PUMATAY, GUMAHASA SA GRADE 12 STUDENT ARESTADO

suspect12

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

NADAKIP na ng Quezon City Police District (QCPD) ang responsable sa pagpatay at panggagahasa sa grade 12 students matapos na makita ang necklace sa facebook na siyang narekober sa crime scene.

Sa ulat na nakarating kay NCRPO Director Major General Guillermo Lorenzo Eleazar nakilala ang suspek na si Elimond Domingo, 25, residente ng No. 25 La Trinidad St., Group II, Brgy. Payatas B. Q.C.

Base sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang arestuhin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni P/Major  Elmer Monsalve at Batasan Police Station P/Lt Col Joel Villanueva, ang suspek sa mismong bahay nito.

Matatandaan na June 7, nang matuklasan ng mga kalapit na kuwarto ang walang buhay na katawan ni Allison Dacillo, 18, nakatira sa No. 25 La Trinidad St., Group II, Brgy. Payatas B, na kalapit kuwarto lamang ng suspek.

Sa eksaminasyon nagtamo ng saksak sa leeg,  kaliwang kamay at kaliwang bahagi ng katawan ang biktima na siyang dahilan ng kamatayan nito.

Lumalabas na kasama ang suspek sa inimbitahan  ng pulisya para sumailalaim sa imbestigasyon dahil sa kalapit kuwarto lamang ito sa tinutuluyan ng biktima.

Naramdaman ng mga pulis na tensyonado si Domingo sa ginawa nilang pagsisiyasat dahilan upang sa kanya matuon ang konsentrasyon ng mga otoridad.

Nang siyasatin ang social media account ng suspek nakita ang necklace na may dog tag na suot nito sa larawan sa Facebook na siya namang narekober sa lugar ng krimen.

Isang witness din ang nagsabi na nakita nito si Domingo na lumabas sa kuwarto ng biktima na siyang dahilan upang agad na arestuhin ito.

Kasong robbery with homicide at rape ang siyang kakaharapin ng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA PATAY, 2 ANAK SUGATAN SA AWAY SA LUPA

crime55

(NI FRED SALCEDO)

PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang dalawang anak ng mga ito matapos pasukin sa bahay at pagbabarilin sa Barangay Payatas, Lunes ng gabi.

Kinilala ng mga rumespondeng otoridad ng QCPD Batasan Police Statiom 6 Chief Lt.Col. Joel Villanueva, ang mag-asawa na sina Jonathan Manuel, isang electrician, at misis na si Jenalyn, isang tindera.

Sugatan din ang kanilang dalawang  anak na may edad 14 at 6.

Ayon sa report ng Batasan Police Station, pinasok ng hindi pa kilalang salarin ang bahay ng pamilya Manuel sa Lanzones St. bandang alas-8:30 ng gabi at saka pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon sa mga kapitbahay, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril pero hindi nila nakita ang mga taong pumasok sa bahay ng mga biktima.

Nagulat na lang umano ang mga kapitbahay na nakitang nakahanduhay si Jonathan malapit sa pintuan ng kanilang bahay habang ang misis nito ay nasa kusina na wala nang buhay Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dalawa ang suspek, ang  isa ay naiwan sa motor, isa ay pumasok sa bahay.

“Yung mga bata ligtas na. ‘Yung panganay may pumasok na bala sa hita. ‘Yung isa tinitingnan pa kung ano nakasugat kung bubog o bala,” dagdag ni Villanueva.

Aminado ang kaanak ni Jonathan na maraming nakaalitan ang biktima na may kinalaman sa lupa.

“Mana mula sa tiyahin ko. Marami ang kaaway, inggit po. Sa kabuhayan at bahay po,” ani Aileen Candoleta, kapatid ni Jonathan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP SINAGASAAN SA CHECKPOINT

CHECKPOINT by AJ GOLEZ)

(NI LUISA LEIGH NIEZ)

MALUBHA  ang isang tauhan ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) matapos  sagasaan  ng isang motorcycle rider sa Brgy. Payatas,  Huwebes ng gabi.

isinugod sa pagamutan ang isang tauhan ng Batasan Police Station (PS6) nang sadyang sagasaan sa check point ng motorcycle rider sa Brgy. Payatas, QC bandang gabi.

Kaagad namang nadakip  ang suspek na kinilalang si  Peter John Halog, 19,  ng No. 2 S Lucas St., Brgy. Payatas, QC.

Samantala ang biktimang si PO1 John Edison Arlan-Tan, ng   QCPD-PS6 ay agad na naisugod  sa East Avenue Medical Center (EAMC) nang mawalam ito ng  malay dahil sa  tinamong mga galos, at sugat sa katawan.

Base  sa report ni P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng QCPDPS6, dakong bandang alas 11:30 Huwebes gabi nang mapadaan  ang motorsiklo ni Halog sa Comelec checkpoint sa Brgy. Payatas, QC.

Nang pigilin ni   PO1 Tan ang motorsiklo ng suspek, sa halip na  tumalima ay tumakas at sinagasaan ang pulis na nabuwal sa nasabing lugar.

Sa  himpilan ng pulisya, ay napag-alaman na walang lisensiya at helmet ang suspek.Sasampahan sa QC Prosecutors Office ng violation of Sec. 3 of RA 10054 ang suspect.

Please follow and like us:
Read More