QUIEL UMEXIT NA NG PH

bagyo

NAKALABAS na kaninang alas-5:00 ng madaling araw ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quiel.

Ayon sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.

May taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Quiel sa direksyong pa-Kanluran at tinatahak ngayon ang bansang Vietnam.

Sa kabila nito, nakakaapekto pa rin ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon.

Makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.

Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Magkakaroon din ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Calayan
• Babuyan
• Cagayan
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Isabela
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Cavite
• western coast ng Batangas
• Occidental Mindoro
• at Palawan

Please follow and like us:
Read More

MISIS BINARIL NG ASAWANG PARAK; SUSPEK NAGBARIL SA SARILI

crimeshoot

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis makaraang barilin ng kanyang asawa na kasapi ng Philippinr National Police (PNP) saka nagbaril sa sarili ang huli, matapos umano ang pagtatalo kaninang umaga sa Palawan.

Kinilala ang namatay na si Karen Amparo Cacho, 24, habang kritikal naman sa ospital ang suspek at asawa nitong si Raymond Cariaga Cacho, miyembro ng Regional Mobile Force Battalion at kapwa residente ng San Miguel, Puerto Princesa, Palawan City.

Batay sa report ng Palawan Police Station 2 , dakong alas 10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sports Complex, Brgy. Sta Monica, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, nagtalo ang mag-asawang Cacho sa loob ng sports complex hanggang sa nagpaputok sa itaas ang suspek at sunod na niyang ipinutok sa ulo ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Pagkatapos ay nagbaril din sa sarili ang suspek habang isang estudyante pa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala na kinilalang si Leigh Magbanua.

Kaagad naman dinala sa ospital ang mga sugatan para lapatan ng lunas.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang 1-beretta 9mm na may PNP property at apat na basyo.

 

Please follow and like us:
Read More

11-ANYOS SINAGPANG NG BUWAYA

palawan 12

(NI JG TUMBADO)

ISANG 11-anyos na lalaki ang halos mawalan ng braso matapos itong atakehin ng buwaya sa magubat na bahagi ng Balabac sa Palawan nitong Huwebes.

Nasa maselang kondisyon ngayon sa ospital ang hindi na pinangalanang bata bunsod ng malawak at matinding sugat na tinamo nito sa kaliwang braso na siyang nginasab ng buwaya.

Batay sa report ng Balabac Municipal Police, kasama ng biktima ang kanyang nakatatandang kapatid na babae habang sakay sa bangka ang mga ito pauwi sa kanilang bahay mula sa isang seaweed farm sa Sitio Tagpanasan, Barangay Balabac.

Ilang saglit pa ng biglang umahon mula sa tubig ang buwaya at atakihin ang biktima kung saan nasakmal ang kaliwang braso nito.

Himalang nakaligtas ang bata at isinugod agad sa Rural Health Unit ng Balabac para bigyang lunas ang natamong sugat.

Mabilis namang kumalat sa ilang mga residente na nakatira malapit sa pinangyarihan ang balita at tinugis ng ilang mga kalalakihan ang buwaya na umatake sa bata subalit hindi na umano nila nakita pa ito.

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 300 ILLEGAL ALIENS HULI SA PALAWAN

bi12

(NI FROILAN MORALLOS)

MAHIGIT sa 300 illegal alien ang naaresto noong Lunes ng Bureau of Immigration  (BI) na sangkot o nasa likod ng illegal cyber  crimes activities sa Puerto Princesa City, sa Palawan.

Napag-alaman kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto ang mga ito sa ikinasang operasyon ng BI Intelligence Division at sa tulong ng mga  elemento ng military ng Western Command ng Armed Forces.

Ayon sa report mula sa BI, umaabot sa 324 ang bilang ng mga dayuhan ang naaresto ng BI sa walong hotel habang aktong gumagawa sa loob ng hotel ng kanilang  illegal activities.

Nakatakdang sumailalim sa deportation proceedings ng BI Board of Commissioner ang mga suspek ,dahil sa paglabag ng Immigrations laws , at pagtatrabaho nang walang mga permit mula sa pamahalaan.

Ayon kay Morente, ipagpapatuloy ng kanyang mga tauhan ang walang humpay na kampanya laban sa mga illegal alien, lalo ang nasa hanay ng unauthorized online gaming activities, cyber fraud at investment scams.

Nabisto ng raiding team na karamihan sa mga naarestong dayuhan ay walang maipresentang pasaporte at travel documents sa mga kasapi ng raiding teams na pinangunahan ng BI intelligence group.

 

Please follow and like us:
Read More

GRADE 8 STUDENT, SINAKMAL NG BUWAYA 

palawan 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISANG grade 8 student ang sinagpang at tinangay ng buwaya habang naninisid sa paghuli ng isda, kasama ang kanyang tiyuhin at mga pinsan sa Balabac, Palawan, Linggo ng gabi.

Base sa report ng amain ng biktima sa Balabac Municipal Police Station (MPS) nitong Lunes ng umaga,  nakilala ang biktima na si Romilo Sappayani Miranda, 15, Grade 8 student, ng Indalawan National High School, at residente ng Bryg. Rabor sa nasabing bayan.

Base sa salaysay ni Pablo Tanain Sarmiento, tiyuhin ng biktima, magkakasama silang nanisid para manghuli ng isda kasama ang dalawa pang pinsan sa lawa ng Sitio Bual, Brgy, Indalawan noong gabi ng Linggo.

Matapos ang kanilang pagsisid, napansin ng isa sa kanyang mga pinsan na si Ismael Sarmiento ang gamit na flashlight ng biktima na nakalutang sa tubig sabay ang biglaang pagsulpot ng isang buwaya sa kanyang kanang tagiliran habang kagat sa batok ang biktima at tuluyang tinangay sa malalim na bahagi ng dagat.

Bagamat natawag ni Ismael ang pansin ng kanyang tiyuhin at mga pinsan ay wala na ring nagawa ang mga ito sa pangamba na baka pati sila ay lapain ng naturang buwaya.

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga tauhan ng Alabac MPS, Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group at Barangay officials ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

DENR FOREST RANGER NANITA NG ‘ILLEGAL LOGGERS’, KINATAY

(NI ANNIE PINEDA)

HALOS mabiyak ang ulo ng isang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-CENRO) makaraan pagtatagain ng anim na hindi pa kilalang kalalakihan na pinaniniwalaan mga illegal loggers, sa Palawan.

Kinilala ang biktimang si Bienvenido Severino Veguilla Jr., 44, kawani ng DENR-CENRO ng Taytay-El Nido, Palawan.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa So. Kinawangan, Brgy. Pasadeña, El Nido, Palawan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagsagawa ang grupo ni Severino ng  National Greening Program (NGP) inspection sa lugar at may nakita silang kalalakihan na nagpuputol ng mga kahoy gamit ang chainsaw kaya agad nila itong kinumpiska habang mabilis naman nagsitakbuhan ang mga suspek.

Pauwi na ang biktima kasama ang kanyang grupo ay bigla na lamang silang tinambangan ng anim na suspek at pinagtataga sa ulo at iba pang parte ng katawan si Severino .

Sa kabila ng mga sugat na tinamo ay nagawa pa umanong magpaputok ng biktima at tinamaan ang isa sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip na ngayon ay ginagamot sa ospital.

Patuloy naman pinaghahanap ang limang suspek na mabilis na nakatakas.

Inaalam na ng mga awtoridad kung ang mga suspek ay ang mga nakumpiskahan ng mga iligal na pagputol ng mga puno.

 

Please follow and like us:
Read More

SINAKMAL NG BUWAYA; ULO, BINTI NG 10-ANYOS NABAWI

palawan 12

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang 10-anyos na bata na naiulat na nawawala matapos lapain ng buwaya sa Barangay Salang, Balabac, Palawan.

Noong Linggo pa naiulat ang pagkawala ng bata at nahanap ng awtoridad ang ulo at kanang binti ng bata sa isang search and rescue operation.

Ayon sa ama ng biktima, sakay ng maliit na bangka ang kanyang tatlong anak para bumili ng asukal at kape sa tindahan na nasa kabilang ilog.

Ngunit sa pag-uwi ay sinabing sinakmal ng buwaya ang bata na nakaupo sa huling bahagi ng bangka saka hinilala pailalim ng ilog.

Naninirahan ang pamilya sa Barangay Catagupan at mayroong seaweed farm sa Barangay Salang.

Please follow and like us:
Read More

2 MAGSASAKA NAGTAGAAN; SUSPEK NAGLASON, PATAY

suicide16

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang 42-anyos na magsasaka matapos lasunin ang sarili sa pag-inom ng pesticide sa bayan ng Dumaran, Palawan.

Si Nilo Gacho, suspek sa pananaga at pagpatay sa kanyang kasamahan na magsasaka rin na si Eduard Mondragon, 35, ay hindi na umabot nang buhay sa klinika.

Ayon kay Police Lt. Col. Socrates Faltado, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police Regional Office IV-B spokesperson, pinagtataga ni Gacho si Mondragon habang nasa gitna ng palayan sa Sitio Casipulo, Barangay Santo Tomas, dakong alas 6:10 ng umaga ng Huwebes.

Hindi pa mabatid sa imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pagpatay ng suspek sa kanyang kasamahan.

Namatay si Mondragon sa lugar ng insidente bunsod ng tama ng itak sa kanyang batok at braso.

Nabatid sa ulat na matapos ang krimen ay umuwi ng bahay si Gacho kung saan ito naglason sa pamamagitan ng pag inom ng kemikal.

Nasawi si Gacho habang isinusugod sa Rural Health Unit ng Barangay.

Narekober ng pulisya sa bahay ng suspek ang itak na may sukat na 24 pulgada na siyang ginamit nito sa krimen.

Sa simpleng hindi pagkakaunawaan ng dalawa ang umanoy sinasabing dahilan ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

IP GAMES SA PALAWAN MATAGUMPAY

(NI DENNIS INIGO)

NAGING matagumpay ang isinagawang misyon ng Philippine Sports Commission (PSC),  sa pamumuno ni Chair William ‘Butch’ Ramirez, na mabigyan ng tulong ang mga katutubo sa pag-alagwa ng Indigenous Peoples Games kahapon sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Princesa City,  Palawan.

Ayon kay PSC Commissioner at Officer-in-Charge Charles Maxey, siksik at puno ng inspirasyon ang IP games dulot ng pakikiisa ng may 300 miyembro ng iba’t ibang tribo mula sa 12 munisipyo upang maipamalas ang angking husay sa tradisyunal na mga laro.

Nakopo ng  Municipality of Rizal ang dalawang ginto sa Kadang-kadang at Casing para manguna sa mga nagwagi sa naturang games na suportado ng ibal’t ibang ahensiya na nangagalaga sa Indigenous People.

Napasakamay nina  Ricky Balucos, Prince Claro Dela Cruz at Rady Padriquelan ang bilis na 43 segundo para pagbidahan ang 18-under men’s category sa Kadang-kadang sa Kawayan.

Sa Kadang-kadang sa Bao 18 under female, namayani ang Team Narra nina Ivy Grace Talbo, Maria Cristina Usao at Rochelle Sernal sa tiyempong 1 minuto at 5 segundo.

Naiuwi naman ng Team Bataraza nina Ranel Bahukan, Joseph Mastare at Rowel Bahukan ang gintong medalya sa Kadang-kadang sa Bamboo 19 above men’s class.

Ang Kadang-kadang sa Bao 19 above female winner ay sina Team Quezon Sarifa Valera, Jennifer Daco at Syren Lucio.

Nakiisa rin sa torneo ang local government units ng Aborlan, Narra, Quezon, Brooke’s Point, Sofronio Española, Rizal, Balabac, Roxas, Taytay, El Nido, Busuan, Coron, Araceli at Puerto Princesa City.

Ang naturang palaro ay resulta ng pagtutulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Tourism (DOT), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs).

Ito ang ikalimang pagkakataon na isinagawa ng PSC ang IP Games kung saan 60 indibidwal ang dumalo sa Indigenous Peoples Forum na pinangasiwaan ni MSU-Marawi Professor Henry Daut  at ginanap sa  VJR Hall ng Provincial Capitol.

Kabilang sa mga nakiisa sa forum ang mga estudyante at guro mula sa Palawan State University at Wesleyan State University, Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), representatives mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at National Commission on Culture and Arts.

Please follow and like us:
Read More

15-ANYOS BIRTHDAY GIRL, NI-RAPE NG 3 BISITA

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI makalilimutan ng 15-anyos na dalagita ang masalimuot na selebrasyon ng kanyang kaarawan makaraan pagsalit-salitan itong gahasain ng tatlong lalaki na bisita nito, iniulat kaninang umaga sa isla ng Palawan.

Nadakip naman ang tatlong suspek na kinilalang sina Jaime Manaa Bonghanoy Jr., 18, Kyle Padong, 18 at Ronald Andales, 22, pawang mga taga Puerto Princesa Palawan.

Batay sa report ng pulisya, isinagawa ang kaarawan ng biktima sa isang beach sa nasabing isla at kasama sa mga dumalo ang tatlong suspek.

Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan at pag-iinuman ay nakaramdam ng pagkahilo ang biktima kaya saglit itong tumungo sa bahay ng tatlo para magpahinga saglit.

Kuwento ng kaibigan ng biktima na hindi pinangalanan, nasaksihan niya ang panggagahasa ng tatlong suspek sa kanyang kaibigan habang natutulog ito.

At nang makaraos ang mga suspek at iniwan nila ang biktima saka naman tinulungan ng kaibigan na umuwi sa kanilang bahay at isinumbong sa ina nito ang pangyayari.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang ina ng biktima at sinamahan nito ang anak sa himpilan ng pulisya at pormal na nagsampa ng kasong panggagahasa laban sa tatlong suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Nahaharap ngayon sa kasong child abuse at rape ang tatlong suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-INANG NALULUNOD SINAGIP NG LOLO: 3 PATAY

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang tatlong mag-anak makaraang malunod sa Dumaran Channel, Brgy. Poblacion, Dumaran, Palawan, Linggo ng hapon.

Sa report ni P/Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA police, nakilala ang mga nasawi na sina Florentino Parangue Lagrosa, 64; Lea Lagrosa Gabo, 33, at anak nitong si Florence Andrie Lagrosa Gabo, 4, pawang mga residente ng Brgy. Bacao, Dumaran ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid sa imbestigasyon na sakay ang mga biktima ng bangkang  de-motor kasama ang tatlong iba pa mula sa Brgy. Sta Teresita patungo sa  Bacao nang aksidenteng mahulog sa dagat ang mag-inang si Lea at Florence dahil sa malalaking alon.

Agad namang tumalon ang ama nitong si Florentino para sagipin ang kanyang anak at apo subalit kapwa hindi na lumutang hanggang sa malunod  ang mga ito.

Narekober naman ang bangkay ng mga biktima ng rumesponde ang rescue 165 sa pangunguna ni Samuel Gravamen at dinala sa Brgy. Poblacion Pier kasama ang mga nakaligtas at ang sinakyang bangka ng mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAMUTOL NG ARI SA SELOS, HULI

ARESTADO na ang lalaking sinasabing pumutol sa ari ng isang lalaki at pagkatapos ay itinapon ang bangkay nito sa septic tank sa Palawan.

Ayon sa report, inamin ni Jay-ar Colas ang pagpatay kay Erwin Guzman nitong nakaraang linggo dahil hindi umano nito matanggap na mahal pa rin ito ng nobya.

Natagpuan ang bangkay ni Guzman sa loob ng isang septic tank sa Barangay Bato-Bato, Narra, Palawan.

Nakakulong na sa Palawan Provincial Jail ang suspek matapos ma-inquest noong  Biyernes.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa isang construction site sa Roxas, Palawan kung saan siya nagtatrabaho.

Ayon sa suspek, nagdilim ang kanyang paningin nang madatnan niya ang biktima at ang kanyang live-in partner sa kanilang kuwarto sa kanyang bahay na kapwa nakahiga sa kama at natutulog.

Galing umano noon ang suspek sa Roxas para sunduin ang live-in partner at ang mga anak nito para doon na manirahan.

Nagulat daw siya sa kanyang nakita kaya’t nagawa ang krimen sa mismong bahay nilang tinutuluyan.

Sa press conference na ginanap, inamin ng live-in partner na mayroon silang relasyon ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

LALAKING PUTOL ANG ARI ITINAPON SA SEPTIC TANK

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang 53-anyos na lalaki na matapos tadtarin ng saksak ay putulin pa ang ari nito at itapon sa ginagawang poso negro sa Palawan.

Nangangamoy  na ang bangkay ni Erwin Guzman, residente ng Barangay Bato-Bato sa munisipalidad ng Narra, at nagtatrabaho sa Bantay Dagat, nang matuklasan ng ilang kakilala sa lugar.

Agad itong itinawag sa anak ng biktima na siyang kumilala sa bangkay.

Ang septic tank ay nakatayo sa likod- bahay ng biktima at ng kanyang kinikilalang live in partner.

Sinabi pa na matinding selos umano ang nag-ugat sa pamamaslang.

Sinasabing posibleng sa silid ng magkalive-in ginawa ang krimen dahil sa bakas ng dugo na nakita roon.

Wala sa bahay ang kinakasama nito maging ang motorsiklo, wallet at cellphone ng biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

COAST GUARD BIGO PA RIN SA NAWAWALANG DIVER

tubbataha12

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI pa rin natatagpuan ng mga elemento ng  Philippine Coast Guard (PCG), ang nawawalang diver   matapos na sumisid sa bahagi ng Tubbataha Reef sa Palawan noong Lunes.

Gayunman, patuloy na umaasa ang pamilya ng diver na si  Bryan Nazareno na buhay pa ito  matapos mag-dive sa Amos Rock sa bahagi ng Tubbataha Reef.

Si Nazareno ay kasama ng grupo ng photographer divers  na nag dive sa 150 feet lalim para kumuha ng larawan underwater.

Nang magsiahon dakong alas 4:00 ng hapon hindi na nakita ng grupo si Nazareno.

Nalaman na may 20 taon na nagda-dive si Nazareno.

Nagsagawa nitong Sabado ng pagpupulong ang Joint Task Force Integrated Crisis Action Response to Emergencies (I-CARE) ng Western Mindanao Command sa Puerto Princesa para talakayin ang resulta ng ginagawang search and rescue operation para sa nawawalang diver na si  Nazareno.

Habang patuloy  pa rin  ang isinasagawang air, underwater and sea surveillance ng search and rescue task force para hanapin si Nazareno.

 

Please follow and like us:
Read More

CONRAD ATAT NANG MAKASAL KAY ZSAZSA

zsapadilla12

(NI SIR NOEL FERRER)

IPINAGDIWANG ng Divine Diva ZsaZsa Padilla ang kanyang 55th birthday nitong Martes.

Grabeng saya at adventure ng kanyang lovelife – dahil maliban sa pag-aayos ng kanilang farm sa Quezon, nag-weekend escapade sila sa Palawan.

Hot Mama ang peg ni ZsaZsa sa kanyang pictorial sa Palawan, and the next exposure was her performance in ASAP Natin ‘To kung saan kinanta niya ng kanyang classic hits na “Kahit Na,” “Hiram” at “Ikaw Lamang” with her co- TNT Hurados – Gary Valenciano, Randy Santiago, Jed Madela and Nyoy Volante.

Then came the generation-apart na “Glory Of Love” number na napakaganda – at kinantahan pa ng kanyang fiancee Architect Conrad OngLao sa huli. Conrad in an exclusive birthday video greeting for ZsaZsa through me said, “Happy birthday! I love you so much. I hope it’s gonna be this year.”

Nang tanungin ko kung saan, ang sabi ni Conrad, “I read somewhere that it’ll be in Italy. I hope to be invited.”
Bilang kaibigan nila, antabayanan natin ngayong taon ang simpleng kasalan nina ZsaZsa at Conrad – na kitang kita ko na tunay na nagmamahalang pangmatagalan na!

All our best wishes soonest!

 

Please follow and like us:
Read More

C-130 NASUNOG; 115 ESTUDYANTE, CREW LIGTAS

pafplane12

(NI JG TUMBADO)

NASUNOG ang isang C-130 “Hercules” plane ng Philippine Air Force habang pa-take off sa runway ng Clark International Airport sa Clark City, Pampanga, Miyerkukes ng umaga.

Ayon kay Air Force spokesperson Major Aries Galang, nagsimulang lumiyab ang apoy sa landing gear ng eroplano dakong alas 7:00 ng umaga.

Agad din naapula ang apoy at walang nasaktan sa insidente partikular ang nasa 115 pasahero na mga estudyante ng National Defense College of the Philippines (NDCP) at pitong crew nito.

Nakatakda sanang ilipad ng naturang eroplano ang mga estudyante sa Palawan nang mangyari ang insidente.

Dinala agad sa maintenance hub ng Air Force ang eroplano para isailalim sa masusing pagkukumpuni habang inaalam pa ang dahilan ng pagkasunog.

Please follow and like us:
Read More

BEA ALONZO BIKINI BEAUTY NA RIN

bea18

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

NAKI-JOIN na rin si Bea Alonzo sa mga “bikini beauties” at “bikini celebrities” dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post siya ng larawan niya wearing a two-piece bikini habang nagbabakasyon sa Coron, Palawan kasama ang pamilya.

Sa kanyang caption, idineklara ni Bea na ang taong ito ay taon ng pagbabago at kailangan na niya raw tanggalin ang kanyang mga insecurities.

“I have always been the type who would choose not to post photos of myself in swimsuits but since I declared this year as the year for CHANGE, I thought that maybe I should change the way I view myself.
“Maybe, I should get rid of all my insecurities so I can live more,” ang pahayag ni Bea.
Inamin din ng aktres na rati ay mataba siya sa paningin ng iba and she hated herself dahil dito.

“I want to forget about how I hated myself for being ”fat” in other people’s eyes and just remember the things that I love about my body.
“It’s the only body that I am blessed with and I am thankful for my health because I get to do the things that make me happy.

“I hope that this post could inspire other women to love themselves more, flaws and all. Let’s all work hard to better ourselves for us and not just so others could accept us,” bahagi pa ng post ni Bea at nilagyan ng hashtag na #yearforchange.

Nagkagulo naman ang kanyang mga followers sa comments section at welcome na welcome sa kanila ang pagbabagong ito ni Bea.

“You are always beautiful and sexy even if your not wearing your swimsuit.. But seeing you on this was really stunning..I am always a fan of you Bea,” komento ng isang netizen.

May mga nagtatanong din kung nasaan ang rumored boyfriend ni Bea na si Gerald Anderson at kung kasama ba niya ito sa bakasyon.
Pero mukhang hindi kasama si Gerald kung pagbabasehan ang latest post ng aktor na nasa gym at nagwo-work out.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TATAKBONG KONSEHAL INAMBUS

konsi

(NI CARL REFORSADO)

INAMBUS at napatay ang isang kandidato para sa Sangguniang Bayan (SB) sa lalawigan ng Palawan matapos itong tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sakay Lunes ng hapon sa bayan ng Aborlan.

Dead-on-the-spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ruben Bediores Goh, 51, kandidato bilang Sangguniang Bayan sa bayan ng  Aborlan sa darating na 2019 mid-term election at residente ng Barangay Poblacion ng nabatid na bayan.

Sa ulat na ipinadala ni Supt. Socrates Faltado, tagapagsalita ng Mimaropa (Region 4-B) PNP, naganap ang insidente dakong alas 5:10 ng hapon sa kahabaan ng Km. 72, National highway sakop ng Barangay Magsaysay ng bayang ito.

Napag-alaman na tinatahak ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang lugar pauwi na sana ng kanilang bahay nang  tambangan ito at pagbabarilin ng dalawang suspek.

Agad bumulagta ang biktima habang tumakas ang mga suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang at sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

INN, RESTO NASUNOG SA EL NIDO

SUNOG by RICK JOHNSON)

(PHOTO BY RICK JOHNSON)

UMAABOT sa limang establisimyento ang natupok sa sunog na sumiklab sa tropical paradise El Nido, Palawan, Biyernes ng maghahating-gabi. Sinabi ni Municipal Administrator Rene Jay dela Calzada na sumiklab ang apoy sa Barangay Masagana bandang alas-10 ng gabi kung saan nasunog ang beachfront inn at ilang hilera ng mga restaurant.

Sinasabing electrical problem ang pinagmulan ng apoy. Inilikas naman ang mga turistang apektado ng sunog sa municipal covered court.

Please follow and like us:
Read More