500K EVACUEES SA BICOL REGION, INILIKAS

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa halos kalahating milyon ang bilang ng mga residenteng inilikas sanhi ng pagragasa ng bagyong Tisoy sa Bicol  Region.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5 na siyang nagsilbi bilang first responders matapos manalasa si Tisoy, pumalo na sa 455, 232 hanggang nitong alas-5:00 ng umaga ng Martes ang mga inilikas sa 2,880 na  mga evacuation center sa nasabing  rehiyon partikular  sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Norte at Sur gayundin sa Sorsogon at Naga City.

Nabatid din na may dalawang casualties ang naitala dulot ng bagyo, kung saan 1 ang patay matapos na makuryente sa Libmanan habang 1 naman ang sugatan sa Polangui matapos bagsakan ng puno.

Kinilala ng Libmanan Municipal Police Station (MPS) sa Camarines Sur ang nasawi na si Marco Paolo Ursua, 33, vendor, ng Centro B, Brgy. Loba-Loba ng nasabing bayan.

Inaayos umano ng biktima ang bubong ng kanilang bahay pasado alas-10:00 ng umaga nitong Lunes bilang paghahanda sa bagyo nang dumikit sa yero ang isang damaged live wire na naging dahilan ng pagkakakuryente nito.

Dahil sa lakas ng kuryente dumausdos ito sa kanal malapit sa kanilang bahay, kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Samantala nasa 52 bayan at mga lungsod naman ang iniulat na nawalan ng kuryente sa Bicol sanhi ng bagyong Tsioy habang nasa 4,093 na mga pasahero sa mga pantalan  ang istranded.

Bagama’t walang naitalang matinding pinsala sa mga gusali at kabahayan, nasa 20 naman ang mga kalsada sa rehiyon ang iniulat na nalubog sa baha.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY NAPANATILI ANG LAKAS, NASA S. QUEZON, MARINDUQUE, ROMBLON

NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan.

Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin  at malalakas na pag-ulan sa Southern Quezon, Marinduque, at Romblon.

Sa loob ng susunod na tatlong oras ang ‘eyewall’ ng bagyo ay makaaapekto na sa Cavite, Batangas at sa norther portion ng Mindoro Provinces.

Maari din itong muling tumama sa kalupaan o ‘di kaya ay dumaan sa bahagi ng Marinduque-Simara Island-Banton Island bago mag-tanghali.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:

– Camarines Sur
– Albay
– Camarines Norte
– Masbate including Ticao at Burias Islands
– Romblon
– southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Catanauan, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
– Cavite
– Laguna

Tropical cyclone wind signal number 2 naman sa:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Zambales
– Pangasinan
– Northern Samar
– Aklan
– Capiz
– Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao)
– Northern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Btad, San Dionisio, Sara, Concepcion, Lemery)

Tropical cyclone wind signal number 1 sa:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin)
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Ilocos Sur
– La Union
– Quirino
– Nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– Eastern Samar, Samar, Biliran, northern Negros Oriental (Canlaon, Guihulngan, Vallerhermoso)
– northern Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands)
– Nalalabing bahagi ng Antique
– Nalalabing bahagi ng Iloilo
– Guimaras
– Leyte

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat at alerto.

Please follow and like us:
Read More

SAMAR, SIGNAL NO. 1 NA  KAY ‘TISOY’

(NI ABBY MENDOZA)

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar.

Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes.

Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes ng hapon o sa Disyembre 3, Martes, ng umaga magla-landfall ang bagyo sa Bicol.

Sa forecast ng Pagasa, makararanas ng malakas at madalas na pag-uulan sa December 2 ang Bicol Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran.

Madalas subalit katamtaman na ulan naman sa Romblon,Marinduque at Quezon.

Sa Disyembre 3 ay tuloy-tuloy at malakas na pag-uulan at mararanasan sa Metro Manila, Bicol Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Nagbabala ang Pagasa na may dalang malakas na hangin ang bagyo kaya inaasahan ang pinsala gayundin ay asahan ang malalakas na paguulan na maaaring magdulot ng flashfloods at landslide kaya pinapayuhan ang mga naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa mga bundok na maging handa sa paglikas.

Pinagbabawal din ang paglalayag sa mga lugar na may storm signal.

 

Please follow and like us:
Read More

DARAANAN NI ‘TISOY’ PINAGHAHANDA NG PAGASA

(NI ABBY MENDOZA)

MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa.

Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014.

Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6 Bilyon ang pinsala.

Sa talaan ng Pagasa si bagyong Glenda ay nag iwan ng 734 patay,  2,360 ang sugatan, 762 ang mawawala at P5.4 Bilyon ang naging pinsala.

Sa monitoring ng Pagasa ay mas lumakas pa ang typhoon ‘Kammuri’.

Namataan ito sa layong 1,470 km sa Southern Luzon ,sa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility, taglay ang lakas ng hangin na 140 kph at bugso na 170 kph.

Sa araw ng Sabado o Linggo ng umaga ito inaasahang papasok ng PAR at maglalandfall sa Catanduanes.

Nilinaw naman ni Pagasa Weather Division Chief Dr. Esperanza Cayanan na sa ngayon ay nanatiling maliit ang tiyansa na maging super typhoon ng paparating na bagyo.

Paliwanag ni Cayanan na iba ang pamantayan na ginagamit ng Joint Typhoon Warning Center ng America sa ginagamit na batayan ng Pagasa.

Ang bagyong Tisoy ay maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at Samar provinces simula sa Lunes.

Habang sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila ay maaaring makararanas ng malalakas na hangin at pag-ulan sa Martes at Miyerkules.

Samantala umapela ang PAGASA  sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media ukol sa bagyo. Tanging ang mga impormasyon na galing sa Pagasa ang siya lamang paniwalaan para maiwasan ang kalituhan.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG KAMMURI LUMALAKAS SA PAGPASOK SA PH

POSIBLE umanong maging super typhoon ang binabantayang ‘Bagyong Kammuri’ na papangalanang ‘Tisoy’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR)

Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1.350 kilometro Silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km bawat oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga.

Ayon sa Pagasa, pagpasok ng PAR ay aabutin pa ng tatlong araw bago ito tuluyang tumama sa Southern Luzon partikular sa Bicol Region.
Ngayong araw, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa northeast monsoon o Amihan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay bahagyang apektado na rin ng Amihan at makararanas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao asahan ang maalisangang panahon na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
– Eastern coast ng Quezon kasama ang Polillo Island
– Northern coast ng Northern
– Eastern Samar

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘RAMON’ HUMINA NA

bagyo

BAGYONG ‘Ramon’ humina na matapos tumama sa Santa Ana, Cagayan kaninang alas-12:20 ng hatinggabi.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, isa na lamang Severe Tropical Storm ang bagyo at patuloy na kumikilos sa ibabaw ng Cagayan.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Baggao, Cagayan.

Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 km bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 10 km bawat oras sa direksyong Timog-Kanluran.

Wala nang nakataas na Tropical Cylone Warning Signal (TCWS) no.3 at signal no.2 na lamang ang nakataas sa:
• Batanes
• Cagayan including Babuyan Islands
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Ilocos Norte
• at Ilocos Sur

Nasa ilalim naman ng Signal no. 1 ang:
• Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
• Mountain Province
• Benguet
• Ifugao
• La Union
• Pangasinan

Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman na minsan ay may madalas na malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao at northern portion ng Batanes.

Mahina hanggang katamtaman na may panaka-naka ring malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, northern portion ng Isabela at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Ayon sa PAGASA, posible ang coast flooding at bawal ang paglalayag sa mga lugar na nasa TCWS, maging sa seaboards ng:
• southern Isabela
• Camarines Norte
• Catanduanes
• western seaboard ng Zambales
• Bataan
• Occidental Mindoro
• Palawan
• at northern seaboard ng Camarines Sur

 

Please follow and like us:
Read More

‘RAMON’ LUMAKAS, SIGNAL NO. 2 ITINAAS SA ILANG LALAWIGAN

bagyo

(NI ABBY MENDOZA)

KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito.

Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte.

Ayon sa Pagasa, ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras.

Nasa Signal No 1 naman ang nalalabing lugar sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain province, Ifugao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Isabela.

Sa monitoring ng Pagasa, ang sentro ng bagyo ay namataan 160 km sa silangan hilagang-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105kph at kumikilos sa bilis na 10kph.

Nagbabala ang Pagasa sa mga daraanan ng bagyo na maging alerto dahil lalakas pa ang bagyong Ramon habang papalapit ang pagtama sa lupa.

Sa araw ng Miyerkoles lalabas ng bansa ang bagyong Ramon.

Nakataas din ang gale warning signal at ipinagbabawal ang paglalayag sa seaboards sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signal gayundin sa Southern Luzon.

Samantala, sinabi ng Pagasa na isa pang sama ng panahon ang papasok sa PAR sa loob ng 24 oras,huli itong namataan 1,605 km sa silangan ng silangang-Visayas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘RAMON’ LALAKAS PA SA LOOB NG 48-ORAS

pagasa

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong ‘Ramon’, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph.

Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim sa Signal No 1 ang lalawigan ng Samar.

Itinaas din ng Pagasa ang gale warning signal sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Bicol, Romblon,

Marinduque at Quezon gayundin ang Isabela, Quirino, Aurora, Polilo Island, Camarines Norte at mahina pero tuloy tuloy na pag-uulan sa Aklan, Capiz, Romblon at Marinduque.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG QUIEL, ISA NANG SEVERE TROPICAL STORM

bagyo

(NI ABBY MENDOZA)

LUMAKAS pa at isa nang severe tropical storm ang bagyong Quiel na maghahatid ng pag-uulan subalit hindi magla-landfall.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan, kumikilos ang bagyo sa bilis na 15kph, taglay ang lakas ng hangin na 95kph at bugsong 115kph.

Nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.

Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslide sa lugar dahil sa magiging tuloy tuloy na pag-uulan sa buong araw ng Biyernes.

Itinaas din ng Pagasa ang travel warning sa northern at western seaboards dahil sa malalakas na alon.

Inaasahang sa Sabado ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGONG BAGYO MINOMONITOR NG PAGASA

BAGYONG TOMAS-2

(NI KIKO CUETO)

MAY binabantayan na bagong sama ng panahon ang Pagasa sa loob mismo ng Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ang Low Pressure Area 940 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, maliit naman ang tsansa na maging isa itong bagyo.

Pero magdadala ito ng ulan sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Ang northeast monsoon o amihan ang magdadala naman ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Maaliwalas na panahon naman ang aasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

MALAMIG NA PANAHON PARATING NA – PAGASA

PATAPOS na ang hanging habagat at nasa transition period na para sa pagdating ng hanging amihan na nangangahulugan na asahan na ang unti-unting paglamig ng klima.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) hindi agad agad ang paglamig ng temperatura kundi dahan dahan lamang subalit mararandaman na rin ito, ang peak ng Amihan ay karaniwang pagsapit ng buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.

“Recent observations and analysis showed that the general wind pattern has shifted from southwesterly to easterly. This signifies that the southwest monsoon season has officially ended,” ayon sa Pagasa.

 

Please follow and like us:
Read More

PAG-UULAN HANGGANG BIYERNES PA — PAGASA

(NI KIKO CUETO)

HANGGANG Biyernes pa mararanasan ang mga ulan sa bansa ayon sa PAGASA.

Ito’y dahil sa binabantayang dalawang low-pressure areas (LPAs) na magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila at Visayas.

Kapwa nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, inaasahan itong maghahatak ng habagat na siyang nagdadala ng ulan.

Isa sa mga LPA ang namataan 130 kilometers west-southwest ng Iba, Zambales.

Ayon kay weather specialist Meno Mendoza, asahan pa rin ang mga ulan.

Posible ang mga ulan sa Central at southern Luzon maging Western Visayas.

Ang isa pang LPA ay matatagpuan 715 kilometers east ng Basco, Batanes.

May bagyo naman na may international name na Peipah na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Pero humina ito at bumaba ulit sa LPA.

Maapektuhan nito ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at Mindoro Provinces.

Kabilang din ang Bicol Region, Western Visayas, at natitirang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘MARILYN’ MAGPAPAULAN SA LUZON

(NI ABBY MENDOZA)

HINDI inaasahang tatama sa lupa ang bagyong ‘Marilyn’ ngunit inaasahang magpapa-ulan ito sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa 11:00 am weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na alas 9:30 ng umaga pumasok ng bansa ang bagyo,  huli itong namataan 1,355 ang layo mula sa Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph.

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, walang inilabas na storm warning signal ang Pagasa dahil hindi tatama sa lupa ang bagyo subalit ang buntot o through ng bagyo ang siyang nakaaapekto sa bansa gayundin ang aktibong hanging habagat.

Asahan umano ang  katamtaman subalit tuluy-tuloy na pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol, Mimaropa, Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan provinces kung saan binabalaan ang mga residente sa lugar na maging alerto sa pagbaha at landslides.

Sa forecast track ng Pagasa ay sa Linggo, Setyembre 15, lalabas ng PAR ang bagyo.

TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGTAAS

Umabot na sa 185.12 meters ang water level sa Angat Dam at inaasahan ng Pagasa ang pagtaas pa nito dulot ng ulan na hatid ng bagyong ‘Marilyn’.

Tumaas din ang water level Ipo dam,La Mesa dam,Binga, San Roque, at Pantabangan dams.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGONG LPA PAPASOK SA PAR

ulan1

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG Low Pressure Area(LPA) ang inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) sa Miyerkoles, sa oras na maging bagyo ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’, na ika 13 bagyong na pumasok sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) ang nararanasang pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon ay bunsod ng hanging habagat.

Apektado ang mga lugar ng Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, Rizal at at Central Luzon.

Sinabi ni  Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na bagamat may Low Pressure Area(LPA) malapit sa PAR ay wala pa itong direktang epekto sa bansa, sa Miyerkoles pa ito inaasahang papasok sa PAR at magiging ganap na bagyo.

Nagbabala ang Pagasang posibilidad ng pagbaha at landslide sa mga lugar na apektado ng hanging habagat.

Samantala sinabi ng Pagasa hydrology division na patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng Pagasa ay nasa  183.68 meters ang water level ng dam.

Maliban dito ay tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo Dam na nasa 100.96 meters gayundin sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Una nang sinabi ng Pagasa na inaasahan nilang magnonormal na ang antas ng tubig sa mga Dam sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre dahil na rin sa inaasahang pag-uulan dala ng bagyo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAHABANG GABI SIMULA NA SA SEPT. 23

(NI ABBY MENDOZA)

MAS magiging visible ang mga bituin sa langit simula Setyemnre 23 dahil sa mararanasang equinox o mas mahabang gabi, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang equinox na nanggaling sa Latin word na Equi na ang ibig sabihin ay equal at nox na ang ibig sanihin ay gabi ay nangangahulugan na magkakaroon ng equal na 12 oras ang araw at gabi.

Ang ganitong astronomical event ay indikasyon na malapit na ang winter sa northern hemisphere at  summer naman sa  southern hemisphere.

Ang equinox ay nagaganap tuwing buwan ng Setyembre kada taon kung saan ang araw ay dumadaan sa celestial equator.

“Equinox will occur on September 23 at 3:50 in the afternoon, day and night are of approximately equal duration all over the planet during the autumnal equinox.Hence, thereafter, Philippine nights will be longer as the sun moves below the celestial equator towards the southern hemisphere,” ayon sa Pagasa.

Sinabi ng Pagasa na dahil mas mahaba ang magiging gabi sa bansa ay mas visible ang mga bituin sa kalangitan na magandang pagkakataon para sa stargazing.

 

Please follow and like us:
Read More

 ‘LIWAYWAY’ LUMAKAS

(NI DAHLIA S. ANIN)

LUMAKAS pa ang bagyong ‘Liwayway’ na may International name ‘LingLing’ at isa na itong tropical storm, ayon sa Pagasa.

Magdadala ng mahina hanggang malakas na pag ulan ang bagyong sa Bicol Region, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Batanes.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa mga nabanggit na lugar.

Hindi naman inaasahan na tatama sa kalupaan ang bagyo.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 340 kilometro Silangan-HilagangSilangan ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometro sa Silangan ng Baler, Aurora.

Aabot sa 65 kph ang lakas ng hangin na dala ni ‘Liwayway’  at bugsong papalo sa 80 kph.

Kumikilos ang bagyo  patungong HilagangKanluran na may bilis na 25kph.

Inaasahang lalabas na rin si ‘Liwayway’  sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes.

Samantala, magdadala naman ng pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ang Southwest monsoon (habagat).

Makararanas din ng pag-ulan sa Zambales, Bataan,Occ. Mindoro, Palawan at Western Visayas.

Magiging maalon naman sa karagatan ng Luzon at Silangang Visayas kaya pinapayuhan ang mga maglalayag na delikado ang magbyahe.

Pinaalalahanan din ng Pagasa ang mga residente na nakatira sa mga landslide at flood prone area na magsagawa ng hakbang para sa kanilang kaligtasan. Maaari rin silang makipag-ugnayan sa local Disaster Risk Reduction and Management Office, at tumutok  sa mga weather update.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘JENNY’ NASA 15 LUGAR SA LUZON

(NI JEDI PIA REYES)

GANAP nang bagyo ang low pressure area (LPA) at tinawag na bagyong ‘Jenny’ na inaasahang magpapa-ulan sa CARAGA, Eastern Visayas at Bicol Region.

Ang bagyong  ‘Jenny’ ang ikatlong bagyo ngayong buwan na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring mag-landfall sa Martes o Miyerkoles.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang huling mamataan ang mata ng bagyong ‘Jenny’ sa layong 670 kilometro ng Silangan ng Virac, Catanduanes. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25kph at may lakas ng hangin na hanggang 45 kph at pagbugsong hanggang 55kph.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan hanggang sa Miyerkules ng hapon sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, northern Aurora, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, at La Union.

Mahina at katamtamang lakas ng pag-ulan naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at iba pang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal # 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Aurora, Nueva Ecija, eastern portion ng Pangasinan, northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Island, at Catanduanes.

Nagbabala rin ang Pagasa sa maalong karatagan dahil sa masungit na panahon kaya’t kinakailangan ang pag-iingat sa laot at kung maaari ay maiwasan ang pagbiyahe lalo na ang mga maliliit na sasakyang pandagat.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘JENNY’ NAMATAAN SA VIRAC, CATANDUANES

(NI ABBY MENDOZA)

ISA nang bagyo at tinawag na bagyong ‘Jenny’ ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Virac, Catanduanes.

Inaasahang palalakasin ito ng habagat at kung hindi magbabago ng direksyon ay magla-landfall ito sa Northern o Central Luzon.

Sa severe weather bulletin na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ng alas 5:00 ng hapon, sinabi nito na buong maghapon ng Agosto 27 ay asahan ang mahina hanggang katamtaman na pag-uulan sa  Caraga, Eastern Visayas at Bicol Region.

Sa araw ng Miyerkoles,  Agosto 28 ay mas malalakas na pag-uulan ang hatid ng bagyong Jenny at mararanasan ito sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, northern Aurora, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur at  La Union.

Asahan din ang katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na daraanan ng bagyo na  maging alerto  at maging handa sa posibleng pagbaha at landslide.

Sa mga susunod na oras ay nakatakda maglabas ang Pagasa ng thunderstorm advisories at heavy rainfall warnings.

Sa weather forecast ng Pagasa ang bagyong Jenny ay kumikilos sa bilis na 25kph, huli itong namataan 670km East ng Virac CAtanduanes taglay ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 55kph.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGASA: ‘JENNY’ POSIBLENG MABUO SA LOOB NG 36-ORAS

bagyo12

MINOMONITOR ang namumuong bagong bagyo na lumalapit sa bansa kapalit ng umalis na si ‘Ineng’ at inaasahang mabubuo sa susunod na 36-oras.

Namataan ang low pressure area sa 770 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar, ayon kay Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin.

Inaasahang babagsak ito sa northern Luzon.

Bubuhos pa rin ang ulan bunsod ng habagat sa Mimaropa, Bicol, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula, dagdag pa ni Pagasa weather forecaster Meno Mendoza.

Ang Metro Manila at iba pang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na may localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG HANNA LALAKAS PA SA LOOB NG 48-ORAS

bagyo1

(NI ABBY MENDOZA)

ISA nang Severe Tropical Storm ang bagyong Hanna na inaasahang lalakas pa sa loob ng 48-oras subalit hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall dahil malayo sa kalupaan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) halos hindi gumagalaw ang bagyong Hanna na pinalalakas ng hanging habagat kaya nakararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag uulan.

Sa monitoring ng Pagasa, hindi magla-landfall ang bagyo kaya walang ibinababang tropical cyclone signals.

Ang bagyo ay huling  namataan 795 km sa Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 95 kph mula sa dating 85kph at bugso na 115 kph na dati ay nasa 105kph.

Sinabi ni Pagasa Weather Specialist Benison Estareja na kung pagbabatayan ang galaw ng bagyo ay hindi ito tatama sa lupa ngunit may posibilidad na kung bababa ang direksyon nito ay maaaring lumakas pa at posibleng magbaba ng Storm Signal No 1 sa Northern Luzon.

Sa  forecast track ng Pagasa ay inaasahang sa Biyernes pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Asahan pa rin umano na magiging maulan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro

Romblon,Cavite,Batangas,Laguna at Western Visayas habang kalat kalat na paguulan ang mararanasan sa Luzon at

Central Visayas at ibinabala ng Pagasa ang pagbaha at landslide.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG HANNA LUMALAKAS PAPUNTANG BATANES

LUMALAKAS ang bagyong Hanna palapit sa Batanes province, kung saan niyanig ng lindol noong nakaraang linggo, ayon sa weather bureau.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw, si Hanna ay nasa 940 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan, bitbit ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at 90 kph na pagbugso, ayon sa Pagasa.

Sa loob umano ng 72-oras, sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na magiging bagyo na ito sa 575 kilometers east northeast ng Batanes.

Palalakasin ni Hanna ang habagat o southwest monsoon kung saan magbibigay ito ng katamtaman hanggang  sa malakas na pag-ulan sa Cavite, Batangas, at Mimaropa ngayong Lunes, babala pa ng Pagasa.

Ang Metro Manila, Ilocos, the Cordilleras, Central Luzon, Bicol, Western Visayas at iba pang bahagi ng Calabarzon ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat, ayon pa sa weather bureau. Magkakaroon din ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa Cagayan Valley habang ang Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas ay makararanas ng localized thunderstorms, ayon pa sa Pagasa. (PHOTO BY KIER CRUZ)

 

Please follow and like us:
Read More

YELLOW RAINFALL WARNING NAGPAPATULOY SA MM

(PHOTO BY KIER CRUZ)

NAGPAPATULOY ang yellow rainfall warning ng Pagasa, Sabado ng umaga sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Rizal, at bahagi ng Zambales (San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Castillejos, Subic, at Olongapo).

Ang mga lugar sa ilalim ng yellow rainfall warning ay makararanas ng malakas na pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Inaasahan ang mga pagbaha dulot ng pag-ulan.

Pinapayuhan din ng Pagasa ang mga resident eng magmonitor sa kondisyon ng panahon at maging alerto.

Nakakaranas din ngayon ng mga pag-ulan ang mga lugar na

Zambales – Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan

Quezon

Laguna

Bulacan

Pampanga

Batangas

Ang mga lugar na ito ay nakararanas ng mga pag-ulan sa susunod na tatlong oras at posibleng madamay ang mga kalapit na lugar.

Pinayuhan din ng Pagasaang publiko at disaster risk reduction and management offices na magmonitor para sa kaligtasan.

Please follow and like us:
Read More

LPA PATULOY NA BINABANTAYAN; MM BINAHA

(NI KIKO CUETO/PHOTO BY JEROME AMOROSO)

PATULOY na binabantayan ng Pagasa ang isang low-pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Catanduanes na posibleng maging isang bagyo.

Ayon sa Pagasa, itong nasabing LPA na ito ang siyang dahilan ng magdamagang ulan kagabi, na nagdulot ng pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan bago pumutok ang araw Biyernes ng umaga.

Dahil dito, nagsuspinde ng klase ang ilang mga siyudad sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitlong mababa ang posibilidad na ito ay tumama sa lupa, pero patuloy itong hahatak ng habagat na siyang nagdadala ng ulan ngayon sa bansa partikular sa Luzon at Visayas.

Huling namataan ang LPA 915 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.

Sinabi ni Quitlong na ang tropical storm ay may international name na Wipha ay naghahatak din ng habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Naglandfall sa silangang bahagi ng China ang bagyong Wipha pero inaasahang malulusaw sa mga darating na araw.

Inaasahan din ang ulan sa Pangasinan, Zambales at sa Bataan.

Magdamag ang ulan sa Metro Manila at bumuhos ang matinding thunderstorm dakong alas-4:00 ng madaling araw na siyang nagpabaha sa mga pangunahing kalsada.

Sa Quezon City, umabot sa gutter-high ang pagbaha sa Aurora Blvd., sa kanto ng Betty Go-Belmonte St., sa kanto ng Aurora Blvd. malapit sa Broadway Ave., at P. Tuazon Blvd. sa Cubao.

May mga naipon na ring tubig sa kanto ng N Domingo St. at P. Tuazon Blvd. at EDSA corner Aurora Blvd.

Sa Maynila, binaha ang bahagi ng Espana malapit sa University of Santos Tomas at sa Taft Avenue, maging sa University Belt.

Naitala naman ang gutter-deep na baha sa Quezon Blvd. kanto ng Recto Avenue papunta sa Quiapo.

Apektado nang husto ang mga pumapasok trabaho at mga hindi agad nagdeklara ng suspension ng klase at maagang umalis na mga estudyante.

Binaha rin ang Boni Avenue hanggang sa Maysilo Circle sa Mandaluyong circle.

May mga pasahero na stranded din sa Chino Roces Avenue papunta sa Taft Avenue sa Makati.

Kabilang naman sa nagsuspinde ng klase ang Manila.

Habang sa pang-hapon na klse sinuspinde sa Quezon City; Mandaluyong; Parañaque; Muntinlupa; Malabon; at sa lalawigan ng Rizal.

May mga lugar din na malapit sa Metro Manila tulad sa Bataan, Bulacan, Zambales, at Pampanga ang nagsuspinde ng klase.

Maging ang trabaho sa mga korte sa Metro Manila ay sinuspinde.

 

Please follow and like us:
Read More

HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN, ‘GORING’ LUMABAS NA

ulan1

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang humina at nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyong Goring, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sinabi ni  Pagasa weather specialist Meno Mendoza na makaraang makapasok ng PAR ang bagyong Goring ay tuluyan itong humina, naging Low Pressure Area(LPA) at Biyernes ng gabi ay nakalabas na ng bansa.

Sa ngayon ay wala pang bagong sama ng panahon na namomonitor ang Pagasa ngunit nanatiling aktibo ang hanging habagat na syang magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Uulanin umano ang Luzon lalo sa hapon na epekto ng hanging habagat partikular ang mga lugar ng Batanes, Calayan at  Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan habang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila.

Please follow and like us:
Read More