2 BUWAN BABY, IBINITIN, INIHULOG NG TATAY SA SEMENTO

crime

(NI JG TUMBADO)

KINARATE saka inihulog umano sa semento ng isang lalaki ang kanyang sariling anak sa Sta. Cruz, Laguna.

Kalaboso ngayon ang suspek na si Robert Binaya na nahaharap ngayon sa kasong parricide.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing si Binaya at nakitang nakahiga ang paslit na biktimang si Daniel.

Hinawakan umano ng suspek sa mga paa ang bata at ibinitin patiwarik. Kinarate rin umano nito ang sanggol sa ulo at pagkatapos ay inihulog sa semento.

“Hindi ko naman po ibinagsak. May kutson naman po doon sa higaan ng baby ko,” pagdepensa naman ni Binaya.

Nabatid na pinagbantaan din nito ang kanyang asawa na huwag magsusumbong. Naipaalam na lang ang insidente sa mga otoridad nang bumisita ang tatay ni Binaya sa bahay nito.

Umamin umano ang suspek na gumagamit ng ilegal na droga. Nagawa rin niya ang krimen dahil sa paniniwalang hindi niya tunay na anak ang sanggol.

Please follow and like us:
Read More

OFW NA MISIS PINATAY NI MISTER SA INIWAN NA UTANG

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang misis na ang kanyang pag-uwi mula sa ibang bansa, ay kanya na palang huling hininga, matapos itong pagsasaksakin ng kanyang asawa dahil umano sa mga pagkakautang, iniulat sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang si Emilyn Lariosa, overseas Filipino worker sa bansang Malaysia at residente ng Tabina, Zamboanga del Sur.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Erwin Lariosa, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, Agosto 5, kauuwi lamang ng biktima galing sa bansang Malaysia nang salubungin ito ng away ng suspek sa halip na yakap ng pagkasabik at pangungulila habang nasa ibang bansa ang biktima.

Makalipas ang isang araw , muling inaway ni Erwin si Emilyn at kinompronta tungkol sa mga utang na kanyang iniwan na siya naman pinaggastos sa kanyang pag-alis para sa mga dokumento.

Nagdilim ang paningin ng suspek at kumuha ito ng kutsilyo saka pinagsasaksak ng maraming beses ang biktima sa harap mismo ng kanilang tatlong anak na agad nitong ikinasawi.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek na ngayon at nakakulong sa piitan ng Zamboanga del Sur-PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS NA MAY KALAGUYO TINADTAD NI MISTER

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis matapos ataduhin ng saksak ng kanyang mister dahil umano sa pangangaliwa, sa Isabela.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang 38-anyos na biktima habang huli naman sa akto ang mister na hawak ang kutsilyo gamit sa pagpatay sa kanyang misis, at kapwa residente ng Barangay Diki, Isabela City.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-asawa, narinig nilang nag-aaway ang dalawa dahil sa may ibang lalaki umanong kinalolokohan ang babae.

Nakarinig na lamang sila ng suud-sunod na kalabog at humihingi ng tulong ang biktima at nagmamakaawa sa mister nito.

Dito na pinasok ng mga residente ang bahay ng mag-asawa at nakita nila ang biktima na duguan habang may hawak na patalim ang mister nito.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ito ng hininga sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan .

Dinala naman sa Isabela Police Station ang mister at posibleng maharap sa kasong parricide.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK NAPATAY NG TATAY NA PULIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang dalaga nang barilin ito ng kanyang sariling ama na kasapi ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magkaroon ng sagutan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Dumaguete City.

Kinilala ang biktimang si April May Ricaña Ege, 22, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si PSSG Levi Ege, 54 ,nakatalaga sa Dumaguete City Police Station at kapwa residente ng Purok Boguinvilla, Sitio Canday-ong, Brgy. Calindagan, Dumaguete City .

Batay sa report ng Dumaguete Police Station, dakong ala 1:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat, dumating ang suspek sa kanilang bahay galing sa trabaho saka kumain ng tanghalian.

Ilang saglit, nagkaroon umano ng sagutan ang mag-ama hanggang sa barilin ng suspek ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Kaagad naman rumesponde ang mga kasamahan pulis ng suspek at dinakip ito na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide.

Nakuha sa suspek ang service firearm nitong 9MM na baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

ENGINEER  KINASUHAN SA PAGPASLANG SA MISIS

crime34

(NI ROSE PULGAR)

KASONG parricide ang isinampa ng Paranaque City Police laban sa inhinyero na pumaslang umano sa sariling misis na nagtamo ng mahigit sa 100 saksak sa iba’t-bang bahagi ng katawan.

Ayon kay Police Col. Rogelio Rosales, hepe ng Paranaque City Police, kinasuhan nila si Noel Torres dahil  lumitaw sa imbestigasyon na siya lamang umano ang itinuturong may dahilan, may history at ng mga sirkumstansya na papatay sa kanyang asawang si Christina.

Magugunitang Hunyo 11 ng hapon, inireport ni Torres sa pulisya at mga kapitbahay na inabutan niya ang kanyang misis na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinumbong din nito sa pulisya na dinistrungka ang kanilang vault pero wala naman nakuhang pera at tanging cellphone lamang ang nawala sa kanilang bahay  na pag-aari ng biktima.

Unang pinaghinalaan ang mga construction worker sa tabi ng kanilang bahay na may kagagawan sa krimen.

Sinabi pa ni Rosales, natunton nila na bago mapatay ang ginang, inireklamo na nito ang mister na si Noel dahil sa pananakit dahil umano sa selos.

Base naman sa panig ni Torres, sinabi ng kanyang abogadong si Atty. Jojo Ticman, na may pruweba na nasa trabaho ang kanyang kliyente nang mangyari ang krimen.

Humiling naman sila ng parallel investigation sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa insidente.

Hihintayin din ang resolusyon ng piskalya ng Paranaque sa isinagawag pagsampa ng nasabing kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

KUYA BINARIL, NAPATAY NI BUNSO

cebu200

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang 55-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang nakababatang kapatid sa bayan ng Cordova, Cebu.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na nakilalang si Eduardo Sitoy, 42, isang construction worker, sa pagpatay nito sa kanyang kuya na si Reynaldo, kapwa residente ng Sitio Atabay, Barangay Poblacion.

Nabatid sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Reynato Inot ng Cordova Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay nitong Biyernes ng umaga.

Sa kalagitnaan ng alitan ay kapwa naghagilap sina Reynaldo at Eduardo ng mga armas na magagamit laban sa bawat isa.

Kumuha ng kutsilyo ang biktima at  kinompronta nito ang nakababatang kapatid subalit hawak naman nito ang .357 revolver at agad ipinutok.

Dead on the spot ang panganay na kapatid bunsod ng isang tama ng bala ng baril.

Sa kanyang pagsuko sa pulisya ay isinuko rin ng suspek ang baril na ginamit nito sa pagpatay sa kanyang kuya.

Hindi na ipinabatid sa ulat kung ano ang pinagmulan ng alitan ng magkapatid na Sitoy.

 

Please follow and like us:
Read More

NABALIW SA GUTOM; 2 PASLIT PINUGUTAN NG NANAY

mindoro12

(NI JG TUMBADO)

DEPRESYON at nararanasang gutom ang nakikitang dahilan sa brutal na pagpatay ng isang 30- anyos na ina sa kanyang dalawang batang anak sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Hawak na ngayon ng pulisya ang ina na hindi pinangalanan habang ang isang anak nitong menor de edad na babae na nakaligtas sa tangkang pagpatay nito ay nasa pangangalaga na rin ng Municipal Social Welfare and Development.

Ayon kay Police Major Librado Manalang, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang karumal-dumal na krimen sa mismong bahay ng pamilya na nasa malayong kabihasnan sa Sitio Landing, Barangay Pinagturilan ganap na alas 7:00 ng umaga ng Sabado.

Ang mga biktima ay 8-anyos na babae at 1-taong gulang na lalaki. Habang ang naka ligtas sa tiyak na kamatayan ay nasa edad 10-taon gulang.

Nabatid sa imbestigasyon, na hinintay lamang umano na makaalis ng bahay ang mister para mangahoy at manguha ng kanilang makakain na kamote.

Gamit ng suspek ang isang gulok na pangtabas nito ng mga halaman at pananim sa labas ng kanilang bahay, ay walang habas na pinagtataga ang kanyang mga anak bago pinutulan pa ng ulo ang mga Ito.

Sinasabing dumaranas umano ng mental illnes ang suspek na miyembro ng Alangan Mangyan Tribe gayundin ang buong pamilya.

Nakatakda namang sampahan ang suspek ng double parricide at attempted homicide kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

ANAK, BINARIL, NAPATAY NG TATAY

iligan city`12

NAUWI  sa madugong trahedya ang dapat sanang masayang inuman ng mag-ama matapos magtalo ang mga ito at barilin ng tatay ang anak sa Iligan City.

Nakakulong ngayon ang suspect na tatay na si Juanito Casis, 63, matapos nitong barilin at mapatay ang anak na si Rico.

Sa report ng pulisya, nag-iinuman umano ang mag-ama sa kanilang bahay nang mauwi sa pagtatalo ang kuwentuhan.

Ayon sa suspect, nagkasagutan sila ng kanyang anak dahil kinakampihan umano nito ang isang kaanak na inaaakusahang magnanakaw.

Napikon umano ang tatay at dala ng kalasingan ay kinuha nito ang kanyang baril at sunud-sunod na pinaputukan ang nagulat na biktima.

Dead on the spot ang biktima habang kinasuhan na ng parricide ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

ANAK PUMATAY NG TATAY ARESTADO

arested45

TILA nawala sa katinuan ang isang 30-anyos na lalaki nang patayin umano sa taga ang tatay nito sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Negros Oriental.

Arestado si Arnel Carillo na hindi pa rin maipaliwanag kung bakit pinatay ang ama na si Carlito, 56.

Sinabi ng ina ni Arnel na nagulat siya nang madatnang duguan at halos wala nang buhay ang kanyang asawa. Agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay para isugod sa ospital ang biktima ngunit patay na rin ito nang idating.

Nasa Canlaon City PNP na ang suspek na mahaharap sa kasong parricide. Susuriin din ito ng mga doktor sa hinalang may diperensiya ito sa pag-iisip.

Please follow and like us:
Read More

MISIS TODAS SA NAGSELOS NA MISTER

crime

(NI NILOU DEL CARMEN)

DAHIL sa sobrang pagseselos, napatay ng isang lalaki ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo sa kanilang bahay sa Biñan City, Laguna Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Biñan police ang biktima na si Nancy Mauzar, 32. Naaresto naman ng mga pulis ang suspek na si Alex Mauzar, 39,

Batay sa report, matapos na umuwing lasing ang suspek, nag-away umano ang mag-asawa at dahil sa pagseselos ng mister sa kanyang misis.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng kutsilyo ang mister at sunud-sunod na sinaksak ang babae na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Itinakbo pa sa ospital ang ginang subalit nasawi rin ito.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek at nakakulong na sa Biñan police station at sasampahan ng kasong parricide.

Please follow and like us:
Read More

TATAY BINARIL NG NAPIKON NA ANAK

isabela

BINARIL at sugatan ang isang tatay nang mapikon umano ang kanyang anak nang hindi nila mapakalma at maghamon pa ng away.

Sinasabing lasing na dumating sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Cauayan City, Isabela ang biktima na si Melecio Andres, 48. Bisyo na umano nito ang maglasing at pagkatapos ay maghahamon ng away sa sinumang mapagtitripan nito.

Kagabi, ang anak nyang si Jayson, 26, ang napagdiskitahan niya at hinamon ng away. Tulog umano ang anak nang dumating si Andres, kinalampag ang natutulog na anak saka hinamon ng away. Hindi umano pinansin ng anak ang lasing na tatay ngunit nang hindi umano nakapagtimpi, kinuha ni Jayson ang baril sa kwarto saka lumabas at binaril si Andres.

Tinamaan sa kamay ang biktima na noon ay nawala na ang pagkalasing at nagsumbong sa pulisya.

Nahuli si Jayson sa follow-up operation at narekober ang ginamit niyang baril na napag-alamang hindi lisensiyado.

Mahaharap si Jason sa reklamong frustrated parricide at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Please follow and like us:
Read More

AMA PATAY SA SAKSAK NG ANAK

tatay

PATAY ang isang 67-anyos na ama matapos itong saksakin sa dibdib ng sariling anak dahil umano sa personal na alitan kagabi sa Jose Dalman, Zamboanga Del Norte.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga saksak sa dibdib ang biktimang si Ruben Anas Anding, 67, residente ng Sitio Supot, Barangay Tamarok ng nasabing bayan, samantala sumuko sa awtoridad ang suspek na si Antonio Gundola Anding, 37, bitbit ang patalim na ipinampatay nito sa kanyang sariling ama.

Ayon kay Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas 10;30 ng gabi sa harapan ng bahay ng pamilya Anding sa Sitio Supot, Barangay Tamarok ng bayang ito.

Kasalukuyang nakatayo sa harapan ng bahay ang matandang Anding nang dumating ang anak nito at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa dibdib ang ama dahilan ng agarang kamatayan nito.

Ayon sa suspek, personal umanong alitan ang dahilan nito kaya nagawang patayin ang sariling ama, subalit hindi na niya pinalawig pa kung anong pinagsimulan ng away nilang mag-ama.

Nakapiit ngayon ang suspek sa Dalman Municipal Police Station (MPS) na nakatakdang sampahan ng kasong parricide. (CARL REFORSADO)

 

Please follow and like us:
Read More

NANAY PUMATAY SA BUGBOG SA ANAK, HULI

nanay

(NI JG Tumbado)

DINAKIP ng pulisya ang isang ina dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng kanyang 9-taong- gulang na anak na lalaki sa bayan ng San Remegio, Cebu.
Kasong parricide ang kinakaharap ng suspek na si Thelma Cabatana na napatay ang sariling anak na si Kent Joseph dahil sa pambubugbog dito ng nakalipas na bisperas ng Bagong Taon.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Joe John Ynot, ng San Remegio police, labis umanong nainis ang ginang sa anak dahil ayaw nitong uminom ng gamot para sa kanyang lagnat.
Sinasabing pinalo nang pinalo ni Cabataña ang anak hanggang sa mahulog ito sa unang palapag ng kanilang bahay na isinasawi nito.
Napag alaman na personal pa na dinala ng ina ang walang buhay na katawan ng anak sa North Funeral Homes para ma-embalsamo.
Nang makita ng embalsamador ang puro pasa ang katawan ng bata ay naghinala ito at tumangging embalsamuhin ang biktima.
Sa halip ay tumawag ito sa pulisya at humingi ng tulong.
Kalaunan ay inamin din ng ina sa mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak.
Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya si Cabatana na hiwalay sa kanyang kinakasama.

Please follow and like us:
Read More