NAG-AMOK NA SEKYU  SA DPWH, TATLO PATAY

PASABOG

ISANG malaking dagok sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangyaring patayan sa loob ng parking area bago ang Kapaskuhan dahil ayon sa history ng DPWH, ito ang kauna-unahang insidente na tatlo ang  namatay on the spot sa bakuran ng ahensiyang ito.

Bakit kanyo? Ibig sabihin, walang binatbat o inutil ang namumuno ng security services, na siyang may hawak ng Cata­lina at Bisang Pass security agency na nakabantay sa mga exit at entry ng DPWH.

Para sa kaalaman ng avid readers ng kulom na ito, itong Bisang Pass at Catalina security agency ay isa ang may-ari, at mind you mga mambabasa, kaya bagyo ito sa DPWH ay dahil kamag-anak ito ng isang director.

Kaya kahit medyo hindi maganda ang serbisyo ng security agency na ito, walang pumupuna dahil, hindi ko alam kung mga takot, o baka naman dahil sa tinatawag na pakikisama.

Okey ba director? At hindi lang ‘yan, kapag mayroon nagiging problema ito sa loob ng DPWH, ito ang humaharap sa halip na itong may-ari ang gumawa ng paraan para maayos ang gusot.

At ito ngayon ang katanungan ng inyong lingkod, ito bang si Wilfredo Gamayon, ang suspek sa triple murder o pumatay sa tatlong biktima, ay dumaan sa Neuro exam? (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

OTS SA NAIA MGA WALANG MODO

PASABOG

I AM not saying, na lahat ng mga taga Office Transportation Security (OTS) na naka-assign sa mga paliparan ay mga dispalinghado but base on my experience, every now and then, karamihan sa mga ito ay walang modo.

Or lumilihis sa ipinag-uutos ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ni MIAA General Manager Ed Monreal, na ipatupad ang makataong pakikitungo partikular na sa mga pasahero at maging sa airport users.

Meaning, porket tinagurian kayong front liner ng airport magagawa n’yo na ang lahat kahit hindi maganda sa paningin ng taong bayan. Siguro, nakalimutan ng mga ito ang tinatawag na courtesy.

Ang naturang kautusan ni GM ay mayroon paggalang ‘with a smile’ at makataong pagkapkap sa mga incoming o papasok sa mga aiport  at higit sa lahat walang exemp­ted dito maliban kina GM at manager ng mga airport.

Take note, mga OTS na taliwas ang pag-iisip, ha, ha! Ito ha! Kung hindi ba naman kayo mga  gag……….o pati ba naman mga taga media na nagkokober sa NAIA kung makapkap n’yo parang mga may dala kaming mga kontrabando.

Bakit ba itong mga airport police kung pumasok at lumabas sa NAIA, mayroon ba kayong nagagawa sa mga ito or kinakpakapan n’yo ba? At pati itong mga papasok na mga OTS, exempted ba kayo?  Nek-nek n’yo!

Kung magpapatupad kayo ng order, be sure na wala kayong pinipili, kailangan lahat dumaan sa kautusan, mantakin mo kaming mga taga media na itinuturing na fourth state, kung makapkapan n’yo parang wala kayong galang, pati mga bag, kung halughugin n’yo para mayroong mga itinatago.

Kung makaasta kayo, parang kayo na ang batas, bakit malilinis ba kayo? Ha, ha, ha! Sagutin n’yo ito, mga bugok, sige nga, kung malinis kayo, ilan na ba sa kasamahan n’yo ang nasabit sa kawanghiyaan? Ha, ha, ha! (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

JD AT MAGNUM 357 NG DPWH

PASABOG

WALANG kakupas-kupas itong magkasanggang dikit na sina JD at Magnum 357 sa cash division ng Department of Public works and Highways (DPWH) dahil may ipinagmamalaking bosabos na nagproprotekta sa kanilang modus.

Tila manhid at walang pakiramdam itong dalawang kupal kahit pa ipagwagay-way at ipagsigawan ang kanilang mga pangalan sa loob ng opisina, no effect sa kanila, dahil bukod sa talk of the town ang mga ito, still taas noo pa itong mga walang modong kawani.

Nakararating sa inyong lingkod na medyo nag-laylo sa unang arangkada ng PASABOG, meaning huminto panandalian sa kanilang panghihingi sa mga kontraktor ngunit makalipas ang isang linggo ay back to normal ang kanilang operasyong hingi isang libong piso sa mga kontraktor.

Siguro tama ang umaalingaw-ngaw na impo na tila natutulog nang mahimbing sa pansitan ang kanilang boss, sabagay ok ‘yan dahil busog si boss sa kanyang kinalalagyan na canteen. Ok ka lang manager?

Ngunit ang siste, itong dalawa niyang tauhan, nasanay sa hingi rito hingi roon, kapag walang gaybi, tigil ang trabaho, pero kapag mayroong gaybi, parang 120 kilometer per hour, kaya bilis gawa. Sabi nga Intsek!

Itong kanilang boss, walang paki sa dalawa, kung baga “Mined your own business” dahil bakit kamo? Ha, ha, mayroon din siyang pinagkakaabalahang ilegal na sugal, OMG Secretary Villar.

Bakit po mahal na kalihim, wala na ba kayong makuhang empleyado na mayroong paninindigan o nagpapahalaga sa kanyang trabaho? (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

4 CONTRACTOR LICENSE FOR HIRE SALOT SA BIDDING

PASABOG

GANID sa salapi ang may-ari ng apat na contractor license for hire na ito, na nag-o-operate o umiikot sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lugar sa hilagang Luzon at ­maging sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ganid in the sense na dahil hindi ito tumatanggap ng barya-barya mula sa lehitimong mga kontraktor na totoong namumuhunan para kumita sa legal na paraan para sa kanyang pamilya.

Hindi katulad nitong walang kaluluwa na panay hingi at hindi basta hingi, ito ay demand, at heto pa “take it or leave it policy” kapag hindi pinagbigyan sa kanilang asking price na “one is to one or one is to five hundred” ay manggugulo itong mga gonggong nang walang pakundangan.

Para ika nga suspense, with held muna nating ang mga pangalan ng apat na contractor license for hire para kung baga sa pagluluto ng manok na pinikpikan, ito ay ang Baguio recipe, na tinatawag nilang “Killing me softly” kanta ‘yan. Ngeek!

Mantakin mo, kumikita itong mga gonggong ng milyon-milyon na salapi nang walang kahirap-hirap, laway lang ang puhunan? Oh my God, forgive them for they do not know what the are doing.

Sana, sana lang hindi kayo balikan ni Mang “Karma” sige nandiyan siya sa inyong likod, kala mo lang ha. Dahil if God permits, sa kangkungan ka pupulutin. (PASABOG / Froilan Morallos)

Please follow and like us:
Read More

2 EMPLEYADO NG DPWH NASA HOT WATER

PASABOG

PARANG nakasa­lang sa mainit na kawali itong dalawang kupal na empleyado ng DPWH makaraang mabulgar at madiskubre ng ilan sa mga kasamahan nito ang  kanilang modus sa loob ng opisina.

Ang estilo nitong mga walang modo na empleyado, sa halip na gampanan ang kanilang from day to day assigned task, mas pina-priority nitong mga kupal ang pangingikil sa mga kontraktor?

Ang akala ko, sorry maraming nasisira sa akala! Take note, mga reader, ang pagkakaalam ng publiko, stop na ang corruption sa loob ng DPWH! Oh my God!, patawarin mo sila sa kanilang taliwas na mga pag-iisip.

Lalong tumindi ang kurapsyon sa loob ng ahensiyang ito, ito ay ipina-aalam ng inyong abang lingkod sa mga naniniwala sa maling akala, na bago maniwala, be sure there is proof, ika nga.

Balik tayo sa dalawang kupal, ang ginagawa nitong dalawa, kapag may collection ang DPWH stakeholder, huwag na natin pala­limin, mga kontraktor, hindi uusad ang papel sa kamay nitong dalawang empleyado kung hindi magpe-personal appearance ang kontraktor or any representatives from the  company.

Kasi, anong kasi? Ganito po ‘yan, bago gawin nitong dalawa ang kanilang trabaho, kailangang ibigay muna ang padulas na tig-isang libong piso sa bawat isa sa kanila, or else hahayaang amagin sa kanilang drawer ang papeles ng kawawang kontraktor.

Secretary Villar, ano ba yan? Baka natutulog sa pansitan ang ilan sa mga nakapaligid sa ‘yo? Wake up, Wake up! Huwag patu­log-tulog, naiisahan kayo nitong dalawang kupal!

Sa next isyu, inisyal muna ng pangalan ang lalabas, kung baga sa old song, I know alam ito ng mga gaynor, hano! ‘Yun bang  Killing me softly! (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

KAWANI NG BI DAHILAN NG PAGLOBO NG ILLEGAL ALIENS

PASABOG

HINDI kayang mapigilan ng Bureau of Immigration ang pagdami ng mga ilegal na dayuhan sa bansa hangga’t nananatili ang mga kurap o magnanakaw na opisyal sa kanilang mga puwesto.

Kahit anong pagkukumahog ni Commissioner Morente sa kanyang isinusulong na paglilinis sa hanay ng mga tiwaling opisyal sa kanyang opisina tila “he is just wasting the time and effort” hangga’t patuloy na namamayagpag sa puwesto, partikular na itong may hawak na sensitibong mga puwesto.

At hindi lang ‘yan, take note!, Mr. Commissioner, may sabwatan sa pagitan ng isang nagkukunwaring taga-media at ilang kawani ng BI sa airport sa walang humpay o tuloy-tuloy na paglobo ng ilegal dito sa ‘Pinas.

Itong nagkukunwaring taga-media ang ginagawang front liner ng grupo sa airport,  na siyang sumasalubong sa mga incoming Chinese tourist, and to tell you Mr. Commissioner, itong grupo ay nagkakamal ng salapi galing sa mga turistang Chinese na nagnanais manirahan sa bansa.

Gamit nitong grupo ang salaping nakulimbat mula sa mga turistang Chinese para pangsuhol sa mga kurap ng opisyal ng BI, upang magawang paraan ang paninirahan ng daang-daang ilegal Chinese na dumarating sa NAIA.

Ang mudos operandi nitong galonggung na grupo, kapag may parating silang Chinese tourist  ay naka-abang itong nagkukunwaring reporter sa arrival area ng NAIA para mapadali ang proseso ng mga papeles.

At pagkalabas sa arrival area, nakaabang na rin ang kanilang kontak na sasakyan para pansamantalang mag-check-in sa isang hotel somewehre over the rainbow, anong rainbow? Sa may MOA. (May karugtong sa next isyu. Parang komiks hano!) (PASABOG / Froilan Morallos)

Please follow and like us:
Read More

SABUNGERONG OPISYAL SA DPWH NAMAMAYAGPAG

PASABOG

ANO ba yan! Secertary Villar, hindi mo ba alam ang ginagawa ng isang opisyal mo? In broad daylight nasa sabungan, kahit may pasok sa opisina, never ma-absent ito sa kanyang klase sa Roligon sabungan sa Pasay city? Oh come on baby enjoy! Ngeek!

Sa kabila ng kaliwa’t kanan na patutsada ng inyong lingkod , laban dito sa sabungerong opisyal, ni hoy ni hay no comment  ang inyong opisina, bakit po Secretary Villar? Do you allowed your employees to go to sabong even office hours? Well, well! it’s your prerogative kalihim.

Tsek! tsek! No good,  alam ng inyong lingkod na si Secretary lamang ang may karapatan na humambalos kay Mukong, ngunit kailan? Kung nakabaon na ito sa utang sa pera ng bayan?

Dos Porsiento at five six na mahabaging! Tulungan ninyo si Mukong para hindi makapandugas sa pera ng bayan, nakara­ting sa inyong public service provider na minsan kumukuha ng money si Mukong galing sa kaban ng bayan.

Sige! Sige lang Mukong, habang nabubuhay, life is too short, enjoy with the peoples money! Magpakasaya ka Mukong  go, go lang sa sabong, tama ka samantalahin mo habang hawak mo pa ang kaban ng bayan kasi kung wala ka na sa mundong ito, it’s over, stop, kung baga sa legal parlance your are stopple, meaning hold over. Anong say mo Muks? Kapal muks, ngeek! Eh de wow! (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

SABUNGERO SI DPWH OFFICIAL

PASABOG

MATINDI itong isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sapagkat tila manhid na ito. Kumbaga, walang takot kay Secretary Mark villar at kay tatay Digong.

Ito ay dahil sa kabila na ipinagbabawal sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan ang pagsusugal sa ilalim ng civil service Law at sa iba pang batas na umiiral sa bansa, tila walang paki itong si DPWH official. Tuloy pa rin siya sa pagsasabong kahit itaya pa ang kanyang trabaho, basta’t masunod lamang ang kanyang layaw. Laki sa layaw itong si mokong! Ngeek!

Ganito ang style ni mokong, kahit may pasok sa opisina, nakukuha nitong pumunta sa sabungan. Hindi kasi niya maaaring palampasin ang kanyang vice, hindi vice mayor ito readers kundi bisyo.

Hindi raw talaga mabitiwan nitong opisyal na ito ang pagsasabong kahit pa siguro ipagpalit ang kanyang asawa gagawin niya, dahil adik na ito sa sabong.

Ito pa Secretary villar, ituturo ko na sayo kasi tila natutulog kayo nang mahimbing kaya napababayaan mo itong si mokong. Para makasigu­ro kayo na hindi ito fake news, kapag may sabong sa “Roligon” (sa Pasay po ito sa mga hindi nakakaa­lam), parating present itong si mokong at ayon sa aking sniper, kahit walang pera gumagawa ito ng pa­raan masunod lamang ang kanyang layaw.

Dahil sa pagkalulong sa sabong ni mokong, kadalasan ay palpak ang kanyang trabaho kaya minsan ay nagrereklamo ang mga DPWH stakeholder ngunit hindi ito nakararating kay Villar sapagkat tila protektado ng isang ‘galunggong’ na opisyal.

Oh my God, patawarin mo itong si mokong dahil tila nalilihis ng tamang daan.

Ito ang matindi, gina­gamit daw ni mokong ang pera ng taumbayan sa kanyang bisyo.

Palibhasa’y may hawak na pera kaya inuutang niya muna at kapag nanalo ay saka babayaran ang nalustay na pera ng gob­yerno.

Clue? Hayaan muna natin mag-isip ang mga taga-DPWH kung sino si mokong. Gawin natin ang tinatawag na “Killing me Softly” para mahimasmasan, kumbaga bibigyan natin ng pagkakataon na magbago pero kung hindi ay unti-unti natin ipada­dama kay mokong ang lupit ni Pasabog. (PASABOG /FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

MAKAPAL ANG MUKHA

PASABOG

SA kabila ng kaliwa’t kanang patutsada ng inyong lingkod tungkol sa isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa kanyang ilegal na aktibidades, tila bingi ang pamunuan ng ahensya sapagkat hanggang ngayon ay nananatili ito sa opisina ni Secretary Mark Villar.

May hinala ang inyong lingkod na hindi nakarara­ting sa kaalaman ng kalihim ang modus nitong walang modo niyang kawani.

Kaya dapat, huwag tantanan ang abusadong ito dahil hindi rin siya titigil sa maling gawain partikular ang pang-iipit ng mga dokumento ng stakeholders at empleyado na nagnanais maiangat ang kanilang puwesto. Kapal muks talaga.

Kumbaga, mas makapal pa sa de-6 na hollow block ang pagmumukha nito dahil hindi tinatablan ng mga patutsda ng inyong lingkod.

As usual, hindi nagbabago ang kanyang estilo, kahit abutin pa ng isang taon, hindi bibitawan ang mga dokumento hangga’t “no personal appearance” ang may-ari. Personal appearance? Oh my God! Lupit mo baby.

Ayon sa ‘impo’ na ipinarating sa inyong abang lingkod, kung susumahin ay limang buwan na nakatengga ang papeles ng mga empleyado na “for promotion” sa kamay nitong malupit na kawani ng DPWH.

Nasaan ba ang konsensya mo? Hindi mo ba iniisip na mayroon din yan mga pamilya na umaasa? Kung ang iniisip mo ay pansariling kapakanan, buti pang mag-resign ka na sa serbisyo sa gobyerno.

Hindi ka karapat-dapat sa iyong kinalalagyan sa ngayon. Siguro absent ito nang ituro ng kanilang teacher sa constitution na “Public office is a Public Trust. At take note, all go­vernment employees, at all times is acountable to the people.

So, meaning kami ang nagpapasweldo sayo, suklian mo nang tamang serbisyo ang ibinabayad namin sayo. Do you understand, baby?

Bato-bato sa langit ang tamaan, sapol! Inilagay ka sa puwesto mo ngayon para magserbisyo sa taumbayan at hindi mag-antay ng lagay.

Abangan ang mga susunod pa nating PASA­BOG laban sa makapal ang mukhang taga-DPWH. (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

PAGLOBO NG MGA ILLEGAL ALIEN

PASABOG

ILANG kawani ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa likod ng paglobo ng mga illegal alien sa bansa.

Nadiskubre ng ilang mamamahayag na nagkokober sa NAIA na ilang empleyado ng BI ang nasa likod ng pagdami ng mga ilegal na dayuhan dahil sa sabwatan ng nagpapanggap na reporter at mga tiwaling kawani ng ahensiyang ito.

Ginagamit ng mga tiwaling kawani ng BI itong nagkukunwaring reporter na front liner pagdating sa pagsalubong sa dumara­ting na mga turistang Intsik na pinagkakakitaan ng limpak-limpak na salapi ng grupong ito.

Ang grupong ito ay dekada nang nag-o-operate sa loob at labas ng airport. Resulta sa modus ng mga kumag na ito, kaya nilang magpalit ng sasakyan na SUV buwan–buwan.

OMG! Commissioner, gets mo ito? ako gets ko na!

Ang ibig sabihin nito Manong Com, log-tu o pikitmata ang mga pinagkakatiwalaan mo sa NAIA? Sabagay malalang sakit na ito ng mga walang kaluluwa at tiwaling em­pleyado ng BI.

Por Dios Por Santo!

Paano nga naman makikita ng ‘boss-abos’ kung lingguhan lang itong nagpapakita sa kanyang opisina? Ano ba ‘yan Pa­ngulong Digong? Kawawa ka naman, nagkukumahog ka na mawala ang mga kawatan sa gobyerno pero pakiwari ng inyong lingkod, lalong lumalala sa BI.

Sige nga, sino sa BI ang walang bahid? Bakit ang ilan sa inyong kawani can afford bumili ng luxury na mga sasakyan. Mil­yones ang halaga!

Immigration Officer, granting but not admitting? wow pare, spoke­ning dollar. Okey sumahin natin, sumasahod kayo ng P40,000 monthly, ibawas ang gasolina, pagkain, gastos sa bahay, estud­yante, kasama na ang tubig at kuryente. Sige, ilan ang matitira sa P40,000 mo ?

Kaya kayo ha! magsumikap at magbanat ng buto at hindi panlalamang sa kapwa ang atupagin.

Tandaan, Public Office is a Public Trust! Nasaan? Nasaan?

“Good things can come out of the worst places. It then fills the sky, over flowing.” Emojiemoji. (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

‘PHILIPPINE COBRA’ NG DPWH ISINUSUKA

PASABOG

KILALA sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tinaguriang Philippine cobra, hindi dahil sa kanyang kamandag o bangis bilang isang ahas kundi dahil sa kanyang kamandag pag pera ang pag-uusapan. Una, wala itong sinasanto, opisyal man o nasa rank and file na kawani ng DPWH.

Sinabi ng isang tagaloob o DPWH insider na matindi ang kamandag nitong si alyas Cobra, taliwas ang bangis nito sa tunay na ahas. Ang tunay na ahas kapag kumagat kung hindi sa ospital ay six feet below the ground ang punta mo. Pero itong si Philippine Cobra ng DPWH kapag tumuklaw ay maaaring butas ang bulsa mo o takbo ka sa pinakamalapit na banko sa kanilang opisina.

Itong tinaguriang Phi­lip­pine cobra ng DPWH kung minsan ay tinatawag ding si “mukang” not mokong, alam nyo na ang ibig sabihin ng inyong abang lingkod. Kapag kinagat ka nito, hindi ka nga madadala sa pagamutan pero panigurado sa bangko ang bagsak mo at kung wala kang dalang pera ay shut up ka na lang.

Heto pa, take it or leave it daw ang policy nito.

Ganyan katindi itong mukang na ito at ang target daw nito ay mga collection at promotion ng mga opisyales. “No follow up, No processing policy” rin ang style nito. Kaya kung hindi ka mag-follow up ay aamagin ang papeles mo sa kanyang mesa.

Kaya umaabot ng isa hanggang tatlong buwan nakatengga sa kanyang kamay ang mga for signature ng kalihim ng ahensya na mga importanteng dokumento.

Hindi kaya nakahahalata itong si Secretary Mark Villar sa modus ng kanyang mga tauhan? Sabagay, ayon sa isang tagaloob ay ‘beer bihira’ naman daw itong umupo sa kanyang upuan dahil kadalasan, kung hindi out of town ay nasa BROAD ang opisyal!

Tama ba ang term na BROAD? Kung mali eh di sorry. (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

KORAPSYON SA DPWH MATINDI

PASABOG

MATINDI pa rin daw ang korapsyon sa ahensyang pinamumunuan ni Secretary Mark Villar.

Ayon sa impormasyon sa PASABOG, sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakaraang “State of the Nation Address” sa harap ng mga mambabatas, na iwasan o ihinto na itong iligal na aktibidades ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan ay patuloy ang mga tiwaling tauhan ng Department of Public Works and Highways sa kanilang maling gawain.

Tila sakit na ng ilang opisyal ng DPWH ang pagkakasangkot sa katiwalian. Kumbaga, isa na itong kanser na hindi na maaring malunasan kahit ng isang nagpaka-dalubhasang doktor.

Sa kabila ng mga patutsada ni Pangulong Duterte na wakasan na ang problema sa kurapsyon, pipi at bingi ang mga opisyal na nasa likod ng katiwalian kaya isa ito sa dahilan ng pagkalugmok ng ating ekonomiya.

Masasabing kapabayaan ng mga namumuno ng ahensiyang ito ang patuloy na iligal na ginagawa ng mga walang modo at walang kaluluwang mga opisyal ng ahensiyang ito.

Katulad nitong ginagawa ng tinaguriang ‘Philippine Cobra’ sa DPWH. Tinawag itong cobra kasi kapag cobra ang pag-uusapan, isa ito sa kinatatakutan ng karamihan dahil kapag ikaw ay nakagat nito, dalawa lang ang kahihinatnan, una sa ospital or six feet below the ground.

Ito naman si Cobra ng DPWH, kapag ikaw ay nakagat nito butas ang bulsa mo. Meaning, iba ang kamandag nito at ang style nito – take it, or leave ito. Kapag hindi ka nagbigay ng malaking halaga ‘log-tu’ ang papel mo sa kamay nito sa loob ng tatlong buwan at kapag ikaw naman ay napagtripan baka abutin ng limang buwan. Alam kaya ito ni Secretary Villar?

Hanep ito, hindi lang basta pera kasi no way siya sa barya. Libo ang usapan dito.

Ang target daw ni kumag ay promotion ng ilang DPWH emplo­yees at collection ng mga stakeholder at dito pumapasok ang kung ayaw mo, huwag mo policy niya. Kapal ng mukha di ba ‘day? (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

OPISYAL NG DPWH, MAY PAYOLA SA ISANG JANITORIAL SERVICES?

PASABOG

HANEP pala itong isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na itinuturong nasa likod ng pagkakaroon ng  libreng opisina ng isang janitorial service sa loob ng ahensiyang ito.

Ang dahilan daw ay mayroong buwanang tinatanggap si Mr. Official mula sa sinasabing janitorial services.

Itong binabanggit na opisina ng mga tagalinis sa DPWH ay libre ang gamit ng ilaw maging aircon na ang ibig sabihin ay sagot ng ahensya ang lahat ng gastos. Kaya walang pakundangan sa paggamit ng ilaw at aircon itong supervisor ng Laging Qleen Janitorial Services?

Wow na wow pare, feeling sosyal daw itong supervisor ng LQ dahil ginagawang apartment nito ang opisina na ipinagkaloob sa kanila dahil doon na ito natutulog, meaning hindi na umuuwi ng bahay pero walang naglalakas ng loob na sumita sapagkat ‘bagyo’ raw ito sa isang empleyado na naka-assign sa facilities.

At ito ring opisyal ang nasa likod umano ng maanomalyang bidding, tatlong taon na ang nakalilipas kung saan natalo itong Laging Qleen ng isa pang janitorial services na sumali sa bidding ngunit ibinulgar ng isang insider na ginawan ng butas nitong opisyal kung kayat ibinalik ang huli nang hindi na dumaan ng re-bidding.

Sa ilalim ng RA 9184 o iyong Philippine Procurement Act, kapag nag-fail ang isang bidding magkakaroon uli ito ng panibagong submission ng bid docs bukod sa gagawing panibagong publication para masunod ang tamang proseso na nakasaad sa RA 9184.

At nadiskubre na mayroon din pala itong Laging Qleen na back-up na isang Director sa loob din ng DPWH kaya malakas ang loob nitong supervisor ng Laging Qleen na gumamit ng aircon sa loob 24 hours! (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

MANYAKIS NA DPWH DIRECTOR

PASABOG

WOW! pare, hanep din itong isang director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung umatake. Biruin nyong pati itong nasa rank and file na kawani ng nasabing ahensya ay pinagtripan nang umatake ang pagkamanyakis nitong si Director.

Mantakin mo kung hindi ba naman ogag, pahawakan ba naman sa pinagtripan niyang babae ang kanyang pototoy? Ano ba yan! Ang dami riyang por kilo bakit ‘yong maliliit pa na manggagawa ang napagbalingan ng bogli mo?

Nasaan ang konsensiya mo director? Hindi ka ba naawa ginagawa mo na ngang alila ganyang pa ang ipakikita mo sa empleyado mo? Napakawalang modo at wala ring respeto sa mga babae. Hindi mo ba alam na ang mga babae ay larawan ng iyong ina?

OMG! Secretary Villar, paki pukpok nga sa ulo itong director mo. May pera naman itong si kumag bakit nangha-harass pa ng empleyado niya? Ano ba ang pumasok sa kukote nito?

Malas lang ni direktor dahil pumalag si Lady Employee. Siguro naman matatauhan ka na at malalaman mong hindi lahat ng maliliit na manggagawa ay kaya mo. Porke mapera ka? Sa susunod kapag sinumpong ka ng pagkamanyakis mo, ikiskis mo sa pader o kaya pumunta ka sa Ro¬xas Boulevard, marami doon.

Balita ko’y dumulog na sa korte si Lady Employee kaya humanda ka na manyakis na direktor. May asawa ka naman kasi bakit hindi mo na lang sa kanya ibuhos yang init ng katawan na nararamdaman mo? Para wala kang napeperwisyo.  (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

CAAP OFFICIALS NASA ‘HOT WATER’?

PASABOG

NASA balag nga ba ng alanganin ang sampung opis­yales ng Civil Aviation Authority of the Philippines dahil sa paglalagak ng mga ito ng investment sa Cocolife na umaabot ng P500 milyon?

Ito ay matapos sitahin ang CAAP ng Commission on Audit sa pagpasok ng mga ito sa transaksyon na hindi batid ng nasabing ahensiya.

Ang investment ng CAAP ay package na may kinalaman sa life insu­rance ng sampung opis­yales nito na may maturity period na 5 taon.

Iginigiit ng COA na walang basehan o autho­rity na galing sa pamahalaan para pumasok ang ahensiyang ito ng life insurance para sa sampung hindi binabanggit na CAAP plantilla employees, ngunit iginigiit ng pamunuan na mayroon silang delegated authority base sa manual approval mula sa PP Board of Directors sa ilalim ng resolution 2010 -019 .

Sa ilalim ng Republic Act 9497, ang batas na lumikha sa CAAP, nakasaan na “the Authority was legally authorized to invest its funds, not needed in its operations, in any business venture it may deem appropriate, or in such secured note, government securities, and other negotiable instruments.”

Maliwanag na na­ging basehan ng CAAP na puwede mag-invest ng negosyo kapag inaasahan na kikita ang ahensiya, ngunit nakita ng COA na hindi saklaw sa kanilang naging basehan sapagkat hindi makikinabang ang pamahalaan, dahil ito ay life insurance at hindi negosyo.

Sa madaling salita, malaking problema ngayon ito para sa CAAP officials na pumasok sa paglalagak ng pera sa Cocolife. Bakit kamo? Kasi, iniutos ng COA na isauli sa pamahalaan ang natu­rang halaga.

Naisosoli ba ang P500 milyon ng mga sangkot sa usapin? Malamang ay matutulad na lang sila kay Pepe na saranggola na lang ang pinalilipad. Eh kas inga, naging matayog kaagad ang kanilang pangarap. Ngayon tiyak na lalagapak sa kasuhan ito sa Ombudsman na magtutungo sa Sandiganbayan.

Maliban na lang kung mahusay ang abogadong makukuha nyo. De kampana na ang abogadong arkilahin nyo. De kampanilya kasi, eh baka kapusin sa pagtatanggol sa inyo.  (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

ILANG EMPLEYADO NG DPWH ANG KONTRAKTOR?

PASABOG

OMG! Walang takot itong ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggawa ng mga kabalbalan sa kabila ng banta ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na tatanggalin ang mga corrupt na kawani sa alin­mang sangay ng pamahalaan.

Tila walang takot ang mga ito sapagkat ilang opisyal sa isang Enginee­ring district sa National Capital Region (NCR) ang kumukuha ng kontrata sa kanilang area of responsibility gamit ang contractor licence for rent kung kaya’t nagkakamal ang mga ito ng milyon–milyong salapi.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng inyong lingkod, halos lahat yata ng kanilang project sa kanilang distrito ay na sub-contract nitong grupo nang walang kamalay-malay itong District Engr (DE).

Ano ba yan DE, are you saying na natutulog ka sa pansitan? Dios na mahabagin! OMG! gising! DE ginigisa ka sa sariling mantika! Panay chikas kasi ang inaatupag mo e.

Heto pa, pinagtatawanan ka ng mga tauhan mo DE kasi sila ang nagkakamal ng salapi, e ikaw, ano gawa mo?

Gising na! ‘Wag patulog-tulog sa pansitan, hindi mo ba napapansin na halos mga luxury ang sasakyan ng mga chief of office mo? Mind you, kaya nilang magpalit ng sasak­yan kahit buwan-buwan dahil kopo nila ang mga project niyo.

Hindi kaya kasabwat ng grupong ito ang ilang tiwaling politiko sa kanilang lugar? hula – hula, huwag niyo akong subukan, gagayahin ko lang si dating Mayor Estrada, dahil mapipilitan akong magbulgar ng mga pangalan.  (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More