

Pinatawan ng multang P10,000 si Jones matapos mapatunayan ng liga ang dalawang beses na pananakit niya kay Tenorio.

Multang P5,000 naman ang ipinataw kay Tenorio dahil sa pagpitik nito kay Jones sa tiyan bilang ganti sa dalawang ulit na pananakit sa kanya ng Katropa import.

Nag-ugat ang lahat nang sinikwat ni Tenorio si Jones, na nagalit at hinaltak sa balikat ang beteranong Ginebra pointguard. Dahil dito pinatawan ng flagrant foul penalty 1 at na-bench sa loob ng tatlong minuto si Jones.

Matapos rebyuhin ang laro noong Hunyo12 kung saan nagwagi ang Katropa, 104-96, nakita ng liga na unang tinira ni Jones sa tiyan si Tenorio.

Bago ang insidente kay Tenorio, nakabangga rin ng dating Houston Rockets player si Phoenix Fuelmasters’ guard Calvin Abueva, na pinatawan ng indefinite suspension ng PBA dahil sa naturang kaso at pambabastos sa girlfriend ni Blackwater Elite rookie player Bobby Ray Parks.

Naniniwala naman si Phoenix coach Louie Alas na sadyang may “attitude” si Jones.

“Ngayon nakita naman natin si LA binanatan niya. So, meron din talagang ugali,” sabi ni Alas, Sabado ng gabi matapos ang panalo ng Fuelmasters kontra Alaska Aces, 78-76.

“Dapat yun nagba-volleyball kasi ayaw na nahahawakan e. Kasi kung willing kang makatama, willing ka ring matamaan.”

Pahabol ni Alas: “Hindi ko naman justified yung kay Calvin.”

Please follow and like us:
Read More

DYIP SASAGASA SA HOTSHOTS; TAGISAN NG MAGKAPATID

dyip12

(NI ANNE ENCARNACION)

MADAGDAGAN ang panalo ang hangad ng apat na koponang magbabanggaan ngayon sa pagpapatuloy ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Pag-aagawan ng Columbian Dyip at Magnolia Hotshots ang ikalawang panalo sa ganap na alas-4:30 ng hapon, habang magsasagupa ang sister teams San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa tampok na laro sa alas-7:00 ng gabi.

Nagawang maitala ng Magnolia Hotshots ang una nitong panalo matapos itulak sa bingit ng pagkakatalsik sa conference ang NLEX Road Warriors matapos ang 98-88 pagwawagi noong Biyernes.

Isang tres ni Paul Lee sa natitirang 17 segundo ang nagtulak sa pinakamalaking 10-puntos na abante ng Hotshots tungo sa panalo sa loob ng tatlong laro.

Inaasahang muling sasandalan ng Dyip ang rookie na si CJ Perez na nagtala ng career high 39 puntos, siyam na rebounds, tatlong assist at tatlong steal at isang block sa nag-iisang  panalo nila kontra NLEX Road Warriors, 120-105 noong Hunyo 1.

Hangad naman ng San Miguel Beer na masundan ang panalo nito noong Biyernes laban sa Blackwater Elite, 127-106, na naglaro nang wala ang import na si Alex Stephenson.

Sinamantala ni Beermen import Charles Rhodes, nagtala ng game-high 32 puntos at 19 rebounds, ang all-Pinoy line-up ng Elite habang nagpiyesta rin si Marcio Lassiter na kumamada ng siyam na tres upang itulak ang Beermen sa panalo.

Pilit naman babangon ang Gin Kings sa nalasap na huling 96-104 kabiguan kontra TNT Katropa at tatangkain na makuha ang ika-1,0000 panalo ng prangkisa.

Please follow and like us:
Read More

P50-K MULTA IPINATAW KAY PBA GOV. PARDO

spidey12

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

ISANG miyembro ng PBA Board of Governors na si Rene Pardo ang napasama sa listahan ng mga personalidad na pinagmulta kaugnay sa “Spiderman” incident sa Game 5 ng 2019 Philippine Cup finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Magnolia Hotshots.

Pinagmulta si Pardo ng Magnolia Hotshots ng P50,000 dahil sa pananakit sa napagkamalan na kasabwat ng naka-Spiderman costume na si Paolo Felizarta noong Mayo 10 sa Araneta Coliseum.

Una nang pinagmulta ng PBA Board ng tig-P50,000 at two-game suspension sina SMB assistant team manager Daniel Henares at team doctor Ramon Ibanez dahil sa pagkakasangkot sa pananakit kay Felizarta.

Multang tig-P75,000 at three-game suspension naman ang ipinataw kina SMB players Ronald Tubid at Kelly Nabong.

Please follow and like us:
Read More

MISYON NG HOTSHOTS: TAPUSIN ANG DYNASTY

basket12

(NI ANNE ENCARNACION/ PHOTO BY MJ ROMERO)

HANGAD ng Magnolia Hotshots na muling maangkin ang pinakaprestihiyosong titulo sa PBA na huli nitong nahawakan  limang taon na ang nakararaan, at tapusin ang dynasty ng San Miguel Beer na apat na magkakasunod na taon nang kampeon ng Philippine Cup.

Makapwersa naman ng Game 7 ang tatangkain ng San Miguel Beer ngayong gabi sa Game 6 ng Philippine Cup best-of-seven championship sa Araneta Coliseum.

Naagaw ng Magnolia, huling nagkampeon sa All-Filipino Conference noong 2013-14 , ang bentahe sa serye (3-2) makaraang silatin ang defending champ Beermen Biyernes ng gabi sa iskor na 88-86.

Ilang segundo na lang ang nalalabi sa game, patas ang iskor sa 86 ngunit nagawang maipasok ni Marc Barroca ang bola na nagpanalo sa Hotshots.

“Hindi kami susuko. Kahit na noong up kami ng 13 points, sabi namin delikado pa rin kami dahil grabeng team ito (San Miguel). Pero nag-stay positive lang kami, hanggang dulo positive kami,” sabi ni Barroca sa post-game inerview.

Itinala ni Barroca ang kabuuang 22 puntos, limang rebound at limang as sists upang ilapit ang Hotshots sa pinakamimithing titulo ng lahat ng PBA teams.

Nahalikan naman sa sobrang tuwa ni coach Chito Victolero si Barroca.

“Halos everyday nakikita ko itong batang ito na ginagawa niya yun. Yun kanyang extra practice, yung mga ganung tira ginagawa niya. Talagang papasok dahil ginagawa niya,” ani  Victolero patungkol kay Barroca, na tinanghal na PBA Press Corps finals MVP nang magkampeon ang Magnolia sa Governors Cup noong nakaraang taon.

“Ang puso nito parang bakal. Gustong-gusto niya yung ganyang tira,” pagmamalaki pa ni Victolero.

Samantala, umaasa si San Miguel coach Leo Austria na magagawang nilang mai-tie ang serye, bagama’t aminado siyang hindi ito magiging madali.

 

Please follow and like us:
Read More

TNT BOYS NAGKALAT; NAG-SORRY SA BASHERS

PINAG-UUSAPAN nga ng mga netizens ang pagkanta ng TNT Boys ng ating

Pambansang Awit at Invocation na kung saan kapansin-pansin ang pagkakalat ng tatlong bata.

Una munang kinanta ang Philippine National Anthem na hindi maganda ang blending nilang tatlo, kasi parang nagpapatalbugan sila.

Sumunod ang Invocation na kung saan kinanta nila ang awiting Sino Ako.

Dito nagkalat sila na halatang hindi nila naensayo nang mabuti.

Hindi nila abot ang ilang bahagi ng kanta at halatang hindi rin nila ito kabisado.

Kaya pinagpiyestahan sila ng mga netizens at kung anu-ano na ang mga sinabi laban sa kanila.

Nag-sorry naman ang tatlong bata na kung saan may ipinost sila sa kanilang Twitter account.

Sabi nila sa kanilang tweet; “Hey it’s okay friends! We practiced for this event. But we did what we were asked for the invocation last minute. We’re reading all your suggestions and we’ll be better next time! Much love.”

Pero parang may mali rin doon ang nangasiwa ng programa, kasi dapat mauna muna ang Invocation bago ang National Anthem. Kaya maaring may pagkakamali rin doon sa kung sino man ang nag-handle ng programa.

Sabi naman sa amin ng ilang kaibigang nandun sa Philippine Arena, ang buong akala nila may diprensya lang sa sound system kaya nagkamali sa pagkanta ang TNT Boys.

Please follow and like us:
Read More

SEKSING PBA MUSES PINADAPA NI SHARON

pba

(NI GORGY RULA)

HINDI yung pagkakalat ng grupong TNT Boys ng It’s Showtime ang pinag-usapan doon sa opening ng PBA nung nakaraang Linggo, January 13, kundi kung paano raw tinalbugan ni Sharon Cuneta ang mga beauty queen na muse sa iba’t ibang basketball team na nagparada.

Sabi ng kaibigan naming si Rex Belarmino na nandun sa PBA opening, “Tinalbugan ni Sharon si Pia Wurztbach! Si Sharon pa rin talaga!”

Nakakabinging sigawan at palakpakan daw ang maririnig mo sa buong Philippine Arena nang lumabas na  si Sharon na muse ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Unang tinawag daw si Pia Wurztbach na muse ng Ginebra, at marami naman daw ang nagsigawan at tuwang-tuwa nang makita ang Ms. Universe 2015. Pero ang team daw ni Sharon ang huling tinawag at doon na raw nagkagulo ang mga tao.

Super kaway pa raw sa lahat si Sharon at pinagbigyan daw ang mga taong nakakalapit na gustong magpa-picture sa kanya.

Laging nakahawak pa raw si Sharon kay Marc Pingris na meron daw itong tinawagan na parang nag-video chat pa sila na binati rin ni Sharon. Ang duda nila baka si Danica raw iyung tinawagan ni Marc at pinabati si Mama Shawie!

Kapansin-pansin naman daw doon na super bakod daw ang mga kasama ni Pia sa mga gustong magpa-picture sa kanya. May mangilan-ngilang nakakalusot para magpa-picture, pero matindi raw ang harang sa Ms. U 2015.

Umeksena rin doon sa parada ng PBA ang Kapuso artist na si Kelley Day.

Natapilok ito nang lumabas sila, na mabuti na lang nasalo raw ito ng guwapong player na si Rashwan McCarthy. Si Kelley ang isa sa pinakamagandang muse na pumarada roon.

Komento naman daw ilang nandun, na tila ‘woke up like this’ lang daw ang drama ni Kylie Versoza na muse naman ng San Miguel Beermen.

Parang naka-nightie lang daw ito, pero keri naman daw niya kaya hindi maganda pa rin ang dating.

Ilan pa sa standout daw doon ay ang Bb. Pilipinas Grand International na si Eva Patalinjug na muse ng Meralco Bolts at ng teleseryeng Halik na  si Yam Concepcion ng Phoenix Pulse  Fuel Masters.

Pero lahat sila ay pinadapa ni Sharon na most applauded at pinagkaguluhan ng lahat.

 

 

Please follow and like us:
Read More

COMPTON, VICTOLERO PAGMUMULTAHIN NG PBA KAPAG PINAGDUDAHAN TAWAG NG REPERI

Willie Marcial-2

BINALAAN ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial sina Alaska coach Alex Compton at Magnolia coach Chito Victolero na pagmumultahin sila kapag pinuna nila ulit ang tawag ng mga reperi sa nagaganap na PBA Governors Cup Finals.

Iginiit ni Marcial na walang dapat ireklamo ang dalawang coach dahil maayos ang officiating sa best-of-seven finals ng Magnolia Hotshots at Alaska Aces.

Unang binatikos ni Compton ang PBA officiating matapos matalo ang Aces sa Game 1 and 2.

Nang matambakan at matalo ang Hotshots sa Game 3, si Victolero naman ang nagreklamo sa umano’y hindi patas na tawag ng mga referee.

“Alam ko naman mind games lahat yan,” ani Marcial. “Para sa akin, ang tingin ko maganda ang tawag ng reperi.

Katunayan, “best officiated game” na itinuturing ng PBA commissioner ang Game 2 sa pagitan ng Aces at Hotshots.

Pareho nang inisyuhan ng memorandum ang dalawang team na huwag nilang uulitin ang pagdududa sa pagtawag ng reperi, pero walang multang ipinataw kina Compton at Victolero.

“Reminder lang naman ‘yun because they could have talked to me or the technical group (under Eric Castro) to raise any complaints,” ani Marcial.

Pero, kung mauulit pa ang pagpuna ng dalawang coach sa PBA officiating na papadaanin sa media ay hindi na ito palalampasin ni Marcial.

“They’ll be fined if they criticize officiating through the media again,” diin ng PBA commissioner.

“The right thing to do is address the technical committee or the commissioner,” dagdag pa ni Marcial.

Nakatakdang magharap sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum ang Magnolia at Alaska, 2-1, para sa Game 4 ng kanilang best-of-seven finals.

Inaasahang gagawin ng Aces ang lahat ng kanilang makakaya para maitabla ang serye habang sisikapin ng Hotshots na manalo para lumapit sa kampeonato ang kanilang koponan.

Please follow and like us:
Read More