2 PULIS DINISARMAHAN NG NPA

(NI JG TUMBADO)

DALAWANG pulis ang iniulat na dinis-armahan ng mahigit 20 armadong lalaki na umano’y miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sindon Bayabo, sa Ilagan City.

Napag-alaman sa impormasyon, Biyernes ng umaga nang mangyari ang insidente sa Sitio Laguis kung saan hinarang ng nasa 25 NPA members sina Police Master Sergeant June Baribad at Police Cpl. Brian Balis, kapwa nakatalaga sa Divilacan Municipal Police.

Base sa imbestigasyon, inutusan ni Police Capt. Francisco Dayag, hepe ng Divilican, ang dalawa na ihatid ang mga sensitibong dokumento sa Provincial Police Office.

Sakay ang dalawang pulis sa isang motorsiklo nang sundan at harangin ng grupo sa naturang lugar at agad kinuha sa mga ito ang kanilang service firearms.

Tumakas ang mga rebelde patungo sa kabundukan ng Sierra Madre.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya katuwang ang militar laban sa nasabing grupo.

Please follow and like us:
Read More

1 NPA PATAY, 1 MILITAR SUGATAN SA ENCOUNTER

(NI CYRILL QUILO)

CAMP CAPINPIN TANAY RIZAL-Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army at isa naman ang nasugatan sa tropa ng militar sa engkwentro, Sabado ng umaga sa Sitio Cambiswer, Poblacion, Calintaan City,Occidental Mindoro.
Ayon kay Lt.Col.Alex Arbolado, commander ng 4th Infantry Battalion, natuntunton ng militar at pulis ang mga NPA dahil sa sumbong ng isang concerned citizen sa Brgy.Poypoy.

Ito ay dahil sa pangingikil ng pera at panghihingi ng pagkain na may kasama ang bantang pananakot.

Nagpatrulya ang Balintaan Municipal Police Station at tropa ng militar upang beripekahin ang insidente ngunit napag-alamanan na lumipat ng ibang lugar ang mga NPA. Nagpang abot sila sa Sitio Canbiswer at doon nagkaputukan na tumagal ng halos 30 minuto.

Patay ang isang NPA habang marami ang pinanininwalaang sugatan dahil sa mga nagkalat na dugo sa paligid. Habang si Col. Freddie Casinova naman ay bahagyang nasugatan sa kanyang likuran.

Narekober sa lugar ang isang M14 rifle,1 M16 rifle na may 203 grenade launcher,1 bandoleer na may lamang bala,1 binocular,1 handheld Icon Radio,1 improvised explosive device ,mga dokumento at ilang gamit.

Pinuri naman ni Brig.Gen.Marcelino Teofilo ng 203rd Brigade Commander ang magigiting na sundalo dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin at pagpoprotrlekta sa mamamayan sa Mindoro.

Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mamamayan dahil sa pakikipagtulungan nito sa mga pulis at militar.
Hinikayat naman ni Brig. Gen. Elias Escarcha, ng 2nd Infantry Division na magbalik-loob na sa gobyerno ang grupo ng NPA lalo na ang mga matataas na lider.

Please follow and like us:
Read More

‘BIHAG’ NG NPA NATAGPUANG PATAY

surigao del sur123

TANDAG CITY, Surigao del Sur—Bangkay  na nang matagpuan ang isang lalaking umanong isa sa mga binihag ng rebeldeng New People’s Army (NPA), sa Sitio Banahao nitong Biyernes.

Kinilala ng 36th Infantry Battalion ang nasawi na isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary na si Ryan Badiang, 24. Off duty umao ito nang dukutin ng mga rebelde kasama ang iba pang bihag.

Nagsasagawa ng rescue at pursuit operations ang militar nang madiskubre ang bangkay ng ni Badiang.

Nakilala ang biktima dahil sa kaniyang suot na damit.

Binihag si Badiang noong Mayo 30 kasama ang 3 pang sibilyan ngunit hindi pinalaya tulad ng tatlong iba pa noong Hunyo 3.

Kinondena ni Infantry battalion commanding officer Lt. Col. Xerxes Trinidad ang ginawa ng rebelde. “Ganito po kasama ang mga NPA, ang ginagawa nila papatay ng sibilyan, mangkikidnap ng sibiliyan papatayin,” aniya.

Wala pang inilalabas na pahayag ang NPA kung sila nga ang may kinalaman sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

CAFGU SA BRIGADA ESKWELA, BRUTAL NA PINATAY

agusan del sur12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BRUTAL na pinatay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang Cafgu na bahagi ng Brigada Eskwela ng Departmen of Education (DepEd) sa Agusan del Sur noong May 30.

Sa naantalang ulat ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army, nakilala ang biktima na si  Felipe Amado, 42, isang Manobo, ng Barangay Lydia, La Paz sa nabanggit na lalawigan.

Naganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa naka-off duty na Cafgu sa nabanggit na Barangay na tumutulong lamang sa isinasagawang Brigada Eskwela sa Lydia Elementary School.

Sa salaysay ng isang alyas Dindo, sakay sila ng dalawang motorsiklo pabalik sa nasabing barangay matapos manguha ng mga dahon ng niyog na gagamitin sa ginagawang pansamantalang classroom ng mga magbabalik eskwela nang harangin sila ng limang armadong NPA.

Armado ng AK-47, M-16 at M-14 rifle, tinutukan sila ng limang mga armadong rebelde at sinabing si “Iping” (alyas ng biktima) lang ang kailangan ng mga ito, kaya naman mabilis ng tumakbo palayo si alyas Dindo habang pinaputukan ng mga NPA.

Una umanong binaril sa paa ang biktima at saka tinadtad ng bala sa kanyang baywang at kili-kili, pinagsasaksak din ito sa tiyan at hindi pa nakuntento ang mga rebelde binali pa ang leeg at binalatan ang kaliwang kamay ng biktima.

Kinondena naman ng militar ang patraydor at walang awang pagpatay ng mga NPA sa biktima na tahasang paglabag umano sa International Humanitarian Law.

“We deeply mourn for his tragic death. We will seek for justice in behalf of his family  and we’ll provide all necessary assistance due them. This should be a clear eye-opener to everyone that these terrorist NPAs are just plain criminals and murderers, so stop supporting them in any ways” pahayag ni Col. Allan Hambala commander ng 401st Brigade.

 

Please follow and like us:
Read More

JOINT OPERATION VS KINIDNAP NG NPA IKINASA

cppnpa12

(NI JG TUMBADO)

ISANG joint search and rescue operation ng pulisya at militar ang inilunsad upang  sagipin ang tatlong indibidwal na dinukot ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte.

Sa impormasyon mula kay CARAGA  Region Police Office Director Brig. General Gilbert Cruz, ang tatlo ay kasama sa grupo ng pitong indibidwal, kabilang ang dalawang bata, na una nang puwersahang dinukot ng mga rebelde sa tabi ng ilog ng Tandag, Sitio Pog, araw ng Huwebes.

Pinakawalan din umano ang apat maliban kina Juagpao Badiang, kasapi ng Civilian Armed Auxillary; Wendil Delicuna, isang dating NPA at Angelo Duazo na iginapos at dinala sa bulubunduking bahagi ng Sitio Banahao, Maitom, Tandag City Surigao del Norte.

Tinukoy naman ng militar ang isang Joel Mahinay, alyas Nico, ng Sandatahang Platoon Pampropaganda ng North Eastern Mindanao Regional Front ng CPP NPA ang nasa likod ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

CONVOY NG DAYUHANG BISITA SA KATUTUBO, PINASABUGAN

bukidnon map 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINASABUGAN ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ng anti-personnel mines ang convoy ng sasakyan na kinalululanan ng mga foreign nationals, local volunteers at mga escort na sundalo sa Bukidnon, Huwebes ng umaga.

Sa naturang pagsabog na naganap sa Sitio Nasandigan, Brgy. Kalabugao, Impasug-ong habang dumaraan ang sinasakyan ng grupo ng mga biktima, 11 ang iniulat na nasugatan.

Pito sa mga nasugatan ay mga sundalo na kaagad ding nakaganti ng putok at hinabol ang mga rebelde na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlo sa mga ito sa mga tumatakas na NPA.

Nagtungo umano ang mga dayuhan mula sa komunidad ng mga Indigeous People sa mga bansang Vietnam, Myanmar, Indonesia at Malaysia sa Sitio Mintapod, Brgy Hagpa, Impasugong, Bukidnon para obserbahan ang mga activity ng mga local IP community volunteers ng Higaonon Amamag Malandang Olandok Gagaw (HAMOG), na isang non-government organization na nagpo-promote sa cultural preservation sa lugar.

Bibisita sana ang nasabing grupo sa kanilang “PAUNLAY TA AGHIMICU” (forest visitation phase II) kaya humingi ng security escort ang HAMOG sa Impasugong IPMR at sa  Philippine Army para sa nasabing aktibidad.

Nakarekober ang mga sundalo ng dalawa pang hindi sumabog na anti-personnel mines na naiwan ng mga tumakas na rebeldeng NPA.

Ang narekober na anti-personnel mines ay maaaring makapinsala sa mga dumaraang mga sibilyan sakaling sumabog.

Sinabi naman ni Col Edgardo De Leon, commander ng 403rd Infantry Brigade na isang malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law ang paggamit ng nasabing mga pampasabog.

 

Please follow and like us:
Read More

ASAWA NG LIDER NG NPA NASAKOTE SA BATANGAS

npa12

(NI CYRILL QUILO)

CAMP Capinpin, Tanay, Rizal – Isang babaeng miyembro na asawa umano ng lider ng New People’s Army (NPA) ang nahuli habang ang ilan ay napatay ng militar sa isang engkwentro sa pinagsanib pwersa ng Intelligence Operatives, Martes ng umaga sa Sitio Maquito, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas.
Ang babae ay kinilala lamang na asawa ni alyas Jethro, isang lider ng NPA sa Batangas.

Samantalang ang iba ay napatay sa engkwentro ng mga militar.
Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan sa pagitan ng militar at NPA. Narekober ang (1) M653 rifle, (1) cal.45 pistol, IED, iba’t ibang klase ng bala at ibang materyales gamit sa paniniktik at ilang dokumento.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Burgos Jr. ng 202nd Infantry (UNIFIER) Brigade, ito ay isang paghahanda ng muling pagsalakay o panggugulo ng mga makakaliwang grupo laban sa gobyerno na gagawin sa Mayo 1 sa buong CALABARZON.

Sinabi naman ni Maj. Gen. Rhoderick Parayno, Commander ng Philippine Army 2nd Infantry Division, bagama’t isang NPA na hindi nanakit ang kanilang nahuli, kailangan irespeto ang kanilang karapatang-pantao.
Noong Abril 24, 11 NPA ang nangako sa Cavinti, Laguna at 23 kapitan ng tribo ang nagawaran ng E-CLIP na siyang programa ng gobyerno bilang panimula patungo sa pagbabagong buhay.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG NPA HULI SA ENTRAPMENT; BIKTIMA PUMALAG

cppnpa12

(NI SIGRED ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maaresto sa entrapment operation sa aktong na humihingi ng revolutionary tax sa mga mangingisda sa Tanza, Cavite.

Kasong robbery extortion ang isinampang kaso laban sa naarestong  suspek na si Edison Malaras Jr, may-asawa, ng 143 Sta Rosa Ave., Maria Subd., Mabalacat, Pampanga at Tramo St., Brgy Amaya 1, Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ng isang Adelfa Lejano, miyembro ng Pamalakaya, isang asosasyon ng mga mangingisda.

Sa ulat ni PSSgt. Darius Dela Vina, ng Tanza Municipal Police station, dakong alas- 3:45 Miyerkoles ng hapon, nang ikasa ng Tanza MPS, POOG-PIB, SWAT Cavite, Naval Intelligence Security Group, NCR Naval Intelligence and Security Force (PN) at  Coast Guard Intelligence Force, Field Station NCR-Central Luzon (PCG) ang pag-aresto sa suspek sa Cesa Road, Bgy Amaya 1, Tanza, Cavite.

Ayon kay Dela Vina, modus operandi ng suspek ang pagpapakilala nitong miyembro ng NPA  at nagpadala ito ng liham sa biktima kung saan humihingi ng P300,000 na revolutionary tax at kung hindi ito magbibigay ay susunugin niya ang ilang bangka na pagmamay-ari ng mga miyembro. Nag-iwan din ito ng contact number para siya tawagan.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation at sa aktong iniaabot ng huli ang  boodle money sa suspek ay inaresto ito.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .38 na baril at mga bala, wallet na naglalaman ng lisensiya ng isang mangingisda, mga identification cards, cellphone at ang boodle money na P1,500.

Sa pagkakaaresto sa suspek, nabulgar din na siya rin ang dating nagpapakilalang miyembro ng NPA na humihingi ng revolutionary tax sa ilang miembro ng Pamalakaya, partikular sa Amaya 1,  Tanza, Cavite at siya rin ang suspek sa pagsusunog  ng ilang bangka ng mga mangingisda noong January 6, 2019.

Nakakulong ngayon sa Tanza custodial center ang naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More

6 SUNDALO PATAY, 9 SUGATAN SA PAGSABOG NG IED NG NPA 

phil army12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang anim na sundalo habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) na inihagis sa kanila ng mga nakasagupang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Calbiga, lalawigan ng Samar, araw ng Martes.

Ayon kay Major General Noel Clement, Commander ng Central Command (CENTCOM) sa Visayas Region, alas 2:45 ng madaling-araw nang sumiklab ang engkuwentro sa lugar.

Nasa liblib na lugar ng Barangay Biri ang mga tropa mula sa 46th Infantry Battalion-Philippine Army na pinamumunuan ni Army Sgt. Gilbert Benito para magsagawa ng community support program nang hagisan ng ilang pirasong IED at pinagbabaril ito ng mga rebelde hanggang sumabog ang isa sa mga bomba.

Nasawi ang anim na sundalo sa insidente na nakilalang sina Corporal Alexander Abing, Private First Class (PFC) Garcia, PFC Paster, PFC Constantino, Private Lagrimas, at Corporal Mamalo.

Sugatan naman sina Sergeant Benito, PFC Magoncia, PFC Friguillana, Cpl. Vigilla, PFC Salonga Private Espanol, at tatlong iba pa.

Nakaganti naman ng putok ang mga sundalo sa mga umaatakeng rebelde hanggang mapilitang umatras ang mga ito sa mahigit 20 minutong palitan ng putok.

Please follow and like us:
Read More

PERMIT-TO-CAMPAIGN TINABLA, BGY CAPTAIN DINUKOT NG ‘NPA’

npa12

(NI JG TUMBADO)

DINUKOT ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang isang kapitan ng barangay at tatlong iba pa sa bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro gabi ng Biyernes.

Sa impormasyon mula kay Police Lt. Col. Socrates Faltado, public information officer ng Mimaropa Regional Police Office, kinilala ang mga biktima na sina Raymund Malupa, Louie Mebdinille, Ricky Capillo at Peter Delos Santos, kapitan ng Barangay Malo.

Ayon sa imbestigasyon, nasa 10 armadong lalaki na pawang mga armado ang sapilitang tumangay sa mga biktima at tumakas patungong Sitio Sawmill sa nabanggit na barangay.

Sinasabing isang masugid na tagasuporta ng kasalukuyang alkalde at re-electionist sa bayan ng Bansud na si Mayor Angel Saulong si Delos Santos.

Pero bago ang nangyaring pagdukot, una nang nai-report ni Mayor Saulong sa pulisya kaugnay ng ilang text messages mula sa rebeldeng grupo at humihingi ng kabayaran para sa kanilang permit-to-campaign.

Nagbabala rin ang NPA na sasaktan nila ang sino mang mga kumakandidato sa lugar kapag hindi sila nagbayad sa pangangampanya.

 

Please follow and like us:
Read More

45 NPA SUMUKO SA CALABARZON; ARMAS ISINUKO RIN

npasuko12

(TEKSTO/PHOTO BY NILOU DEL CARMEN)

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA – Umaabot sa 45 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Calabarzon Police Regional Office (PRO 4A) nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Superintendent Chitadel   Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon police, 19 na babae at  26 na lalaki na mga kasapi  sa mga grupong  Milisyang Bayan (MB), Kontak, Baseng Masa at  Organisadong Masa na nasa ilalim ng  Komiting Larangan Girilya (KLG) Cesar, Sub- Region Military Area na kumikilos sa Rizal, Laguna at Quezon ang nagbalik-loob sa pamahalaan.

Kasama sa mga sumuko ang limang pinuno ng tribong Dumagat na nakabase sa Sierra Madre Mountains range.

Ang mga nasabing katutubo na nakatira sakop ng Laguna, Rizal at Quezon ay ginagamit ng mga rebelde bilang mga pasa-bilis at tagapagmatyag sa kilos ng mga tropa ng pamahalaan.

Isinuko rin ng mga nagbalik-loob na rebelde ang pitong mahahabang armas na kinabibilangan ng armalite, carbine at garand rifle; pitong shotgun at 11 handgun at iba’t ibang uri ng mga bala.

Nakatakdang makipag-ugnayan ang PRO 4A sa Department of Interior and Local Government (DILG) at  Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maisalalim ang mga sumukong rebelde sa proseso at makatanggap ang mga ito ng tulong mula sa Enhance Comprehensive Local Integration program ng pamahaalan.

Please follow and like us:
Read More

TROPA NG MARINES INAMBUS NG NPA

npa

NAGKAROON ng ilang minutong sagupaan sa pagitan ng komunistang NPA at tropa ng Philippine Marines habang nagbabantay sa kaligtasan ng mga residente sa Barangay Naddungan, Gattaran Cagayan.

Nabatid na patungo ang tropa sa ilalim ng 5th ID na nakahimpil sa Santa Ana, Cagayan nang makasagupa ang mga komunistang grupo sa lugar. Nagulat umano ang Marines sa pagpapaputok ng mga rebelde.

Sinabi ni Major Noriel Tayaban, DPAO Chief ng 5th ID, na malapit na sa Awallan Baggao, Cagayan ang tropang pinamunuan ni First Lt. Valencia nang makasagupa ang mga rebelde.

Wala umanong nasawi o nasugatan sa panig ng militar.

Idinagdag pa ni Major Tayaban na malinaw na mayroong prisensiya ng NPA sa Cagayan ngunit laging handa umano ang militar na tugisin sila.

Please follow and like us:
Read More

14 NASAWI SA SEARCH OPS MIYEMBRO, SUPPORTERS NG NPA — PNP

negros oriental

NANINDIGAN ang Philippine National Police regional office 7 na ang 14 nasawi sa ginawang pagsalakay sa Negros Oriental ay mga kasapi at supporters ng New People’s Army na nakatakdang lumusob sa Canlaon City police station tulad ng naganap sa Samar nitong linggo.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Debold Sinas, director ng Police Regional Office-7 na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga grupo na kasapi ng SPARU ng NPA sa mga probinsiya ng Canlaon City, Sta. Catalina at Manjuyod.

Dahil dito agad kumuha ng search warrant matapos makumpirmang may balak gumawa ng karahasan ang mga grupo at makakuha ng impormasyong mga armado ang mga ito.

Nanlaban umano ang mga nasawi nang ikasa ang search warrant habang nakaaresto ng 12 kung saan may mga nakuhang dokumento at mga baril.

Kasama umano sa dokumento ang plano ng NPA na lusubin ang Canlaon PNP. Sinasabing mayroong sketch ng Canlaon City police station gayundin ang listahan at pangalan ng mga pulis at naka-duty na pulis.

Naniniwala ang kapulisan na plano rin ng grupong lusubin ang police station tulad ng naganap sa Samar kung saan nabigo ang rebelde na ikinasawi ng tatlo at pagkaaaresto ng isang sinabing rebelde na iniwan ng grupo habang patakas.

Noong nakaraang linggo ay isinailalim sa red alert status ang Negros Oriental dahil sa intelligence reports na lulusubin ito ng mga rebeldeng grupo.

Please follow and like us:
Read More

POLICE STATION SINALAKAY; 3 NPA PATAY, 2 PULIS SUGATAN

militarynpa123

(NI NICK ECHEVARRIA)

TATLONG rebelde ang patay at isa ang arestado habang dalawa naman ang sugatan sa hanay ng pulisya sa nabigong pagsalakay ng humigit kumulang 50 mga  miyembro ng Communist Terrorist Group sa isang Municipal Police Station (MPS) sa Samar, Huwebes ng madaling araw.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Brigadier Dionardo Carlos sinalakay ng mga armadong rebeldeng NPA ang Victoria MPS sa Northern Samar ganap na alas-3:30.

Matagumpay namang naipagtanggol ng 15 police personnel na naka-duty ang kanilang himpilan na pinangunahan ni P/Lt. Eladio G. Alo, ang Chief of Police ng nabanggit na Police Station, hanggang sa magsitakas ang mga sumalakay na rebelde.

Bagaman dehado sa bilang, nakuhang dumipensa ng mga alertong pulis ng Victoria MPS laban sa mga lumusob na NPA lulan ng isang forward truck na nakasuot ng military fatigues at may dilaw na head band  sa kanilang mga ulo.

Matapos ang bakbakan, iniwan ng mga sumalakay na rebelde ang bangkay ng tatlo nilang kasamahan habang naaresto ang isa pa na hindi pa batid ang mga pangalan samantalang sugatan naman sina P/Msg Arturo Gordo Jr. na tinamaan ng shrapnel sa kanyang ilong at mata habang sa mukha naman nahagip ng mga tumilansik na shrapnel si P/Msg Arnold Cabacang, masuwerte namang kapwa minor injury lamang ang tinamo ng dalawang pulis.

Narekober naman ng mga awtoridad ang (1) cal. 60, (1) M14 rifle, at ang mga bangkay ng nasawing mga rebelde na nakaposisyon ang isa sa harapan ng police station habang dalawa naman sa likurang bahagi.

Agad namang pinapurihan ng mataas na liderato ng PNP ang mga myembro ng Victoria Municipal Police Station sa ipinakitang katapangan at kahandaan laban sa mga sumalakay na rebeldeng NPA na ang ilan ay napansin na mga kababaihan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 OPISYAL, STAFF NG NPA, TIMBOG SA LAGUNA

npa12

(NI NILOU DEL CARMEN)

NATIMBOG  ang mag-asawang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF at isa pa nilang kasamahan sa  Liliw,  Laguna, Linggo ng hapon.

Kinilala ng Laguna police ang mga naaresto na sina Francisco Fernandez, 71,  tubong Ilaya Dumanhog, Cebu City,  chair at spokesperson ng Kilusang Rehiyon Negros (KRN) Committee at isa ring NDF consultant; at umano’y maybahay na si  Cleofe Lagtapon, 66,   tubong Negros Occidental, regional deputy secretary for communications ng Komite Rehiyon- Negros Cebu Bohol Siquijor; at Gee-Ann Perez, 20, tubong Lapu-lapu City, Cebu  at regional communications staff, ng nasabi ring grupo.

Isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP ang dalawang warrant of arrest sa kasong murder kaya naaresto ang mga ito sa kanilang  pansamantalahang tinitirahan sa Barangay  Calumpang  nasa hangganan ng mga bayan ng Liliw at Nagcarlan alas 5:15 ng hapon.

Nakuha sa mga ito ang tatlong baril, mga magazine at bala, tatlong  granada at mga subersibong dokumento.

Bukod sa murder case laban sa dalawang  opisyal, kakasuhan pa silang tatlo ng illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa Comelec gunban.

Please follow and like us:
Read More

4 ‘NPA/EXTORTIONIST’ HULI SA CAVITE

arrested

(NI FRANCIS SORIANO)

Camp Gen Alejo S Santos, Malolos, Bulacan – Arestado ang 49-anyos na miyembro ng liquidation squad umano ng CPP-NPA matapos na magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib na pwersa ng Bulacan PNP at  Cavite PNP Huwebes ng ng hapon.

Kinilala ni PSSUPT Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan PNP ang suspek na si Susana Masicap, residente sa Bangcod Indang, Cavite.

Ayon kay Bersaluna,  lumapit ang isa nilang biktima para sa kanyang seguridad kaya agad na nagkasa ng joint entrapment operation ang Bulacan Provincial Intelligence Brach (PIB), Regional Intelligence Unit (RIU) 3, Bocaue Municipal Police Station sa koordinasyon ng Regional Intelligence Unit (RIU) 4-A at Cavite Provincial Intelligence Branch (PIB).

Naaresto ang suspek habang inilalabas ang extortion money na ipinadala ng kanyang biktima sa isang remittance center sa Trese Martires, Cavite.

Si Masicap,  umano ay miyembro  ng gun-for-hire at active member ng CPP/NPA hit squad na humihingi ng pera sa kanilang biktima kapalit ng kanilang buhay.

Samantala,  arestado rin sina Rommel Dugang, Walter Pabros, 23, ng Brgy Bulihan, Plaridel sa kasong theft, at  Lambert Aves, 25, sa kasong rape, makaraan nitong molestiyahin ang 14-anyos  na dalagita sa Barangay Buliran, San Miguel, Bulacan.

 

Please follow and like us:
Read More

MARIJUANA PLANTATION NG NPA NATUNTON

mj

(NI Nick Echevarria)

ISANG marijuana plantation ng New People’s Army (NPA) ang nilusob ng mga tauhan ng pinagsamang pwersa  ng Police Regional Office (PRO) 12 at Armed Forces of the Philippines (AFP), Linggo ng umaga sa Brgy. Nalus, Kiamba,  Sarangani Province.

Ayon sa  ulat ni PRO 12 Regional Director P/CSupt. Eliseo Tam Rasco na nakarating sa Camp Crame, ikinasa ang pagsalakay matapos ang koordinasyon sa PDEA 12 ganap na alas-6:00 ng umaga at natapos bandang alas-7:00 ng gabi.

Sa isinagawang joint operation, naka-engkwentro ng mga tauhan ng pamahalaan bandang alas-11:00 ng umaga ang hindi mabatid na bilang ng mga  NPA sa ilalim ng isang kumander Gorio/Toto na tumagal ng 15- minuto bago  nagsitakas ang mga rebelde.

Nabawi sa lugar ng engkwentro ang .30 cal carbine rifle, cal. 38 pistol, bandolier na may 8 magazines ng cal .30 ammo, subersibong dokumento, at isang bandila ng NPA.

Ganap na alas-3:30 ng hapon nang matunton ng mga awtoridad ang plantasyon ng marijuana dahil sa kanilang patuloy na pagtugis sa mga nagsisitakas ng rebelde.

Ilang mga pinatuyong dahon at tangkay na lamang ng marijuana ang inabutan ng mga tropa ng pamahalaan habang hinihinalang naani na ng mga NPA ang karamihan sa mga tanim na marijuana.

Please follow and like us:
Read More

NAGPAKILALANG NPA ‘NANGOTONG’ HULI SA SAN JUAN

kotong1

(NI NICK ECHEVARRIA)

MATAPOS ang apat na taong pagtatago, naaresto ng mga tauhan ng San Juan City Police ang isang nahatulan na nagpakilalang miyembro ng CPP/NPA na nangikil sa isang construction firm sa Makati City noong 2015.

Kinilala ni San Juan City Police Chief P/SSupt. Ariel R. Fulo ang nadakip na suspek na si Mario Luis Gonzales, 67, at residente ng No.19 J. Vicencio St., Bgy. Sta Lucia ng nabanggit na lungsod.

Sa report ni Fulo  kay Eastern Police District Director P/CSupt. Christopher Tambungan, naaresto ang suspek  sa kanyang tahanan sa nabaggit na address noong Miyerkoles ala-1:20 ng hapon. Halos isang buwang surveillance matapos na itimbre ng kanyang mga kapitbahay.

Armado ng warrant of arrest sa kasong robbery/extortion na ipinalabas ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 143 na may petsang Nov. 17, 2017 mula sa sala ni Judge Maximo Leon, sinalakay ng mga raiding teams ang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Batay sa ulat ng korte noong April 21, 2015,  kinikikilan ng P550,000 ni Gonzales at dalawa nitong kasamahan ang isang Engineer Noel Franco na may-ari ng isang construction firm.

Tinawagan at nagpakilala umano ang suspek na kasapi ng Central Committee ng CPP/NPA ang biktima at binantaang papatayin ang kanyang pamilya kung hindi magbibigay ng   nabanggit na halaga bilang tulong sa kilusang komunista.

Binigyan umano ng tracking number ng suspek si Franco at inutusan na magpadala ng paunang halaga na P70,000 hanggang P120,000 sa remittance center, Makati branch habang ang balanse umano ay dadalhin  naman ng biktima sa Cinema Square sa Makati City.

Nang iabot ng biktima ang P200,000 sa mga suspek, agad silang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation subalit nakatakas noon  si Gonzales.

Nahaharap ngayon ang nadakip na suspek mula sa apat hanggang anim na taong pagkakabilanggo.

Kamakalawa nagbabala si Tambungan sa mga residente na nasasakupan ng EPD na huwag maniniwala at sa halip ay ipagbigay alam kaagad sa mga awotridad kung may matatanggap na mga extortion at pananakot mula sa kanilang mga cellphone.

Please follow and like us:
Read More

BUSINESS OF REALPOLITIK

NPA-11

Patuloy ang multo ng ‘PTC’ sa Quezon

(Ni JUN V. TRINIDAD / Huling bahagi)

NGUNIT sa isang balita sa isang nasyunal na pahayagan noong January 2004 ay tinawag ni Ka Roger ang PTC bilang “the business of realpolitik”.

Ibig sabihin, kailangan aniyang seryosohin ng sinomang kandidato ang patakaran ng rebo-lusyunaryong kilusan kung gustong hindi mabahiran ng sigalot ang pangangampanya sa tina-tawag na “sona gerilya” ng mga NPA.

Sa mga media interview noon ni Ka Roger, kilala rin na pinuno ng NPA Melito Glor Command na kumikilos sa Southern Tagalog, diretsahan niyang sinasabi na boluntar¬yong sinasadya o hu-mahanap ng “ugnay” (taong may kontak sa loob ng NPA) ang bawat kandidato sa mga lugar na nasa impluwensya ng kilusan upang humingi ng basbas at magbayad ng PTC na may kasama pang ibang regalo.

May isang panahon na naging base rin ni Ka Roger ang Mount Banahaw sa gitnang bahagi ng la-lawigan ng Quezon bago ito nagpalipat-lipat sa iba’t ibang kampo ng mga rebeldeng gerilya sa boundary ng Bicol region at Quezon, sa iba pang parte ng lalawigan ng Laguna hanggang sa paminsan-minsan na pagsulpot nito sa Mountain province.

Si Ka Roger ay namatay sa atake sa puso noong Hunyo 2011.

Ngunit ngayong darating na lokal na eleksyon, hindi na solido ang mga kandidato sa kinagawiang pagmamano sa lider ng NPA tuwing halalan.

“Hati ang aming tiket. Mayroong gustong magbigay, ang iba naman ay ayaw na. Ang desisyon ay igalang na lang ang pasya ng bawat isa,” ang pahayag ni Mario na isa ring incumbent local official.

Pinag-iisipan pa rin daw niya kung magbibigay siyang muli. “Hindi na kasi ito basta usapin ng pera, seguridad at praktikalidad.

Isinasa-alang-alang ko na rin ngayon ang aking personal na paninindigan bilang isang tauhan ng gobyerno”.

Sa impormasyon ng ilan pang kandidato, nakatanggap na rin umano sila ng imbitas¬yon mula sa nagpapakilalang NPA. Inaalam pa raw nila sa mga “kontak” kung tunay o peke ang nang-iimbita.

“Inaasahan na namin na tungkol sa PTC ang imbitas¬yon. Pero sa balasik ng warning ng militar at DILG, nag-aalangan kaming maki¬pag-usap ngayon. Pinag-iisipan pa rin namin,” ang wika ng isang kandidato sa phone interview nitong nakaraang linggo.

Ngunit hindi pa rin lubusang madededma ang mga rebelde sa lalawigan ng Quezon dahil sa panaka-nakang pag-atake sa tropa ng pamahalaan at panununog ng mga heavy equipment ng mga construction companies na ayaw magbayad ng revo tax.

“Nakapanggugulat pa rin sila dahil ‘yung kokonting hukbo sa lalawigan ay nalalahukan ng mga im-bitadong puwersa mula sa mga karatig na probinsya kapag may gagawing atake. Sabi nga ng  mili-tar ay ‘show of force’,” ang paliwanag ni Peter.

“Watchlist”

Kaya inaasahan niya na mayroon pa ring magbabayad ng PTC at magdodonasyon ng mga kinau-galiang materyal na bagay. “Andun pa rin kasi ang takot para sa kanilang seguridad at maiwasan ang posibilidad na masabotahe ang kampanya,” dagdag pa ni Peter.

Inulit ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng Army 2nd Infantry Division, ang kanilang babala sa mga kandidato kabilang na ang mga taga-Quezon.

“Kapag positibo naming nakilala ang sinomang magbabayad ay ilalantad namin sa publiko ang ka-nilang katrayduran. Dapat malaman ng taumbayan ang uri ng mga kandidatong kanilang ihahalal,” ang matigas na pahayag ni Parayno.

Sa “watchlist” ng DILG, mayroong 349 national at lokal na opisyales mula sa barangay hanggang kongresista sa buong bansa, batay sa military intelligence reports, ang nagbibigay umano ng su-portang pinansyal sa NPA.

Sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) region ay 26 ang nasa “watchlist”. Inilabas ang report sa naganap na Regional Peace and Development Council meeting sa Calamba City nitong February 26.

Ani Parayno, nagsasagawa sila ng patuloy na pangangalap ng ebidensya para pormal na ipa-gharap ng sakdal ang mga nasa listahan.

Sa babala ng DILG, ang pagbabayad ng PTC at pagbibigay ng anomang uri ng suporta sa mga reb-elde ay tahasang paglabag sa itinatakda ng Republic Act No. 10168 (Terrorism Financing Preven-tion and Suppression Act of 2012).

Ang paglabag ay may katapat na parusang pagkakakulong at pagbabayad ng multang P500,000 hanggang P1 milyon. Ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa NPA ay isa ring maituturing na bahagi ng krimeng “money laundering”.

Please follow and like us:
Read More

GENUINE NPA

NPA

Patuloy ang multo ng ‘PTC’ sa Quezon

(Ni Jun V. Trinidad /Ikatlong bahagi)

MAS mahigpit ang kanyang babala sa mga impostor at winarningan na mahaharap sila sa malaking pananagutan sa rebolusyunaryong kilusan sa sandaling masakote silang gumagawa ng mga gawaing kontra-rebolusyon.

“May mga report noon mula sa bundok na may pinarusahan ang NPA na mga salapsap. Ang iba ay pinagsabihan at ‘yung iba naman na talagang talamak ay tinodas ng Sparrow Unit,” ang sabi naman ni “Boyong”, isang dating malapit na alyado ng isang NPA yunit sa Quezon na nakapanayam din ng Diaryo Bomba.

Pinayuhan ni Ka Roger ang mga nakikipagtransaksyon sa kilusan na huwag munang magbibigay ng anoman hanggang hindi natitiyak na “genuine NPA” ang kapulong lalo’t higit aniya ang mga humihingi at pagkatapos ay nagbibigay ng bank account numbers para doon na lang ideposito ang salapi.

“Malamang ay peke ‘yun. Walang ganung praktika ang hukbo,” ang paliwanag ni Ka Roger noon sa isa sa maraming beses na panayam sa pamamagitan ng telepono.

At ang isang paraan upang matiyak na hindi peke ang katransaksyon tungkol sa anopaman, kadalasang humihingi ng tulong ang kandidato at negosyante sa mga lokal na mamamahayag o news reporters upang sila ang magtanong kay Ka Roger o sinomang pinuno ng lokal na yunit tungkol sa pagkakakilanlan sa kausap na emisaryo o kolektor.

“Sure ball ‘yun kapag ang news reporter ang nagtanong dahil sila ang may direktang kontak sa NPA. Klaro agad. Pero hindi lahat ng media noon ay sumasangkot. Ang iba ay umiiwas dahil hindi na raw sakop ‘yun ng kanilang trabaho,” ang paliwanag naman ni Mario.

 “Pumapalag na sa PTC”

Pero batay sa karanasan ng mga lokal na politiko noong panahong magtatapos na ang termino ni dating Pa¬ngulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa buong panahon ng sumunod sa kanya, si Benigno Aquino III Aquino, kapuna-puna ang umano’y unti-unting pagkawala ng impluwensya ng mga rebelde sa maraming parte ng probinsya.

“Ang resulta, may mga pumalag na sa imposisyon ng PTC. Ayaw nang magbayad dahil ang katwiran ng mga kandidato ay wala nang masasabing malaking teritor¬yo ang NPA,” ang nagkakaisang obserbasyon ng mga nakapanayam na politiko.

‘Yung iba anilang dating base ng NPA ay iniwanan na dahil wala na ang suportang masa resulta ng introduksyon ng mga proyekto at programa ng gobyerno na ayon sa kanila ay pinakikinabangan na rin ng maski na ng mga naninirahan sa liblib na lugar.

Sa pagpasok ng admi¬nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon ng pagkakataong magwakas na ang limang dekadang rebelyon ng mga komunista sa mu¬ling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang kumakatawan sa mga rebelde sa paudlot-udlot na peace talks simula pa noong 1986.

Ngunit pagkalipas ng apat na beses na paghaharap sa Oslo, Norway, biglang pinutol ni Pangulong Duterte ang peace negotiation noong Nob¬yembre 2107 pagkatapos niyang ilabas ang Proclamation 360 na pormal na nagwawakas sa usapan.

Kasunod nito ay agresibong isinusulong ng pamahalaan ang “localized peace talks” o ang pakikipag-negosasyon sa mga lider ng NPA units na kumikilos sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ibinasura naman ng CPP-NPA-NDFP ang bagong estilong ito ng gobyerno. Nagpalabas rin ng mga pahayag ang iba’t ibang sangay o yunit ng hukbo at ibinalibag din ang local peace talks kasabay ng deklarasyon na mas lalo pa nilang paiigtingin ang armadong pakikibaka.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, patuloy ang patutsada ng mga opisyales ng militar, pulis at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ni Presidente Duterte laban sa kampo ng mga rebelde at partikular na tinutumbok si Jose Maria “Joma” Sison, ang nagtatag ng CPP na ngayon ay naninirahan sa Utrecht sa Netherlands bilang isang exile.

Nagyayabang ang gob¬yerno na kokonti na lang ang bilang ng mga armadong rebelde sa buong bansa dahil marami na ang sumuko at nagbalik na sa kani-kanilang pamilya dahil umano sa pagod at kawalan na ng katuturan ng patuloy na digmaan. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

TAKOT AT PRAGMATISMO

NPA-6

Patuloy ang multong ‘PTC’ sa Quezon

(Ni Jun V. Trinidad / Ikalawang bahagi)

NOONG dekada nubenta ay unti-unti nang tumatanim sa isipan – hindi lamang ng mga politiko kung hindi maging sa publiko partikular sa media – ang bansag na PTC fee sa anomang kapalit na kabayaran para sa kalayaang makaakit ng botante ang kandidato sa loob ng teritor­yo ng mga rebelde.

“Parang PTC na ang tawag nang una akong kumandidato,” ang rekoleksyon naman ni “Mario” na isa ring beteranong politiko na hanggang ngayon ay aktibo pa sa pulitika at kandidato sa susunod na eleksyon.

Ngunit hindi lang ang kalayaang makapangampanya ang rason sa pagbabayad ng PTC. Tinitiyak din daw nito na walang magaganap na anomang trobol o pandarahas ng mga rebelde sa kandidato.

May mga impormasyon na may mga kandidatong ayaw magbayad ng PTC ang nakalasap ng parusa ng mga rebelde. Isang kandidatong alkalde sa isang bayan sa lalawigan ang sinunog ang sasakyan bilang halimbawa.

Kaya tulak ng magkahalong takot at pragmatismo ay nagbigay na noon pa man si Mario sa unang kandidatura niya bilang konsehal sa kanilang bayan na ang maraming barangay sa labas ng kaba­yanan ay itinuturing na pugad ng mga rebelde.

“May bukod na P30,000 na toka sa akin. Nagbigay ako maski na may babala ang militar at pulis sa mga kandidato. Kailangan kong makipaglaro at sumunod sa patakaran ng NPA maski na hindi ako naniniwala sa kanilang ipinaglalaban,” ang paliwanag niya sa panayam.

Bago matapos ang dekada nubenta ay mas lalong na­ging malawak ang panawagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kasabay ng mahigpit na babala sa mga kandidato na ‘wag magbibigay ng anomang suporta o magbabayad ng PTC na itotoka ng NPA yunit sa kanilang mga lugar dahil paglabag ito sa batas at pagtratraydor sa gobyerno.

 “Salapsap”

Ibinulgar na rin ng militar at pulis ang pangongolekta umano ng NPA sa tinatawag nilang “campaign to win” na ngayon ay tinatawag na “permit to win” (PTW) fee o bayad para matiyak daw ng kandidato ang kanyang panalo laban sa kalaban.

Ngunit walang politiko sa lalawigan ng Quezon ang may karanasan ng pagbabayad sa tinatawag na PTW. “Mahirap asahan ang panalo maski na magbayad ka ng PTW dahil marami ring botante ang wala sa kontrol ng NPA,” ang paliwanag ni Peter.

Sa naging popularidad ng Internet, mobile phone at iba pang modern gadgets ay kasabay rin na nagamit ang mga ito sa transaksyon ng mga kandidato at NPA.

At sa panahong ito ay kasabay din na lumitaw ang mga tinawag na “salapsap” o pekeng rebeldeng komunista na bumiktima sa mga politiko at sa malalaking negosyante na pinapatawan din ng rebolusyunaryong kilusan ng tinatawag nilang “revolutionary tax” o “revo tax”.

“Kapag kandidato ka noon, bago ka magbitaw ng pera ay dapat mo munang tiyakin na tunay nga bang NPA ang kapulong mo sa PTC.

Dahil parang kabuteng biglang nagsulputan noon ang mga salapsap,” ang natatawang pagbabalik-tanaw ni Reynold.

Nagsimula rin ang pagpapadala ng sulat, text message o tawag sa mobile phone ng mga kandidato mula sa mga nagpapakilalang awtorisado umanong negosyador o kolektor ng NPA para sa usapin ng PTC, PTW at revo tax.

Kapag sulat ang duma­ting na ibinigay ng nagpakilalang NPA courier o “pasa bilis”, madalas aniya ay makinis ang pagkakaimprenta ng liham na may logo pa ng CPP at NPA sa ibabaw ng papel, ang rekoleksyon ng mga impormante.

May lagda rin sa ibabaw ng printed name ng pinuno ng NPA unit na kumikilos sa lugar. “At ang iba ay may panggulat pa – may lagda rin ni Ka Roger ang sulat bilang dagdag na drama para mas lalong magmukhang totoo ang pag­hingi ng pera o anopaman,” ang kuwento ni Reynold sabay bunghalit ng tawa.

Marami rin aniyang nabola o naloko ang mga “salapsap” dahil lehitimong lengguahe ng mga komunista ang ginagamit ng impostor sa liham kahit na sa text message, pakikipag-usap sa telepono o personal mang pagpupulong.

Nang maging problema na sa CPP-NPA ang mga nag­lipanang pekeng emisaryo, naglabas na ng babala si Ka Roger sa mga kandidato o negosyante na maging mai­ngat sa pakikipagtransaksyon sa kanilang mga kausap.  (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

PAGPASLANG SA KAPITAN INAKO NG NPA

npa

BUTUAN CITY – Inako ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang pag-ambush at patay sa barangay captain sa bayan ng San Luis, Agusan Del Sur Huwebes ng tanghali.

Ayon sa nagpakilalang spokesperson ng NPA na si Ka Omar Ibarra, sinabi nito na sila ang pumaslangkay Rodencio Salamurin, barangay captain ng Barangay San Pedro.

Tinambangan umano ng grupo ang biktima matapos makarating sa kanila ang umano’y pang-eespiya nito sa makakaliwang kilusan gayundin ang pagpatay sa mga sibilyan at paggamit umano ng posisyon upang makakolekta ng buwis para umano sa NPA.

Tatlo raw ang mga dahilan kung bakit pinaslang si Salamurin at kabilang dito ang pang-ingispiya daw nito sa makaliwang kilusan, pagpatay sa mga sibilyan at ang paggamit daw nito sa NPA sa pangongolekta ng buwis.

Ngunit sinabi naman ni Police Senior Insp. Emerson Bajao, hepe ng San Luis Municipal Police Station, hindi ambush ang nangyari.

Galing umano sa kanyang bahay ang biktima at patungo sa bayan para dumalo sana sa isang pagpupulong.

Subalit pinara raw ito ng tatlong armadong lalaking naka-bonnet at saka pinagbabaril.

Share

Please follow and like us:
Read More

HYDRO POWER PLANT SINUNOG NG 30 NPA

mindoro1

(NI AIYO GAYETA)

ORIENTAL MINDORO — Milyong pisong halaga ng mga kagamitan sa itinatayong Sta. Clara International Corporation 8-mega-watt hydro powerplant ang sinunog ng 30 miyembro ng New People’s Army o Communist Terrorist Group (CTGs) sa Brgy. Malvar, Naujan sa lalawigang ito.

Iniulat ng Naujan Municipal Police Station kay Police Sr. Supt. Thomas R. Frias, Jr., Provincial Director ng Oriental Mindoro, dakong alas-5:00 ng hapon noong Lunes nang magpakilalang miyembro ng militar ang mga komunistang grupo at kaagad sinunog ang hydro powerplant.

Ayon kay Emilyn Tresioso, Project Manager ng Sta. Clara International Corporation dakong alas-4:00 ng hapon nang makita ang malaking usok at sinusunog ng mga komunistang grupo ang 12 units ng heavy equipment na ginagamit sa itinatayong proyekto sa nabanggit na lugar.

Bukod sa hydro power plant, sinabi din sa ulat ng pulisya na sinunog din ng mga komunistang grupo ang gusali, warehouse at safety office ng planta. Pinalikas kaagad ng mga mieymbro ng pulisya ang mga empleyado sa planta at dinala sa ligtas na lugar.

Binanggit sa ulat na tumakas ang mga rebelde patungo sa Brgy. San Andres, Naujan, Oriental Mindoro.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga tauhan ng Naujan Municipal Police Station at 203rd Brigade ng CAA Patrol Base na nakabase sa Metolza, Naujan, Oriental Mindoro ang insidente.

Please follow and like us:
Read More

2 SA 16 BIHAG NG NPA, LAYA NA

npa

DALAWA na naman sa 16 na tropa ng gobyerno na dinukot ng rebeldeng New People’s Army noong Disyembre 18 ang pinalaya na sa bukiding bahagi ng Agusan del Norte, Lunes ng hapon.

Ito ay kinabibilangan ng mga CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) members na sina AJ Reginal ng 29th Infantry Battalion (IB) at Bernabe Salahay ng 23rd IB.

Ayon kay NPA-Northerneastern Mindanao Region spokesperson Ka Sandara, ang pangalawang round ng pagpapalaya sa kanilang mga bihag ay bahagi ng tatlong rounds na kanilang gagawin sa dahilang magkaiba ang kinalalagyan ng kanilang mga prisoners of war.

Nilinaw din nito na ang dalawang bagong pinalaya ay hindi bahagi ng unang 12 CAFGU members at dalawang sundalong kanilang binihag matapos pag-raid nila sa army detachment ng Barangay New Tubigon sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur.

Ito’y dahil nahuli sila matapos ang engkuwentro sa bukiring bahagi sa bayan ng Remedios T. Romualdez sa Agusan del Norte.

Kung maaalala, nitong nakalipas na linggo ay una nang pinalaya sa bukiring bahagi rin ng Bayugan City sa Agusan del Sur ang anim na bihag ng mga rebelede.

Please follow and like us:
Read More