300 KILONG KARNE NG BABOY NASABAT

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

NASABAT ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office ang 300 kilong karne ng baboy na umanoy nangangamoy at nakalatag pa sa bangketa sa lungsod, Lunes ng umaga.

Dakong alas- 10:00 ng umaga nang masabat ang karne na nasita at nakatakda nang i-deliver sa Advincula St. at F.B. Harrison.

Ayon kay Dr. Rolando Buenasor, City Veterinary Chief, aksidenteng natiyempuhan ang mga nabanggit na karne habang tinatadtad gamit ang maruming sangkalan at sa tabi lamang ng kalye ito ginagawa.

Sinabi pa ni Buenasor na pinagsabihan na sila ng barangay na nakasasakop sa lugar na huwag nilang gawin sa gilid ng kalye ang pagkatay ng karne ng baboy.

Bagama’t aniya na may permit naman ang mga naturang karne subalit hindi maayos ang handling sa mga ito.

Aniya, dapat maging maayos ang handling sa mga karne at hindi dapat sa kalye ginagawa ang pagkatay dito dahilan para kumpiskahin ang mga ito.

Magugunitang naghigpit ang Department of Agriculture (DA) ukol sa mga ibinebentang baboy at kailangan ang seripikasyon ng National Meat Inspection Service upang matiyak na ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang mga ibinebentang karne sa merkado.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA HOTEL; 2 MALAYSIAN TIKLO

(NI KOI HIPOLITO)

HIMAS-REHAS at mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang Malaysian national na inaresto sa tinuluyang hotel, Sabado ng hapon sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Hong Choag Chia, 26, at si Moh Jing Hua, 28.

Base sa report ng Pasay City Station Drug Enforcement Unit kay Pasay City acting-chief of police PCol. Bernard R. Yang, isang tawag sa telepono galing sa general manager na si  Dam Parcon, ng nabanggit na hotel ang kanilang natanggap tungkol sa nasabing insidente.

Ayon kina Rodolfo Quintal Jr., 42, security guard at Julius Rhee Roylo, 30, empleyado, nadiskubre umano nila ang mga nakakalat na drug paraphernalias na hinihinalang ginamit ng mga suspek nang mag-check out ang mga ito kaya’t agad nilang  pinigilan ang mga banyaga at tinawag ang kanilang manager para ireport ang kanilang nakita na agad naman tumawag sa mga otoridad.

Please follow and like us:
Read More

MMDA TRAFFIC ENFORCER SINAKSAK NG HINABOL NA SNATCHER

(NI KOI HIPOLITO)

KRITIKAL ngayon sa pagamutan ang isang MMDA Traffic Constable matapos saksakin ng hinahabol na snatcher sa tapat ng Hobbies of Asia, Macapagal Blvd., Pasay City.

Nakilala ang biktima na si MMDA Constable 3 Randy Domong-as, 46,  tubong Maluan-luan, Pola Oriental Mindoro.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang biktima nang saksakin ng snatcher nang agawan ng bag si Renato Alzona, 42, residente ng F.Cruz St., Malibay Pasay.

Kinilala ang suspek na si Rolando Reank, 41, residente ng P. Villanueva St., Brgy.88 ng Pasay City.

Ayon sa ipinadalang report ni CCP Complex Station PCP Commander PCapt. Wendell Siarez, bandang alas-12:30 ng tanghali ngayong Huwebes nang dalhin ni Security Officer in Charge (OIC) Willy Inopequis, 49, ng Hobbies of Asia ang suspek para iturn over sa mga otoridad. at napag-alaman na sinaksak ng suspek ng isang balisong si Domong-as.

Mabilis naman naaresto ng mga nagrespondeng guwardiya sa lugar ang suspek at nakuha mula dito ang ginamit na patalim at bag ng isa pang biktima.

Please follow and like us:
Read More

P6.8-M ‘SHABU’ NASAMSAM SA 2 VENDOR SA PASAY

TINATAYANG aabot sa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation, Linggo ng gabi sa Pasay City.

Dalawang vendor na umano’y pawang taga-Marawi City ang kumasa sa poseur buyer at nagbenta ng droga.

Agad dinampot ang mga suspek matapos isagawa ang transaksiyon sa isang parking lot ng restaurant sa Roxas Boulevard.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pinagmulan ng droga.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 BODEGA NG KONTRABANDO NG CHINESE IKINANDADO

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

DALAWANG apartment unit sa isang compound na inuupahan ng isang Tsino ang ipinasara ng Pasay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) makaraang madiskubre ito na may mga nangyayaring iligal sa naturang lugar, Huwebes ng umaga.

Nilusob ng mga tauhan ng Pasay City BPLO na armado ng closure order at pinamunuan ni Noel Bilusi dakong alas 10:00 ng umaga, ang dalawang apartment unit na inuupahan ng Hongkong national na suspect na si Ivan Co.
Kasamang inimbitahan sa pulisya sina Huang Guo, Jin Zhao Hui  at Peing Chen.

Sa pagpasok ng mga tauhan ng BPLO sa compound na pag-aari ni Tess Rivera,  kasama rin sa naturang operasyon, nagulat ang mga ito nang makita na ginawang bodega ang isa sa dalawang unit na apartment na inupahan ni Co kung saan iniimbakan ito ng mga kontrabando tulad ng mga pabango, t-shirts at mga pagkain na pawang may nakasulat na Chinese characters.

Sa isang unit na inupahan pa ni Co ay nadiskubre sa isang kuwarto nito na may hinihinalang online gaming na may trabahador na pawang mga Chinese nationals din.

Sa pagkakadiskubreng ito ng mga tauhan ng BPLO ay agad silang humingi ng ayuda sa Pasay City police upang imbestigahan ang mga nakalap na ebidensya sa naturang compound, kabilang na rin ang mga Tsino na nagtatrabaho sa nasabing umano’y online gaming ni Co.

Nauna rito, naghain ng reklamo sa BPLO si Rivera, na sinasabing tagapagmana ng naturang compound, makaraang umabot sa kanyang kaalaman na may iligal na nangyayaring gawain si Co sa kanyang mga apartment units.

Ang mga nakumpiskang kontrabando ay kasalukuyang iniimbentaryo ng pulisya samantalang sa beripiskayon naman sa mga dokumento ng mga Tsino ay nadiskubre rin na pawang walang mga tatak mula sa immigration ang kanilang mga pasaporte.

Please follow and like us:
Read More

KUMPETISYON SA DROGA: 1 PATAY, PARTNER KRITIKAL

(NI KOI HIPOLITO)

PATAY ang lalaking nasa drug watch list ng Pasay City Police Station habang kritikal naman ang live-in partner nito nang pagbabarilin ng dalawang suspek na tulak din umano ng iligal na droga, Martes ng gabi sa Lawaan St., Brgy.145, Zone 16, Pasay City.

Nakilala ang namatay na si Sailanie Tomimbang, alyas ‘Nick’, 31, at si Manyleen Guinto alyas ‘May May’, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ang umano’y  suspek na si Herminio Espidion alyas ‘Bokayo’, residente ng Blk. 26 Lot 4, Brgy. 145 ng Pasay City at isa pang hindi kilalang kasabwat nito ay tumakas matapos ang pamamaril.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isang tawag sa telepono ang natanggap ng Pasay City Police Station galing sa isang concerned citizen tungkol sa pamamaril.

Natagpuan ang nakahundasay na biktima at hindi na umabot nang buhay sa ospital habang patuloy na inoobserbahan ang partner nito.

Sinabi Pasay City acting-chief of police PCol. Bernard Yang, may posibilidad umano na magkakumpetensiya sa bentahan ng iligal na droga ang tinitingnan nilang dahilan kung kaya’t pinaslang ang biktima.

Naglatag na ng isang follow up operations para madakip ang mga nakatakas na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN PATAY SA TANDEM

(NI ROSE PULGAR)

PATAY ang isang barangay chairman  nang  pagbabarilin ng riding in tandem habang ang biktima ay lulan ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, hindi na umabot ng buhay sa Manila Adventist Medical Center ang biktimang si Jojo Balais, 42, ng Barangay 37, Zone 3, Pasay City.

Base sa isinumiteng report ni  Police Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, dakong alas-5:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng Pasay City Academy sa Buendia Avenue, Barangay 37, Zone 3 nang nasabing lungsod.

Lumalabs sa imbestigasyon,  minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha NMAX at habang papatawid ito ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo na walang plaka, na sakay ang dalawang lalaki.

Pagtapat ng mga suspect sa biktima ay sabay na pinagbabaril ito ng back rider.

Duguang bumulagta ang biktima at mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi mabatid na direksyon.

Kaagad namang isinugod ng mga  rescue team ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng mga manggagamot.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad  at sinusuri na ang nakalagay closed circuit television (CCTV) camera para sa pagkakilanlan ng mga salarin.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA SEMENTERYO; 3 HULI

(NI KOI HIPOLITO)

HULI sa akto ng mga operatiba ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Pasay City Police Station ang tatlong adik matapos matiyempuhan sa shabu session sa loob ng Pasay City Cemetery sa Sgt. Mariano St., Brgy. 148 ng Pasay City, hapon ng Huwebes.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Paular, 26, Jerico Lebrino, 30, at Romualdez Villaruel, 36, mga residente sa loob ng nabanggit na sementeryo.

Batay sa ulat na ipinadala ni TMRU Chief P/Capt. Mark Oyad kay Pasay City acting-chief of police Col. Bernard Yang, inaresto ng mga nagpapatrulyang mga kapulisan malapit sa lugar ang tatlong suspek dahil sa ibinigay na impormasyon ng isang concerned citizen na may grupo umano ng mga kalalakihan na nagsa-shabu session sa isang barung barong sa loob ng sementeryo.

Mabilis na tinungo ng mga nakamotor na mga otoridad ang sinabing lugar at naabutan sa akto ang mga suspek. Nakuha sa mga ito ang isang transparent plastic sachet na meron laman ng pinaghihinalaang shabu at mga ginamit na drug paraphernalias.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER PATAY, SAKAY SUGATAN SA SINALPOK NA VAN

motoraccident12

(NI KOI HIPOLITO)

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang isang motorcycle rider at patuloy naman ginagamot ang pasahero nito matapos na makasalpukan ng isang closed van, Huwebes ng madaling araw, sa NAIA Road, Pasay City.

Nakilala ang mga biktima na sina Alquin Alcantara, 37, at Jay Fontiliar, 24, parehong nagtatrabahao bilang mga cargo handler at residente ng Fenencia Homes, San Antonio Valley 1 ng Paranaque City, habang kinilala naman ang suspek na si Gerald Repuya, 20, residente ng Purok 3, Talisay, Oas, Albay.

Ayon sa report na ipinadala sa opisina ni Pasay City acting chief of police P/Col. Bernard Yang,  lulan umano ng  Suzuki motorcycle (2180-NH) ang dalawang biktima na minamaneho ng rider na si Alcantara galing ng South bound direction nang mag-overtake umano ito sa sinusundan na mga sasakyan subalit hindi nito napansin ang nakasalubong na closed van (CAK-3344) na minamaneho naman ni Repuya at nahagip ang kaliwang bahagi ng motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon at bumagsak ang mga sakay nito.

Sinubukan pang iligtas si Alcantara sa nasabing ospital subalit namatay din bandang alas-7:54 ng umaga.Patuloy na inooserbahan si Fontiliar dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

INDIAN NATIONAL HULI SA ‘RENT A CONDO’ SCAM

arrested12

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ang isang Indian national sa isang entrapment operations ng mga operatiba ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police Station matapos itong ipagharap ng reklamo ng biktima na kinuhanan nito ng bayad sa pinauupahang condominum unit umano ng suspek, Huwebes ng hapon sa ground floor ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Krishna Chaitanya Ravichander, 32, ng No.23 G, Green Belt Madison Condominium, Salcedo St.,Makati City, habang kinilala naman ang biktima na si Rosendo Zarco, 28, residente ng B-14, Lot 16, Dove St., Camella Spring Ville, Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Base sa report ng biktima nagkakilala umano sila ng suspek na si Ravichander at hiningan umano siya ng halagang P20,000 bilang down payment kapalit ng susi ng condo unit noong June 7.

Subalit nang sumunod na araw ay muling  pinuntahan ng biktima ang unit at tinangkang buksan ngunit hindi umano ito mabuksan at napag-alaman din na may umookupa sa unit. Sinubukan umanong tawagan nito ang Indian national subalit hindi na ito sumasagot dahilan para magreklamo sa mga otoridad ang biktima at inilatag ang nasabing operasyon laban sa suspek.

Nadakip ito matapos tanggapin ang iniabot na boodle money sa isang nagkunwaring naghahanap ng condo unit na kaibigan ng biktima.

Mahaharap sa kasong Estafa (swindling) ang nakakulong ng suspek sa Pasay City Prosecutors Office.

 

Please follow and like us:
Read More

TAXI DRIVER, HINOLDAP, PINASLANG SA PASAY

cabdriver12

(NI KOI HIPOLITO)

INAALAM  ng otoridad ng Pasay City Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaslang sa isang taxi driver na natagpuan sa loob ng kanyang minamanehong taxi at iniwan sa lugar ng F.B. Harrison Avenue corner Gotamco St., Brgy. 16, Zone 1 sa Pasay City, dakong 9:30 ng gabi noon Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54, residente sa No.696 Block 2, Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City, taxi driver ng Elpa Taxi Company na meron plaka na UVW-582.

Base sa ipinadalang report ng Buendia Police Community Precint (PCP-2) kay Pasay City acting Chief of Police Colonel Bernard R. Yang, isang tawag umano ang kanilang natanggap galing sa isang security guard na nakatawag pansin sa grupo ng mga kalalakihan na nakapaligid sa isang kulay puting kotse. Nang lapitan para alamin ang pangyayari ay nakita niya bangkay ng biktima.

Sinabi ni P/Cpl. Anthony Rico na posibleng hinoldap muna bago pinaslang ng hindi pa kilalang salarin ang biktima.

Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

‘RAPIST’ NG 6-ANYOS NA PAMANGKIN ARESTADO

arested12

(NI KOI HIPOLITO)

NASAKOTE sa isinagawang follow-up operations ng mga otoridad ng Kalayaan Police Community Precinct ng Pasay City Police Station ang isang suspek na construction worker na gumahasa sa kanyang pamangkin na 6-anyos na batang babae sa Central Kalayaan,  Balagbag Barangay 20, ng Pasay City, Biyernes ng alas-11:00 ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Jhun Lagumot, 42, binata, at ang biktimang menor de edad naman ay itinago sa alyas na “Neneng”, anak ng pinsan ng suspek.

Ayon sa ipinadalang report ni Pasay City Chief of Police P/Col. Bernard Yang kay SPD District Director P/BGen. Eliseo DC. Cruz personal umanong inireport ng lola ng biktima ang ginawang pangmomolestiya at kahalayan ng suspek sa batang biktima.

Mabilis naman ang naging pagresponde ng mga operatiba, sa pangunguna ni P/Lt.Romeo Ubiña, at inilatag ang isang Special Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng Oplan Galugad laban sa suspek na ikinadakip nito.

Nakakulong na ngayon sa Pasay City Custodial Facility ang suspek at nai-turn over na ang kaso sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) habang iniimbestigahan ng Station Investigation and Detective Management Branch ang isasampang kaso na paglabag sa RA 8353 (Rape) in relation to RA 7610 (Violence Against Women and Children).

 

Please follow and like us:
Read More

HAWAK ANG ARI; LOLO NAKITANG PATAY SA SINEHAN  

crime12

(NI DAVE MEDINA)

PATAY na nang matagpuan ang isang senior citizen na nanonood sa isang sinehan sa Pasay City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Efren Callo Domogma, 63, ng  Blk 9 Lot 12, Sunrise Village, Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang isang lalaki sa loob ng sinehan ang nagturo sa janitor ng Vista Cinema, sa Taft Ave., Pasay City ng lalaking umano’y tila patay na .

Dakong alas-9:20  ng gabi nang tingnan ng janitor ng sinehan na si Danilo Malangit Dulay, 58,  ang gitnang bahagi ng orchestra section at nakumpirmang patay ang lalaki.

Nang lapitan ang bangkay ay nakitang nakabukas ang zipper ng pantalon nito at hawak pa ang ari.

Dinatnan ng mga ng pulis ng PCP Taft-Arnaiz na sina PSMS Timothy Mingote, PSSgt Verbo ODugan, PCpl Getuno A. Hipos Jr. at Pat. Glen Mark C. Bolain  ang biktimang si Domogma sa ganoong sitwasyon nang rumesponde.

Walang nakitang foul play sa pangyayari o anumang sugat sa katawan ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

PASOK SA BITAG; LALAKI TIKLO SA PASAY BUY-BUST

muslim drug suspect12

(TEKSTO/PHOTO BY KOI HIPOLITO)

ARESTADO ang isang suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng PDEA PRO 4-A, Pasay City Police Station Police Community Precint (PCP-11) nitong Miyerkoles ng tanghali sa Marina Way corner Seaside Blvd. MOA Complex, Brgy. 76, ng Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Sarifi Uday Mama, residente sa No.384 Globo De Oro St., Golden Mosque, Quiapo Manila.

Base sa report na ipinadala ni PDEA Team Leader Agent Floro Katangkatang kay PDEA Director General Aaron Aquino, nadakip ang suspek matapos na makipagtransaksyon sa isang undercover agent at napagkasunduan umano na magtagpo sa lugar na sakop ng lungsod ng Pasay. Nang magpositibo ang transaksyon at maiabot ang droga ay agad ng inaresto si Mama.

Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang 21 piraso  ng small heat sealed plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na isang kilo (1kg.) at estimated market value na P6.2 milyon, isang Yamaha MIO 125 motorcycle na kulay itim, isang identification card at ang ginamit na boodle money.

Dinala na sa opisina ng Pdea National Capital Region Office ang suspek at sasampahan ng kaso ng paglabag sa Sec.5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Laws on Drugs Act. of 2002).

Please follow and like us:
Read More

ISA PATAY, GYM INSTRUCTOR ARESTADO SA ARMAS, DROGA

SHABU121

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

NAPATAY sa mismong lugar ng krimen  ang isang lalaki makaraang mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi ng search warrant sa Flores Compound Brgy. 176 Malibay,  Pasay City, Huwebes ng umaga.

Nabaril ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Ferdinand Lerit makaraang piliin nitong makipagbarilan sa mga Intelligence Operatives ng Pasay City Police sa halip na sumuko na lamang.
Samantala, arestado rin ang dalawang suspek, sina Ernie Tulta at kapatid ng suspek na si Dwight Lerit na isang gym instructor

Nag-ugat ang police operation laban kay Lerit makaraang makumpirma ng pulisya na sangkot ang suspek sa gunrunning at bentahan ng shabu.
Karamihan umano sa parukyano ni Lerit ay mga driver ng tricycle at dyip sa kanilang area.

Sa mismong bahay na tinutuluyan umano ng suspek ay nagpapagamit ito ng ipinagbabawal na gamot at mga kemikal.

Binalak lamang umano na maayos na pasukuin ang suspek ng mga pulis pero inunahan na sila nito ng putok ng baril bago pa sila makapasok.

Agad na tinamaan ang isa sa mga pulis pero hindi tumagos ang bala sa suot na bullet proof vest ng operatiba.
Nakuha sa crime scene ang 40 sachet ng umano’y shabu, isang kalibre .38 revolver na baril, isang kalibre .45 at mga bala.

Nakuha rin ang listahan ng pangalan ng binabagsakan, at binebentahan ng illegal na droga ng suspek, at mga halaga ng naging transaksyon.

Nagsasagawa naman ngayon ng hot pursuit operation ang kapulisan ng Pasay City laban sa mga kustomer ni Lerit na dumaan at tumalon sa bubong ng mga bahay.

Ang suspek na si Lerit ay nakulong na rin umano dahil sa iba pang mga kaso.

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE BINOGA SA MUKHA

crimebaril1

(NI KOI HIPOLITO)

BINARIL sa mukha at hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang estudyante sa Pasay City, Linggo ng tanghali.

Si John Ray Tolentino, 23, ay binaril nang malapitan ng suspect na si Toto Marcelino bandang alas-11 ng tanghali.

Tumakas si Marcelino matapos ang pamamaril.

Sinabi ng pulisya na posibleng matagal nang away ang dahilan ng pamamaril at nitong Linggo lamang nagkaroon ng pagkakataon ang suspect na itumba ang biktima.

Ikinasa na ang manhunt operation laban sa suspect.

Please follow and like us:
Read More

2 PDEA AGENTS, DRUG SUSPECT SUGATAN SA BARILAN

pdea

(NI LYSSA VILLAROMAN)

DALAWANG ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kapwa sugatan  gayundin ang suspect na inaaresto matapos kumasa ang huli at paputukan ang dalawang ahente. Isa rin ang tinamaan ng ligaw na bala, Miyerkoles ng umaga sa Pasay City.

Sanhi ng tama ng bala sa katawan ay parehong ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina PDEA Agent 3 Charlemaine Tang,  at PDEA Agent 2 Richard  Seure, 44.

Ang sugatang suspek na nakilala lamang na alias “Boy” at ang kahera ng Unioil gasoline station na tinamaan ng ligaw ng bala ay nakilala lamang sa pangalang Justine ay kapwa isinugod sa Adventist Hospital.

Ayon kay Pasay City chief of police, Sr. Supt. Bernard Yang, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng umaga  sa Unioil gas station sa Buendia-Harrison St., ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagkasa ng buy-bust operation ang operatiba ng PDEA laban sa suspek at kasama nito matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain ng mga ito.

Natunugan naman ng mga suspek na miyembro ng PDEA ang kanilang ka-transaksiyon dahilan upang bumunot ito ng baril at pinutukan ang mga ahente.

Makalipas ang tatlong minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at mga suspek  ay nakitang duguan ang dalawantg operatiba ng PDEA maging ang suspek  na si “alias  Boy” pati na rin ang kahera ng nasabing gasoline station.

Ang kasama naman ng duguang suspek ay mabilis na nakatakas.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAG-GATE CRASH SA PARTY PINATAY

crime

(NI ROSE PULGAR)

PATAY ang isang matandang lalaki nang barilin ng isang janitor  matapos pumasok ang biktima sa isang birthday party at magpanggap na pulis  Sabado ng gabi  sa Pasay City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, hindi na umabot nang buhay sa Protacio Center Hospital ang biktimang si Larry Fortaleza, 54, ng Twin Pioneer Street, Barangay 189, Zone 20 ng naturang lungsod.

Kasalukuyan naman pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na si Rey Dongon, janitor ng ng  JRS Management Center Agency,   Pioneer Highlands  sa  Mandaluyong City.

Base sa report ng Pasay City Police, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Twin Pioneer Street, Barangay 189, Zone 20, Don Carlos Village, Pasay City

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang Pasay City Police hinggil sa insidente ng indiscriminate firing dahilan para rumisponde.

Nalaman ng mga pulis, na pumasok sa isang bahay si Fortaleza   na pag-aari ni Raulito Bisnar na siyang host ng birthday party at nagpakilala ang biktima na isa siyang pulis.

Dito ay nakaroon na ng argumento sa pagitan ng  biktima  at  suspect na bisita rin at sa kasagsagan ng pagtatalo ay bumunot ng baril si Dongon at pinutukan nito  ng tatlong beses si Fortaleza.

Please follow and like us:
Read More

JAPANESE TINAKBUHAN ANG KINAIN, ININOM SA RESTO, HULI

arrested12

(NI DAVE MEDINA)

DINAMPOT ng mga pulis ng Pasay City Police Station ang isang Japanese national na nagtangkang takasan ang kinain at ininom sa isang restaurant sa Lungsod ng Pasay, Linggo ng gabi.

Sa inisyal na police report mula sa Pasay City Police Station, kinilala ang suspek na isang Akira, 55, at residente ng Manaco Condominium, Dominga St., Pasay City.

Umorder umano ng pagkain at maiinom na abot sa halagang P2,915.02 si Akira dakong 7:30 kagabi sa AkiraKaishu Japanese Restaurant na nasa loob ng Networld Hotel sa Roxas Blvd., service road corner Perla St., Pasay City na nang makatapos ay umalis ng walang paalam at hindi pa bayad sa kahera.

Nang sitahin ng kahera upang singilin, tumanggi ang suspek kaya napilitang tumawag ng security assistance ang kahera kaya dinakip si Akira.

Please follow and like us:
Read More

PAMANGKIN SA LOOB NG JEEP PATAY KAY TITO

crime22

(NI DAVE MEDINA)

PATAY sa pamamaril ng sariling tiyuhin ang isang lalaki kagabi sa Brgy. 13, Pasay City.
habang nakasakay sa pampasaherong jeep kasama ang nobya, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng pulisya, ang biktima na isang Jordan Cabarrubias, 35.

Sa closed circuit television  footage na ibinahagi ng Pasay City Police sa media, makikitang sinusundan ng isang motorsiklo ang isang pampasaherong jeep
at nang makakuha ng tyempo ang suspek, ipinasok nito ang kamay sa loob ng dyip at saka pinagbabaril ang biktimang si Cabarrubias.

Kasalukuyang kasama ng biktima ang nobya na positibong kumilala sa suspek na si alyas ‘Catar’ na tiyuhin umano ni Cabarrubias.
Naisugod pa ng driver ng dyip sa Pasay City General Hospital (PASAYGEN) si Cabarubbias pero idineklara ng attending physician na dead on arrival.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives ang dalawang basyo ng bala na hindi pa matiyak ang kalibre.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang  krimen at tinitingnang motibo ang partisipasyon ng biktima at suspek sa ipinagbabawal na gamot.

Please follow and like us:
Read More

HEPE, 26 TAUHAN NG SDET PASAY CITY POLICE,  SINIBAK 

pasay1

(NI DAVE MEDINA)

SINIBAK sa puwesto ang 27 pulis kasama ang hepe sa Pasay City Miyerkoles ng umaga kasunod ng isinagawang entraptment operation ng mga operatiba ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) Miyerkoles ng madaling araw sa loob mismo ng kanilang opisina sa Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Pasay City Police Headquarters.

Kinilala ang mga sinibak na pulis sa pangunguna ng hepe ng SDET na si PLt. Ronaldo Frades at ang 26 pang tauhan nito na kinilalang sina  PSMSgt Victor  C. Abalos Jr. ,PSMSgt Marlon M Bongalon, PSSgt Carlo M Sison, PSSgt Nathaniel R Garcia, PSSgt Rigor R Octaviano, PCpl Sajid Anwar E Nasser,PCpl Monsier Navarro; PCpl Frangie O Furton, Pat Dennis T Orola, Pat Anthony P Fernandez, Pat James Paul G Callo; Pat John Mark DG Cruz, Pat Rad B Dranto, Pat Clyde V Tabulog, Pat John Maynard C Tolentino, Pat Lore John R Nicholas,Pat Jess G Dulnuan, PCpl Rodel A Lalimarmo, Pat Christian P Villanueva, Pat Joel Jann M Magallaness at Pat  Jay-ar  O Orquino, PMSgt Jay M Martinez, PMSgt John Vernal M Barraza at PSSgt Jerry A Hernandez, at Jailer na sina PSMSgt John Christopher B Lim, PSMSgt Edwin J Hamor.

Nauna rito ay nahuli ng DEU police officers ang drug suspek na George Revilla at hiningian umano ng P100,000 ang live in partner nito na si Joan Dela Torre para sa kanyang kalayaan.

Nagsumbong naman si Dela Torre sa CITF kaya nagkasa ng entrapment operation laban sa pitong DEU officer.

Dala-dala ni Dela Torre ang marked money  para sa mga pulis ng DEU  pero kinapkapan siya kaya nadiskubreng may entrapment operation at nagsitakas ang mga pulis.

Gayunman, inabutan  ng CITF si Police Corporal Anwar Nasser na kasama sa pakikipagtransaksyon kay Dela Torre kaya  nahuli ito.

Nahaharap ngayon ang naturang mga pulis sa mga kasong administratibo at kriminal, samantalang patuloy na nagtatago ang anim na pulis na sangkot sa extortion.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS-PASAY ARESTADO, HEPE NAKATAKAS SA ‘KOTONG’

naser1

ISANG pulis-Pasay na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang inaresto ng Miyerkoles dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom racket, habang ang tatlo pang kasamahan, kabilang ang hepe ng mga ito, ay nakatakas sa entrapment operation.

Kasabay nito, sinibak naman ni NCRPO chief Guillermo Eleazar ang lahat ng 27 personnel ng SDEU at haharap sa kasong  kriminal at administratibo.

Ito ay ilang oras lamang ang nakalipas matapos maaresto ang isang pulis-Pasig sa katulad na kaso. Mismong si NCRPO chief Guillermo Eleazar ang lumusob sa istasyon at sinaktan ang suspect na si P/Cpl.  Marlo Siblao Quibete.

Sa Pasay City, kinilala ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang suspect na si Police Corporal Anwar Encarnacion Nasser, habang ang kasabwat nito ay sina Lieutenant Ronaldo Frades, SDEU officer-in-charge; Patrolman Anthony Fernandez; at Staff Sergeant Rigor Octaviano.

Ayon sa CITF, si Nasser ay inaresto sa entrapment operation sa mismong tanggapan ng SDEU habang ang tatlo ay nakatakas gamit ang backdoor ng police station, tangay ang umano’y P100,000 marked money.

Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo ni Joan dela Torre na inakusahan ang mga suspect sa paghingi ng P100,000 kapalit ng paglaya ng kanyang live-in partner na si George Revilla na nakakulong dahil sa droga.

Si Revilla ay na-rescue ng magkasanib na pwersa ng Philippine National Police Intelligence Group at CITF sa tulong ng National Capital Region Police Office (NCRPO), matapos mabatid na hindi dokumentado sa police blotter ang umano’y drug operation ng grupo.

Ayon sa CITF, wala rin umanong nakuhang droga kay Revilla.

Si Nasser ay nakakulong ngayon at haharap sa kasong kidnap-for-ransom.

Please follow and like us:
Read More

WORKER PATAY NANG MAHULOG SA 15TH FLOOR NG HOTEL

marriott

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PATAY ang isang granite installer matapos mahulog mula sa ika-15 palapag ng hotel na pinagtatrabaho sa Pasay City, Lunes ng hapon.

Si Rei Roble, 50, ay nagtamo ng basag na bungo at baling buto na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa report na natanggap ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:33 ng hapon sa west wing roofdeck ng Marriott Hotel sa Resort Drive, Brgy. 183 Villamor ng nabanggit na lungsod.

Base sa pahayag ng saksing si Michael Aguilar, kasama niya ang biktima at habang winawasak nila mula sa ika-15 palapag na naturang hotel ang mga nakakabit na granite stone ay bigla na lang na lang itong nawalan ng balanse at nahulog.

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam na rin kung mayroong paglabag ang naturang istablisimiyento sa safety measure.

Please follow and like us:
Read More

NA-CHECKPOINT; BUSINESSMAN, 3 TAUHAN, HULI SA ARMAS, DROGA

pasay22

(NI LYSSA VILLAROMAN)

ISANG negosyante at talong kasamahan nito ang hinuli ng pulisya matapos makumpiskahan ng mga baril at  droga sa isang checkpoint Lunes ng gabi sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang mga suspect na sina Abdullah  Tangote, 40, isang negosyante; Salikaya Panday, 27, isang family driver; Pahiz Mando, 28 at Aner Adam, 41, kapwa construction worker at pawang naninirahan sa Macaria Homes Subdivision, Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, ang apat na suspek ay nahuli dakong 10:05 Lunes ng gabi sa panulukan ng Lions Road at Taft Avenue, Brgy. 87, Zone 9 ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Flores nagkasa ang mga pulis ng isang check-pingoint sa nabanggit na lugar at namataan ng mga ito ang isang kahina-hinalang kulay itim na Mitsubishi Montero na may conduction sticker B2-L622.

Sinita ito ng mga pulis at sa isinagawa nilang search operation sa sasakyan ng mga suspect ay nakita nila ang isang kalibre .45, .9mm pistol at aksidente rin nilang na-recover sa mga ito ang anim na plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

Sasampahan ang mga ito ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to RA 7166 (Omnibus election Code) at  RA 9165 (Comprehensive Dangerous Acts).

 

 

Please follow and like us:
Read More