HOLDAPER NA TANDEM PATAY SA PASIG ENCOUNTER

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isa sa dalawang lalaking umano’y holdaper na riding-in-tandem nang mabaril ng mga rumespondeng awtoridad sa isang engkwentro, matapos nilang holdapin ang isang call center agent sa Barangay Manggahan, Pasig City, Sabado ng madaling araw.

Dead on arrival sa Pasig Doctors Hospital ang di kilalang suspek dahil sa mga tama ng bala sa katawan, habang nakatakas naman ang kanyang hindi pa rin nakilalang kasabwat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police, nabatid na dakong 2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Avenue, sa Barangay Manggahan.

Nauna rito, naglalakad umano sa lugar ang biktimang si Ritchell Pontillano, 30, isang call center agent, kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki, nang bigla na lang silang hintuan ng mga suspek, na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang mag-iina at saka nagdeklara ng holdap.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at kaagad na nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga nagdaraang motorista.

Nataranta naman ang mga suspek kaya’t mabilis nang tumakas ang mga ito habang nagtungo ang mag-iina sa tanggapan ng Police Community Precinct 7 (PCP7) at nagsumbong sa mga pulis.

Hinabol ng mga awtoridad ang tumatakas na mga suspek ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek na nauwi sa palitan ng putok, hanggang sa tamaan ng mga awtoridad ang suspek na nagmamaneho ng motosiklo kaya’t sumemplang ang mga ito.

Mabilis namang kumaripas ng takbo at nakatakas ang kanyang backrider habang isinugod ng mga pulis sa pagamutan ang suspek ngunit binawian rin ng buhay.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril, isang fired cartridge at isang unit ng SYM motorcycle na may plakang 5655 UF.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

3 DAYUHAN  INARESTO NG PDEA, MARIJUANA, PEKENG DOLYAR NASAMSAM

(NI NICK ECHEVARRIA)

INARESTO ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service (PDEA-SES) ang dalawang Nigerian at isang Liberian national matapos mahulihan ng Marijuana at mga pekeng dollar sa isang magarang condominium sa Pasig City, Lunes ng gabi.

Bitbit ang search warrant mula sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152 laban sa isang Godwin Korte, alias “Godwin” sinalakay ng mga tauhan ng PDEA-SES at RO ng NCRPO ang Room 406 ng Rio Grande Building, Riverfront Residences sa nasabing lungsod, subalit hindi inabutan ang pakay.

Gayunman matapos ang ginawang paghahalughog, inaresto ng mga awtoridad ang tatlong kasamahang dayuhan ni Godwin na nakatira sa nasabing condo matapos makasamsam ng isang malaking brick at siyam na pakete  ng marijuana kasama ang dalawang bundle ng mga pekeng $100.

Kinilala ang mga naaresto na sina Daniel Ukha, Nigerian national, na nakulong na noong isang taon sa La Union Provincial Jail sa kasong paglabag sa RA 9165, Eddie Waylee, Nigerian at Harmmony Onyebuchie na isang Liberian.

Ang nasabing brick ng narekober na marijuana mula sa tatlong suspek ay may timbang na 424 gramo habang ang 9 na pakete naman ay may bigat na 20 gramo na na may kabuuang halaga na P60,000.

Nag-ugat umano ang operasyon matapos ireklamo ng mga katabing unit ang maingay at mabahong amoy ng marijuana at ang labas-masok na mga hindi kilalang tao na lantarang  nag-aabutan  ng droga sa swimming pool ng nasabing lugar.

Ayon kay PDEA-SES regional director Levie Orits, inabot ng dalawang linggo ang surveillance sa 4th floor ng nasabing condo unit room 406 bago isagawa ang operasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

MASALIMUOT NA BUHAY TINAPOS SA LUBID

(NI MAC CABREROS)

DALA ng matinding galit, tinapos ng isang tricycle driver ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa Pasig City.

Nakapulupot ang nylon cord na nakabitin sa biga ng comfort room nang matagpuan ang bangkay ni Gregorio Caguicla, 50, ng Unit C, Block 62 Lot 5, KC 27 Kaayusan St., corner Kaluwagan St., Karangalan Village, Brgy. Mangahan, Pasig City.

Alas-6:30 ng gabi ng Biyernes nang makita ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si John Wesley at walang nakitang external injury sa katawan ng biktima, ayon SOCO-EPD chief Lt. Col. Marriance
Ebdane.

Bago ang insidente, may pagtatalong naganap sa kanyang ive-in partner, dagdag LtCol. Ebdane.

Samantala, bangkay nang lumutang sa Marikina River si Jamal Soliman, 26, construction worker, matapos ang paulit-ulit na pag-dive mula sa Tumana bridge sa Barangay Tumana, Marikina City.
Sa ulat, huling nakitang buhay si Soliman na ilang beses na tumalon sa tulay at lumangoy hapon ng Huwebes.

Sa huling dive nito ay hindi na ito lumutang kaya nagresponde ang Rescue 161 ngunit nabigo.

Alas-kuwatro ng hapon ng Biyernes nang makita ang lumubog bangkay ng biktima at naiahon gamit ng backhoe.
Pinigilan ng pamilya ni Soliman ang mga awtoridad na magsagawa ng karagdagang imbestigasyon.

Please follow and like us:
Read More

GRO PATAY SA HOTEL

(NI KEVIN COLLANTES)

NANIKIP ang dibdib at tuluyang namatay ang isang guest relations officer (GRO) habang naka-check in, kasama ang isang lalaki sa isang hotel sa Barangay Santolan, Pasig City, nitong Linggo.

Patay na nang idating sa St. Camilus Hospital ang biktimang nakilalang si Maybel Antonino, 28.

Lumilitaw sa inisyal na report ng Pasig City Police na dakong 4:55 ng hapon nang maganap ang insidente sa Room 205 ng isang kilalang hotel sa Marcos Highway, Barangay Santolan.

Nauna rito, dakong alas-12:08 ng tanghali nang mag-check-in ang biktima sa naturang hotel kasama ang kanyang nobyong si Romnick.

Gayunman, pagsapit ng 4:20 ng hapon ay nakaramdam na umano ito ng pananakit ng dibdib kaya’t isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Ayon sa pulisya, posibleng karamdaman ang ikinamatay ng biktima matapos matukoy sa imbestigasyon na dumaranas ito ng ubo at mayroon ding thyroid cyst.

Nakatakda na rin umanong isailalim sa awtopsiya ang biktima upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Please follow and like us:
Read More

10 SASAKYAN INARARO NG TRAK; 10 SUGATAN

accident12

(NI MAC CABREROS)

HIGIT sa 10 katao ang nasugatan nang araruhin ng truck ang 10 sasakyan sa Pasig City.
Pinaghahanap ngayon ng awtoridad si Elvie Magallanes, driver, habang naaresto at nakakulong ang pahinanteng si Sylvio  Macallia.

Sa pahayag ni Macallia sa pulisya, binabagtas nila ang kahabaan ng Ortigas Avenue, Barangay Ugong, patungong Silangan alas-4:35 ng umaga ng Biyernes nang mawalan ng preno ang truck na Dongpeng wing van truck at may plakang ABJ 6544.
Dahil madulas ang kalsada dahil basa ito sa ulan, hindi na napigilan ng driver ang truck at nasalpok  ang sasakyan sa unahan na nagresulta ng domino collision sa 10 sasakyan kung saan higit sa 10 katao ang nasugatan o nasaktan, ayon sa ulat.
Reckless Imprudence resulting in Multiple Injuries and Multiple Damage to properties ang inihahandang kaso kina Magallanes at Macallia.

Please follow and like us:
Read More

TAXI NAWALAN NG KONTROL, 1O SUGATAN

accident12

(NI MAC CABREROS)

SAMPU katao ang nasugatan, kabilang ang isang rider, nang araruhin ng isang taxi sa Pasig City, Lunes ng gabi.

Dinala sa ospital upang malapatan ng lunas ang mga biktima matapos mabangga ng sasakyan ni Roberto Marquez, 58, alas-7:30 ng gabi.

Sa ulat, binabagtas ng taxi ni Marquez ang kahabaan ng Pasig Boulevard corner Banaag Street, Brgy. Pineda, nang mawalan umano ng preno at mabangga ang dalawang motorsiklo at nagtuluy-tuloy hanggang sa araruhin ang walo pang katao na naghihintay ng masasakyan.

Dinala sa Rizal Medical Center at Medical City ang mga biktima habang ikinulong sa himpilan ng pulisya ang driver at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries at damage to property.

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS SA VIRAL VIDEO SINIBAK NI ELEAZAR

(NI KOI HIPOLITO)

NAGPALABAS na ng pormal na pahayag sa media si NCRPO Chief P/MGen.Guillermo Eleazar, tungkol sa dalawang abusadong pulis ng Eastern Police District (EPD) na inireklamo ng pang-aabuso nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Eleazar na ininutos na niya kay  direktor ng EPD na si P/BGen. Nolasco K. Bathan, na alisin sa kanyang puwesto sa San Juan City Police Station at Marikina City Police Station ang  dalawang pulis na sina PSMS Arnulfo Ardales at PSMS Nicolas Lapie Jr., at ilipat sa Regional Headquarters Support Unit (NCRPO-RHSU) ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Matatandaan noong gabi ng Sabado ay sumabog at nag-viral sa social media ang pagkilos ni Ardales na pinagmumura at binantaan ang isang call center agent na nakasabayang bumili ng ulam sa isang karinderya sa Lungsod ng San Juan at dahil dito agad ipinag-utos ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang pagdisarma at pagbawi ng tsapa ng pulis at inilagay muna sa District Holding Support Unit (DHSU-EPD).

Samantala, nakakulong naman ngayon si Lapie Jr.,  sa Pasig City Custodial Cell para sa kasong physical injuries in Relation to RA 7610 oThe Antii- Child Abuse Law dahil sa pananakit sa isang biktimang walong taon gulang na batang lalaki habang nanonood ng basket ball game sa covered court ng Barangay Bambang sa Pasig City noong gabi ng Linggo. Nag- viral din sa social media ang video.

Nakita sa video na sinakal ng pulis ang bata at pinagmumura subalit nagpumiglas ito at nakatakbo ngunit hinabol ito ng suspek at pinilipit ang braso bago hinatak patungo malapit sa kanya.

Dahil sa nangyari nagtakbuhan ang mga tao para awatin ang pulis na si Lapie at tulungan i-rescue ang bata.

Naawat ng mga rumespondeng pulis ang kanilang kabaro at kapwa dinala sa Womens and Childrens Protections Desk  (WCPD) ng Pasig City Police Station ang pulis at ang batang biktima.

Kapwa inirekomendang sumailalim sa Values Formation Seminar sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sina Ardales at Lapie Jr.

Hinikayat din ni Eleazar ang mga pamilya ng mga naging biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang abusadong pulis at siniguro rin nito na sila ay bibigyan ng proteksyon.

 

Please follow and like us:
Read More

NANINGIL NG UTANG PINASLANG

crimeshooting12

(NI ROSE PULGAR)

NASAWI ang isang lalaki nang barilin ito ng kanyang sinisingil sa utang sa Barangay Hagonoy, Taguig City Martes ng gabi.

Namatay noon din ang biktima na nakilala lamang sa alyas ‘Cholo’, na nasa edad na 30 hanggang 35 anyos, may taas na 5’9, nakausot ng kulay itim na t-shirt , green sport jacket, blue short pants at may katamtaman ang pangangatawan, makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib nito.

Base sa isinumiteng report ni Police Colonel Alexander Santos, hepe  ng Taguig City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Capistrano Extension Barangay Hagonoy ng nasabing lungsod.

Batay sa kuwento ng Grab driver na si Rowell Santiago,  sumakay ang biktima sa area ng Pasig at nagpahatid ito sa Taguig para maningil ng pautang.

Pagdating nila sa Capistrano Extension ay bumaba na ang biktima at sinabihan ang Grab driver na hintayin siya saglit para maningil ng pautang.

Subalit makalipas ang sandali ay nakarinig na lamang si Santiago ng sunud–sunod na putok ng baril sa nasabing lugar.

Agad nitong tinungo ang lugar na pinuntahan ng biktima ngunit tumambad na ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang gamit nitong baril.

Agad naman ipinagbigay-alam ng Grab driver ang insidente at kinuhanan din ng salaysay ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

P3.4-M DROGA NABAWI SA LIVE-IN PARTNER

ARRESTED-9

HULI ang maglive-in partner matapos silang ituro bilang mga supplier ng mga naunang naarestong pusher sa Quezon City.

Sa follow-up operation ay nahuli ang mag-live in sa Barangay Manggahan, Pasig City kung saan nasamsam ang nasa kalahating kilong hinihinalang shabu.

Hindi na nakaporma pa sina alyas Mark, 28, at live-in partner nito na si alyas Patricia, 18 anyos.

Nabatid na ikinasa ang follow-up operation matapos silang inguso ng dalawang suspect sa Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Nang magpositibong nasa lugar si Mark ay bumili ang poseur ng halagang P22,000 shabu at nang magkakaabutan ng pera ay doon na dinakma ang suspect. Nasamsam kay Mark ang may P3.4 milyong halaga ng droga.

Ayon kay Police Col. Erson Digal ng QCPD, si alyas Mark ang itinuturong supplier sa malaking bahagi ng Quezon City.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KAMPO NANDAYA?  NAKAKATAWA PO ‘YAN —  MAYOR VICO

vico sotto12

(NI KEVIN COLLANTES)

SI incumbent Pasig City Mayor Bobby Eusebio  lamang umano ang mapapahiya kung itutuloy nito ang planong pagsasampa ng election protest laban kay Pasig City mayor-elect Vico Sotto.

Ang pahayag ay ginawa ni Sotto bilang reaksiyon sa akusasyon ni Eusebio na minanipula niya ang eleksIyon at nagbanta pa na maghahain ng kaso.

Sinabi naman ni Sotto na nakakatawa ang pahayag ni Eusebio dahil napakaimposible aniya ng sinasabi ng outgoing mayor.

Paliwanag niya, si Eusebio ang kasalukuyang nakaupo sa pwesto at sila rin ang may hawak ng mga ballot boxes kaya’t imposibleng makapandaya siya.

“If it’s true and if he does push through that, medyo nakakatawa naman. Sila iyung incumbent, hawak nila ang ballot boxes… If he does push through with it, siya naman po ang mapapahiya, hindi naman po kami,” paliwanag pa ni Sotto, sa isang panayam sa telebisyon.

Idinagdag pa ni Sotto na karapatan naman ni Eusebio na magreklamo ngunit kung siya aniya ang tatanungin ay mas makabubuti na tanggapin na lamang ang pagkatalo at sama-sama silang mag-move forward na lang.

Tiniyak rin naman ni Sotto na handa siyang makipagtulungan sa mga Eusebio para sa smooth transition sa kanilang lokal na pamahalaan.

Sa kabilang dako, siniguro rin ng Millennial Mayor na hindi niya tatanggalin sa trabaho ang mga empleyado ng city hall na sumama sa protesta laban sa kaniya, kahit pa loyal ang mga ito sa mga Eusebio.

Aniya, hindi naman kailangang maging loyal sa kanya ang mga ito upang manatili sa kanilang trabaho dahil ang kailangan lamang aniya ay maging tapat ito sa kanilang serbisyo para sa kanilang mamamayan.

Matatandaang tinuldukan ni Sotto ang 27-taong pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig nang talunin ang incumbent mayor sa midterm elections.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVER NA NAKA-HIT-AND-RUN SUMUKO, KINASUHAN NA

accident

(MAC CABREROS)

KINASUHAN ng awtoridad ang driver ng kotse na naka-hit and run na ikinasawi ng isang babae sa Pasig City.

Bagama’t kusang sumuko, sinampahan ng kasong reckless driving resulting to homicide at injuries si Adrian Russel King Carlos, 29, dahil sa pagkasawi ni Rossana Ugto at malubhang ikinasugat ng partner nitong si Mark Joseph Belen. Pumanaw si Ugto makaraan ang tatlong araw na ma-comatose.

Humingi ng tawad si Carlos sa mga biktima at sinabing sasagutin nito ang gastos sa ospital at pagpapalibing kay Ugto.

Sinabi ni Carlos sa pulisya na sumuko siya upang matuldukan ang insidente na nakunan ng dash cam ng isang motorista at naging viral sa social media.

Itinanggi ni Carlos na nakainom siya nang maganap ang insidente noong Marso 27 sa Marcos Highway sa Pasig City.

Aniya, hindi nito napansin na nabangga niya ang motorsiklo kaya’t nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa makauwi sa bahay. Hindi naman pinaniwalaan ni Belen ang pahayag ni Carlos at sinabing imposibleng hindi nakita ng huli ang kanilang sasakyan.

Please follow and like us:
Read More