OFW PATAY, GURO KRITIKAL SA TANDEM

(NI JG TUMBADO) DEAD on the spot ang isang 30-anyos na  Overseas Filipino Worker (OFW) habang nasa kritikal na kondisyon ang kasamahang guro matapos silang pagbabarilin ng riding in tandem sa Lucena City. Nakilala ang mga biktima na sina Marvin Mendoza, isang OFW at ang guro na si Roxanne Reyes, 36, ngayon ay patuloy na inoobserbahan sa Lucena Doctors Hospital bunsod ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan. Ayon sa report ng Lucena City Police Office (LCPO), pasado alas 10 ng gabi ng Biyernes, lulan umano…

Read More

4 PINOY PAPUNTANG LIBYA PINIGIL SA NAIA

tripoli libya12

(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga taga Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na Pilipino papuntang Libya sa kabila ng ipinatutupad sa deployment ban ng pamahalaan , dahil sa nagaganap na civil war sa bansang ito. Ayon sa report  mula sa pamunuan ng Bureau of Immigration, pasakay ang apat sa kanilang flight nang masakote ng mga tauhan ng BI sa NAIA Terminal 1. Ang apat ay na-intercept ng BI noong Biyernes bago makapag-board sa kanilang flight papuntang Abu Dhabi sa United Arab emirates. Nabatid…

Read More

SAKSAK SA LEEG, PASALUBONG NG MISTER SA OFW NA MISIS

SAKSAK-4

(NI ANNIE PINEDA) BUMULWAK  ang dugo mula sa leeg ng isang misis na Overseas Filipino Worker (OFW) at kauuwi lamang ng bansa nang salubungin ito ng saksak sa leeg ng kanyang mister, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Cauayan City. Kinilala ang biktimang si Mylene Baingan, 34, habang tugis naman ang suspek at asawa nito na kinilalang si Melchor Baingan, at kapwa residente ng San Francisco Benito Soliven, Isabela. Batay sa report ng San Mariano Police Station, naganap ang insidente sa bahay ng mga magulang biktima sa Dipusu,San Mariano. Lumabas…

Read More

OFW TINADTAD NG BALA SA KOTSE

CRIME12

(NI JG TUMBADO) BINARIL hanggang sa mapatay habang nasa loob ng kanyang sasakyan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Sitio Burol, Pambisang Malaki sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro. Kinilala ang biktima na si Ronnie Dimalibot Mojado, residente ng Barangay Inclanay, sa nasabing bayan. Batay sa paunang impormasyon, madaling araw ng Lunes nang matagpuan si Mojado na walang buhay sa kanyang kotse at tadtad ng mga tama ng bala ng baril sa katawan. Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang suspek matapos ang krimen. Patuloy nang sinisiyasat ng mga…

Read More

MISIS, LOVER, HULI NG OFW NA MISTER SA MOTEL  

(NI SIGFRED ADSUARA) HULI sa akto ni mister si misis at ang kalaguyo nito na umuwi lang mula sa kanyang pagtratrabaho sa abroad upang patotohanan  ang pagloloko ng kanyang misis, sa loob ng isang motel sa Kawit, Cavite. Kasong adultery ang isasampa laban sa 37-anyos na misis at 30-anyos na lover nito dahil sa reklamo ng asawa  na si ‘Alvin’,  40, isang Overseas Filipino Worker (OFW). Sa ulat ni PSSgt Mark Joseph Arayata ng Kawit Municipal Police station, dakong alas-12:15 kahapon ng madaling araw nang arestuhin ang dalawa sa loob…

Read More

TEACHER, 2 ANAK KINATAY NG MISTER; SUSPECT NAG-SUICIDE

(NI ANNIE PINEDA) PINANINIWALAAN sinumpong sa sakit sa pag-iisip ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na mister dahilan para pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kanyang misis at dalawang anak saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili, sa probinsya ng Butuan city. Kinilala ang nasawing suspek na si Rogelio ‘Jocjoc’ Ravelo Jr, 35, dating overseas Filipino worker (OFW), asawa nitong si Alfonsita Roales Ravelo, 39, elementary school teacher, at dalawa nilang mga anak na sina RJ Ravelo, 9 at CJ Ravelo, 3, pawang mga residente ng Sitio Gapas-Gapas Brgy.…

Read More

BABAENG OFW, 2 PA HULI SA P3.4-M DROGA 

(NINA ROSE PULGAR, KOI HIPOLITO/PHOTO BY RAFAEL TABOY) ARESTADO ang tatlo katao, kabilang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) at nakumpiskahan ng halagang P3.4 milyong halaga ng droga sa isinagawang buy- bust operation ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Taguig City Police at Quezon City Police, Sabado ng hapon sa Western Bicutan , Taguig City. Kinilala ni Police Col. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, ang mga nadakip na sina Joel Undong, 30, tricycle driver,  ng Zamboanga St. Maharlika Village , Taguig City,…

Read More

‘UMUWI KA NA, BABY!’ 

(NI ANNIE PINEDA) LABIS umanong pangungulila na nauwi sa hindi pagkakaunawaan ang nag-udyok sa isang mister para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo, iniulat kaninang umaga sa probinsya gn Camarines Sur. Kinilala ang biktimang Ronelo Piel, 42, at residente ng San Fernando, Camarines Sur. Batay sa report ng Camarines Sur -PNP,  naabutan na lamang ng kanyang pinsan ang biktima sa loob ng bahay nito na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay. Agad naman ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente at nakitaan ng tama ng bala ng…

Read More

2 PATAY SA BREAK-IN NG MOTORSIKLO

accident121

(NI MAC CABREROS) NASAWI ang dalawang magkaibigan nang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo, gabi ng Martes sa Marikina City. Naging huling biyahe nina Derrick Uy Rañola, 37, collector at Benikko Empedrado, 26, isang OFW, nang maaksidente ang mga ito mag-11:00 ng gabi sa M. A Roxas St., Brgy. Calumpang,  nasabing lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, lumitaw na magkaangkas ang dalawa sa Yamaha Sniper MX 150 Motorcycle na wala pang plaka at minamaneho ni Ranola. Binabagtas ang M.A. Roxas St., nang mawalan ng kontrol sa manibela si Ranola hanggang…

Read More

OFW NA MISIS PINATAY NI MISTER SA INIWAN NA UTANG

crime34

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang misis na ang kanyang pag-uwi mula sa ibang bansa, ay kanya na palang huling hininga, matapos itong pagsasaksakin ng kanyang asawa dahil umano sa mga pagkakautang, iniulat sa Zamboanga del Sur. Kinilala ang biktimang si Emilyn Lariosa, overseas Filipino worker sa bansang Malaysia at residente ng Tabina, Zamboanga del Sur. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Erwin Lariosa, at residente ng nasabing lugar. Batay sa report ng pulisya, Agosto 5, kauuwi lamang ng biktima galing sa bansang Malaysia nang salubungin ito ng…

Read More

STAR TOLLWAY TELLER NAGSAULI NG NAPULOT NA P500-K

(NI NILOU DEL CARMEN) WALANG panghihinayang na isinauli ng isang empleyado ng STAR tollway sa Batangas ang  kalahating milyong pisong laman ng bag na kanyang napulot habang naka-duty sa Malvar toll plaza. Kinilala ang 23-anyos na teller na si Jaymart Manlimid, residente ng Barangay Palindan. Ayon dito, nakaduty siya sa toll plaza nang aksidenteng mahulog sa isang sasakyan ang bag. Nang kanya umanong kunin ang bag ay tumambad sa kanya ang mga lamang US dollar kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa kanyang mga opisyal. Nang mahanap ang may-ari ng sasakyan, napag-alaman…

Read More

MAYMAY SOBRANG NAKA-RELATE SA ROLE NIYA SA HELLO, LOVE, GOODBYE

(NI VINIA VIVAR) MATAGAL na palang OFW (Overseas Filipino Worker) ang ina ni Maymay Entrata sa Japan kaya naman sobrang nakaka-relate siya sa karakter niya sa Hello, Love, Goodbye na isang DH (domestic helper) sa Hong Kong. “Lumaki po ako na ang nanay ko, OFW. Mahigit na pong 28 years na siya sa Japan, so hindi po talaga kami nagsama sa isang bubong,” kwento niya. Kaya alam na alam daw niya na talagang hindi maging madali na maging isang OFW na kailangang tiisin ang pangungulila at magsakripisyo talaga para mabuhay…

Read More

DUDANG MAY LOVER; MISIS NA OFW KINATAY NI MISTER

crime34

(NI JG TUMBADO) DAHIL sa tindi ng galit bunsod ng sobrang selos, nagawang pagsasaksakin ng isang mister ang kanyang misis na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Lebak, Suldan Kudarat. Namatay habang isinusugod sa pagamutan ang 39-anyos na biktima na si Daisy Villar, domestic worker sa United Arab Emirates (UAE), bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Habang ang suspek naman na si Anjo Villar ay nasa kostudiya na ng pulisya nang sumuko dalawang oras matapos ang krimen. Ayon sa report ng Sultan Kudarat…

Read More

KALBARYO NG PINAY WORKERS SA DUBAI 

pinayworker12

(NI ROSE PULGAR) SA isang maliit na kuwarto nagsisiksikan, gamit ang iisang palikuran na wala pang pinto at kapos sa pagkain. Ito ngayon ang sitwasyon ng daan-dang mga kababayang mga Pinay overseas Filipino workers (OFWs) na nasa pangangalaga ngayon ng konsulado sa Dubai, United Arab Emirates. Ang mga nasabing OFWs ay pawang mga undocumented domestic helpers na naloko ng mga illegal recruiter. Habang ang iba naman ay tumakas mula sa pagmamalupit ng kanilang mga employer at ang iba naman ay ibinalik ng kanilang dayuhang amo sa konsulado. Una na rito ang…

Read More

9 sa 24 STRANDED SA RIYADH NAKAUWI NA NG PINAS

ofw12

(NI KIKO CUETO) NAKAUWI na rin sa Pilipinas matapos ang ilang taon, ang nasa 26 na Pinoy na na-stranded sa Riyadh, Saudi Arabia. Inakusahan ang mga OFWs ng pagnanakaw ng kanilang kompanya. Sinabi ni Labor Attache Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, na napauwi nila ang siyam na OFW matapos silang makakuha ng pahintulot sa Saudi Labor Office na mailagay sila deportation center. “Masaya kami at may nauna nang siyam na nakauwi kamakailan matapos silang mabilhan ng OWWA ng pamasahe sa eroplano. Habang hinihintay pa namin…

Read More

OFW NIRATRAT NG RIDING IN TANDEM SA HARAP NG BAHAY

crime55

(NI JESSE KABEL) NIRATRAT ng riding in tandem ang isang overseas Filipino worker habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Cotabato City. Dead on the spot  si Rahima Balabaran, 30, at residente ng Brgy Datu Balabaran, Cotabato City . Si Balabaran na dating OFW ay pinagbabaril ng riding in tandem suspects dakong alas 7:09, Lunes ng gabi. Sa ulat ng Cotabato City Police Office, kasalukuyang nasa  harap ng kanyang tahanan ang biktima nang bigla itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45. Mabilis namang tumakas ang…

Read More

LALAKING NAKIPAGLIBING SA KAANAK, BINARIL, PATAY

batangas1

NI NILOU DEL CARMEN) ISANG tama ng bala sa ulo at isa sa dibdib ang ikinasawi ng isang nagbabakasyong OFW  na binaril sa harap ng sementeryo sa San Pascual,  Batangas, Sabado ng hapon. Ayon sa San Pascual police,  katatapos lamang makipaglibing sa isang pumanaw na kamag-anak ng biktimang si Dennis Abrahan,  44, ,  residente ng Barangay Manginao Proper,  Bauan,  nang ito ay barilin ng hindi nakilalang gunman sa harap ng Holy Cross Cemetery sa Barangay Sambat,  pasado alas 3:00 ng hapon. Ayon kay Police Major John Rillian,  hepe ng San…

Read More

LUBID SA DUYAN GINAMIT SA SUICIDE NG OFW

cebu200

(NI JESSE KABEL) BUMOTO muna bago nagbigti ang isang overseas Filipino worker dahil sa umano’y away nilang mag-asawa sa Toledo, Cebu, Lunes ng gabi. Ayon sa Toledo City Police Office, kauuwi lamang ng bansa ng biktima sa Brgy. Dinagat Soriano, ng nasabing  lungsod nang maganap ang insidente. Bago makitang nakabigti ang biktima ay nagtalo umano ang mag-asawa dahil sa madalas nitong pag-uwi ng gabi . Ilang oras pa ay nakita nang nakabigti ang biktima gamit ang lubid ng duyan ng anak.

Read More

ARMAS NA GAGAMITIN SA ELEKSIYON NABAWI, OFW ARESTADO

lanao12

(NI NICK ECHEVARRIA) INARESTO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos matagpuan sa bahay nito ang isang arms cache na naglalaman ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng mga baril at  bala sa Lanao del Norte, Biyernes ng hapon. Kinilala ang dating OFW na si Marry Ann Canoy, 36,  na dinakip bandang alas-4:00  matapos halughugin ng mga detectives ng CIDG sa bisa ng isang search warrant ang bahay na tinutuluyan nito sa Brgy. Labuay, Maigo, ng nasabing…

Read More

DOLE MAG-IIMBESTIGA SA PANG-AABUSO SA OFWs SA JEDDAH

jeddahmap12

(Ni FRANCIS SORIANO) GUMUGULONG na ang imbestigasyon  ng Department of Labor and Employment (DoLE), matapos magsumite ng ulat ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) na nakabase sa Jeddah na si Labor Attache Nasser Munder, sa pang aabuso umano sa mga sa overseas Filipino workers (OFWs)  ng kanilang recuitment agency sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia. Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, inatasan na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magsagawa ng imbestigasyon sa  recruitment firms na Madar Al Kharj Recruitment Agency at Lemploy Manpower Services Inc. Ayon sa ulat, …

Read More

SILAHIS NA PUMATAY NG KAPWA OFW SA SOKOR ARESTADO

nbi1234

(NI JULIE DUIGAN) NAHULOG sa kamay ng National Bureau of Investigation -International Operations Division (NBI-IOD), ang isang umano’y silahis na dating overseas Filipino worker (OFW) na inakusahang pumatay at nagbaon sa septic tank ng kapwa nito  OFW sa South Korea noong 2016. Nitong Huwebes ay ipinirisinta ni NBI Deputy Director for Investigation Jun De Guzman sa mga mamamahayag ang suspek na nakilalang si Yugoslav Magtoto, na inakusahan pumatay sa biktimang si Angelo Camen Claveria sa loob ng Doil Industrial Technology Co. LTD. , isang paint company. Nang mapatay ay itinago…

Read More

BI MAGHIHIGPIT VS MENOR DE EDAD NA ‘OFW’

bi12

(NI FROILAN MORALLOS) HIHIGPITAN ng Bureau of Immigration (BI) ang screening sa mga paalis na overseas contract workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makatangap ang BI sa modus ng sindikato sa pagre-recruit ng mga menor de edad na OFW palabas ng bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, binigyan niya ng instruction ang BI Port Operations Division Chief na NAIA, na kailangang nasa legal age na ang lalabas na OFW at may kakayahang magtrabaho sa ibang bansa. Ang mga kahina-hinalang workers ay dadalhin sa Travel Control and Enforcement…

Read More

SEAMAN TODAS SA VIDEOKE BAR

shooting

(NI JUN V. TRINIDAD) INFANTA, Quezon – Isang nagbabakasyon na overseas contract worker (OFW) ang binaril at napatay sa loob ng videoke bar sa bayang ito, Sabado ng gabi dahil lang sa pagtatalo ng dalawang lasing sa mesa na pag-iinuman. Sa report ni Chief Insp. Lowell Atienza, Infanta police chief, binaril si Christopher Espetero, 34, habang masayang nakikipag-inuman at nagkakantahan sa Sulok Resto Bar sa Barangay Comon bandang 10:15 ng gabi. Sa imbestigasyon, unang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at si Kenneth Avellano, 41, dahil sa pag-aagawan sa mesa na pupuwestuhan…

Read More

ISRAEL TATANGGAP NG 1K PINOY WORKERS

ofw1

GUSTO mong magtrabaho sa Israel? Ito na ang pagkakataong matupad ang pangarap dahil nangangailangan ngayon ang Israel ng aabot sa 1,000 Pinoy na magtatrabaho sa mga hotel sa naturang bansa. Ayon kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sigurado ang alok na ito dahil nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng DoLE at Israeli Tourism Ministry. Patuloy na lumalakas ang industriya ng turismo sa Israel kung saan ang gusto ng kanilang pamahalaan ay mga Pilipino ang maging empleyado nila dahil marunong itong mag-Ingles at napakahusay magsilbi at magtrabaho. Nagpaalala lamang si…

Read More