MOTORSIKLO UMILALIM; TEACHER PISAK SA TRUCK

accidentsign1

(NI NILO DEL CARMEN)

MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng guro matapos na ito ay magulungan ng cargo truck habang nagmomotorsiklo sa highway sa Pagsanjan, Laguna, Martes ng tanghali.

Agad nasawi ang biktimang si Richella Mapalo na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at  katawan.

Batay sa report ng Pagsanjan police, galing sa eskwelahan ang biktima at tinatahak ng motorsiklo na minamaneho nito ang kahabaan ng national highway mula sa Pagsanjan patungo sa direksyon ng bayan ng Sta Cruz,  nang bumaligtad ito sa kalsada at tumilapon sa gitnang bahagi ng daan.

Hindi na ito naiwasan ang kasunod na cargo truck na minamaneho ni Romeo Arbues Pareja at direktang nagulungan ang katawan.

Ayon sa mga nakasaksi, sumabit ang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nilagpasan nito na isang kotse na nakahinto sa kanang bahagi ng highway kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela.

Nasa kostudiya naman ng mga awtoridad ang driver ng kotse na si Marx Louise Dandee Cabantog at ang driver ng truck na pag-aari ng Ray of Gold Trading sa Taguig City.

 

Please follow and like us:
Read More

2 NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong nagmamaneho sa van matapos pagbabarilin habang tumatakbo  sa national highway, Pagsanjan, Laguna Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa Pagsanjan Medical Center ang biktimang si Jojo Perez samantalang ginagamot pa si Wenny Bautista.

Ayon sa report ng Pagsanjan police, kapwa nakasakay  ang dalawa sa itim na Innova van  mula sa bayan ng Sta Cruz, nang pagsapit sa Barangay Biñan ay biglang tumapat ang mga naka-motorsiklong suspek sa kanang bahagi ng sasakyan.

Pinaulanan ng mga ito ng bala ang nakaupo sa passenger seat na si Perez.

Nahagip naman ng mga bala ang nagmamanehong si Bautista.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang impormasyon na ang biktimang si  Perez ay sangkot sa iligal na droga sa Pagsanjan at mga karatig bayan.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI HULI SA SEXTORTION

sex

(NI CARL REFORSADO)

KALABOSO isang lalaki matapos nitong hingan ng pera ang dalagang kanyang nakilala sa social media na Facebook kapalit ng hindi nito pagpapakalat ng kanyang mga hubad na larawan sa isinagawang entrapment operation ng Anti-Cyber Crime Group ng Philippine National Police (ACG-PNP) Huwebes ng umaga sa Mandaluyong City.

Hindi na nakapalag ng arestuhin ng mga miyembro PNP-ACG na pinamumunuan ni team leader Chief Insp. Joel Tuttuh ang suspek na nakilalang si Waren Sacluti, at residente ng Sitio Mahogany, Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna.

Nadakip si Sacluti dakong alas 9:20 ng umaga sa loob ng isang money remittance center sa Boni Highway, Mandaluyong City matapos nitong kunin ang halagang P3,000 na kanyang hiningi sa 25-anyos na dalagang biktima na residente ng Las Pinas City, kapalit ng hindi nito pagpapalabas ng mga hubad na litrato nito sa Facebook.

Base sa reklamo ng biktima sa tanggapan ni Chief Supt. Marni Marcos, hepe ng PNP-ACG, nagkakilala sila ng suspek sa Facebook at pagkatapos nito ay nagkita sila at may naganap sa pagitan nilang dalawa.

Makalipas ang ilang linggo ay kinukulit na siya ng suspek sa Facebook messanger na magpadala sa kanya ng pera dahil kung hindi ay ikakalat umano nito ang mga hubad na larawan ng dalaga sa nasabing social netrwork.

Dito na humingi ng tulong sa PNP-ACG ang biktima na agad ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek sa koordinasyon na din sa Eastern Police District (EPD) at nadakip ang suspek sa loob ng remittance center matapos kunin ang halagang P3,000 ipinadala ng biktima.

Sinampahan nan g kaukulang kaso ang suspek habang kasalukuyang nakakulong ito sa PNP-ACG headquarters sa Camp Crame.

Please follow and like us:
Read More