PAMILYA TINAGA NG AMA, 2 PATAY

ITAK

BASILAN – Pinagtataga ng isang lalaki ang kanyang asawa at menor de edad na mga anak na ikinamatay ng dalawa sa kanila sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Tipo-tipo sa lalawigang ito.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang misis ng suspek at isa nilang anak habang sugatan ang dalawa pang biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon kay Police Lieutenant Thomas Cayomba, hepe ng Tipo-Tipo Basilan, napag-alamang matagal na umanong may problema sa pag-iisip ang suspek.

Ito ang posibleng dahilan upang atakehin ng taga ng ama ang kanyang pamilya.

Nasa kustodiya na ng Tipo-Tipo Police Station  ang suspek na sasampahan ng kasong double parricide.

Agad namang nakuha ng pulis ang isang itak, palakol at kutsilyo na may mga dugo sa bahay.

Ito ang pinaniniwalaang ginamit ng ama upang patayin at pagtatagain ang kanyang pamilya. (KIKO CUETO)

Please follow and like us:
Read More

AKYAT BAHAY NAPATAY NG BIKTIMANG PULIS

DEAD MAN

ISANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang kaanib ng Batang City Jail (BCJ) na binaril ng isang miyembro ng Manila Police District (MPD) matapos maaktuhang bitbit ang Apple Ipad na pag-aari ng anak ng  huli sa kanilang inuupahang apartment sa Tondo, Maynila.

Inilarawang nasa 25-30 taong gulang, 5’5 – 5’6 ang taas, nakasuot ng asul na pang-itaas at itim na short pants at mat tattoo sa katawan na “BCJ” ang lalaking nasawi sa Mary Johnston Hospital.

Sa pahayag ni P/SSgt Jeffrey Camacho, ng MPD-Station 10, umuwi siya sa kanilang inuupahang apartment na nasa ika-3 palapag sa 1053 Carmen Planas St., Tondo bandang alas-5 ng hapon ng Linggo upang makipagsaya sa kaniyang pamilya para sa fiesta ng Sto. Niño.

Ilang hakbang na lang siya sa pinto ng kanilang bahay nang makita niyang lumabas ang hindi kilalang lalaki na hawak ang gadget na Apple Ipad ng kanyang anak kaya’t kaagad niya itong hinarang subalit mabilis na tumakbo ang lalaki paakyat sa 4th floor kaya’t nagkaroon ng habulan.

Nang abutan, ayon kay Camacho, bigla na lang siyang hinalihaw ng patalim ng lalaki at masuwerteng hindi siya timaan kaya naman napilitan siyang paputukan ito ng kanyang baril at tinamaan sa tiyan.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang lalaki subalit hindi na umabot na buhay.

Kusang-loob na sumuko sa kanyang mga kapwa pulis si Camacho na isinailalim sa imbestigasyon. (Rene Crisostomo)

Please follow and like us:
Read More

2 ESTUDYANTE PATAY SA GUMUHONG PADER 

PATAY

CAGAYAN de Oro City – Binawian ng buhay ang dalawang mag-aaral nang mabagsakan ng gumuhong pader sa loob ng kanilang paaralan habang naglalaro, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Joven Singuil at James Lagunos, kapwa 15-anyos, Grade 7 at residente sa Purok 6 sa naturang lugar at parehong estudyante ng Salimbalan Elementary School sa Baungon, Bukidnon.

Batay sa report ng Baungon Municipal Police Station, abala ang mga biktima sa paglalaro sa loob ng kanilang paaralan nang biglang gumuho ang pader at nabagsakan ang dalawa.

Dumanas nang matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA TRUCK

accident121

CAMARINES Sur – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasunod na tanker truck, iniulat ng pulisya nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang namatay na si Rommel Castillo, habang sugatan si Princess Lopez, kapwa residente ng Lopez, Quezon.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng tanker truck na kinilalang si Gidel Balid, residente ng Pili, Camarines Sur.

Batay sa report ng Sipocot Police Station, nangyari ang insidente sa Sitio Lagatic, Barangay Taisan, Sipocot, Camarines Sur.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng motorsiklo ang nasabing lugar kasunod ang tank-er truck nang bigla na lamang umanong bumangga sa gulong ng truck ang mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima sa kalsada na agad dinala sa ospital ngunit idi-neklarang dead on arrival si Castillo habang nilalapatan ng lunas si Lopez.

Nakatakdangsampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang suspek. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

NO.8 SA DRUG LIST PATAY SA PULIS

PULIS-11

BULACAN – Patay ang isang hinihinalang drug pusher na no.8 sa Lambat Sibat provincial level drug watchlist, makaraang manlaban sa mga pulis sa anti-drug operation sa bayan ng Plaridel, habang lima pang drug suspect ang nadakip sa buy-bust operation sa mga bayan ng Baliuag at Marilao sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan police director, ang suspek na si Rommel Garife y Dionisio, alyas  “Mome”, residente ng bayan ng Pulilan.

Napatay si Garife dahil sa mga tama ng bala sa katawan habang nakatakas ang kanyang kasama lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Ayon sa ulat, dakong 1:05 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Plaridel police sa Barangay Agnaya, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, hepe ng pulisya ng Plaridel.

Target sa nasabing operasyon ang umano’y tulak ng ilegal na droga na si Garife ngunit nakatunog ang suspek kaya’t bumunot ng baril at nanlaban na naging dahilan ng kanyang kamatayan habang nakatakas ang kanyang kasama patungo sa Barangay Lumang Bayan.

Nakuha ng Bulacan SOCO Team sa suspek ang isang .38 kalibreng baril, 14 pakete ng umano’y shabu at buy-bust money.

Samantala, limang iba pang mga drug suspect ang nakorner sa Barangay Poblacion 2, Marilao at Barangay Sta. Barbara sa bayan ng Baliuag.

Kinilala ni P/Lt. Col. Amado Mendoza Jr., Marilao police chief, ang arestadong mga suspek na sina Mark Anthony Villasenor, 25; Josua Galupong, 22; Kenneth de Leon; Miner Bautista, at Michael dela Cruz. (GINA BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL DEDBOL SA PARAK

gun

CEBU City – Kapwa namatay ang magkapatid na lalaki makaraang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay na pulis dahil sa matagal nang alitan, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na magkapatid na sina Joel Cabrera, 35, at Jerbes Cabrera, 30-anyos, kapwa resi-dente ng Barangay Dumlog, Talisay Cebu.

Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Staff Sgt. Sidney Alisoso, 32, miyembro ng Region-al Drug Enforcement Unit-Police Regional Office 7 Cebu City.

Batay sa report ng Talisay Police Station, dakong alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa labas ng bahay ng mga biktima.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, bigla lamang umanong pumasok ang suspek sa bahay ng magka-patid at kinaladkad palabas si Jerbes saka pinagbabaril.

Nagising naman ang natutulog na si Joel at nang mabatid ang ginawa ng suspek ay mabilis na lumabas ngunit maging siya ay pinagbabaril din ng suspek.

Ayon naman sa ina ng magkapatid, nag-ugat ang alitan ng kanilang pamilya at ni Alisoso, dalawang taon na nakalilipas, dahil sa tubig at kanilang bakod na lumagpas umano sa tamang sukat.

Hanggang sa muli umanong naungkat ang alitan nang matalsikan ng debris ang bahay ng suspek.

Mabilis namang nagresponde ang mga pulis at nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong double murder. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG PULIS NILOOBAN: 1 BULAGTA, 1 ARESTADO

buy-bust dead

(Ni NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang suspek habang arestado naman ang isa pa matapos pasukin at pagtangkaang nakawan umano ang bahay ng isang opisyal ng pulis sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat, Linggo ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Taras Duma Abdul, 35-anyos, samantalang ang nadakip na kasamahan nito ay nakilalang si Aries Mamolandi, 20 y/o kapwa tubong Buluan, Maguindanao.

Ayon sa President Quirino Municipal Police Station (MPS) pasado alas-6:00 ng gabi nang madatnan ni P/MSgt. Noel Fortez galing sa kanyang mahabng duty na na bukas ang main door ng kanyang bahay sa Purok Cadena de Amor, Barangay Poblacion, sa nasabing bayan.

Naging alerto ang pulis kaya dahan-dahan umano itong pumasok  sa kanyang bahay hanggang sa makita nito sa loob ang isang lalaki na may hawak na .45-kalibreng baril, na mabilis na tumakas sa likurang bahagi ng bahay kasama ang isa pang suspek matapos niyang komprontahin.

Agad namang nakatawag si Fortez sa kanyang mga kasamahang pulis na naglatag ng checkpoint sa palibot ng nasabing Barangay habang hinahabol naman nito ang mga suspek.

Sa gitna nang habulan pinaputukan ng isa sa mga supek si Fortez kaya napilitan itong gumanti at napuruhan si Abdul na agad nitong ikinamatay habang nadakip naman ang kasabwat na si Mamolandi.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kanilang getaway tricycle, isang fragmentation grenade, isang .45-caliber pistol, isang 9mm pistol, shabu at mga paraphernalia.

Naniniwala naman si P/Lt. Col. Lino Capellan, spokesperson ng Police Regional Office 12, na ang dalawang suspek ang nasa likod ng mga kaso ng nakawan at holdapan sa President Quirino at sa mga kalapit na bayan nito tulad sa Lambayong, Isulan and Tacurong City sa Sultan Kudarat, at Buluan, Maguindanao.

Nakakulong ngayon ang naarestong si Mamolandi sa detention cell ng President Quirino MPS habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Please follow and like us:
Read More

HEAD NURSE, TINODAS NG TANDEM

riding

(Ni NILOU DEL CARMEN)

Patay ang isang babaeng head nurse matapos na ito ay pagbabarilin ng riding-in- tandem suspect habang nagmamaneho ng kanyang sports utility vehicle   (SUV)  sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna Linggo ng gabi

Kinilala ang biktima bilang si Arlene Saludo, 44-anyos, residente ng Barangay Batino, head nurse ng Calamba Doctor’s Hospital.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inihatid umano ng biktima ang kanyang anak na lalaki at bumaba na  Mayapa Road, malapit Canlubang exit ng lumapit ang isa sa mga suspek at pagbabarilin ito.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman sa kalapit  lamang na San Jose Trauma Hospital and Medical Center ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor dahil sa mga tinamong tama ng bala sa leeg.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nangangalap na rin ng mga CCTV footages sa lugar para makilala ang mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

RIDER NAG-OVERTAKE, PATAY SA PUNO

accident12

(SIGFRED  ADSUARA)

DAHIL sa punongkahoy na hindi pa napuputol sa ginagawang road widening, nasawi ang isang 20-anyos na estudyante habang sugatan ang dalawang angkas nito nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa puno sa ginagawang road widening sa Silang, Cavite.

Dead-on-arrival sa Tagytay Medical Center ang biktimang si John Rey Erci ng Brgy Ulat, Silang, Cavite habang inoobserbahan pa sa nasabing opsital si Gerald Tamundong, 17 ng  Brgy. Putting Kahoy Silang, Cavite at  John Michael Palino , 19, kapwa estudyante at residente ng Brgy. Iruhin Central Tagaytay City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal John Aldrine Patam ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-9:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Brgy Pasong Langka, Silang, Cavite kung saan magkaka-angkas ang tatlo sa isang motorsiklong Kawasaki MC.

Ayon kay Patam, galing  ang nga biktima sa anibersaryo ng kanilang kapatiran at papauwi na ang mga ito at pagsapit sa nasbaing lugar nang tinangka nilang mag-overtake sa isang sasakyan, gayunman, pang-arangkada ng kanilang motorisklo nang tumama ito sa isang punong kahoy.

Isinugod ang tatlo sa ospital subalit namatay habang ginagamot si Erci.

Inaalam din kung nakainon ang magbabarkada. .

Ayon kay Patam, ang nasabing punongkahoy ay nasa gitna pa ng kalsada sa isang ginagawang road widening na hindi pa napuputol.

Please follow and like us:
Read More

SAGUPAAN NG MILF AT BIFF: 11 PATAY

REBELDE-2

(Ni ANNIE PINEDA)

NASA 11 ang kumpirmadong namatay sa naganap na bakbakan ng dalawang grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.

Kinilala ang namatay na sina Manaut Musbil, Mads Maytum, Tongan Tot, Laguiali Ali, Poangan Ganda, Kho Mamaluba at Jeomar Salansamen, pawang mga miyembro ng MILF-Task Force Itihad.

Habang apat ang napaulat na nasawai at tatlo ang nasugatan sa panig naman ng BIFF-ISIS Inspired Group sa ilalim ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Batay sa report, naganap ang sagupaan sa Sitio Tinolusan Barangay Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Ayon kay Barangay Dasawao Barangay Chairman Abdulracman Kanda, nagsilikas na rin ang mga sibilyan sa hangganan ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha at Pikit North Cotabato sa takot na madamay sa engkuwentro ng naturang mga grupo.

Sinabi pa ng mga saksi, nakita nilang isinakay ng MILF ang pitong nasawi sa bangka sa Rio Grande de Mindanao palabas ng Sitio Tinolusan Brgy Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Sa ngayon, nakamonitor na ang tropa ng pamahalaan na posibleng anoman oras at muling sumiklab ang gulo sa dalawang grupo.

Please follow and like us:
Read More

5-ANYOS DINUKOT SA BAHAY, NI-RAPE, PINATAY

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang limang taong gulang na babae matapos hampasin ng bato sa ulo sa San Jose Del Monte City, Bulacan, Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Grace General Hospital ang biktima na si Princess Angela Langumez, kindergarten student, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas na suspek na nakilalang si Eman Lambuhon, 24, construction worker, ng Yein St. Del Monte Heights, Barangay Kaypian.

Ayon kay Police Staff Segeant Gilbert Cuña, pasado alas-3:00 ng madaling araw nang makarinig ng sigaw ang ina ng biktima kung saan nakitang tinangay ng suspek ang kanyang anak.

Agad na sinilip ng ina ang kuwarto ng biktima at nang makumpirmang nawawala na ito ay sinundan nila ang lugar kung saan posibleng nagpunta ang suspek.

Matapos ang paghahanap ay nakitang nakahandusay at duguan na ang biktima sa isang bakanteng lote.

Hinala ng pulisya na posibleng hinampas sa ulo ng bato ng suspek ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Batay pa sa imbestigasyon na tatlong beses na umanong tinangkang tangayin ng suspek ang bata.

Posible rin umano na ginahasa ng suspek ang biktima bago pinukpok ng bato sa ulo.

Hinihintay na lamang ng San Jose Del Monte police ang resulta ng medico legal sa biktima upang matukoy kung hinalay ng suspek na subject ngayon ng malawakang pagtugis.

Please follow and like us:
Read More

3 BANGKA PINATAOB NG ALON, 12 PATAY

BANGKA

LABING DALAWA na ang naitalang patay habang apat ang nawawala sa pagtaob ng tatlong bangka sa pagitan ng Iloilo at Guimaras ngayong hapon.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:15 ng tanghali nang tumaob ang dalawang pampasaherong motor boat na may rutang Iloilo-Guimaras vice versa.

Nagmula umano ang mga bangka sa Iloilo patungong Jordan, Guimaras ngunit habang naglalayag ay hinampas ng dambuhalang alon dahilan para tumaob ang mga ito.

Nasa 43 umano ang mga pasahero ng MB Chi-chi habang apat namang crew ang sakay ng MB Keziah.

Sa huling ulat, nasa 32 pasahero kabilang na ang mga crew ng dalawang bangka ang nasagip ng mga awtoridad.

Bandang alas-3 ng hapon nang maiulat naman ang paglubog ng MB Jennyville na may 38 pasahero at crew. Isa ang naitalang namatay sa huling insidente.

Puspusan pa rin ang rescue operation ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa nasabing lugar.

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE PATAY SA TANDEM

NEGOSYANTE PATAY

(Ni MHIKE CIGARAL)

DINALUPIHAN, Bataan – Patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang negosyante bandang 6:45 ng gabi sa Barangay San Ramon ng bayang ito sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Police Supt. Edward Guevara, hepe ng Dinalupihan PNP, kinilala ang biktimang si Rafael Bryan Pinpin, 30-anyos, may-ari ng isang rent-a-car business sa naturang barangay.

Nabatid na nasa stall ng kanyang negosyo ang biktimang nang paputukan ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Ayon sa ilang saksi, nakasuot ng black jackets at helmets ang mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

LOLO PATAY SA SEX

heart1000

(Ni JG TUMBADO)

ISANG 70-anyos na lolo ang namatay sa pakikipagtalik sa isang 24-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Asingan, Pangasinan.

Si George Martinez, Sr., tricycle driver, ay namatay habang isinusugod sa Asingan Community Hospital bandang alas-11:40 kagabi.

Ayon sa pulisya, hindi umano nakahinga si Martinez habang nakikipag-sex sa babae at nawalan ng malay. Sinabi ng mga kaanak ni Martinez na ang matanda ay mag hypertension at posibleng tumaas ang presyon nito habang nakikipagtalik.

Please follow and like us:
Read More