ROLLBACK SA DIESEL; DAGDAG PRESYO SA GASOLINA

LANGIS-2

DAGDAG-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa Nobyembre 12. Bawas presyo sa presyo ng diesel ang ipatutupad habang sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng taas presyo sa gasolina. Ipatutupad ang mula P0.90-P1.00/litro dagdag sa presyo ng gasolina habang nasa P0.10-P0.20/litro naman ang rollback sa diesel. Sa kerosene ay nasa P0.10-P0.20/litro ang ibabawas sa presyo. Sa kabuuan mula Oktubre 1 ay nasa P2.55 ang naibawas sa presyo ng diesel habang higit sa P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.  

Read More

PRICE ROLLBACK

oil45

(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayon araw, (Oktubre 29). Sa inilabas na anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa P0.45 kada litro sa gasolina, P0.10 sentimos kada litro naman sa diesel at wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene  na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga. Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines, Petro Gazz na nagpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa kanyang diesel at gasolina ngayong araw. Nabatid na unang nag-rollback ang Clean Fuel ng P0.60 sentimos…

Read More