AUSTRALYANO HULI SA PAGPATAY NG PINAY LIVE-IN PARTNER

(NI JG TUMBADO)

ISANG Australian national ang dinakip ng pulisya kaugnay sa pagkakasangkot nito sa pagpaslang sa kanyang 25-anyos na live-in partner sa Barangay Sto. Tomas, Subic, Zambales.

Ang 53-taong gulang na suspek na nakilalang si Jamie Matthew Flanagan ay nakadetine ngayon sa Subic Municipal Police station dahil sa kasong murder sa karelasyon nito na si Desiree Manozo na isinagawa sa mismong kanilang tinutuluyang bahay sa Sta. Monica Subdivision.

Batay sa ulat kay Police Major Gilbert Diaz, unang lumabas sa statement ni Flanagan na nagpakamatay umano si Manozo sa pamamagitan ng pagbibigti nito ng tatlong necktie sa may pitong talampakang taas na cabinet sa kanilang kuwarto nitong umaga ng Linggo.

Subalit kalaunan ay nadiskubre ng mga awtoridad base sa lumabas na autopsy report na patay na si Manozo bago pa ang umanoy pagpapatiwakal nito.

Agad nagtungo ang pulisya sa bahay ng mag live-in partner upang arestuhin si Flanagan hapon ng kaparehong araw.

Sinasabing nagkaroon muna umano ng matinding pagtatalo ang dalawa sa loob ng kanilang kuwarto ng gabi ng Sabado bago ang sinasabing insidente ng pagpapatiwakal.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagalit nang husto ang suspek sa biktima nang pinipilit ng huli na bumalik na sila ng Australia kasama ang kanilang anak dahil sa paghihinalang may ibang babae ang una.

Dito na umano nagdilim ang paningin ng suspek at kumuha ito ng tatlong necktie at ito ang ginamit sa pagpatay sa kanyang live-in partner.

Kasong homicide ang kinakaharap ngayon ni Flanagan habang ito ay nakakulong sa Olongapo City Police Office (OCPO) Police Station 1.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-COP HULI SA MURDER NG KALAGUYO SA OLONGAPO

pnpsuspect12

(NI KOI HIPOLITO)

NALAGLAG sa kamay ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID-NCRPO), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO) at ng Police Station 1 ng Olongapo City Police Station ang dating pulis na Absent without leave o (AWOL) na sinasabing suspek umano sa pagpaslang sa tiyahin ni dating world champion billiard hall of fame Efren “Bata” Reyes matapos itong matiyempuhan ng mga otoridad dakong alas-11:00 ng umaga nitong Lunes sa West Bajac, Olongapo City.

Nakilala ang suspek na si dating Patrolman Elias Gamboa, 45, na na-recruit noong 1999 ng Phillipine National Police (PNP) at dating naka-assign sa Meisic Police Station 11 ng Manila Police District (MPD) at tubong Concepcion East, Nueva Ecija at itinuturing na National Most Wanted Person at may monetary reward na P145,000.

Nadismis sa serbisyo ang suspek noong 2006.

Base sa panayam kay NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar, inaresto ang suspek matapos itimbre ng isang confidential informant na papunta sa nasabing lugar ang suspek para bumoto.

Agad namang sinilbihan ng arrest warrant si Gamboa na inisyu ni Hon. Tita Bughao Alisuag, ng Regional Trial Court Branch 1, National Capital Region sa Maynila, para sa kasong murder na may petsang October 5, 2005 at walang inirekomendang piyansa. Pinatay umano ng suspek si Victoria Pangilinan, 60, alyas Nanay noong March 20, 2005.

Ayon sa anak ng biktima, nagkaroon umano ng relasyon ang suspek at ang biktima at madalas umanong bigyan ng pabor o tulong ni Pangilinan si Gamboa, subalit nagkaroon umano ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pagtatalo at pananaksak ng 19 na beses ng suspek sa biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Simula noon ay nagtago na ang suspek sa iba’t ibang lugar at nagtrabaho bilang tricycle driver.

Nakakulong ngayon sa RSOU Custodial Facility ang suspek habang inihahanda sa korte ang kanyang kaso.

Please follow and like us:
Read More

SHABU ‘DELIVERY GIRL’ HULI SA ENTRAPMENT

shabu123

(TEKSTO/PHOTO BY JAY-CZAR CRUZ LA TORRE)

ARESTADO ang isang dalaga matapos mahuli sa isang police operation kontra iligal na droga sa bayan ng Subic, Zambales nitong Miyerkoles.

Batay sa ulat ng pulisya, tubong bayan ng San Fernando sa lalawigan ng Pampanga ang 20-anyos na suspek na kinilalang si Jolina Jalil na naaresto matapos ikasa ng tauhan ng Subic Municipal Police Station ang isang buy-bust operation sa isang bahagi ng Pumera St. sa Barangay Calapacuan.

Ayon Kay Police Colonel Felix A. Verbo Jr. Police Provincial Director ng Zambales, lumalabas sa resulta ng pagmamanman ng drug enforcement unit ng Subic MPS na isang drug courier o delivery girl ng shabu si Jalil.

Bagama’t hindi umano kabilang ang suspek sa watchlist ay pumuputok umano ang pangalan nito sa ilang lugar kung saan laganap ang bentahan ng iligal na droga.

Nahulihan ang arestadong suspek ng 10 paketeng hinihinalang shabu, P2,000 at shoulder bag kung saan nakita ang mga iligal na droga.

Kakaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 si Jalil na nakatakdang isampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Olongapo.

Please follow and like us:
Read More

MAGKUKUMPARE TIKLO SA DRUG BUST 

shabu6

(NI JAY-CZAR LA TORRE)

HULI sa akto ang limang magkukumpare habang umano’y bumabatak ng shabu sa loob ng isang bahay habang arestado rin sa hiwalay na insidente ang isa pang suspect nang isagawa ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station na pinamumunuan ni PC Insp. Jude Bryan Maguddayao ang dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Subic, Martes ng gabi.

Naunang nasakote ng mga pulis ang isang 27 taong gulang na tricycle driver na si Abdul Fahad Imalil alyas Fahad, dakong 8:00 ng gabi sa Barangay Calapacuan, kung saan ayon kay P02 Michael Villanueva, imbestigador sa kaso, ay nakumpiska kay alyas Fahad ang isang botelyang lalagyan ng chewing gum na pinaghihinalaang pinaglayan ng mga iligal na droga, at anim na pirasong pakete ng pinaghihinalaang shabu kabilang dito ang halagang P500 na  umano’y nabili kay Fahad ng nagpanggap na poseur buyer. Ayon pa sa record ng pulisya, si Fahad ay isa sa libu-libong drug surenderer noong kasagsagan ng Oplan Tokhang taong 2016.

 

Dakong alas 8:40 ng gabi naman nang maaresto ng mga pulis ang limang kalalakihan na nagsasagawa ng pot session sa Sta. Monica Subdivision sa Barangay Sto. Tomas ng nabanggit na bayan matapos di umano makabili ng isang paketeng shabu ang nagpanggap na poseur-buyer sa target suspek.

Arestado ang lima na kinilala ng imbestigador na si SPO1 Felix Laron, na sina Butch Damian, 44, Angelo Ellaso, 37, technician; Jonathan Reyes, 40. Ang tatlo ay pawang mga residente sa bayan ng Subic habang sina Rolando Capili, , 52, at King Jasper Koahou, , 47, ay taga Olongapo City.

Kumpiskado sa mga suspek ang limang pakete ng iligal na droga kabilang na ang P500 pisong halaga ng shabu na nabili diumano ng poseur buyer mula kay Damian, samu’t saring drug paraphernalia, at isang Cal. 38 revolver pistol.

Mariin naman itinanggi ng grupo ang mga akusasyon ,anila wala naman daw nakuha mula sa kanila ang mga umarestong pulis, subalit aminado ang isa sa mga ito ang tungkol sa baril na aniya’y napulot lamang at dinala sa bahay ng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGPINSAN TIMBOG SA DROGA

huli1

(NI JAY-CSAR LA TORRE)

Subic, Zambales- Nakapiit ngayon ang magpinsang lalaki na tubong Lanao Del Sur matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Calapandayan dito dakong alas 11:00 kagabi.

Kinilala ang dalawa na sina, Jomari Tanog, 19, at Emran Tanog, 27, at parehong nanunuluyan sa bayan ng San Felipe, Zambales.

Ayon Kay PCI Joan Sibayan, hepe ng Subic Municipal Police Station, naaresto ang dalawang suspek matapos mapagbentahan ang police asset ng P4,000.00 halaga ng illegal na droga.

Narekober naman ang isang itim na sling bag na naglalaman ng 13 plastic ng hinihinalang shabu at isang NBI clearance ng isa sa mga suspek.

Tinatayang aabot sa 50 gramo ang nasamsam na shabu.

Mariin naman pinabulaanan ng dalawa ang akusasyon ng mga pulis na pagbebenta ng illegal na droga subalit anila, napag-utusan lamang sila ng isang nakatatanda sa kanila na ihatid ang itim na bag sa isang tao sa bayan ng Subic.

Napag-alamang nagbakasyon lamang ang magpinsan upang magtinda sa night bazaar sa bayan ng San Felipe at nakatakda na ring bumyahe pabalik ng Mindanao sa Enero 14.

Parehong kasong kriminal sa paglabag ng RA 9165 ang isasampa laban sa dalawa bukas sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Olongapo.

 

Please follow and like us:
Read More