SINONG GARCIA ANG MAUUNA VS PACQUIAO?

(NI VT ROMANO) SINA Danny at Mikey Garcia ay dalawa lamang sa mga boksingerong nangangarap makaharap si eight-division world champion Manny Pacquiao ngayong 2020. At may dalawang dahilan iyon: Kumita ng milyon at tawagin ding alamat sakaling sila ay manalo. Si (Danny) Garcia ay umaasang pipiliin siya ng 41-anyos na WBA welterweight super champion bilang susunod nitong kalaban. “In order to become a legend, you’ve gotta beat the legend,” lahad ni Garcia (35-2, 21 KOs) sa panayam ng boxingscene. “You know, Manny Pacquiao’s had an incredible career. Being 40 years…

Read More

REMATCH KINA THURMAN, HORN, AYAW NI PACQUIAO: GAME OVER!

WALA nang kailangan pang patunayan si Manny Pacquiao kaya’t tinuldukan na nito ang rematch kina Keith Thurman at Jeff Horn. “No. Nothing to prove. [Thurman] had his shot. Game over,” sabi ni MP Promotions chief Sean Gibbons sa ulat ng BoxingScene.com. Mas lalong walang balak ang eight-division world champ na kalabanin si Horn, ayon kay Gibbons. “Horn who? Another desperate guy.” Ayon pa kay Gibbons, isang boksingero lang ang gusto nilang makalaban. “We want (Floyd) Mayweather.” Matatandaan na naagaw ni Pacquiao ang WBA “super” welterweight mula kay Thurman sa split…

Read More

P12-M HALAGA NG TRUNKS NI PACQUIAO, NAIBENTA

(NI ARIEL BORLONGAN) NAIBENTA ng tumataginting na $24,750 o katumbas ng P12 milyon ang boxing trunks ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ginamit niya nang magwagi laban sa Amerikanong si Keith Thurman noong Hulyo 20 sa Las Vegas, Nevada. Nabatid na isinubasta ang “Pactrunks” sa Jimmy Kimmel Live Charitybuzz. Ang kita sa naturang charity ay gagamitin para sa paglaban sa amyotrophic lateral sclerosis (ALS). “The charity auction for the boxing trunks Manny Pacquaio wore in his epic win over Keith Thurman went for $24,750, with dozens of bidders getting…

Read More

LABAN VS THURMAN MAS PATOK SA PACQUIAO-BRONER

(NI ARIEL BORLONGAN) SINABI ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) na kumita ng $6,260,275  ang sagupaan nina eight-division world titlist Manny Pacquiao at ex-WBA welterweight champion Keith Thurman sa naibentang 11,436 tiket sa mga nanood nang live sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. Ayon kay Mike Coppinger, tumabo nang mahigit 500,000 buys ang Fox Sports pay-per-view (PPV) sa naturang laban, nahigitan ang PPV sales ng depensa ni Pacquiao kay Adrien Broner noong nakaraang Enero sa Las Vegas din na 400,000 buys lang. “If that figure were to stick, not…

Read More

DONAIRE GAGAYAHIN SI PACQUIAO  

GUSTO ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na lumaban hanggang sa kanyang 40s gaya ng kababayang si Senator Manny Pacquiao. “As long as I take care of myself like Manny has, age is nothing but a number at this point,” sabi ni Donaire sa ABS-CBN News’ North America Bureau. “What’s important is being healthy and believing in yourself and allowing yourself to prepare in the long term,” dagdag ng 37-anyos na boksingero na na-impressed sa panalo ni Pacquiao kontra sa 10 taon na mas batang American boxer na si Keith…

Read More

LOLO PATAY SA PACQUIAO-THURMAN MATCH

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG lolo ang patay nang atakihin ng karamdaman habang nanonood ng live telecast ng pinakaaabangang laban nina Pambansang Kamao at Sen. Manny “Pacman” Pacquiao at Keith Thurman, sa loob ng isang covered court sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, Linggo ng tanghali. Naisugod pa sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Salvador Abay, 68, ng 60 Aratiles Street, Paradise, Barangay Malanday, Marikina City, ngunit idineklara na rin itong dead on arrival ng mga doktor dakong alas-12:25 ng tanghali. Batay sa ulat ng Marikina City Police,…

Read More

CATRIONA GRAY BAHAGI NG ENTOURAGE NI PACQUIAO

LAS VEGAS– Bukod sa kanyang reyna, ang misis na si Jinkee, kasama sa malaking entourage ni Manny Pacquiao si Ms Universe 2018 Catriona Gray nang dumating sa MGM Grand Garden Arena. Kasamang naglakad ni Catriona si Pacquiao sa arena. Inagaw din ang atensiyon ng 25-anyos na si Catriona suot ang pink outfit at ang kanyang Miss Universe sash, nang dumating sa Vegas at manood sa inaabangang laban ng pambansang kamao.

Read More

BABALA NI PACQUIAO: THURMAN ‘DI AABOT NG 12TH ROUND

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – “HINDI matatapos ang 12-round.” Ito ang pag-analisa ni eight division word champion Manny Pacquiao sa kalalabasan ng 12-round WBA welterweight showdown nila ni Keith ‘One Time’ Thurman Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena. “There is a big percentage that this fight will not go 12 rounds.  That is not a prediction, just my analysis,” ani Pacquiao. Kung tutuparin nga raw ni Thurman ang pahayag nito na makikipagsabayan kay Pacman, dalawang bagay lang ang mangyayari sa Amerikano–mana-knockout o…

Read More

UNDERDOG KAY PACQUIAO; PABOR KAY THURMAN  

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Hindi tinablan si Keith ‘One Time’ Thurman ng binasang bible verse ni eight division world champion Manny Pacquiao hinggil sa pagpapakumbaba. Matapos ang final press conference, Miyerkoles (Huwebes sa Manila) para sa kanilang 12-round WBA welterweight match, muling umatake ang bibig ni Thurman nang makapanayam ng iba’t ibang sangay ng mga miyembro ng media. Bilang huling mensahe bago matapos ang press conference, isang verse mula sa bibliya ang binasa ni Pacquiao na hango sa Jeremiah 9:23-24, kung saan nagsasaad na…

Read More

PACQUIAO ‘DI AABOT NG 6th ROUND –THURMAN 

(NI ARIEL BORLONGAN) BUONG yabang na sinabi kahapon ni WBA welterweight champion Keith Thurman na patutulugin niya si eight-division titlist Manny Pacquiao bago sumapit ang 6th round ng kanilang unification bout sa Hulyo 20 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. “I bet none of Pacquiao’s sparring partners were going at his body. Keith ‘One Time’ Thurman is going to touch the body. I want to know how he reacts,” sabi ni Thurman sa BoxingScene.com. “My prediction? Less than six rounds. I would love to be 30-0 with 23 knockouts.…

Read More

PACQUAIO MAGPAPA-IMPRESS SA PRESS

IPAKIKITA ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa media bukas ang resulta ng kanyang training para sa unification bout niya kay Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Manila). Bubuksan ang Wild Card Gym sa Los Angeles para sa media para personal nilang makita ang paghahanda ng 40-anyos na si Pacquaio laban sa kapwa kampeon na si Thurman. Ayon sa longtime publicist ng fighting senator na si Fred Strernburg ng Sternburg Communications, bibigyang pagkakataon ang press na mainterbyu si Pacquiao bago ito magsimula ng kanyang workout. Maging ang Team Pacquiao…

Read More

PACQUIAO ISUSUNOD NI GARCIA? 

pacman123

(NI ARIEL BORLONGAN) NANALO ang Amerikanong si ex—WBC welterweight champion Danny Garcia laban kay Mexican Adrian Granados via 7th round knockout kahapon sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California sa United States. Kasunod nito ay tinuya ni Garcia si WBA regular welterweight champion at Pambansang Kamao Manny Pacquiao. “I hope I didn’t scare Manny Pacquiao away.” Dalawang beses pinabagsak ni Garcia si Granados sa 2nd round at itinigil ang laban nang muling bumagsak ang Mexican eksaktong 1:33 sa 5th round, at naulit sa 7th round. Sa pagwawagi ay natamo…

Read More

PACQUIAO VS THURMAN KASADO NA

pacman250

(NI ARIEL BORLONGAN) HALOS kumpleto na ang negosasyon para sa unification bout ng mga kampeon ng WBA sa welterweight division na sina Keith Thurman ng United States at Manny Pacquiao ng Pilipinas. “According to The Ring Magazine’s Mike Coppinger, Pacquiao and fellow WBA welterweight world champion, Keith Thurman are near a deal for a fight on July 13th,” ayon sa ulat ng Fight Sports. “The July date is optimal for Pacquiao, as that is when the Filipino Senate is out of session, so both men can fight for the WBA…

Read More

ERROL SPENCE JR. WALA SA RADAR NI PACQUIAO

pakawan12

(NI EM RUBIN) IPINAHAYAG ng personal trainer at bff ni Senador Manny Pacquaio na si Buboy Fernnadez na wala sa radar ng Pambansang Kamao  si IBF welterweight champion Errol Spence Jr. at kasunod nito’y inamin na matanda na ito kaya’t kailangang paghandaan ng husto kung sino man ang susunod nitong makakalaban. Mahigit isang linggo ang nakalipas nang tinanggap ni Pacquiao ang hamon ni Spence Jr. matapos ang dominanteng panalo ng Amerikano. Pero sa pinakabagong survey ng Pinoy ring icon kung sino ang kanyang dapat na sunod na kalabanin, hindi kasama…

Read More

MAGANDANG LABAN IBIBIGAY NI PACQUIAO KAY SPENCE JR.

pacman200

(NI EM RUBIN) “WE’LL give the fans a good fight.” Ito ang pangako ng 40-anyos na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa paghaharap nila ni IBF Welterweight World Champion Errol Spence Jr., matapos ang matagumpay na pagdepensa ng Amerikano sa kanyang titulo noong Linggo. Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang “regular” WBA Welterweight title na personal na nanood ng laban ni Spence kontra Mikey Garcia sa AT&T Stadium sa Texas at umakyat sa loob ng ring pagkatapos ng bakbakan. Dito na siya hinamon ni Spence. “He’s a legend of the sport.…

Read More

HIGIT P1-B PREMYO NI PACMAN

pac500

(NI FRANCIS ATALIA) SINASABING aabot sa mahigit P1 bilyong ang makukuhang premyo ni  Sen. Manny Pacquiao bilang kabuuang premyo sa pakikipagsagupa niya kay Adrien Broner ngayon (Sabado ng gabi) sa Las Vegas, Nevada. Batay ito sa opisyal na kontrata ng Pambansang Kamao na inihain sa Nevada State Athletic Commission. Nabatid na ang fight purse ni Pacman ay nasa $10 million dagdag pa rito  ang percentage sa kikitain sa mga pay-per-views. Matapos ang laban ni Pacquiao, agad daw siyang babayaran ng $10 million at pagkaraa’y magbabayad naman siya ng federal income…

Read More

MAYWEATHER AAGAW EKSENA SA ARENA

may200

(NI VIRGI T. ROMANO, SAKSI Sports Editor) LAS VEGAS – -INAASAHAN ang pagdating ni Floyd Mayweather sa sagupaan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila), kung saan itataya ng Pambansang Kamao ang kanyang WBA welterweight crown sa MGM Grand Garden Arena. Ayon sa mga taong malalapit kay Pacquiao, kinakailangan lamang umanong manalo ng Fighting Senator kay Broner at kasado na ang rematch nila ni Mayweather. May mga indikasyon nang matutuloy ang nasabing rematch. Ikinukunsidera ang dalawang beses na pagkikita nina Pacquiao at Mayweather…

Read More

TULOY ANG LABAN!

pacman250

PINAKALMA ni Manny Pacquiao ang fans at pinawi ang pangambang makansela ang laban niya kay Adrien Broner sa Enero 19. Sa pamamagitan ng kanyang PR man na si Aquilez Zonio, ipinaabot ng Fighting Senator sa fans na walang dapat ikabahala at walang katotohanang hindi matutuloy ang laban. “The fight is a go. Broner was arrested for another brush with the law but he was able to post bail,” pahayag ni Pacquiao matapos ang kanyang road work sa Pan Pacific Park sa Los Angeles, Huwebes ng umaga. Lumabas ang espekulasyong hindi…

Read More

BRONER ‘DI MADALING MATALO NI PACQUIO

PACMAN VS BRONER

HINDI dapat kampante si Manny Pacquiao dahil ang makakalaban niyang si Adrien Broner ay hindi madaling talunin, ayon sa strength coach ng boksingerong Pilipino na si Justin Fortune. Maliban sa pagkokondisyon sa katawan, araw-araw din kinokondisyon ni Fortune ang isip ng “Pambansang Kamao” na hindi madaling talunin si Broner na binansagang “The Problem.” “Broner is not a bum,” sabi ni Fortune. “He’s coming to fight. He’s a four-time champ.” Nakita ni Fortune kung paanong makipaglaban ang 29-year-old challenger mula Cincinatti, Ohio, kaya alam niya kung ano ang aasahan sa MGM…

Read More

PACQUIAO WALANG INTERES KAY MAYWEATHER

PACQUIAO

AYAW pagusapan ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather hanggang hindi natatapos ang laban niya kay Adrien ‘The Problem’ Broner sa Enero 19. “Floyd, if he comes out of retirement, we will see after this fight,” ani Pacquiao patungkol sa rematch nila ni Mayweather. Nakatakdang idepensa ng pambansang kamao ang kanyang WBA welterweight crown na napanalunan niya via 7th round KO kontra  Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia. Para kay Pacquiao mas  gusto niyang magpokus muna kay Broner kaysa pagusapan si Mayweather. “We cannot underestimate Adrien Broner, we cannot…

Read More