LALAKI SINAKSAK NG FLAT SCREW, PATAY

(NI ANNIE PINEDA)

TIGOK ang isang lalaking tauhan ng munisipyo makaraan saksakin ito ng flat screw ng kanyang kaaway, iniulat kaninang umaga sa probisnya ng Leyte.

Kinilala ang biktimang si Jimuel Tado, 28,  job order employee ng Sta. Fe Municipal, at ng Barangay Zone 3, Sta Fe, Leyte.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Donaldo Quero, kalugar ng biktima .

Batay sa report ng Sta. Fe Police Station, bumili ang biktima ng gamot sa isang tindahan sa kanilang lugar nang bigla na lamang dumating ang suspek at walang babalang pinagsasaksak ang biktima gamit ang flat screw.

Agad dinala sa ospital ang biktima pero wala na rin itong buhay nang idating.

Tumakas ang suspek pero nadakip din ng mga awtoridad sa ginawang follow-up operation.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal na alitan ang motibo sa krimen.

Nakakulong ngayon sa Sta. Fe Police Station ang suspek at naharap sa kasong pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

BINATA TINODAS SA HARAP NG GF HABANG NAGHAHAPUNAN

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

CALACA, BATANGAS – Patay ang isang binata nang ito ay barilin ng nakaalitang anak ng dating pulis habang kumakain kasalo ang kanyang girlfriend sa Calaca, Batangas, Biyernes ng gabi.

Isang tama sa ulo at isa sa katawan ang ikinamatay ng 18-anyos na biktimang si Jonathan Seco na binaril alas 7:30 ng gabi sa kusina mismo ng kanilang bahay sa Barangay Sinisian.

Batay sa report ng Calaca police, bigla na lamang pumasok  sa bahay  ang suspek na si Jose Lisandro Dimailig alyas Butchoy, 20, at malapitang binaril ang biktima gamit ang 9mm na baril.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon kay PMaj. Norman Cas-oy, hepe ng Calaca police, batay sa  pahayag ng girlfriend ng biktima sa mga imbestigador, nakasigaw pa umano ng “huwag Butchoy” ang biktima nang tamaan ito sa katawan subalit muli itong pinaputukan ng suspek at tinamaan sa ulo.

Nasawi ang biktima bago pa man ito nairating sa ospital ng Calaca.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Calaca police.

Nang puntahan ang bahay ng suspek matapos ang pangyayari ay wala ito sa kanilang bahay.

Ayon sa tatay na pulis, nasa trabaho ang kanyang anak na isang security officer sa Laguna at hindi umuuwi sa kanilang lugar.

Matagal nang alitan ng dalawa  ang nakikita ng pulisya na  motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More