NOGRALES BIDA SA ABROAD SA PAGSUSULONG NG KAPAKANAN NG OFWs

REP NOGRALES-6

PINURI ng Alliance of Bonafide Recruiters for Overseas Filipino workers Advancement and Development (ABROAD) si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles dahil sa panukalang batas na isinusulong nito na pagbuo ng hiwalay na ahensiya upang humawak sa overseas labor cases.

Ayon kay ABROAD Convenor Russel Garcia, maganda ang hakbangin ni Nograles bukod pa sa napapanahon na upang bigyang pansin ang kapakanan ng mga makabagong bayani ng bansa.

Sinabi ni Garcia na ang National Labor Relations Commission ay hango sa batas na inakda ng US Congress noong panahon ng Commonwealth Republic bagaman nagkaroon ng amyenda noong 2015.

“Ang NLRC ay ahensiyang itinatag para manguna sa paghawak ng domestic labor cases bagama’t ito ang kasalukuyang humahawak ng mga claim sa pera na isinasampa ng OFWs, hindi ito tiyak at sadyang nakadesinyo para hawakan ang dumarami at sunod-sunod na mga kaso mula sa mga manggagawang nasa ibayong dagat,” ayon kay Garcia.

“Ang mga kaso ng OFW ay may kinalaman sa foreign labor at immigration laws, at mga patakaran ng mga pamamaraan at magkakaiba ang lahat ng ito kung pagbabasehan ang bawat bansa,” dagdag pa nito.

Matatandaang inihain noong Oktubre 21, 2019 ni Nograles ang House Bill No. 5171 na layuning maitatag ang Overseas Labor Relations Commission na dapat mayroong “eksklusibo at sapat na kapangyarihan sa lahat ng kasong may kinalaman sa employer-employee relations, documented or undocumented workers, manindigan o umaksiyon na ayon sa anumang batas o kontratang kinasasangkutan ng mga Pilipinong manggagawa para magtrabaho sa ibang bansa.”

Sinabi ng mambabatas na “Hindi ito lilikhain upang subukang magpatupad ng “one size fits all” approach para sa paghawak ng mga reklamo ng OFW dahil ang ibang bansa ay may sensitibong karapatan sa kanilang soberenya na gaya rin sa atin.”

Naunang sinabi ni Nograles na anumang panukalang makatutulong sa kapakanan ng mga OFW, na pangunahing sektor na may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa, ay dapat maipasa nang walang maraming tanong.

Ang hiwalay na labor relations commission para sa OFWs ay titiyakin din na ang migrant workers na mayroong hindi pagkakaunawaan sa paggawa, ay mabibigyan ng atensiyon at mapagkukunan na hindi nagagawa o kayang ibigay ng NLRC sa ngayon,” dagdag pa ni Nograles. PeryodikoFilipino Reportorial Team

Please follow and like us:
Read More

OFWs SA HK GIPIT; PASAPORTENG ISINANGLA KINUMPISKA

(NI DAVE MEDINA)

BUKING ang modus ng mga gipit na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hongkong na nagsasangla ng pasaporte para makapangutang sa lending company matapos kumpiskahin ang mga pasaporte ng mga ito.

Kasabay nito, umaabot sa 1,400 OFWs ang ilalagay sa watchlist ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa naturang iregularidad.

Ang aabot sa 1,400 na pasaporte ng mga (OFWs) na isinangla sa isang lending company ay nasa pangangalaga na ngayon ng embahada.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na ang naturang mga pasaporte ay ginamit bilang collateral para makapangutang ang mga OFW sa lending company na Overseas First Credit.

Subalit, sa Foreign Service Circular #2014-99 ng Hong Kong ay malinaw na nasasaad  na bawal gamitin ang passport bilang collateral sa anumang pangungutang o iba pang rason.

Bilang parusa sa naturang paglabag sa circular ng mga nahuli, ang kanilang mga pasaporte ay ipapawalang-bisa at isasauli sa Philippine Consulate sa Hong Kong.

Ayon naman sa  Philippine Consulate Office sa Hong Kong, 900 na pasaporte mula sa orihinal na kumpiskadong 1,400 pasaporteng nakumpiska ay na turn-over na sa kanilang tanggapan

Kaugnay nito, nilinaw ng Konsulada na papayagan naman ang mga OFW na muling mag-apply ng panibagong pasaporte ngunit sa paghahain ng panibagong aplikasyon ay kinakailangan nilang magsumite ng affidavit na umaamin at  nagsasabing ang luma nilang passport ay ginamit nilang pang-collateral upang makapangutang.

Please follow and like us:
Read More

5 OFW PAPUNTANG AIRPORT PATAY SA AKSIDENTE SA NLEX

accidentsign1

PATAY ang limang indibidwal habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan at isa ang nawawala makaraang maaksidente ang kanilang sinasakyang semi-van sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bayan ng Apalit, Pampanga, Sabado ng tanghali.

Sa panayam kay Supt. Elmer Decena, chief of police ng Apalit, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga nasawi habang naisugod naman sa iba’t ibang pagamutan ang siyam na kasamahan na lahat ay pawang mga Oversees Filipino Workers (OFW).

Sinabi pa ni Decena na isa pa sa kanilang kasama ang nawawala at kanila pa itong hinahanap habang isinusulat ang ulat na ito.

Lumalabas sa inisyal na ulat, pasado alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa bahagi ng NLEX via duct sa north bound lane sa Barangay Tabuyoc habang ang mga biktima ay lulan sa isang Hyundai H100 semi van o kapareho ng isang L300 van.

May kabilisan umano ang takbo ng sasakyan nang biglang pumutok ang likurang bahagi ng gulong kung saan napunta sa ikatlong lane mula sa second lane at tuloy tuloy itong bumaligtad, nagpagulong gulong hanggang tumilapon at mahulog sa ilalim ng tulay ang mga biktima.

Sinasabing mga empleyado ng manpower agency ang mga biktima na nakatakda sanang ihatid sa Clark International Airport sa Pampanga para bumiyahe palabas ng bansa, Sabado ng tanghali.

Patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad kaugnay ng malagim na trahedya.

 

Please follow and like us:
Read More

PINAS PANALO SA OFWs

Rep Aniceto Bertiz III

Umaabot sa $21.3 bilyon ang naipadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Pilipinas sa unang siyam na buwan ngayong taon.

Tumaas ito ng 2.5% sa naitalang $20.7 bilyon sa parehong siyam na buwan nitong nakalipas na taon.

Nakamit ng bansa ang sunstansiyal na halaga na walang dudang malaking ambag sa ekonomiya kahit bumaba nang bahagya ang naipada ng OFWs galing sa Saudi Arabia.

Ayon kay ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, nasa $1.662 bilyon ang naipadala ng OFWs mula sa Saudi nitong nakalipas na siyam na buwan.

Ani Bertiz, bumaba ito mula sa ipinadala nila nitong nakalipas na taon na umabot sa $1.894 bilyon sa loob din ng siyam na buwan.

Malaki pa rin ang naipadalang bilyun-bilyong pera sa Pilipinas ng OFWs mula Saudi Arabia kahit pakonti nang pakonti ang OFWs na nagtatrabaho sa Saudi Arabia dahil sa nasabing bansa.

Idiniin ni Betriz, “saudization” ng nasabing bansa ang dahilan ng pagbaba ng remittances nila kung saan ang kanilang sariling mamamayan ang prayoridad na bigyan ng trabaho bago ang mga dayuhan tulad ng mga Filipino.

Tinatayang bumaba umano sa 30% ang bilang ng mga Filipino na nagtutungo sa Saudi Arabia ngayong taon.

Idiniin ni Betriz na walang dapat ipag-aalala ang mga Filipino dahil bagama’t bumaba ang bilang ng OFWs na naidedeploy sa Saudi Arabia ay lumalakas naman ang demand sa mga manggagawang Filipino sa Asia, North America at Europe.

Maganda ang padala ng OFWs mula Singapore dahil tumaas ito ng 5.8% matapos umabot ito sa  $1.386 bilyon mula sa $1.311 bilyon noong 2017.

Sa United Kingdom, nagtala ng 9.9% na pagtaas ang remittances o $1.1 bilyon mula $1.0 bilyon noong 2017, habang sa Japan ay tumaas ng 4.4% o $1.131 billion ngayong taon mula sa $1.084 billion noong 2017.

Umaabot naman sa $711.27 milyon ang naipadala ng OFWs sa Canada ngayong 2018 mula sa $478.31 milyon noong 2017 o tumaas ng 48.7%, habang sa Hong Kong ay nadagdagan ng 10.5% o mula sa  $554.33 milyon noong 2017 sa  $612.61 milyon sa unang 9 na buwan ng taong kasalukuyan.

Maging sa Germany ay nakapagdala ang OFWs ng  $645.14 milyon mula sa $560.03 milyon o may pagtaas ng 15.2%, habang sa Malaysia ay nagremit ang OFWs ng  $341.68 milyon mula sa dating $226.04 milyon.

Nagtaasan din ang remittances ng OFWs buhat sa Taiwan, South Korea, Netherland, New Zealand at Norway sapagkat sa unang buwan ng taon ay umaabot sa $21.3 bilyon ngayong 2018 o mataas ng 2.5% sa naitalang $20.7 bilyon noong 2017.

Maging sa Germany ay nakapagdala ang OFWs ng  $645.14 milyon mula sa $560.03 milyon o may pagtaas ng 15.2%, habang sa Malaysia ay nagremit ang OFWs ng

$341.68 milyon mula sa dating $226.04 milyon.

Nagtaasan din ang remittances ng OFWs buhat sa South Korea ($247.84 milyon mula $203.424-M), Netherlands ($226.56 milyon mula $144.19 milyon), New Zealand ($184.94 milyon mula $90.03 milyon) at Norway ($120.40 milyon mula $100.7 milyon).

Syempre, napakalaki ng maiaambag nito sa ekonomiya ng bansa.

Please follow and like us:
Read More