16 MAGKAKAPAMILYA SUGATAN SA NAHULOG NA JEEP

NAUWI sa lungkot ang masayang salu-salo ng 16 na magkakamag-anak nang mahulog ang sinasakyang jeep ng mga ito sa gilid ng kalsada sa Pototan, Iloilo, hapon ng Miyerkoles. Galing sa bayan ng Dueñas ang angkan at doon sinalubong ang bagong taon at pauwi na nang maganap ang insidente. Sinabi ni Police Staff Sgt. Amando Caporal ng Pototan Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber kaya nahulog ang sasakyan sa Barangay Malusgod, alas-4 ng hapon. Isang biktima ay kasalukuyan pang inoobserbahan sa ospital habang nakauwi na ang…

Read More

CARGO TRUCK BUMAGSAK SA BAHAY; 3 MAG-AAMA, PATAY, 9 SUGATAN

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA) TATLONG miyembro ng isang pamilya, kabilang ang apat na taong gulang na bata, ang nasawi habang sugatan naman ang siyam na iba pa matapos na mabalaho sa kalsada ang isang cargo truck at magtuluy-tuloy na dumausdos sa mga kabahayan sa Zamboanga del Norte. Nangyari ang insidente nitong Linggo bandang alas-7:20 ng gabi sa kahabaan ng National Highway sa Sitio Lipubo, Limpapa, Sibuco, Zamboanga del Norte, na ikinasawi ng mag-aamang  sina Dwayne Santiago, 4, James Bryan Santiago, 18-anyos, at Rodolfo Santiago, 60, ng Sitio Lipuno, Barangay Limpapa, Sibuco sa nabanggit na…

Read More

RESULTA NG PROBLEMA SA PAMILYA

FAMILY PROBLEM

(Ni Mac Cabreros / Huling labas) Mga Batang Ama’t Ina HINDI maikakaila na bagaman marami na sa mga kabataan ang may mga kaalaman na ukol sa teenage pregnancy, hindi pa rin nawawala sa mga ito na mahulog sa patibong ng buhay. Marami pa rin sa kanila ang nararahuyo sa pag-ibig na sa bandang huli ay kanilang pinagsisisihan. Dahil nga sa pagkahulog sa patibong ng buhay, patuloy ang pagdami ng mga kabataang sa murang gulang ay nagiging mga magulang na at nagkakaroon na ng obligasyon sa sarili niyang pamilya. Sa summit…

Read More

3 MIYEMBRO NG PAMILYA PATAY SA LANDSLIDE

(NI DONDON DINOY) JOSE ABAD SANTOS, DAVAO OCCIDENTAL- Tatlong kasapi ng isang pamilya ang naiahon matapos makitang wala nang buhay ng mga kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) dito sa bayan noong Lunes. Ayon kay Mayor Jason John Joyce, malakas ang ulan sa kanilang bayan noong Linggo ng gabi ngunit naisipan ng pamilyang Serna na lumabas ng bahay upang bumili ng makakain dakong alas 8:00 ng gabi. Nakilala ang mga biktima na sina Efrencio Serna Sr., asawang si Mateya, pawang 53 ang edad, at anak na…

Read More