SERYE NG KIDNAPPING SA PASAY, FAKE NEWS?

(NI AMIHAN SABILLO)

PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) ang report na mayroong serye ng kidnapping sa bahagi ng Pasay, na kalimitan sa mga kinukuha ay mga bata base na din sa nagkalat na text at post sa social media.

Ayon kay PNO Public ainformation Office (PIO) Chief Brig.Gen. Bernard Banac, fake news ang lahat at malinaw na walang basehan.

Sinabi pa ni Banac na “tungkol doon sa mga kumakalat sa social media na diumano may mga abduction ng mga kabataan nais po natin pabulaanan ang mga kumakalat na fake news na ito at wala pa pong basehan at hindi ito validated.”

Gayunman, iba-validate ng PNP ang mga post sa social media at text na kanilang matatanggap kasabay ng pakiusap sa publiko na isulong sa pulisya ang anumang report upang ma-check kung tunay o fake news sa halip na i-post agad sa social media.

Paliwanag pa ni Banac na “nananawagan tayo sa lahat ng mga concerned biktima o pamilya ng mga biktima na dumulog kaagad sa pinakamalapit ng police station upang maimbestigahan at huwag pong i-upload kaagad, huwag ipagkalat kung hindi naireport pa sa ating police station para magkaroon ng basis ang ating mga pulis, ma-validate ang information. ”

Katunayan umano ay sinusuri na ng PNP ang nakunan sa CCTV na insidente umano ng abduction sa bahagi ng Pasay. “May mga report na mga missing person, pero walang validated na kidnapping, baka po mga naglayas o kaya ay nagtanan, maliban lang sa isang kaso kung saan nakuhanan ng CCTV ang ginawang pagdukot,” pahayag pa ni Banac.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Banac na bumuo na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Pasay PNP sa pangunguna ni  Pasay Police Col Bernard Yang na silang tututok sa lahat ng insidente ng umano’y kidnapping habang ang cyber patrol na  Anti Cybercrime Group (ACG) ang nakatuon sa pagmo monitor sa lahat ng communication sa social media para sa pagtukoy  sa fake news at hindi.

Isa rin umano sa tutukuyin ang original na nagpost sa Facebook ng sinasabing serye ng kidnapping

Please follow and like us:
Read More