SIRANG DIKE BUMIGAY; 2 MAG-UTOL NADAGANAN, PATAY

dike12

(NI JG TUMBADO)

DALAWANG batang lalaki ang nasawi nang madaganan ng gumuhong dike ng flood control project sa Bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya, araw ng Miyerkoles.

Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima na magkapatid na sina Kevin Jose, 10 anyos at Mike Jhon Yadao, 8, habang nakaligtas naman ang isa pa nilang kapatid na apat na taong gulang na si Justine Sean.

Batay sa naisumiteng report kay Nueva Vizcaya Provincial Police Office (NVPPO) Director Police Lt. Col. Leumar Abugan, naglalaro ang magkakapatid na Yadao malapit sa sirang bahagi ng dike sa Barangay Macate nang bigla itong gumuho at madaganan ang dalawa.

Napag-alaman na katatapos lamang umanong mamulot ang magkakapatid ng tuyong mga tangkay ng puno sa ilog malapit sa dike at sumilong sa sirang pader ng dike para maglaro.

Sinasabing lumambot ang pundasyon at haligi ng dike sa paglipas ng panahon at una na itong nasira noong taong 2017.

Please follow and like us:
Read More

MEASLES OUTBREAK SA REGION 2 POSIBLE

tigdas

UMAKYAT na sa 578% ang itinaas sa kaso ng tigdas sa Region 2 at posibleng ideklara na ng Department of Health (DoH) ang measles outbreak sa Region 2.

Sa Cagayan at Isabela ang naitalang may pinakamataas na kaso ng tigdas, ayon pa sa report. Tumaas din umano ang kaso ng tigdas sa Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino.

Base sa talaan ng DOH na mayroon ng 136 na pasyente na nadapuan ng tigdas ang nasawi habang umabot na sa 8,443 ang nagkakasakit ng tigdas.

Please follow and like us:
Read More

CARNAPPER PATAY SA ENTRAPMENT

nueva1

SA halip sumuko, binaril ng suspect na si Jayson Ragule, ng San Antonio Bambang, Nueva Vizcaya, ang ka-transaksiyong pulis dahilan para barilin ito at mapatay.

Sinabi ni S/Insp. Samuel Lopez, hepe ng Bambang Police Station na kilalang napatay na kilabot na carnapper sa lalawigan at nitong huli ay mga motorsiklo na ang ninanakaw at ibinebenta.

Sa isang entrapment operation ng Intelligence Branch ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, naikasa ang bentahan ng baril at motorsiklo.

Sa kalagitnaan ng transaksiyon ay natunugan umano ng napatay na pasok sya sa entrapment kaya’t agad niyang binaril ang poseur-buyer na pulis.

Pinaputukan niya sa dibdib ang pulis ngunit naka-bullet proof vest ito kaya’t nang gumanti ay agad bumulagta ang napatay.

Narekober kay Ragual ang isang caliber 45 na baril at motorsiklo na kaniyang ibinebenta. Nakuha rin sa kanyang bag ang tatlong maliliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Batay sa record ng Philippine National Police, kinasuhan na si Ragual ng carnapping noong 2017.

Please follow and like us:
Read More

17-ANYOS ARESTADO SA RAPE NG 13-ANYOS TEXTMATE

chat

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ng pulisya ang isang 17-anyos na lalaki dahil umano sa paulit-ulit umanong panghahalay nito sa kanyang 13-taong gulang na ka textmate sa Nueva Vizcaya.

Sinampahan ng 14 na bilang ng kasong rape ng kanyang mismong menor de edad na biktima ang binata na itinuturing na children in conflict with the law dahil ito ay menor de edad rin at napag-alamang No. 1 most wanted person sa Dupax del Sur.

Ang binata ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Paul Atolba ng Regional Trial Court Branch 3o sa Bambang, Nueva Vizcaya dahil sa reklamong naiparating sa korte ng biktima.

Binanggit ni Chief Insp. Ryan del Malanta, hepe ng Dupax del Sur Police Station, sinundo umano ng akusado ang biktima matapos magkasundo ang mga ito na mag ‘eyeball’ sa isang lugar dahil unang pagkakataon nilang magkikita bilang magka-textmate.

Nangyari ang insidente nitong Enero 26 kung saan ng magkita ang dalawa ay agad dinala ng lalaki ang ka textmate sa isang abandonadong bahay sa Barangay Banila, Dupax del Sur at doon umano itinigil ng isang linggo at kahit labag sa kalooban ng biktima ay paulit ulit siyang hinalay.

Nang payagang makauwi ng lalaki ang biktima ay dito na nagawang makapagsumbong sa kanyang tiyuhin na kasama niyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magreklamo.

Please follow and like us:
Read More

NDFP PEACE CONSULTANT BINARIL 

randy600

PATAY sa loob ng bus habang natutulog si  National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant  si Randy Felix P. Malayao, sa Aritao, Nueva Vizcaya, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa report, nasa bus si Malayao nang umakyat ang gunman, nilapitan ang natutulog na biktima at pinagbabaril. Namatay noon din si Malayao.

Bago kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa NDFP, dumalo si Malayao sa formal peace negotiations sa Europe bilang consultant ng Cagayan Valley, Nagsilbi rin siyang spokesperson ng NDFP Negotiating Panel sa Europe.

Kumatawan din si Malayao sa mga NDFP peace forums kasama si Secretary Silvestre Bello III, Atty. Angel Librado Trinidad at iba bilang kinatawan ng bansa sa peace negotiations.

Hindi tulad ng ibang NDFP peace consultants, walang kasong kriminal si Malayao sa korte ng gobyerno kayat’ Malaya siyang nakadadalo sa ilang peace-related activities.

Si Malayao ay dating political prisoner na dinukot at pinahirapan sa ilalim ng rehimen ni Gloria Arroyo. Nakulong siya ng mahigit sa apat na taon sa Cagayan at Isabela at pinalaya lamang nang mapatunayang hindi siya sangkot sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Si Malayao ay isa ring columnist sa Baguio City-based newspaper na Northern Dispatch.

 

 

Please follow and like us:
Read More