ANAK NG PASIG GAGAWING KAMBAL

PASIG CITY-4

(Ni Mac Cabreros) SA distrito ng PaMaMariSan (Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan), tanging ang Marikina City ang may dalawang Congressional District o Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kinakatawan ngayon ni dating Metro Manila Development Authority at Mayor Bayani F. Fernando ang Unang Distrito para sa 18th Congress (2019-2022) na binubuo ng Barangay Barangka, Calumpang, Industrial Valley Complex, Jesus de la Peña, Malanday, San Roque, Sta. Elena, Sto. Niño at Tañong na may populasyon noong 2015 na 178,876 at naninirahan sa 9.03 metro kilometro. Si Rep. Stella Luz A. Quimbo…

Read More

TRIKE DRIVER NA NPA TIMBOG SA PASIG

npa12

(NI NICK ECHEVARRIA) ARESTADO ang isang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) na kasama sa listahan ng regional most wanted person ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Pasig City, Sabado ng hapon. Ayon sa report ng  Eastern Police District (EPD), nakilala ang  suspek na si  Joselito Naag , 45, na dinakip sa bisa ng  warrant of arrest  mula sa Regional Trial Court ng Legazpi City sa Albay, sa mga kasong murder, frustrated murder at robbery. Si Naag ay inaresto ng awtoridad sa harap ng kanyang tahanan sa kahabaan ng Christ the…

Read More

LPG NAGLIYAB; BOARDING HOUSE, KARINDERYA NATUPOK

(NI KIKO CUETO) TINUPOK ang isang karinderya maging ang boarding house sa Escriva Drive, Barangay San Antonio, Pasig City Lunes ng gabi. Sa imbestigasyon, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagmula ang apoy sa karinderya nang magliyab ang LPG tank. “Kapag ‘di nakonekta nang maayos ang hose sa LPG, mapupuno ng fumes ang bahay. Isang spark lang, possible na sumabog,” ani FO3 Donna Faye Mallanta ng BFP-Pasig. Nadamay sa sunog ang katabing boarding house. Kuwento ni Michael Barrameda, nag-iinuman sila sa loob ng karinderya nang biglang nagliyab ang…

Read More

BIRTHDAY BOY SINAKSAK NG BISITA SA PARTY

crime34

(NI KEVIN COLLANTES) SUGATAN ang isang birthday celebrator nang saksakin ng isa sa kanyang mga bisita matapos na  mauwi sa argumento ang kanilang masayang pagdiriwang at pag-iinuman sa Barangay San Miguel, Pasig City, nitong Sabado. Inoobserbahan sa Rizal Medical Center dahil sa tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Rolando Samaniego, 36, pintor, ng Barangay San Miguel. Samantala,  nadakip naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct 5 (PCP-5) ng Pasig City Police, ang suspek na si Eugenio Placido, alyas Jeng, residente rin ng naturang lugar, sa isang follow-up operation,…

Read More

DRIVER PISAK SA 2 SASAKYAN

crime

(NI KEVIN COLLANTES) DEAD on the spot ang isang tricycle driver nang maipit sa dalawang behikulo, habang palabas sa compound ng isang carwash sa Barangay Oranbo, Pasig City nitong Biyernes. Ang biktima ay kinilalang si Richard Adonis, 38, na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente dakong 1:50 ng hapon sa loob ng compound ng carwash at junk shop sa Cpt. Henry Javier, sa Barangay Oranbo. Nabatid na bago ang insidente ay nakaparada sa loob ng compound ng carwash ang Mitsubishi Mirage…

Read More

LALAKI TINARAKAN NG ICEPICK SA NOO

crime85

(NI KEVIN COLLANTES) SUGATAN ang isang street sweeper nang pagtulungang barilin at tarakan ng icepick sa noo ng kanyang dalawang dating kasamahan sa trabaho sa Barangay Santolan, Pasig City, Biyernes ng gabi. Agad na naisugod at nilapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Jason Palermo, alyas ‘Barabay,’ 29, street sweeper, residente ng naturang lugar. Samantala, mabilis namang nakatakas ang dalawang suspek, na nakilala lang na sina alyas ‘Nosi’ at alyas ‘Alvin’, kapwa dating kasamahang jeepney barker ng biktima. Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid…

Read More

SUNDALO NAGWALA; ARESTADO SA BARIL, BALA

huli

(NI MAC CABREROS) ARESTADO ang isang security officer at Philippine Army reservist dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa Pasig City. Sasampahan ng kasong alarm and scandal at paglabag  sa RA10591 si Mark Anthony Garcia, 39. Sa ulat, alas-4:45 ng hapon ng Linggo nang arestuhin si Garcia sa Sto. Nino St. corner Gate 3, SPS Compound, Brgy. Rosario, Pasig  City. Nakatanggap ng impormasyon si Michael Mora, barangay security force, na may kaguluhan sa lugar kung saan may nagwawala at nagpaputok ng baril. Humingi si Mora ng responde mula sa…

Read More

14-ANYOS ‘CARNAPPER’ ARESTADO

arrested12

(NI MAC CABREROS) LALONG tumindi ang kahilingan na ibaba ang minimum age of criminal liability ng menor de edad. Ito’y matapos maaresto ng awtoridad ang 14-anyos na itinago sa pangalang ‘CP’ na nangarnap ng isang motorsiklo sa Pasig City. Narekober naman ang motorsiklo ni Dariush Maneses, 40, ng 15 M B Tanangco St. Brgy. Buting, nasabing lungsod. Alas-2:45 ng madaling araw ng Linggo nang maaresto si ‘CP’ sa Brgy. Buting at umaming siya ang nagnakaw sa motor ni Meneses at dinala sa J.P. Rizal, Makati.  

Read More

NAKAW NA CELLPHONE IBINIBENTA SA FB, LALAKI HULI

facebook nakaw12

(NI MAC CABREROS) INARESTO ng awtoridad ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng nakaw na gamit kung saan ipino-post nito sa Facebook ang mga tindang produkto. Hindi nakapalag nang posasan ng pulis si Asnawi Senuman, 21, ganap alas-6:00 ng gabi nitong Miyerkoles sa loob ng isang supermarket sa Brgy. Palatiw, Pasig City. Base sa reklamo ni Matt Andrew Agonoy, 24, web developer, nakita niya sa Facebook post ni Senuman na ibinebenta ang kanyang cellphone na Samsung Galaxy S8 na sapilitang kinuha sa kanya ng dalawang holdaper alas-6:00 ng gabi noong…

Read More

BUHAY KAPALIT NG KINAIN NA BALUT

stab100

(NI MAC CABREROS) NASAWI ang isang lalaki nang saksakin ng balut vendor matapos ang hindi pagkakaunawaan sa kinain nitong balut sa Pasig City. Nalagutan ng hininga  pagdating sa Taytay Emergency Hospital sanhi ng ilang tama ng patalim sa katawan si Rodrigo Commendador Jr, 32, ng Brgy. Pinagbuhatan. Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na si Renato Buco, balut vendor. Sa imbestigasyon, nagtalo ang dalawa dahil sa kinaing balut ng biktima. Biglang naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng ilang beses na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima bago ito…

Read More

RAPE NG AMAIN MAY ‘CONSENT’ NG NANAY

rape 12

(NI MAC CABREROS) KALABOSO ang mag-partner dahil sa kasong rape kung saan may ‘consent’ umano ng ina ang ginagawang kalaswaan ng kinakasama sa kanyang anak, iniulat ng Eastern Police District nitong Linggo. Sa ulat na nakarating kay EPD director BGEN. Christopher E. Tambungan mula kay PMaj. Darwin Guerrero hepe ng District Intelligence Unit, nakilala ang mga akusadong sina Antonio Briza, 47, mekaniko, at Marilyn Solis, 40, ina ng biktima, kapwa nakatira sa Blk. 15, Lot 3, Mercedes Park, Mercedes Executive Village, San Miguel, Pasig City. Ayon sa pulisya, sa bisa…

Read More

BABY NADAGANAN NG KUTSON, PATAY!

crime

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG 1-taong gulang na sanggol ang binawian ng buhay nang madaganan ng isang malaking kutson habang natutulog sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Huwebes. Dead on arrival na sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Austine Tesorero, 1 and 3 months old, dahil sa supokasyon. Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Tesorero sa Block 1, Lot 7, Masbate Street, Mangga 2, Nagpayong,  Barangay Pinagbuhatan, dakong alas-12:30 ng tanghali. Ayon sa ama ng biktima na si Joey, natutulog ang…

Read More

DEPRESSED SA SAKIT NA DIABETES, LALAKI NAGLASLAS

suicide16

(NI KEVIN COLLANTES) PATAY ang isang lalaki nang laslasin ang kanyang kaliwang pulso, bunsod umano ng dinaranas na depresyon dahil sa sakit na diabetes, sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay dela Paz, Pasig City nitong Miyerkoles. Ang suicide umano ni Arvin Adel, 38, ay nadiskubre ng kanyang kapatid na si Erik sa loob ng kanilang tahanan sa 49 Unit E, F. Mariano Avenue, Barangay dela Paz. Batay sa ulat ng Pasig City Police, galing sa trabaho si Erik at laking gulat nito nang pagpasok ng kanilang tahanan ay madiskubre…

Read More

MAG-LOLO SUGATAN SA SUNOG

fire

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG mag-lolo ang nasugatan nang sumiklab ang isang sunog sa kanilang tahanan sa Barangay Kalawaan, Pasig City, Huwebes ng madaling araw. Kapwa nagtamo ng second degree burns sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Recter Panganiban, 70, at Princess Rebuso, 16, na ginagamot na ngayon sa magkahiwalay na pagamutan. Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police na dakong alas-4:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa 42 Elisco Road, sa Barangay Kalawaan. Wala umanonng kuryente sa naturang tahanan kaya’t gumamit sila ng kandila, ngunit minalas…

Read More

ANAK DEHADO SA SUNTUKAN; TATAY NANAKSAK

crime

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG truck driver ang sugatan nang pagtulungang gulpihin at saksakin pa ng gunting ng tatay ng nakasuntukan dahil sa selos sa Barangay Maybunga, Pasig City nitong Huwebes. Inoobserbahan pa ng mga doktor ng Pasig City General Hospital ang biktimang si Felix Maliglig, 49, dahil sa tama ng saksak ng gunting sa kanang bahagi ng tiyan. Samantala, arestado naman at nakakulong na ang mga suspek na sina Rodel Galleta, 53; at kanyang anak na si Rommel Galleta, 22. Lumilitaw sa inisyal na report ng Pasig City Police sa…

Read More

MARIJUANA DELIVERY: LALAKING SUPPLIER ARESTADO

angkas1

(NI KEVIN COLLANTES) BILANGGUAN ang binagsakan ng isang 23-anyos na lalaki nang maaresto habang aktong tinatanggap ang ipinadeliber na pakete na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana sa isang Angkas driver sa Barangay Rosario, Pasig City Sabado ng madaling araw. Ang suspek na si Mikko Berino, residente ng naturang barangay, ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police, sa Eastern Police District (EPD), na dakong 5:00 ng madaling araw nang maaresto…

Read More

2 OPISYAL SIBAK SA ‘COMMAND RESPONSIBILITY ‘

pnp300

(NI KEVIN COLLANTES) KAAGAD na ni-relieve sa pwesto ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba ang mga hepe ng dalawang pulis, na naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isang drug buy-bust operation sa Pasig City, dahil na rin sa isyu ng command responsibility. Ayon kay Balba, ang agarang pagsibak kina P/Chief Insp. Abraham Satorre, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ng EPD at P/Insp. Edward Olmedo, commander ng Police Community Precinct 9 (PCP-9) ng Pasig City Police, ay alinsunod na rin…

Read More

TEENAGER No. 4 MOST WANTED SA EPD ARESTADO

cuff1

(NI NICK ECHEVARRIA) NAARESTO ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Eastern Police District (EPD) ang itinuturing na No. 4 most wanted person sa kanilang nasasakupan, Huwebes ng hapon. Sa report na nakarating sa tanggapan ni EPD Dir. P/CSupt. Bernabe Balba, nakilala ang suspek na si James Mark M. Villegas, 19, at residente ng Balderama St. Nagpayong, Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Si Villegas ay nadakip ng mga tauhan ni P/CInsp. Abrahan Satorre Jr., hepe ng DSOU matapos ang isinagawang manhunt operation sa bisa ng Warrant of Arrest…

Read More

BIGTIME PUSHER HULI SA P1.7-M IDE-DELIVER NA SHABU

bigtime

TINATAYA sa P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang buy bust operation Sabado ng gabi ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City. Sakay ng kanyang motorsiklo ang suspect na kilala lamang sa alyas Lem nang harangin ng mga operatiba. Bitbit nito ang tatlong plastic bag na may 250 grams ng hininahalaang shabu na may market value na P1.7 milyon. Gayunman, iginiit ng suspect na hindi umano siya nagbebenta ng droga kundi runner lamang dahil ipinadedeliver lamang umano ang mga ito.…

Read More

CRIME LEADER, 2 ‘SIDEKICK’ ARESTADO SA PASIG

huli

HULI sa bitag ang isang sinsabing lider ng crime gang sa isang buy bust operation sa Greenwoods, Pasig City, Sabado ng umaga. Sinabi ni Eastern Police District (EPD) na ang Bandal Criminal Gang leader na si John Ryan Suarez, 34 at mga tauhan na sina Amado Gaspar, 39 at Kim Marollano, 30, ay inaresto sa Mulawin St., kanto ng Greenwoods Avenue, Barangay Pinagbuhatan. Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Eastern District Field Unit (EDFU) ng Criminal Investigation and Detection Group kasama ang Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit.…

Read More