EXPLOSION SA AGUINALDO TINANGKANG HUWAG ILABAS SA MEDIA

Camp Aguinaldo

NASUGATAN ang isang mag-ina nang sumabog ang isang granada sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon ng umaga.

Tinangka pa umano ng ilang opisyal ng kampo na huwag ilabas sa media ang pangyayari na sinasabing nag-ugat sa domestic problem.

Nabatid mula kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo,  na nangyari ang pagsabog bandang alas-6:20  sa apartment unit na inookupa ni Staff Sergeant Larry de Guzman, nakatalaga sa Home Affairs Office ng General Headquarters ng AFP.

Nilalapatan ng lunas ang asawa ni de Guzman na si Erliza, 34,  at 11-anyos na anak na lalaki sa AFP Medical Center.

Ligtas at hindi naman nagalusan ang 5-taong gulan na anak na babae ni de Guzman at wala ring nadamay sa mga kadikit na yunit ng bahay sa loob ng kampo.

Sinabi ni Arevalo na lumalabas sa paunang pagsisiyasat na away ng mag-asawa ang ugat ng pagsabog.

Nabatid na ang insidente ay hindi unang pangyayari sapagkat noong kasagsagan ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) ay may improvised explosive device component na naipuslit sa loob ng kampo at iniwan malapit sa AFP-CGEA Hospital.  (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA PAGSABOG SA BATANGAS

sabog12

(TEKSTO/PHOTO BY NILOU DEL CARMEN)

TINATAYANG dalawa katao ang nasawi sa isang malakas na pagsabog na naganap sa Sto. Tomas, Batangas pasado alas dose ng Lunes ng tanghali.

Sa inisyal na report ng Sto Tomas police, nangyari ang pagsabog sa isang bahay sa loob ng dulong bahagi ng Madison Garden Subdivision sa  Brgy. San Roque.

Sinasabing ang lugar ang pagawaan umano ng pampasabog sa illegal fishing. Kinukumpirma pa ito ng awtoridad.

Nagliparan sa kalsada ng subdivision ang mga nagkapira-pirasong mga damit at iba pang mga debris ng nawasak na istraktura na umabot din  sa ilang metro ang layo.

Ayon pa sa Sto Tomas police, kasama ring sumabog ang labi ng tinatayang dalawa katao.

Nasunog din ang mga damuhan sa palagid ng lote.

Ayon sa Sto. Tomas police, mga bahay na walang nakatira at mga bakanteng lote ang nakapalibot sa compound.

Naramdaman din ang pagyanig dulot ng pagsabog hanggang sa katabing lungsod ng Tanauan.

Please follow and like us:
Read More