CHINA, ‘DI PA KAYANG MAKIPAG-GIYERA

PANALO KA

SA ngayon, hindi pa kayang makipag-giyera ang China sa alinmang bansa lalo na ang US dahil mahina pa siya sa tinatawag na global geopolitics. May ilang bansa na nalalansi ng China sa pamamagitan ng pautang nito pero hindi ibig sabihin na kakampi sa kanya ang mga ito kapag nag­kagiyera. Sa personal kong opinyon, lahat ng ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) pati na ang lantarang paglabag nito sa soberenya ng ating bansa ay pakitang-gilas. Alam ng US ‘yan, at mukhang ang gobyerno na lamang natin ang hindi nakaaalam.…

Read More

NATAUHAN NA BA SILA?

PANALO KA

SA wakas, Pilipinong-Pilipino na ang tono nina National Security Adviser (NSA) Secretary Hermogenes Esperon Jr. at Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana hinggil sa isyu ng pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS). Tama ang pagtasa ni Lorenzana na madali lamang ilagay sa opensibang antas ang sinasabi ng China na para depensiba lamang ang pinaglalagay nilang kagamitang pandigma sa mga islang ginawa nila sa loob ng WPS. Sabi nga ni ­Esperon, kung ayaw ng China na ikasa ang unang putok para magkagiyera na, ang Pilipinas pa kaya?…

Read More

REGULAR FIRING SESSION NG MEDIA

PANALO KA

NAPAKAHALAGA ng gun safety and security seminar gaya ng isinusulong ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), lalo na ang mga lehitimo at talagang merong banta sa buhay na mi­yembro ng lehitimong media organizations na hindi aktibo sa practical shooting. Gusto kong pagtuunan ng pansin ito para sa mga kapwa nasa media na may banta sa kanilang buhay at laging sumasali sa mga seminar, merong License To Own and Possess Firearm (LTOPF), rehistradong baril at Permit to Carry Firearm Outside Residence (PTCFOR) pero silat sa kaalaman at husay kung…

Read More

‘3 TULOG NA LANG’

PANALO KA

PARANG isang iglap lamang ang tatlong taong nakaraan sa panunungkulan ni Pangulong Duterte. Ang natitirang tatlong taon ay parang “tatlong tulog” na lamang. Pero asahan natin na ang ikalawang yugto ng kanyang panunungkulan ay mas titindi pa ang mga batikos laban sa kanya sa napakaraming usapin lalong-lalo na ang kampanya laban sa droga at sa isyu ng pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ang isa pang dapat tutukan ng mamamayan ay ang mga bagong samahan at alyansa sa pulitika sa dalawang kapulungan ng Kongreso bilang paghahanda sa presidential…

Read More

GUN CONTROL ANG FEO

PANALO KA

ANG problema sa “loose firearms” o naglipanang mga iligal na baril (hindi rehistrado na kadalasang nagagamit sa krimen at laban mismo sa gobyerno) ay talagang sakit sa ulo ng Philippine National Police (PNP), lalo na ang Firearms and Explosives Office (FEO) nito. At para sa kaalaman ng publiko, ang FEO ang siyang REGULATORY BODY pagdating sa baril. “Alam niyo po, ang baril at bala lalo na ang usapin ng explosives ay hindi ordinaryong mga bagay,” ayon kay FEO chief Police Brigadier General Valeriano T. De Leon sa naganap na isang…

Read More

KUKURUKUKOO

PANALO KA

CONGRATULATIONS kay Brigadier ­General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang bagong upong commanding general ng 2nd “Jungle Fighter” Division ng Philippine Army na nakabase sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal. Si Burgos, mas kilalang “Boyet” o “Bugoy” sa ordinaryong mamamayan, ay miyembro ng Philippine Military ­Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988. Bago na-promote sa 2-star position, siya ay commander ng 202nd “Unifier” Brigade. Dalubhasa si Bugoy sa Civil Military Operations (CMO) dahil sa ­angkin nitong galing sa komunikasyon sa kanyang mga tauhan at sa taumbayan. Hindi ko na kailangang isa-isahin ang…

Read More

USAPANG RESPONSABLENG GUN OWNER

PANALO KA

NAKATUTUWA ang dumaraming kababayan natin na nakakahiligan ang practical shooting bilang isang professional sports. Sa kabilang banda, nakapangingilabot na malaman na mala­king porsiyento sa bilang ng mga naiuulat, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), na sanhi ng krimeng patayan ay may kaugnayan sa baril. Sa practical shooting muna tayo. Ako man ay nakakahiligan na ang pagsali sa mga shooting competition ilang taon na ang nakararaan. Nitong mga nakaraang linggo lamang, aking napag-alaman na may mahigit 200 na re­histradong gun clubs na sa ating bansa. Dumarami na rin ang…

Read More

SANA HINDI ‘NINGAS-KUGON’

PANALO KA

SA ngayon, kahanga-hanga ang simulain ni Manila Mayor Isko Moreno. Kaliwa’t kanan na ang papuri at maski na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay binigyan na siya agad ng komendasyon. Sa kalagayan ng politika sa ating bansa, kadalasan ang tinatawag na “political will” ay nabubura kapag nakaupo ka na at sa “1-to-sawa” na nakatuon ang iyong career bilang politiko. Ang pagkagahaman sa ganitong kapangyarihan ay dahil sa umaapaw na daloy ng pera. Sabi nga ni Isko, P5 milyon kada araw ang alok sa kanya na payola, panatilihin…

Read More

GIYERA VS CHINA, COUP D’ETAT

PANALO KA

SA tuwing nakokorner ang Palasyo ng Malakanyang sa mga isyung bumabalot sa tahasang pang-aalipusta sa atin ng bansang Tsina, partikular sa loob ng ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS), laging salitang “giyera” ang namumutawi sa Pangulong Rodrigo Duterte. Alam na alam naman ng bawat mamamayang Pilipino, maski na ang mga nasa pinakaliblib na lugar, na walang laban ang ating Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phi­lippine National Police (PNP) pagdating sa giyera laban sa dambuhala at modernong sandatahang lakas ng Tsina. Halimbawa, nang banggain ng mga Tsino at…

Read More

‘BATA-BATA SYSTEM’ SA PNP

PANALO KA

GRABE talaga ang politika pagda­ting sa promos­yon sa Philippine National Police (PNP) dahil kung hindi ka “bata” ng mga nakaupong seniors ay talaga namang dehadong-dehado ka ka­hit na ikaw pa ang pinakamagaling. Kapag alam nilang magaling ka ay gagawa at gagawa ng paraan ang mga senior na ito para mahila ka pababa – utak talangka – upang sa gayun ay mahila nila pataas ang mga balbal nilang bata. Halimbawa, bakit kaya pilit nilang hinihila pababa itong si Police Brigadier General Valeriano de Leon, ang kasalukuyang hepe ng Firearms and Explosives…

Read More

CHINA, BANTA SA KALAYAAN

PANALO KA

KUNG sinoman ang magsasabi at ipaggigiitan pa na ang China ay hindi banta sa kasarinlan at kalayaan ng ating bansa ay isang dakilang tanga. Sa ngayon, kung meron mang nagagawang maganda ang gob¬yerno ng China sa ating bansa sa pamamagitan ng administrasyong Duterte ay marapat lamang na magpasalamat tayo. Pero sabi ko nga, mas malaki ang bantang dulot ng puwersahang pagsakop ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) dahil ‘yan ang tunay na banta sa kalayaan nating mga Pilipino. Kung totoo ang mga naglalabasang datos na halos…

Read More

BARIL NA HAWAK NI MANOY NUNG MATUMBA, KANINO?

PANALO KA

MAY naglabasan na mga ulat na ang ripleng hawak-hawak ng batikang actor na si Eddie Garcia, o mas kilalang Manoy, ang tumama sa kanya na posibleng isa sa mga sanhi ng pinsala sa kanya nang siya ay mapatid sa kable at madapa sa set ng teleserye ng GMA7. Noong Huwebes ng nakaraang linggo, binawian na ng buhay ang aktor makaraan ang ilang araw na pagkaka-ospital. Sa footage, riple ang hawak ni Manoy nang siya ay madapa. Kung anong klaseng riple ito ay wala pa akong alam. Pero ang akin lang,…

Read More

WALA NAMANG NAMATAY KAYA OK LANG?

PANALO KA

“THE first sound is the name of the game. The name of the game is the first sound.” Magandang ice-breaker itong laro na ito sa mga aktibidad dahil hindi lamang masusubok ang iyong mabilis na pagsagot sa tanong kundi masusubok din kung gaano katalas ang iyong utak sa mabilis na pagtasa para tama ang iyong sagot. Kaso mukhang ‘di uubra ang ice-breaker na ito para sa mga tagapagsalita ng Palasyo ng Malakanyang gaya nina Presidential Spokesman Salvador Panelo, Agriculture Secretary Manny Piñol, Energy Sec. Alfonso Cusi, at pati na si…

Read More

‘BERLIN WALL’ BINASAG NI FEO CHIEF PBGEN VAL DE LEON

PANALO KA

MASAYA ang la­hat sa na­ging resulta ng UNITY CUP 2 ni Firearms and Explosives Office (FEO) chief Police Brigadier General Valeriano T. De Leon dahil tuluyan nang nabasag ang tila “Berlin Wall” sa pagitan ng Philip­pine Practical Shooting Association (PPSA) at Philippine Shooters and Match Officers Confederation (PSMOC). “Puwede kong ipag­yabang ‘yan dahil sa a­­king panunungkulan bilang chief, FEO nangyari ito at maraming salamat sa mga taong tumulong sa akin para mangyari ito. The UNITY CUP 2 was really a success for all of us, the shooters who participated, our…

Read More

CHINA, BANTA SA KALAYAAN

PANALO KA

KUNG sinoman ang magsasabi at ipaggigiitan pa na ang China ay hindi banta sa kasarinlan at kalayaan ng ating bansa ay isa siyang dakilang tanga. Sa ngayon, kung meron mang nagagawang maganda ang gobyerno ng China sa ating bansa sa pamamagitan ng administrasyong Duterte ay marapat lamang na magpasalamat tayo. Pero sabi ko nga, mas malaki ang bantang dulot ng puwersahang pagsakop ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) dahil ‘yan ang tunay na banta sa kalayaan nating mga Pilipino. Kung totoo ang mga naglalabasang datos na…

Read More

ROTC, RANGER MATEO, RESERVIST ROBIN

PANALO KA

HINDI ako pabor sa panunumbalik ng Reserve Officer Training Corps (ROTC). Pero pabor ako sa pagpasok sa training ni showbiz actor Mateo Guidicelli sa Scout Ran­ger ng Philippine Army at ang napapabalitang pagpasok bilang reservist din sa Army ni “Bad Boy” Robin Padilla. May tinatawag na CAT (Citizenship Advancement Training) noong nasa sekondarya ako. Noon pa man ay may paboritismo o “bata-bata system” na sa pagpili ng mga magiging opisyal dahil kahit mas angat ka sa academics at pisikal na katangian kung wala kang kapit sa mga humahawak ng CAT…

Read More

ERWIN TULFO, PINADEDEPOSITO ANG MGA BARIL

PANALO KA

KABILANG ang kontrobersyal na broadcaster na si Mr. Erwin Tulfo sa mga inatasan ng Firearms and Explosives Office ((FEO) ng Philippine National Police (PNP) na agarang ideposito sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya ang kanilang mga pag-aaring baril dahil paso na ang kanilang License To Own and Possess Firearm (LTOPF). Aking napag-alaman na noong nakaraang Marso 2019 pa napaso ang LTOPF ni Mr. Tulfo, pero siguro naman ay nilalakad na niya ang renewal na madali lang namang gawin. Pero habang wala pa siyang renewal, paliwanag sa akin ng mga tauhan…

Read More

FEO UNITY CUP 2: UNANG PUTOK PAGKATAPOS NG GUN BAN

PANALO KA

DITO natin nga­yon masusubukan ang pagkakaisa ng mga major player ng shooting associations sa bansa sa gagawing Unity Cup 2 ni Police Brigadier General Valeriano De Leon, ang hepe ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP). Ang heneral ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989. Ang kumpetisyon ay nakakasa na sa Hunyo 14-16, isang araw makaraang tatanggalin ng Commission on Elections (COMELEC) ang gun ban policy sa Hunyo 13. Tatlo ang pinagpi­liang lugar kung saan gaganapin ang kumpetis­yon: Mac Mac sa Plaridel,…

Read More

FEO CHIEF HINIHILA PABABA

PANALO KA

BAKIT ba tila may natatakot sa Philippine National Police (PNP) at pilit na hinihila pababa ang promosyon ni Firearms and Explosives Office (FEO) chief Police Brigadier General Valeriano de Leon? Ayon sa aking matibay-tibay na source, alam na alam ni Police General Oscar Albayalde ang mala-talangkang paghila pababa sa promosyon ni Val. Nitong buwan ng Mayo 2019, mahigit dalawang taon sa FEO si Val, hinog na hinog nang maging regional director. Pero ang lagi raw chorus ng mga senior ay “bata pa ‘yang si Val”. Baby face kasi, kambal daw…

Read More

ANO BA ANG ‘GAME PLAN’ NI DIGONG SA CHINA? 

PANALO KA

LAHAT ng bansa gaya ng Pilipinas ay gustong makipagkaibigan sa ibang bansa. Sabi nga ni Pangulong Duterte, gusto lamang makipagkaibigan ang China sa ating bansa sa gitna ng pangamba na nananakop na ang “nakikipagkaibigang” bansa. Kung anoman ang “game plan” ng Pangulo para sa “pagkakaibigang” ito ng kanyang administrasyon sa pagitan ng China ay dapat lang na malaman din ng sambayanang Pilipino. Ang siste, alam kaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang game plan ng Pangulo? Alam natin na mahal na mahal ng Pa­ngulo ang AFP, sabi nga…

Read More

ANO BA ANG ‘GAME PLAN’ NI DIGONG SA CHINA?

PANALO KA

Lahat ng bansa gaya ng Pilipinas ay gustong makipag-kaibigan sa ibang bansa. Sabi nga ni Pangulong Duterte, gusto lamang makipag-kaibigan ang China sa ating bansa sa gitna ng pangamba na nananakop na ang “nakikipagkaibigang” bansa. Kung ano man ang “game plan” ng Pangulo para sa “pagkakaibiganang” ito ng kanyang administrasyon sa pagitan ng China ay dapat lang na malaman din ng sambayanang Pilipino. Ang siste, alam kaya ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang game plan ng Pangulo? Alam natin na mahal na mahal ng Pangulo ang AFP,…

Read More

KITA SA STL, ‘DI MALAYONG BUMULUSOK

PANALO KA

MASUSUBUKAN ngayon ang pamunuan ni Chairman Anselmo Simeon Pinili na siya ring OIC-General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung mapapanatili nito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan na humigit-kumulang na P2 bilyon ang buwanang ingreso mula sa Small Town Lottery (STL). Umupo bilang OIC-GM si Pinili noong Marso 11, kung hindi ako nagkakamali, makaraang magbitiw si General Alexander “Mandirigma” Balutan bilang delicadeza sa mga alegasyon ng kurupsyon sa ahensiya, lalo na ang umano’y kinasasangkutan ng mga opisyal na nasa 4th floor ng PCSO building. Muli, malinaw…

Read More

‘MEETING SA PALASYO’ 

PANALO KA

KINAGABIHAN bago ipatawag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Palasyo si Gen. Alexander “Mandirigma” Balutan, ayon sa aking A1 information, naroon na sina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Anselmo Si­meon Pinili at PCSO Board Member Sandra Cam, ang mga taga-4th floor. Ang kuwento, “pinulutan” na umano nila si Mandirigma. Kinabukasan, kasama sana ako ni Mandirigma papunta sa Department of Justice (DOJ) para sa isang pulong kasama ang Department of Interior and Local Government Unit (DILG) pero biglang naiba ang ruta sa Palasyo. Parang walang nang­yari, ito ang nakita ko…

Read More

15 PROBINSYA LAMANG ANG SAKOP NG NA-TERMINATE NA ‘PERYAHAN NG BAYAN’ 

PANALO KA

HUWAG magpalinlang sa ikinakalat ng mga tauhan ng mga may pasimuno ng iligal na “peryahan ng bayan” na sakop di umano ng kanilang operasyon ang buong bansa. Sa opisyal na listahan ng Branch Operations Sector ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), 15 na probinsya lamang ang sakop ng Deed of Authority (DOA) ng Globaltech Mobile Online and Gaming Corp. para sa kanyang operasyon ng peryahan, pero binawi ng PCSO ang naturang DOA noong Marso 2016 dahil sa hindi pagre-remit ng Globaltech ng dapat nitong i-remit na kita sa gobyerno. Sa…

Read More