PAULO, JANINE MAGSASAMA SA BAGONG PELIKULA

red(NI ISAH V. RED)

MUKHANG nagiging regular na ang pagsasama ng mga artistang magkaiba ng home studio, partikular na ang Kapuso at Kapamilya.

Habang may hysteria sa pagsasanib pwersa ng dalawang network sa katauhan ni Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na ipapalabas na sa July 31, heto’t magsasama naman si Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa isang pelikula ni Prime Cruz para sa T-Rex Entertainment. Sinulat ito ng GF ni Prime na si Jen Chuaunsu.

Nagpa-presscon angT-Rex nung isang Linggo sa restaurant na pag-aari ng producer ng pelikula ni si Rex Tiri. Naroon si Paulo, Janine, Jen, at Prime.

Ipinaliwanag ng direktor at writer kung tungkol saan ang If We Don’t Make It – yan ang titulo ng pelikula – na sisimulan nang i-shoot kapag naayos na ang schedule ng dalawang lead stars. Isipin nyo na parehong may ginagawang serye ang dalawa, Si Paulo ay nasa The General’s Daughter ng Kapamilya. Si Janine naman ay ang babaeng ipinanganak na isang dragona sa  The Revenge of the Dragon Lady ng Kapuso.

Pero masaya sila na magkakasama sila sa isang peilikula. Yan ang sinabi ng dalawa sa mga miyembro ng media na nandoon sa presscon na binusog ng Limbaga 77 Resto Bar sa pancit bihon, fried chicken, turon at iba pa para yata huwag masyadong magtanong kung anong klaseng pelikula ito.

“Definitely,” pagsisimula ni Prime, “hindi ito romcom.”

Eh, kung hindi nga romcom, ano nga ito. “Pwede sigurong romance o romantic drama, pero hindi heavy drama,” paliwanag ng direktor.

Sabi naman ng kanyang ka-relasyong writer, “Base poi to, at least part of it, sa buhay ni Prime,” sabay bungisngis.

Dagdag pa nya,  “This is about two people with unresolved issues in life, a lot things unsaid, and things that need closure.”

Nakaka-relate daw si Janine dun sa karakter na kanyang gagampanan. “Kasi parang naalaala ko na at some point in time parang me ganoon ding akong experience. Kaya nakaka-challenge na gaganap ako ng isang karakter na medyo malapit sa experience ko pero malayo sa kung sino talaga ako.”

Sabi naman ni Paulo, “Parang masarap balikan ang mga taon ng inyon kabataan.  Parang ganoon ako sa pelikula. May kaibigan pero parang hindi ko nasabi sa kanya ang tunay kong mga nararamdaman hanggang sa nagkahiwalay na kami. Ang tanong, nung magkita kami uli, ano ang mangyayari.”

Ang tanong kasi ng pelikula ay simple lang  na “What if?” Kung sa Tagalog, “Ano kaya?”

Ang pelikula ay nakatakdang i-release sa third or fourth quarter ng taon. That is if the production can complete the film on time.

Bagay naman kaya sina Janine at Paulo, o sa lenggwahe ng ng nagdudunung-dunungan sa pelikula…May chemistry ba sina Janine at Paulo? E di tingnan natin pag ipinalabas na ang pelikula kung magtutugma ang dalawa. Malalaman nya yan sa unang eksena pa lang. Isang malaking challenge kay Prime yan, dahil ang isang romantic film will only work if the audience experiences a spark when the two lead characters meet in the first scene.

KADENANG GINTO HATAW SA RATING

Masayang masaya si Daniela at Romina at panalo ang drama nila Kadenang Ginto  sa ratings nuong July 8. Umabot sa 23.5 porsyento ang viewership ng drama na pinangungunahan ni Dimples Romana (Daniela) at Beauty Gonzales (Romina). Ang figures na ito ay base sa Kantar Media. (Ano naman kaya ang masasabi ng katapat na programa nito sa kabilang bakod?)

May extension na ulit ang serye at pumasok na ang bagong karakter na ipinalit sa namatay na si Roberto Mondragon (Albert Martinez). Si Richard Yap ay ipinakilala sa media nung isang linggo at gagampanan niya ang papel na Leon na maging kakampi ni Daniela sa pag-agaw ng mga kayamanang sinamsam ni Romina nung namatay si Roberto. Tutulung nga ba si Leon o gagamitin lang nya si Daniela? Ano ang kaugnayan niya kay Romina? Yan ang mga aabangan natin sa mga susunod na episode ng Kadenang Ginto.

Samantala, TV Patrol pa rin ang pinanood ng sambayanang Pilipino pagdating sa balita. Talo nita ang 24 Oras ng 7 points sa rating nitong 27.9 % nung Lunes, July 8.

Samantala, panalo pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (37%) kumpara sa katapat na drama ng Kapuso na Sahaya na nangalahati lang 18.7% nung July 8 din.

O baka magalit ang mga taga Eat Bulaga sa ratings ng kalaban nilang It’s Showtime.  Ang matagal nang noontime show ay nag-rate ng 13.2% nung July 9, samantalang ang palabas ni Vice Ganda ay umarangkada ng 17.4%.

Syempre sasabihin ng Kapuso, ratings yan ng Kantar. Eh, kasi sila sa AGB NUTAM naka subscribe. Hintayin natin ang ratings ng AGB.

 

Please follow and like us:
Read More

JAMES REID HAPPY SA PAGSOSOLO NI NADINE

jandin1

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MASAYA si James Reid para sa girlfriend na si Nadine Lustre ngayong may solo movie ito na hindi siya ang kapareha, ang Ulan na showing na sa March 13.

“I’m happy for her. I was so impressed by the trailer. It looks amazing, I’m so excited for her,” sabi ni James na may upcoming concert naman with Billy Crawford and Sam Concepcion na gaganapin sa Araneta Coliseum on April 5, ang The Cr3w.

Sa ngayon ay may kanya-kanyang projects ang JaDine loveteam at para kay Nadine, maganda raw ito for both of them.

“I think it’s good kasi, those are stepping stones for the both of us individually. Kasi, at least, hindi kami stuck sa ganito lang. At least, naggo-grow din kami kahit paano, kahit hindi kami magkasama,” ani Nadine.

Marami na nga ang nagtatanong kung kaylan ba sila ulit magkakaroon ng teleserye since 2017 pa sila huling napanood sa small screen via Till I Met You. Pero ani Nadie, sa ngayon daw talaga ay may mga naka-schedule na silang gagawin tulad ni James na magko-concentrate raw muna sa music.

 

      NO MAJOR DAMAGE SA SPARE PARTS NI PAULO AVELINO

 

Sa mga nag-aalala para kay Paulo Avelino, okay naman ang aktor matapos mag-post sa kanyang Instagram last Monday na na-dislocate ang kanyang balikat in a motorbike crash.

“Yes, I did crash again and although it was a low side crash, unfortunately I dislocated my right shoulder for the first time (It was painful btw).

“Tuason Racing and the event organizers immediately rushed me to the hospital where they were able to pop my shoulder back in (hurt even more) but immediately felt relief over my right shoulder.

“Upon checking the extent of the mobility of my shoulder I asked if I could go back to the track and after going for a few laps, Voila! I am still fully capable of riding, but definitely at a slower pace due to minimal discomfort on my right shoulder,” pahayag ni Paulo sa kanyang post.

Dagdag pa niya ay natapos na raw niya ang level 3 and 4 ng crash course niya sa CSSPH (California Superbike School Philippines). Yes, nag-enroll pa pala ang aktor para sa kanyang bagong hobby na ito.

“I was able to finish my whole CSSPH course for this year, level 3 and 4.

“Sometimes we just have to slow down, assess what We’ve been doing wrong, swallow your pride and accept our mistakes. Then finally, come out as a better person. Full speed ahead!” pagtatapos ng post ni Paulo.

Sa latest tweets ni Paulo kahapon ay naglalaro na siya ng online game sa computer kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang mga fans.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PAULO, MODEL GF ‘PASS’ MUNA SA VALENTINE’S DAY

paulo200

boy abunda(Ni BOY ABUNDA)

MALAKI ang pasasalamat ni Paulo Avelino sa mga sumusuporta sa teleseryeng ‘The General’s Daughter’ na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Kabilang din ang aktor sa bagong serye na kinagigiliwan ngayon ng mga manonood. “Masayang-masaya po kami sa kinalabasan. Naramdaman po namin ‘yon dahil sa reaksyon at sa suporta na binigay n’yo. Nakita naman namin sa ratings sa social media, and wala talaga kaming mabibigay kung hindi husayan pa lalo itong serye at pagandahin pa lalo para sa inyo,” nakangiting pahayag ni Paulo.

Katrabaho ngayon ng aktor sa bagong serye ang ilan sa mga beteranong artista katulad nina Maricel Soriano, Janice de Belen, Albert Martinez at Tirso Cruz III. Nangangarap pa raw si Paulo na makatrabaho ang ilan pang mga beterano sa industriya. “I really want to work with a lot of people that I used to watch on TV no’ng bata pa ako. I haven’t worked with Nora Aunor, Lito Lapid, napakarami to be honest,” pagtatapat ni Paulo.

Samantala, kasintahan ngayon ng aktor si Jodie Tarasek na isang Filipino-Australian model. Ayon sa aktor ay masaya ang estado ng relasyon nila ng dalaga. “Masaya ako kung nasaan ako ngayon. Masaya ako na hindi ako napi-pressure sa maraming bagay and I’m happy that I get to take things slow. Masaya rin minsan ‘yung hindi ka napi-pressure ng trabaho o buhay mo sa labas ng showbiz,” makahulugang pahayag ng aktor.

Valentine’s Day na sa susunod na linggo pero hanggang ngayon ay wala pa raw plano ang magkasintahan kung paano ito ipagdiriwang. “I’ll probably schedule something in the future but not anytime soon. Because medyo puno na, puro trabaho this February,” pagtatapos ni Paulo.

-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More