LOLA HULI SA DROGA 

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang isang 55-anyos na lola at nakumpiskahan ng 17.6 gramo ng hinihinalang droga sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enfocrement Unit ng Pasay City Police, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police, si  Maria Theresa Yasol, ng V. Noble St. Barangay 56 ng nasabing lungsod.

Sa isinumiteng report ni Yang, dakong alas-2:30 ng hapon nang maaresto ang lola sa kanyang mismong tirahan sa nasabing lugar.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng SDEU sa illegal na aktibidad ng suspect at nang makumpirma, dito na bumuo ng team si Col Yang para isagawa ang buy bust operation.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer para bumili ng halagang P1,000 droga sa suspect.

Nang aktong iabot na ng suspect ang droga, dito na dinakma ang lola hanggang sa maaresto ito.

Nakumpiska sa suspect ang 17.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P119,680.00  at ang P1,000 marked money na ginamit sa operation.

Hindi na nakapalag ang lola nang arestuhin.

Kasalukuyan nakakulong ang suspect sa nasabing himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag  sa section 5 at 11 ng article ll at Republic Act  9165  o comprehensive dangerous drug act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

BRGY. CHAIR NIRATRAT SA HARAP NG BRGY. HALL

(NI ROSE PULGAR)

SUGATAN ang isang barangay chair nang barilin ng isang rider habang nakatayo sa harap ng barangay hall, Lunes ng gabi sa Pasay City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kamay at hita at patuloy ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Robustiano Miro, barangay chair ng Barangay 116.

Base sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police,  dakong alas-11:28 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng barangay hall sa panulukan ng Dimasalang St., at Dimasalang Interior ng nasabing lungsod.

Habang nasa harap ng barangay ang biktima ay biglang dumating ang nag-iisang suspect na naka-motorsiklo at walang salitang binaril ng dalawang beses ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang biktima at sa pag-akalang nasawi na ito ay mabilis na tumakas ang suspect sa hindi mabatid na direksiyon.

Kaagad namang isinugod ng rescue ng barangay ang biktima sa nabanggit na pagamutan at ililipat naman ito sa Orthopedic Hospital sa Quezon City.

Sa ngayon ay patuloy pa rin  nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente at inaalam na rin kung may nakalagay na closed circuit television (CCTV) camera na nahagip ang insidente para sa pagkakilanlan ng salarin.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE NA-TRAP, PATAY SA SUNOG

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

ISANG babae na umano’y may problema sa pag-iisip ang namatay matapos na ito ay ma-trap sa loob ng kanilang banyo ng sumiklab ang sunog, Miyerkoles ng madaling araw, sa Pasay City.

Ang biktima ay nakilalang si Julie Barrios, 32, nakatira sa P7-06 10th 3rd Street, Barangay 183 Villamor, Pasay City.

Ayon sa Pasay City Bureau of Fire Protection, ang biktima ay natagpuang sunog na sunog sa loob ng kanilang banyo matapos ang sunog.

Sa pahayag pa ng BFP ang sunog ay nagsimula dakong 4:45 ng madaling araw sa bahay ng mga Barios.

Base sa report ng BFP tatlong kabahayan na pawang gawa sa light material ang nadamay sa sunog matapos na sumiklab at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay ng mga Barrios.

Ayon sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Jerome, ang biktima ay maaring tumakbo sa loob ng kanilang banyo nang magliyab ang kanilang bahay.

Pahayag pa ni Jerome, hindi na niya nagawang mailigtas kanyang kapatid dahil na rin sa pagkataranta nito at mabilis na lumaki at kumalat ang apoy sa kanilang kalapit-bahay.

Ayon sa ulat ng BFP ang dahilan ng sunog ay dahil sa electrical malfunctions at tinatayang nasa P300,00 halaga ng mga ari-arian ang nasunog.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-COP PATAY SA TANDEM

trike12

(NI KOI HIPOLITO)

Dead on the spot ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo, Sabado ng hapon sa Antonio Arnaiz Avenue, Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Darwin Cruzin, 44, ng Tramo Street, Brgy.64 sa Pasay.

Ayon sa report, lulan ng minamanehong tricycle ang biktima nang sabayan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at pinaputukan ng sunud-sunod sa likod ang biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.Tumakas ang dalawang salarin patungo sa direksyon ng Edison Street sa Makati City.

Narekober sa crime scene ang isang piraso ng basyo ng bala para sa cal.45 na baril nagpapatuloy ang isinasagawang technical investigation ng SPD-SOCO at naglatag na ng follow up investigation ang Station Investigation and Detection Management (SIDMB) at inaalam na ang motibo sa nangyaring pamamaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

LOLO TAMBAY SA BGY OUTPOST HULI SA SHABU

shabu kulong 12

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ang isang senior citizen matapos itong maaktu

han na meron dalang iligal na droga ng mga operatiba ng Buendia Police Community Precint (PCP-2) sa isang bakanteng barangay outpost sa Barangy 20, Zone 2, Progreso St. sa lungsod ng Pasay nitong Sabado ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Roberto Montalban, 62, residente ng No.1954 Leveriza St., Brgy.34 , Zone 3 ng Pasay City.

Ayon sa report nina PCpl. Henry Ford Dalisay at PCpl. Ryan Bauit, kasalukuyan umano silang nagsasagawa ng “Oplan Katok” sa nasabing lugar nang mapansin nila ang suspek sa loob ng outpost at hindi mapakali.

Nang kapkapan ng dalawang pulis ay nadiskubre ang hawak nitong isang transparent plastic sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu habang itinapon naman nito ang isa pang plastic sachet na may laman ding shabu.

Please follow and like us:
Read More

MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL, BALA, ISINUKO NG BEBOT

baril 21

(NI KOI HIPOLITO)

BOLUNTARYONG isinuko ng isang babaeng residente ang mga baril at bala na nasa pag-iingat ng kanyang namayapang ama, sa mga operatiba ng Pasay City Police Station Explosive Ordnance Division (EOD), Warrant Section, Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) at mga miyembro ng Maricaban Police Community Precinct sa ilalim ng direktiba ni acting Chief of Police P/Col. Bernard M. Yang nitong hapon ng Huwebes.

Base sa panayam ng Diaryo Bomba kay Colonel Yang, nakipag-ugnayan umano ang hindi na pinangalanan na babae sa Pasay City Police Station para sa gagawin na pagsasauli ng mga baril at bala na dating pagmamay-ari umano ng kanyang ama. Mabilis naman nirespondehan ng mga otoridad ang ibinigay na impormasyon ng babae at tinungo ang bahay nito sa lugar ng Maricaban sa Pasay.

Narekober sa ginawang kusang pagsasauli ay ang mga sumusunod; one pc. ng Para- Ordnance, cal.45 na may tatlong magazine, 2 pcs.ng Colt 1911, cal.45 at seven pcs. ng magazine, Arminius revolver cal.22, Smith and Wesson revolver cal.357, cal. 5.57 revolver, cal.22 revolver, Single shot cal.22, tatlong piraso ng Air gun pistol, 3 pcs. ng Air gun rifle, cal.22 rifle, seven pcs. ng M16 short magazine, 350 pcs.cal.5.57 live ammunitions, 141 pcs. ng super cal.38 live ammunitions, 397 pcs.ng Special cal.38 live ammunitions, 61 pcs.ng cal.22 live ammunitions, 334 pcs.ng cal.45 live ammunitions, 22 pcs. ng cal.50 live ammunitions at 245 pcs.cal.60 live ammunitions.

 

Please follow and like us:
Read More

LRT1 PUMALPAK; 30-MINUTO BYAHE NAANTALA

lrt114

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang nagka-problema Huwebes ng umaga sa Carriedo Station sa Maynila, sanhi upang maantala ng halos kalahating oras ang biyahe ng naturang mass rail transit.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang pansamantalang matigil ang biyahe ng LRT-1 mula Baclaran, sa Parañaque City patungong Roosevelt Station sa Quezon City, matapos na magkaroon ng problemang teknikal ang isa sa kanilang mga tren.

Kaagad rin namang tinugunan ng mga technician ang naturang problema upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Pagsapit naman ng 10:27 ng umaga ay naibalik na rin sa normal ang operasyon ng tren.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-1 sa mga naabala nilang pasahero.

Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran, Paranaque City.

Please follow and like us:
Read More

9 PATAY SA PASAY FIRE

fire

SIYAM katao kabilang sa dalawang pamilyang okupante sa Maricaban, Pasay ang patay matapos lamunin ng apoy ang kanilang dalawang palapag na bahay Huwebes ng madaling araw.

Bandang alas-2:10 nang sumiklab ang apoy at hindi na umano nagawa pang makalabas ng mga biktima na noon ay mahimbing nang natutulog.

Kinilala ang mga biktimang sina Micheal Calma, 44, John Clark Calma, 17, Mark Joseph Calma, 23, Andrew James Calma, 11, Julius Wablas, 39, Rheadela Wablas, 40, Jhulea Janet Wablas, 16, Nichol Wablas, 9, at Jurick Andrea Wablas, 3.

Ang sunog na katawan ng mga biktima ay nakita sa malapit sa pintuan, sa comfort room, kusina at kwarto.

Nakaligtas naman ang ina na si Jasmin Calma na nagsabing nang makita niyang nagliliyab na ang kabahayan ay agad niyang binasag ang bintana sa second floor ng bahay at tumalon palabas.

Inakala umano niyang kasunod na niya ang asawa at mga anak gayundin ang pamilya ng kanyang kapatid. Huli na umano nang makita niyang nakulong na sa apoy ang buong pamilya.

Ang bahay lamang ng mga Calma ang natupok ng apoy ngunit ang tindi ng pinsalang naidulot sa pagkamatay ng mga biktima. Tumagal ang sunog ng isang oras bago tuluyang naapula.

Tinitingnan naman ng fire department ang anggulong posibleng sa desktop computer nanggaling ang apoy.

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE SA BANGKETA

crime

PATAY ang isang Taiwanese matapos magbaril sa sarili sa mataong kalye sa Pasay City.

Namatay noon din ang biktimang si Wang-Yu-Chieh, matapos magbaril sa sarili sa FB Harrison Extension, Barangay 76, Zone 10, Martes ng hapon.

Sinabi ng mga saksi na nakita pa nilang nakaupo ang biktima sa bangketa at pagkatapo ang nagbunot ng baril saka ipinutok sa sarili.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Please follow and like us:
Read More