2,000 VENDORS IPAGPAPATAYO NG PALENGKE SA PQUE

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

NAGKAROON ng pag-asa ang 2,000 vendors na naapektuhan sa paglilinis ng kalsada sa buong Metro Manila bunsod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang ipahayag ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez ang pagtatayo ng pamahalaang lungsod ng isang palengke para sa mga ito sa nabanggit na siyudad.

Ayon kay Olivarez, ang planong ‘People’s Market’ na itatayo sa mga ‘cement slab’ na ipapatong sa ibabaw ng kanal na may sukat na 60X300 metro ang haba sa service road ng Roxas Boulevard ay inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC).

Bukod dito, sinabi ni Olivarez na maglalagay din ng loading and unloading zone, overhead pedestrian crossing pati na ang parking lot para sa mga mamimili kung saan itatayo ang naturang palengke na nakatakdang tapusin ng lokal na pamahalaan bago matapos ang kasalukuyang taon.

Kasabay nito, pinakiusapan din ni Olivarez ang mga establismiyento kung saan itatayo ang planong pagtatayo ng naturang palengke na maglaan ng kaunting espasyo para sa mga street vendor na naapektuhan ng paglilinis ng mga kalsada.

Dagdag pa ni Olivarez, ang lokal na pamahalaan ay nakahanap na ng pansamantalang lugar na para sa mga street vendors na aabot sa 1,000 puwesto na malaki ang posibilidad na matapos at makumpleto sa linggong ito upang makapag-umpisa na makapagtinda ang mga ito.

Inatasan din ni Olivarez ang mga opisyales ng Barangay Baclaran na i-mantina ang kalinisan sa kanilang lugar na nasasakupan at bantayang maigi ang mga kalsada upang mapanatili ang kaayusan at pigilan ang pagbabalik ng illegal vendors sa lugar ng Baclaran.

Sa panig naman ng mga vendors na apektado ng direktiba ni Duterte, kanilang pinasalamantan si Olivarez sa hakbang upang maipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay.

Please follow and like us:
Read More

OLIVAREZ, GOLEZ PROKLAMADO NA SA PQUE

oli23

(NI ROSE PULGAR)

NAIPROKLAMA na ng Commission on Election ang nanalong Mayor at Vice Mayor ng Paranaque City sa naganap na midterm election Martes ng gabi.          Dakong alas-11:00 ng gabi nang itinaas ng City Board of Canvasser ang mga kamay nina Edwin Olivarez na muling wagi bilang alkalde at si Rico Golez sa pagka-bise alkalde.

Si Olivarez ay nakakuha ng 169,224 na boto sa kanyang ikatlong termino bilang mayor ng lungsod habang si Golez naman ay nakakuha ng 141,433 na votes.

Ginanap ang proklamasyon sa Parañaque City Sports and Social Hall na kung saan dumalo ang buong pamilya Olivarez, maging ang kanyang mga supporters.

Naiproklama na rin si Joy Tambunting bilang nagwaging kongresista para sa ikalawang distrito ng Parañaque City, matapos manguna sa botong 103,028.

Matagal ang naging hintayan ng proklamasyon sa mga nanalong kandidato, sa nasabing lungsod dahil kinailangang hintayin ang hash code, na magpapababa sa threshold sa 90 percent, pero sa katunayan ay nasa 99 percent na ang transmission of votes.

Ang isa pang naging opsyon ay mapalitan ang mga pumalyang SD cards na magmumula pa sa Laguna.

Natagalan ang paghihintay dahil maraming lugar sa bansa ang humiling din na babaan ang threshold.

Nagpasalamat naman ang Team Paranaque sa pangunguna ni Mayor Olivarez sa kanilang pagkapanalo sa naganap na halalan 2019.

“ In behalf, therefore of my constituents and fellow Paranaquenos, I now urged everyone to be part of our collective advocacies for a more develop and progressive city,” ani Olivarez.

Samantala, sinabi naman ni Police Colonel Rogelio Rosales , hepe  ng Paranaque City Police na very peaceful ang pagdaraos ng eleksyon sa lungsod.

Ayon kay Rosales, walang untoward incident at wala ring violence o kaharasan na naitala ang pulisya habang isinasagawa ang botohan hanggang sa canvassing o bilangan.

Ngunit aniya, mayroong mga report na nakarating sa kanila gaya ng “hakot” ng mga politiko, at vote buying.

Subalit sa serye ng kanilang monitoring at surveillance,wala namang napatunayan sa mga alegasyon.

Mahigit sa 580 pulis ang ipinakalat sa buong lungsod ng Paranaque, mula noong Sabado hanggang Miyerkoles.

Please follow and like us:
Read More