ONLINE CHILD PROSTITUTION INDUSTRIYANG BILYONG-DOLYAR ANG KITA

ONLINE CHILD PROSTITUTION

(Ni NELSON S. BADILLA / IKAWALONG BAHAGI)

MALIIT lang ang kabuuang kinikita ng bawat batang prostityut tuwing humaharap sila sa web camera upang mapanood at makita ng kanilang mga kliyente mula sa ibang bansa.

Ngunit, nakabubuhay na.

Nakabibili na sila ng bigas at ulam para sa tatlong beses na pagkain bawat araw.

Hindi man kalakihan, mainam na para sa kanila, sapagkat hindi na magugutom ang kanilang mga pamilya.

Upang mayroon silang makain araw-araw, dapat nag-huhubad at sumasayaw ang mga bata sa harapan ng web camera para kumita ng ilang dolyar.

BILYONG DOLYAR ANG KITA SA ONLINE CHILD PROSTITUTION

NOONG 2017, isinapubliko ng United Nations’ International Children Emergency Fund (UNICEF) ang pinakabagong resulta sa pag-aaral nito  hinggil sa online sexual exploitation of children (OSEC) sa Pilipinas.

Idiniin ni UNICEF Re-presentative Lotta Sylwander na ang OSEC sa bansa ay “billion-dollar industry.”

Hindi man eksaktong sinabi, lumilitaw na napakaraming “sex addict” ang nahihilig at nawiwili na panoorin ang mga batang Pilipino na nakahubad at nagpapakita ng mga aksyong naghihikayat ng sekswal na gawain.

Matatandaang binanggit sa ikapitong serye ng espesyal na ulat na ito na sex addict ang tama at eksaktong tawag sa mga parokyano ng OSEC, ayon kay Dr. Frederick Edward T. Fabella, isang propesor at psychologist.

Ayon sa UNICEF, nangangahulugan ding napakalaking halaga ang pumapasok na pera sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pangangalakal sa mga bata para paglaruan, pagpantasyahan at pagparausan ng ligaya ng mga kalalakihan mula sa ibang bansa.

Ang pag-akyat ng online child prostitution sa bilyong industriya ay masyadong malayo sa industriyang milyong-dolyar ang halaga ilang taon na ang nakalilipas.

Noong 2005, naglabas din ang UNICEF ng pag-aaral nito na nagsasabing milyong-dolyar ang kita sa industriya ng pananamantalang sekswal sa mga bata.

MALAKING AMBAG SA CONSUMPTION-BASED ECONOMY?

WALANG dudang mataas ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas simula noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo hanggang sa kasalukuyan, sapagkat maraming bumibili ng mga produktong inaalok at ibi-nebenta sa pamilihan.

Kaya maraming bumibili, maraming Pilipino ang mayroong perang pambili ng mga produkto.

Ito ang esensya ng consumption-based economy na siyang oryentasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang pagdedeklara ni Sylwander na bilyong-dolyar na industriya ang kinikita ng OSEC ay nagsasabing bil-yong dolyar ang kabuuang halaga ng perang pumapasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng online child exploitation.

Dahil dito, ang mga pamilyang mahihirap kung saan napakalaking bilang sa mga magulang ng mga pamilyang ito ay ‘binigyan’ ng trabaho ang kanilang mga anak kahit dalawang-buwan, isang taon at 2-taong-gulang ng trabaho bilang “sex object” sa harapan ng web camera.

Ayon kay Meryll Sarco, national media and communications manager ng International Justice Mission (IJM), may ibinayad sa mga magulang mula sa mga kliyente ng kanilang anak.

Ani Sarco, ang halaga nito ay nakabatay sa ipinapagawa ng mga  kliyente sa mga bata.

Batay sa datos ng IJM, mahigit sa 70% ng mga batang nailigtas nila ay galing sa mga pamilyang mahihirap.

Sa pamamagitan ng OSEC, kumikita ang mga magulang ng mga bata upang mabili nila ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.

Ngunit, idiniin ni Sarco sa reporter na ito na kahit iyong ibang mga magulang na hindi naman nabibilang sa mahihirap ay sa online sexual exploitation pinagtrabaho ang kanilang mga anak, sapagkat bukod sa maganda na ang kita, mabilis pa ang pera.

WALO SA 10 BATA

SINABI rin ng UNICEF na walo sa 10 batang Pilipino ay pasok sa OSEC.

“In the Philippines, the risks to children are high with the country being the number one global source of child pornography and a hub for the live-stream sexual abuse trade [as] [a]round 8 out of every 10 Filipino children are at risk of online sexual abuse or bullying [Sa Pilipinas, napaka-mapanganib ang kalagayan ng mga bata sa bansa, sapagkat pangunahing pinagkukunan ang bansa ng mga bata sa buong mundo para sa pornograpiya at sentro rin ito ng pangangalakal ng live-stream na pang-sekswal na pang-aabuso, gayong walo sa 10 bata ang nasa panganib ng sekswal na pananamantala sa online o pambubuli].”

Idiniin pa rin ng UNICEF na pinabilis nito ang pagkaladkad sa mga bata na mapasok sa pinakamasahol na porma ng pananamantala sa bata: ang OSEC.

Ganito rin ang nadiskubre ni Arnie Trinidad sa kanyang pagsasaliksik noong 2005 hinggil sa pornograpiya sa mga batang Pilipino.

Dahil sa pagkasilang ng internet, lumala nang husto ang pananamantalang sekswal sa mga bata, gamit lamang ang web camera, banggit ni Trinidad.

At ang pananamantala sa mga batang Pilipino ay nakararating sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon pa sa kanya, kahit lumang larawan, imahe o palabas ay umiikot at napapanood pa ng mga taong mahihilig sa OSEC, makalipas ang napakatagal na panahon mula nang una itong ipasok sa online.(Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

SEX ADDICT ANG MGA MAHILIG SA ONLINE CHILD PROSTITUTION

SEX ADDICT

(Nelson S. Badilla / Ikapitong bahagi)

KAHIT saang anggulo tingnan, nakakasuka ang sekswal na pagsasamantala sa mga bata.

Ganoon din ang pagpantas-yahan ang bata habang ipinapakita ang maseselang bahagi ng kanilang katawan na nakapagpapalibog sa mga nanonood sa webcam o online.

Habang pinag-aaralan at pinag-iisipang mabuti ng reporter na ito ang mundo ng online sexual exploitation of children (OSEC) para sa serye ng Special Report na ito, hindi ko lubos maisip kung ano ang mapapala ng mga taong nanonood lang sa batang nagpapakita ng kanyang katawan at pumoporma ng mga galaw na nanghihikayat at nang-uudyok ng kahalayan, sapagkat hindi naman nila nahahawakan at nahihimas ang katawan ng bata.

Humingi ang reporter na ito ng paliwanag mula sa isang dalubhasa, kay Dr. Frederick Edward T. Fabella, Dekano ng Psycho-logy Department sa Mary the Queen College of Quezon City.

SEX ADDICT ANG MGA MAHILIG SA OSEC

IDINIIN ni Fabella, na “ang pa-nonood ng child pornography ay porma ng sexual addiction.”

Sa madaling salita, sex addict ang mga lalaking nanonood at nagpapantasya sa mga batang nakahubad habang nagsasayaw sa pamamagitan ng webcam.

Kapag sugapa naman sa iligal na droga, drug addict ang tawag.

“Isa sa recent na paliwanag sa pag-develop ng kahit anong [uri] ng addiction ay ‘yung Bio-Psycho-Sociocultural and Spi-ritual Model of Addiction,” paliwanag ni Fabella.

Ang kahulugan daw nito ay apat ang maaaring pagmulan o pag-ugatan ng “addictive behavior” ng tao sa isang bagay, kabilang na ang sex.

“Sa biological na pananaw, mayroong mga tao na ipinanganak na mas prone sa addiction dahil higit silang nag-e-enjoy sa sex o ‘di nila kayang labanan ang mga impulse ng pleasure,” banggit ni Fabella.

“Sa psychological na usapin naman, mayroong mga tao na ginagamit ang addiction bilang pangtanggal ng stress o paraan para mag-cope sa negatibong karanasan o sitwasyon,” patuloy ng Dekano.

Ang nasabing sitwasyon ay ginagamit nilang pagkakataon upang takasan ang isang problema o usaping labis na nakagugulo sa kanilang isipan o sarili, tugon ni Fabella.

Sa larangan ng sociocultural, ipinaliwanag ni Fabella na “dahil mas pinadali ang availability ng pornograpiya sa pamamagitan ng internet, mas madali na ngayon maging addicted ang tao sa sex.”

Bukod d’yan, malaki rin ang ambag ng pamilya, values na itinuro at pagpapalaki sa taong nahilig manood ng sekswal na pananamantala sa mga bata sa pamamagitan ng online live streaming (kung konserbatibo ba o hindi), dagdag ni Fabella.

Ayon sa kanya, sa “spiritual na aspeto, kapag ang isang tao ay nawalan ng kahulugan o layunin sa buhay, mas madali siyang malulong sa mga sexual addiction, sapagkat nawala na ang personal set of values nila. Mas nagre-resort na lang sa pleasure seeking gaya ng sexual addiction.”

MAY SAKIT ANG MGA SEX ADDICT

SABI ni Dr. Fabella, “masasabi po natin na ito’y addiction, kung lagi niya itong iniisip, dumadalas ang oras na inilalaan dito [sa panonood ng sexual exploitation sa online], [tapos] nagsusumikap siyang magawa ito, nababawasan na ang oras niya para sa ibang obligasyon gaya ng pamilya, pag-aaral o trabaho, sinubukan na niyang tumigil pero hindi nagwagi, nagsisinungaling na wala siyang addiction, at mayroong distress o nagiging iritable kapad hindi nagagawa ito.”

Nilinaw ng dekano na “ang napagkaisahan ng maraming dalubhasa at ayon na rin sa mga nasaliksik, ang lahat ng uri ng addiction, substance o behavioral, ay mayroong common na katangian. Mayroong tinatawag na compulsion to do something at nagmumula raw ito sa area ng utak na mayroon na siyang dalang center for emotional conditioning at ang nucleus accumbens na res-ponsible for reward seeking.”

“Sa mga adik daw, similar levels of activity in these brain areas ang naoobserbahan. Kaya, lahat daw ng uri ng addiction ay maaaring mag-ugat dito,” paha-yag ni Fabella.

Kaya, idiniin ni Dr. Fabella na ang hakbang ng mga naniniwala sa modelong bio-psycho and sociocultural-spiritual o BPSS ay parehas sa lahat ng uri ng addiction o suliranin patungkol sa substance use. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More