2-ANYOS, SUNDALO, CAFGU PATAY SA AMBUSH

shooting incident123

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng paslit, kasapi ng Philippine Army (PA) at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaan kasapi ng Abu Sayyaf Group, nitong Lunes, kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Adha ng mga Muslim sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan, ng 2nd Special Forces Battalion; Aldazier Hassan ng CAFGU, at Abdukalim Sahisa, 2-anyos habang ginagamot naman sa ospital ang isang 11-anyos na bata.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Kagay, Patikul-Talipao, Sulu.

Lumabas sa pagsisiyasat, sakay ng motorsiklo sina Halasan at Hassan habang binabagtas ang kahabaan ng Patikul-Talipao nang bigla na lamang silang hinarang ng armadong teroristang grupo at pinaulanan ng bala mula sa matataas na kalibre na armas.

Agad namatay ang sundalo at cafgu habang nadamay naman ang dalawang bata na mabilis isinugod sa ospital pero nalagutan din ng hininga ang paslit habang patuloy na inoobserbahan ang 11 anyos.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng mga otoridad laban sa teroristang grupo.

Please follow and like us:
Read More

PINSAN NI SAHIRON, 8 IBA PA, PATAY SA ENGKWENTRO SA SULU

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang Abu Sayaff Group (ASG) sub-leader na pinsan at kanang kamay ni Radullan Sahiron kasama ang walong iba pa sa apat na magkakasunod na engkwentro laban sa militar sa dalawang magkalapit na barangay sa Patikul, Sulu.

Nakilala ang napatay na sub-leader na si Julie Ikit makaraang makasagupa ang pwersa ng mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion (32IB) nitong Huwebes ng alas-10:37 ng umaga.

Nabatid na nasa 120 mga miyembro ng ASG, sa pamumuno ni Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan, ang nakaengkwentro ng militar sa Sitio Bud Taming,  Brgy., Panglayahan, Patikul sa nasabing lalawigan na tumagal ng 45 minuto.

Matapos ang unang engkuwentro, nasabat naman ng blocking force ng 1st Scout Ranger Battalion ang mga nagsisitakas na bandidong ASG sa Sitio Kan Isnain, Brgy. Kabun Takas sa nabanggit ding bayan ganap na alas-3:45 ng hapon.

Nasorpresa umano ng blocking force ng mga rangers ang mga ASG na napilitang maghiwa-hiwalay at naiwan ang bangkay ng isa nilang kasamahan na narekober naman ng militar.

Sa patuloy na pagtugis ng Scout Rangers, muli nitong naka-engkwentro ang isang maliit na grupo ng mga tumatakas na terorista isang kilometro ang layo mula sa Sitio Kan Isnain ganap na alas-5:00 ng hapon.

Makalipas ang 45 minuto, nakasagupa namang muli ng mga tauhan ng 32IB habang nasa blocking position ang isa pang splinter group ng ASG na tila mga dagang nasukol na agad nagsipuslitan sa iba’t-ibang direksyon para makatakas sa pwersa ng militar.

Ayon sa ulat pito pang ASG  ang nasawi habang 19 ang malubhang nasugatan sa mga sumunod na bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng militar at mga tumatakas na terorista nitong Huwebes.

Ayon naman kay Brigadier General Divino Rey Pabayo Jr,  Commander ng Joint Task Force Sulu, malaking dagok sa ASG ang pagkamatay ng kanang kamay ni Sahiron at walo pa nitong kasamahan gayundin ang malubhang pagkakasugat ng 19 sa kanila.

Pinasalamatan din ni Pabayo ang patuloy na kooperasyonng ibinibigay ng lokal na komunidad sa lugar na nagresulta sa matagumpay na operasyon ng militar at nagpataas sa moral ng mga tumutugis na sundalo.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGDUKOT SA MGA GURO BIGO; 2 POLICE ESCORT SUGATAN

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang dalawang police escort makaraang makaengkwentro ang may 15 miyembro ng mga teroristang Abu Sayaff Group (ASG) sa Sulu, Martes ng umaga.

Ayon sa report na nakarating sa Sulu Provincial Police Office (SPPO), nakilala ang mga sugatang pulis na sina P/Msg Alnidzfar Erajio at Pat. Jordan Changlapon na parehong miyembro ng Patikul Municipal Police Station (MPS).

Nabatid na ine-eskortan umano ng mga police personnel ng nasabing police station sa pangunguna ng isang P/SMsg Aguell sa ilalim ng superbisyon  ni P/Cpt Marc Henry Gonzalez, ang grupo ng mga guro ng Department of Education (DepEd) nang tambangan ng mga armadong ASG habang binabaybay ang daan mula sa Jolo patungo sa Bgy. Taung, Patikul ng nabanggit na lalawigan ganap na alas-8:30.

Naganap ang pananambang sa Bgy. Kan Ague, Patikul, Sulu na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang pulis na agad ding naisugod sa pagamutan.

Sinabi naman ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng AFP-Western Mindanao Command (Wesmincom), na posibleng balak dukutin ng kidnap-for-ransom group ng ASG ang mga teachers.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis ng Patikul MPS kasama ang mga tauhan ng SPPO sa pangunguna ni P/Col. Pablo Labra II sa pinangyarihan ng insidente para tugisin ang mga tumakas na ASG members.

Please follow and like us:
Read More

GIYERA!

war500

PINALIPAD ang attack helicopters sa Sulu para sa iniutos na ‘all-out-war’ ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Abu Sayyaf na itinuturong nasa likod ng malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga.

Isinagawa ang air strike sa liblib na Patikul town at hinihintay ng awtoridad ang feedback mula sa tropa, ayon kay Col. Gerry Besana, spokesperson ng Western Mindanao Command.

Sa panayam, sinabi ni Besana na ito na umano ang all-out-war laban sa teroristang grupo at ang kautusan ng Pangulo na pulbusin ang Abu Sayyaf.

Dalawang pagsabog ang naganap noong Linggo kung saan inako ng Islamic State ang madugong insidente, hindi ito isinaisantabi ng militar ngunit iginiit na ang subgroup ng Abu Sayyaf na Ajang-Ajang ang nasa likod ng twin blasts.

Inilabas ng militar ang surveillance footage kung saan apat na teenagers ang nahagip at isa ang kinilalang si Kamah, umano’y kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf leader. Sa footage ay makikitang may iniabot umano si Kamah sa isang kasamahan ilang segundo matapos ang pagsabog.

Naniniwala naman ang Pangulo na suicide bombers ang may gawa ng terorismo base na rin sa mga lasog-lasog na katawan ng isang umano’y babae na nakita sa pinangyarihan ng pagsabog.

Please follow and like us:
Read More