PASKONG PINOY

PASKONG PINOY

The Best Na, Kakaiba Pa

(Ni Santi Lean B. Pascual)

TANGING ang Pilipinas ang nag-iisang bansa na nagdiriwang ng pinakamahabang Pasko. Pagpasok pa lang ng ber (sa english) o bre sa kalendaryo, excited na ang lahat sapagkat simula na ng pagdiriwang nang pagsilang ni Kristo Hesus. At talagang kakaiba ang ginagawa ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko. Totoong “The Best”!

Ibang iba talaga ang Paskong Pinoy. Masaya, kakaiba at nakakataba ng katawan at lalo na ng puso.

Ang ilan, Agosto pa lang ay nagsisimula na maglista ng kanilang mga pamimilihin para sa Pasko upang maging masaya ang kanilang pamilya, kamag-anak, kaibigan at higit sa lahat ay mga inaanak.

Hindi maitatanggi na nahuhumaling ang mga Pinoy sa Pasko at ito ay hindi lang sa iisang dahilan subalit napakarami kung iisa-isahin. Isa sa gustong-gusto na sumapit ang Pasko ay ang mga empleyado dahil umaasa sila na magkakaroon ng 13th month habang ang iba ay nais ding samahan ito ng bonus ng kanilang mga boss.

Sa mga kabataan at hindi masyadong bata, maging sa eskuwela at opisina ay usong-uso ang Monito, Monita. Pinatitindi nito ang saya at tuwa nang pagbibigayan.

Maraming “sale” hindi lang sa department store at mall subalit maging sa mga bangketa sa Divisoria, Recto, Quiapo, Greenhills, Cubao, Taytay at sa kung saan-saan pa. Dati nakasanayan na ng mga Pinoy na mamili at dumayo kung saan-saang lugar kung saan may murang bilihin subalit ngayon dahil sa traffic, online na ang kinalolokohan ng marami kung saan idinideliver na lang sa kanilang bahay ang kanilang binili at doon na lang babayaran o kaya naman ay binayaran muna sa pamamagitan ng debit card o credit card kasama na ang delivery charge.

Anu-ano ng aba ang dahilan at talagang inaabang-abangan ang Pasko lalo na ng mga bata, kabataan at matatanda?

Posibleng ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit kakaiba at the best talaga ang Paskong Pinoy:

Simbang Gabi

Dahil karamihan sa mga Filipino ay Katoliko, marami ang nag-aabang sa novena o siyam na sunod-sunod na pagsisimba ng madaling araw na sinisimulan kapag Disyembre 16. Tradisyon na ang Simbang Gabi gayung sa madaling araw ang ginagawang pagsimba at pagkatapos ay palasak na ang pag-aalmusal na kadalasan ay tsaa o salabat ang ginagawang panulak o inumin para sa kinaing bibingka o puto bumbong.

 Aginaldo

Bukod sa Monito, Monita  meron ding exchange gift sa mga eskuwela at opisina. Sa mismong araw ng pasko ginagawa rin ang pamamasko lalo na ng mga bata sa kanilang mga ninong at ninang. Talagang pinag-iipunan ng marami  lalo na ng mga magulang, ninong at ninang ang mga regalo o perang kanilang ipinamamahagi sa kanilang mga anak, inaanak at mga kamag-anak. May mga bata na naglalagay ng medyas sa kanilang Christmas Tree o pinto ng bahay at hinihintay na lagyan ni ‘Sta Claus’ ng regalong kanilang hiniling. Ang bigayan ng regalo sa Paskong Pinoy ay inaabot hanggang Enero 6 o tinatawag na ‘Pista ng Tatlong Hari’ o ‘Three Kings’.

Caroling 

Isa sa masayang ginagawa kapag Pasko sa Pilipinas ay ang caroling o pag-awit ng mga kantang Pamasko ng grupo na may dalang iba’t ibang instrumento na tumatapat sa bahay-bahay at umaasang maabutan sila ng pera para sa kanilang pagkanta. Posibleng ginagawa rin ito sa ibang bansa subalit kakaiba ang sa Pilipinas dahil madalas ay ginagamit sa mga gawaing may kabuluhan ang perang kinita.

Pagsasabit ng Parol

Karaniwan nang tanawin sa bahay-bahay ang nakasabit na parol o kaya naman ay nagkikislapang ilaw kapag sumapit na ang simula ng buwan ng Nobyembre. Noon una, ang mga parol ay gawa lang sa kawayan na ginawang korteng bituin na binalutan ng cellophane. Ngayon, ibang iba na ang parol na ginagamit dahil merong tila mga ilaw na lang o kaya naman ay gawa sa kapis. Maraming lugar na sa bansa ang nagkakaroon ng kontes nang pagandahan ng gawang parol subalit ang pinakasikat ay ang mga parol sa Pampanga.

Noche Buena. Inaabangan ng bawat pamilyang Filipino ang pagsapit ng alas-12 ng gabi ng Disyembre 24 sapagkat ito ang highlights ng pagdiriwang. Ginagawa ito matapos ang misa. Itinuturing na malaking pagdiriwang ito sa ating bansa kahit pa ipinagdiriwang din ito sa iba. Binibigyang oras ng pamilya ang paghahanda ng mga pagkain sa hapag na pagsasalu-saluhan ng buong pamilya. Kadalasan, namimigay  ng handa ang Pinoy sa kanilang mga kapitbahay na gumaganti naman at nagbibigay din ng pagkaing nasa kanilang lamesa.

Bagaman madalas tamaan ng kalamidad ang ating bansa, hindi nawawala ang ispiritu ng pagdadamayan ng bawat isa kung kaya’t marami ang namamahagi ng kanilang nakayanan tulad ng pagkain, damit at laruan sa mga biktima ng sakuna at gayundin sa mga nakatira sa lansangan.

Pero ang pinakamasaya sa lahat ay ang kakayahan ng mga Pinoy na balikatin ang lahat ng kanilang pinagdaanan sa loob ng isang taon maging masaya man ito o malungkot. Dahil sa diwa ng Pasko, marami ang nagtutulungan at hindi nag-iiwanan. Iba ang Pasko sa Pilipinas subalit mas kakaiba ang ugali ng Pinoy — ang pagiging matulungin at mapagmalasakit sa kapwa.

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!

Please follow and like us:
Read More

PASAHERONG UUWI NG PROBINSIYA DAGSA NA

(NI KIKO CUETO/PHOTO BY CJ CASTILLO)

DUMAGSA na ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para sa Pasko at Bagong taon.

Ito’y kahit punuan na ang biyahe sa Araneta Center bus station.

Nitong Biyernes, may 5,746 pasahero ang umalis mula sa Araneta City bus port at bus station.

Inaasahan na rin ang pagdami pa ng pagdagsa ng mga pasahero bukas.

Marami ang nagbabakasali o chance passenger dahil wala nang mabiling ticket.

Hindi pa matiyak ng pamunuan ng mga bus companies kung magdadagdag sila ng mga biyahe.

Matindi naman ang trapik sa paligid ng Cubao, at inaasahang lalong sisikip ngayong Linggo.

 

Please follow and like us:
Read More

WALANG PBA SA PASKO

(NI LOUIS AQUINO)

SA ikalawang sunod na taon at sa mga susunod pa, makakapiling na ng mga manlalaro at team officials ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay sa araw ng Pasko.

Ito’y matapos magdesisyon si league commissioner Willie Marcial tapusin na ang tradisyunal na PBA game tuwing Disyembre 25.

Ayon kay Marcial, bagama’t malaking tulong sa PBA ang maraming manonood ng game kapag Pasko, espesyal at once-a-year na selebrasyon ang Pasko kaya’t marapat lang na ipagdiwang ito kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang liga na magkaroon ng dalawang linggong holiday break para sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Kaya ang Governors Cup semifinals sa pagitan ng Barangay Ginebra at NorthPort, at Meralco at TnT Katropa, kung hindi matatapos sa Dis. 22 ay itutuloy sa Enero 8 na.

Kapag nangyari ito, ang finals ay magsisimula Enero 22, 2020 na.

Huling nagkaroon ng Christmas game ang PBA noong 2017 Philippine Cup kung saan tinalo ng Brangay Ginebra ang Magnolia, 89-78, sa Philippine Arena in Bocaue, Bulacan.

Please follow and like us:
Read More

MAG-INGAT SA PLASTIC TOYS SA DIVI — ECOWASTE

toxic

MATAAS umano ang lead content sa mga plastic toys na naglipana sa Divisoria dahilan para magbabala ang EcoWaste Coalition sa mga magreregalo ngayong Pasko na tiyaking walang lead content ang mga laruang ibibigay sa mga bata.

Ang paghawak o paglaro ng lead ng mga bata ay delikado sa kalusugan ng mga ito.

Sinabi ng EcoWaste na habang maganda ang hangaring mapasaya ang mga bata sa kapaskuhan, mas masaya umano kung magiging responsable ang mga magbibigay ng aginaldo.

Ang lead ay delikado, nakalalason at nakaaapekto sa mental at physical impairment ng maglalarong bata.  Sinabi ng EcoWaste na naglibot sila sa Metro Manila at natuklasang ang mga laruang ibinebenta sa Divisoria ay may mataas na antas ng lead content.

Kabilang sa mga ito ang red and yellow coated “Naruto Shippuden” fidget spinner A tall yellow-painted  “Hi,I’m Monkey” vacuum flask A short yellow-painted “Despicable Me” vacuum flask A green “Mickey Mouse” glass cup A yellow “Spongebob” glass cup A “Wonderful” xylophone

Several “Kai Xin” laser toys A mini-xylophone “Funny Toys” lizards Toy farm animals

Inabisusan din ang publiko  na huwag magbigay ng manika, soft balls at squeaky toys na gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic.

Please follow and like us:
Read More

PNP: ANTI-DRUG OPS ‘DI TITIGIL KAHIT PASKO

shabu

HINDI matutulog sa pansitan ang Philippine National Police (PNP) sa operasyon laban sa droga kahit ngayong holiday season, ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde.

“’Di tayo titigil diyan dahil iba naman ‘yung nag-ooperate [na police unit] sa anti-illegal drugs,” ayon kay Albayalde.“’Yung gagawa sa operations sa anti-illegal drugs ay hindi naman ‘yan maitatalaga doon sa mga ibang duties and responsibilities para sa kapaskuhan lalo na ‘yung Oplan Sita, police presence, ‘yung pagtatalaga ng police assistance desks lalo na sa malalaking simbahan,” ayon pa dito.

Tiniyak din ni Albayalde ang publiko sa mataas na presensysa ng kapulisan ngayong holiday season dahil na rin sa inaasahang pagkilos ng masasamang elemento. “Yung pagsasapit ng kapaskuhan ay tumataas ‘yung ating crime lalo na ‘yung crime against properties natin.  Tyak na mababawasan yan,” sabi pa ni Albayalde.

Please follow and like us:
Read More