SAGOT NI PACQUIAO KAY MAYWEATHER: ‘MAYPAC2’

NAGKONTRA patutsada si Filipino boxing icon Manny “Pacman” Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr., at kasabay nito’y hinamon ang huli na kumasa sa “MayPac2.”

Ang reaksiyon ni Pacquiao ay bilang sagot sa Instagram post ni Mayweather na nagsabing ang kasikatan at legacy ng fighting senator ay bunga ng pagkakadikit ng pangalan nito sa kanya.

Sa kanyang Twitter post ay deretsahang sinabi ng Pambansang Kamao na kung mayroong nanggagamit sa kanila ito’y walang iba kundi ang retirado nang Amerikano na laging nanonood ng laban niya.

“You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant?” tweet ni Pacquiao. “If you want to be relevant again … #MayPac2.”

Iginiit ng halata nang napipikon na si Mayweather sa mga patuloy na nananawagan ng MayPac rematch, napatunayan na niyang hindi niya iniiwasan si Pacquiao na walang hirap na tinalo niya noong Mayo 2015.

Dagdag pa nito, hindi lang umano matanggap ng mga kritiko at boxing experts na natabunan niya ang 49-0 win-loss ni Rocky Marciano, na hinigitan niya nang bugbugin si Conor McGregor para sa perpektong 50-0 rekord noong August 2017.

“Y’all are just upset that I broke Rocky Marciano’s record and hate the fact that a black, high school dropout outsmarted you all by beating all odds and retiring undefeated while maintaining all my faculties simply by making smart choices and even smarter investments,” sabi Mayweather.

Matatandaan na pinanood sa ringside ni Mayweather ang unification bout nina  Pacquiao at Keith Thurman nitong Linggo sa Las Vegas. Bago ito ay present din siya siya laban nina Pacman at Adrien Broner noong Enero.
Tuwing tatanungin naman ng mga mamamahayag si Pacquiao tungkol sa posibleng rematch nila ni Mayweather, ang lagi nitong sagot ay:  “Tell him to come back to the ring, and we will fight.”

Ngunit noong nakaraang linggo, bago ang laban nina Paquiao at Thurman, sinabi ng  adviser ni Mayweather na si Leonard Ellerbe na “no interest” o hindi interesado ang undefeated American boxer sa MayPac2 at kontento na raw ito sa kanyang buhay ngayon.

Please follow and like us:
Read More

IKINAKASA: PACQUIAO-MAYWEATHER 2

GUSTO ni boxing trainer Freddie Roach na matuloy ang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather rematch matapos ang laban ng Pambansang Kamao kontra kay Keith Thurman sa Las Vegas sa Hulyo 20.

Ayon kay Roach, hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang pagkatalo ni Pacquiao kay Mayweather sa tinaguriang “Fight of the Century” ng dalawa noong 2015.

Pagkatapos ng naturang laban lang inamin ni Pacquiao na may iniinda siyang shoulder injury kaya’t hindi gaanong nakaporma sa 12-round defeat niya kay Mayweather, na agad din nagretiro nang walang talo.

Nagretiro rin si Pacquiao noong 2016 ngunit makaraan lang ang ilang buwan ay nagdesisyong muling lumaban, at ngayo’y nakatakdang sumabak kontra isa pang American undefeated boxer na si Thurman para sa inaasam na World Boxing Association welterweight crown.

Kumpiyansa si Roach na mananalo si Pacquiao laban kay Thurman at umaasang maging daan ito upang makumbinsi si Mayweather na makipag-rematch sa Pinoy champ.

“Hopefully we can get Mayweather to come to the table,” ani Roach sa mga reporter na nagpunta sa Wild Card gym kahapon. “I would like us to have one more crack at him.”

“We didn’t fight a great fight that night. Manny’s shoulder didn’t help at all. He’s had surgery since then, he’s 100 percent now.

“I would like us to fight Mayweather again because I didn’t like the way we performed. I was disappointed in myself,” sabi pa ni Roach.

Iginiit naman ni Pacquiao na hindi niya iniisip si Mayweather sa ngayon, hanggang nananatili itong retired sa boksing.

“Floyd is retired. I am only looking at active fighters. Floyd is not active anymore,” ani Pacquiao. “Right now I’m only thinking about Thurman.”

Please follow and like us:
Read More