12-ANYOS ARSONIST NALAMBAT

kabacan north cotabato

(NI BONG PAULO)

NADAKIP ng pulisya ang isang 12-anyos na suspek sa panununog sa ilang mga establisimyento sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Head David Don Saure, may witness umano na nakakita sa naturang bata na may dalang plastic at lighter bago ang insidente ng sunog.

Nabatid na abot sa pitong mga establisimyento ang nasunog simula gabi  hanggang kaninang madaling araw.

Kabilang sa mga nasunog ay ang Bahay Buko, dakong alas-7:30 ng gabi at abandonadong bahay na pag-aari ng Orpiano family (pasado alas-8:00 ng gabi) na kapwa nasa Barangay Osias.

Ang limang iba pa ay nasunog kaninang madaling araw sa Poblacion na kinabibilangan ng Manolette Bakeshop, Pritong Manok, Corpuz Patilan, Cake’s by Lial at isang space for rent na stall.

Ayon kay Fire Inspector Albert Lagura ng BFP Kabacan, umaabot sa P2.233 milyon ang kabuuang danyos sa pitong magkakahiwalay na sunog.

Maituturing na arson ang insidente dahil sa intensiyon na pagsunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya at BFP ang motibo sa sunog maging ang kasabwat nito.

 

Please follow and like us:
Read More

3-ANYOS PATAY SA SEPTIC TANK

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay na nang maiahon ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos mahulog sa septic tank na ipinapagawa ng isang konsehal sa gilid ng kanyang bahay sa Purok Namnama sa Barangay Dagupan, Kabacan, North Cotabato, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ramram Sheena, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, kasama umano ng biktima ang dalawa pang mga bata na naglalaro sa paligid hanggang sa napadako sila sa septic tank.

Ayon kay Kagawad Raymundo Gracia, nagpapagawa ito ng kanyang bahay at ang septic tank ay may lalim umanong tatlong talampakan.

Naipon umano ang nasabing tubig dahil sa umulan sa lugar.

Pero hindi umano nila namalayan na may mga batang naglalaro sa paligid hanggang sa mahulog ang biktima,  alas-3:00 ng hapon.

Makalipas ang 30 minuto ay nakita ang nakalutang na bangkay ng bata. Mabilis itong isinugod sa ospital pero hindi na umabot pa nang buhay.

Please follow and like us:
Read More

SENIOR CITIZEN NA BAKWIT PATAY SA EVACUATION CENTER

north cotabato 12

(NI DONDON DINOY)

MAKILALA, North Cotabato  – Binawian ng buhay ang isang senior citizen na bakwit matapos hindi kayanin ang pabago-bagong panahon sa loob ng evacuation center sa Barangay Bulakanon, nitong bayan, Huwebes

Ayon sa ulat, kinilala ang nasawi na si Evie Damali, 60, ng Purok 1, Barangay Bato sa lugar, na isa rin sa mga lugar na ideneklarang high risk area at pinagbawalan pa silang bumalik sa lugar.

Sinasabing nagkasakit na noon ang matanda pero mas lumala lamang dahil na rin sa pabago-bagong panahon na kanilang nararanasan sa evacuation center, mainit sa tanghali at minsan malakas naman ang ulan kapag gabi at wala ring maayos na tulogan.

Pansamantalang lumikas ang kanilang pamilya sa evacuation center sa Barangay Bulakanon habang naghahanap pa ang lokal na pamahalaan ng lugar na kanilang posibleng paglilipatan.

Patuloy ang paalala ng kagawaran ng kalusugan sa lahat ng mga bakwit na kung may hindi magandang nararamdaman ay agad na komunsulta sa mga doctor sa mga bawat incident command post ng LGU.

Batay sa pinakahuling datos, umakyat na sa 22 ang nasawi dahil sa lindol sa buong North Cotabato.

 

Please follow and like us:
Read More

KAGAWAD ITINUMBA

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang opisyal ng Barangay makaraang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Barangay Lower Paatan, Kabacan Cotabato, hapon ng Lunes.

Nakilala ang biktima na si Freddie Balansiawan, Kagawad ng Barangay Cuyapon, ng nasabing bayan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Kabacan Police, lumalabas na lulan ng motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa naganap na krimen alas 3:20 ng hapon.

Mabilis ding tumakas ang umano’y apat na mga suspek patungo sa Barangay Cuyapon habang narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber .45 pistol.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa kung ano ang motibo at sino ang responsable sa pagbaril at pagpatay sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

‘ASUWANG’ KINATAY

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 75-anyos na lola ng hindi pa kilalang mga suspek matapos mapagkamalang asuwang, Linggo  ng  gabi sa Sitio Natutungan, Brgy. Bagumbayan, Magpet, North Cotabato.

Kinilala ni Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Dillera Jr. ang biktima na si  Victoria Saavedra, biyuda, ng Brgy. Santo Niño, Arakan, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng PNP, iniwan lamang ng kanyang anak na si Angeles Terania ang kanyang ina, Linggo ng hapon ngunit nang balikan nito pasado alas 10:00 ng gabi ay naliligo na ito sa sariling dugo at wala ng buhay.

Lumalabas din sa inisyal na ulat na abot sa 16 na saksak ang natamo ng matanda mula sa kanyang kaliwang dibdib at balikat.

Patuloy pa ngayong tinututukan ng Magpet PNP ang iba pang anggulo sa naturang krimen.

Samantala, lumalabas naman sa kanilang inisyal na ulat na pinaslang ang nasabing matanda dahil pinagdududahan itong aswang ng ilang mga residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat na ipinarating ng kanyang anak sa PNP, may sakit umano sa pag-iisip ang kanyang ina, bagay rin na posibleng naging dahilan ng mga residente na pagdudahan ang matanda.

Sa ngayong may mga person of interest na ang pulisya na posibleng sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Hindi naman makapaniwala ang anak ng biktima na isang pastora sa sinapit ng kanyang ina.

 

Please follow and like us:
Read More

BALA, PAMPASABOG, NAHUKAY

(NI BONG PAULO)

MAGPET, NORTH COTABATO- Abot sa 10 piraso ng 60MM high explosive, 20 piraso ng mga bala ng caliber 30, cord wire, steel tube ng 60MM at isang base plate ang nahukay ng mga otoridad sa Sitio San Roque, Amabel, Magpet, North Cotabato, Linggo ng hapon.

Ayon kay Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Dillera Jr., ipinarating sa kanilang himpilan ng magsasakang si Vincent Cantillas ang ulat na nakita nito ang nasabing mga kontrabando na nakalibing sa kanyang lupain.

Katuwang ang 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army at ng CPPO Explosive Ordnance Disposal team ay agad na tinungo ng Magpet PNP ang nasabing lugar at doon narekober ang mga bala at pampasabog, alas 2:34 ng hapon.

Ang nakuhang mga ebidensya ay dinala ng EOD team sa para karagdagang imbestigasyon.

Patuloy ngayong tinutukoy ng PNP ang mga nagmamay-ari ng mga bala at pampasabog maging ang grupong responsible sa pagtatago ng mga ito.

Please follow and like us:
Read More

INUMAN NIRATRAT; KAGAWAD, 2 PA, UTAS

crime43

(NI BONG PAULO)

PATAY ang tatlo kataom kabilang na ang isang incumbent barangay kagawad na dating punong barangay, pinsan nito at ang isang barangay peace keeping action team (BPAT) makaraang paulanan ng bala habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa gilid ng daan sa Sitio Vilo, Barangay Takepan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Abdrew Lumibao, 53, barangay kagawad, Robert Ayona, pinsan ni Lumibao at si Mike Arroyo, miyembro ng barangay peace keeping action team (BPAT).

Ayon kay Police Captain Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP, nag-iinuman umano ang mga biktima nang bigla na lamang sila paulanan ng bala ng mga suspek, alas-6:45 ng gabi.

Ayon kay Maugan Mosaid, municipal administrator ng bayan, posibleng personal grudge ang isa sa mga anggulong tinututukan ng pulisya.

Inaalam din sa ngayon kung may mga bantang natatanggap ang mga suspek bago nangyari ang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN NILIKIDA SA HARAP NG BRGY HALL

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinabulagta ng hindi pa kilalang gunman ang isang barangay chair habang sugatan naman ang tatlo katao na mga tauhan nito sa quarry sa naganap na pamamaril sa harap ng barangay hall sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato, Linggo ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Bong Matalam Bacana, 43, incumbent barangay chair ng Barangay Kayaga, habang sugatan naman sina Uwaw Matikayan, Tatuan Kalantingan at Tagani Tapulid na lahat residente sa nasabing lugar.

Sa ulat na nakarating kay Police Major Realan Mamon, hepe ng Kabacan PNP, nag-uusap sa harap ng barangay hall ang mga biktima nang pagbabarilin dakong alas-9:15 ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na mabilis namang naisugod sa ospital pero idineklarang patay ang Barangay chairman habang patuloy namang ginagamot sa isang ospital sa Kidapawan City ang tatlong nasugatan.

Sa panayam kay Cotabato Provincial Police Office spokesperson Pol. Lt. Col. Bernard Tayong, personal grudge at may kinalaman sa kanyang trabaho ang sinusundang anggulo sa pamamaril.

Sa loob lamang ng buwang ito ay dalawang kapitan na ang pinaslang sa nasabing bayan, nitong Setyembre 14, pinagbabaril at napatay naman ang punong barangay ng Lower Paatan na si Kapitan Ben Candaganan.

 

Please follow and like us:
Read More

KATUTUBONG MAGSASAKA PINATAY SA SAKAHAN

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay na nang matagpuan ang isang Manobong magsasaka na pinagbabaril habang nasa sinasakang lupa sa Barangay Bangilan, Kabacan, North Cotabato, gabi nitong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Neil Boy Alod, 24, ng Sitio Kulaman, Barangay Pisan, Kabacan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang biktima at ang kasama nitong si Talino Takalan ay magkasamang nagsasaka sa isang bukid na sakop ng Sitio Kulaman ng nasabing barangay noong linggo.

Naghiwalay ang mga ito habang si Takalan ay nagpa-iwan sa kubo para magpahinga.

Pagsapit ng alas-7:00 ng gabi nakarinig ng alingawngaw ng putok si Takalan, pero dahil sa takot hindi na ito pumunta sa lugar kung saan niya narinig ang putok.

Kinaumagahan nagpasama si Takalan sa kanyang pinsan at pinuntahan ang isang kubo sa kabilang bundok kung saan umuuwi si Alod.

Natagpuan na lamang nito na nakhandusay at wala ng buhay ang biktima makaraang magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Nakita naman sa katawan ng biktima ang dala nitong jolen gun at inakalang totoong baril, bandang alas-5:00 ng umaga kahapon.

Naniniwala naman si Police Major Realan Mamon, hepe ng Kabacan PNP na posibleng napagkamalan lamang ang biktima na armado dahil may bitbit na baril.

Ito na ang ikatlong kaso ng pamamaril sa bayan sa loob lamang ng dalawang linggo.

Please follow and like us:
Read More

6 MIYEMBRO NG CARNAPPING, GUN FOR HIRE GROUP ARESTADO

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army at PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang operasyon ang anim na miyembro ng notoryus na carnapping at gun for hire group sa North Cotabato, Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay Maj. Gen. Diosdado C. Carreon, commander ng 6th ID, naaresto ang anim makaraang isilbi ng militar at pulisya ang search warrants laban sa nabanggit na grupo sa Brgy. Inug-ug sa bayan ng Pikit sa nasabing lalawigan pasado alas-2:00.

Hindi na umano nagawang makapanlaban ng mga suspek na pinaniniwalaang responsable sa mga serye ng patayan, carnapping at highway robberies sa naturang lugar. matapos na masorpresa ang mga ito sa isinagawang operasyon.

Kinilala naman ng CIDG-North Cotabato ang mga naaresto na sina Toto Pañares 34, Ibrahim Guimalan, 33 , Jonathan Batunga, 19, Ibrahim Katogan, 20, Bohari Katogan, 20, at Kus Minga, 59, na pawang mga residente ng Barangay Inug-ug.

Nakumpiska sa mga suspek ang (2) M16 Armalite rifles, (1) M1 Garand rifle, (1) homemade .30 caliber rifle, (2) M19 pistols, granada at mga bala.

Binigyang diin pa ni Carreon na siya ring kasalukuyang pinuno ng Joint Task Force Central (JTFC) na ang mga nahuling armadong miyembro ng lawless groups ang itinuturong may kagagawan ng paghahasik ng takot sa mga residente ng Pikit at sa mga katabing bayan nito.

Naniniwala ang mga awtoridad na malaking tulong ang pagkaka-neutralisa sa grupo ng mga suspek sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa dumadaming bilang ng mga patayan at iba pang uri ng kriminalidad sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

SHARIAH LAWYER NILIKIDA SA LOOB NG MOSQUE

north

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang isang Shariah lawyer nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman habang nasa loob ng mosque at katatapos lamang ng ‘sambayang’ o pagsasamba sa Barangay Olandang sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, Biyernes ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Datu Khadaffy Dilangalen Blao.

Sa report ng Midsayap PNP, nasa loob ng mosque ang biktima sa Barangay Olandang, pasado alas-12:00 ng tanghali at katatapos lamang na magsimba nang lapitan ito ng suspek at agad na pinagbabaril.

Dead on the spot si Blao dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ulo at iba’t iba bahagi ng kanyang katawan mula sa caliber .45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasamahan nito.

Sinabi ng ama ng biktima na si Datu Quezon Blao na hindi nila kilala ang suspek at palaisipan pa rin sa kanila kung bakit binaril at pinatay ang kanyang anak.

Please follow and like us:
Read More

UTOL PINATAY SA SAKSAK NI KUYA

crime34

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin mismo ng kanyang nakatatandang kapatid matapos mag-away ang mga ito sa Sitio Bato, Barangay San Mateo, Aleosan, North Cotabato, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Randy Calambro, 39, may asawa, habang ang suspek na kanyang nakatatandang kapatid na si Leonard Calambro, 44.

Sa imbestigasyon, alas 9:15 ng gabi nitong Huwebes, lango sa alak ang suspek nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo hanggang sa pinagsasaksak nito ang kanyang kapatid gamit ang kutsilyo.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan pero kalauna’y binawian ng buhay habang boluntaryo namang sumuko ang suspek sa PNP.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Aleosan PNP ang suspek habang nakatakda itong sasampahan ng kasong homicide sa korte.

 

Please follow and like us:
Read More

3 PATAY SA AMBUSH

north cotabato 12

(NI ANNIE PINEDA)

UTAS ang tatlo katao matapos tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa North Cotabato.

Kinilala ang mga biktimang sina Mohamed Ahad, alyas Sito Maan Pananggilan, at Unday Abdulkadir, mga residente ng Brgy Rajamuda Pikit North Cotabato.

Batay sa report ng Pikit Police Station, naganap ang insidente sa Sitio Dingaya Brgy. Bulol Pikit, Cotabato, habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo.

Dito, bigla na lamang silang hinarang ng mga hindi pa kilalang kalalakihan na armado ng M14 at M16 Armalite rifles saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nilang ikinamatay.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Nagpapatuloy ang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agarang ikadarakip sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

8-K TRABAHADOR NG STL SA N. COTABATO, JOBLESS

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Nasa 8,000 na trabahador ang nawalan ng trabaho simula Sabado ng umaga matapos ipasara ng Cotabato Police Provincial Office ang Small Town Lottery Outlet sa Quezon Boulevard, Kidapawan City. Mismong si Provincial Director Police Colonel Maximo Layugan ang nanguna sa pagpapasara sa nasabing outlet.

Ang hakbang ay ginawa ng CPPO matapos ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at lahat ng gaming operation o scheme na may lisensya o prangkisa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kanyang mensahe na inilabas ng PCOO Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang malawakang korapsyon ang dahilan kaya niya ipinahinto ang operasyon ng PCSO games.

Partikular na iniutos ng Pangulo na tigil-operasyon ang lahat ng lotto games, Keno, STL, Peryahan ng Bayan at ibang pang nasa ilalim ng PCSO.

Kasabay nito ay inutusan ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang kanyang direktiba at arestuhin ang mga magpapatuloy ng operasyon o lalabag sa kanyang utos.

Samantala,  una na ring inianunsiyo ni dating vice mayor Rodolfo Gantuangco ang operator ng small town lottery sa probinsiya na pinamamahalaan ng miracle pick gaming station na inihinto nila ang operasiyon kasabay ng utos ng Pangulo.

Dahil dito, libong katao na ang nawalan ng trabaho na umaasa lamang sa porsiyento sa pagpapataya ng number games para sa kanilang hanapbuhay araw araw.

Bukod sa main office ng STL sa Kidapawan City ay ipinasara rin ang ilan pang mga yellow booth ng STL sa Makilala, Antipas, President Roxas, Kabacan, Matalam, Mlang, Tulunan, Magpet at Arakan.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG KAWANI NG LGU ITINUMBA NG TANDEM

sultan kudarat1

(NI BONGN PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang isang empleyado ng pamahalaang lokal ng gobyerno habang naka-angkas sa motorsiklo na minamaneho ng mismong mister nito nang pagbabarilin ng riding in tandem na suspek sa Purok Namnama, Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Remesyl Orbigo Valdez, 39, may asawa, isang empleyado ng LGU Lambayong at residente ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon habang sakay umano ang biktima sa motorsiklo nang sundan at tabihan sila ng riding in tandem na suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa maraming bahagi ng kanyang katawan si Remesyl na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang tinutukan naman ng baril ng suspek ang mister.

Tumakas ang mga suspek.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot pa nang buhay.

Inaalam pa kung personal grudge o anumang motibo ang dahilan ng pagpaslang sa kawani ng LGU.

Please follow and like us:
Read More

SUV VS TRIKE: 5 PATAY, 2 SUGATAN SA NORTCOT

LIMA ang patay at 2 ang sugatan nang magsalpukan ang isang SUV at tricycle matapos pumutok ang gulong ng van sa Barangay Kilada, Matalam, nitong Sabado.

Kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina Amil Mamadra, driver ng tricycle, at Pai Mamadra. Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlo pang biktima.

Kabilang sa sugatan ang 9-anyos na bata gayundin si Nasser Raker.

Nabatid na nasa magkabilaang lane ang dalawang sasakyan nang pumutok ang unahang gulong ng SUV. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Parang latang nayupi ang tricycle sa lakas ng impact at tumilapon ang mga sakay nito. Nasa kustodiya ng Matalam Police ang driver ng SUV habang naghihintay ang mga awtoridad na magsampa ng kaso ang mga pamilya ng mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

COTABATO NIYANIG NG 5.3 LINDOL; AFTERSHOCKS INAASAHAN

LINDOL-3

(NI KIKO CUETO)

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang North Cotabato kaninang alas 8:56 ng umaga. Ito ay matapos ang lindol na intensity 5.3  na tumama ng Martes ng gabi.

Naramdaman ang intensity V sa Kidapawan City na nakaranas naman ng lindol kagabi na may Magnitude 5.3.

Suspendido ang mga klase ngayong araw sa Kidapawan City pati sa ibang bayan na apektado ng lindol.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ito in origin.

May lalim ito na 21 kilometers, ayon sa Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity V sa Kidapawan City.

Habang ramdam ang instrumental intensities sa:

Intensity V – Kidapawan City

Intensity II – Tupi, South Cotabato

Intensity I – Alabel, Sarangani; Cagayan de Oro City

Hindi naman inaasahan ang anumang damage sa aftershocks.

Sinunspinde ngayong Miyerkoles ang klase sa Makilala town sa Kidapawan City at ilan pang paaralan na nakitaan ng pinsala.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK NG EX-MAGUINDANAO GOV, 4 PA PATAY SA CHECKPOINT

north cotabato 12

COTABATO CITY – Napatay ang anak ng dating Maguindanao Governor Norodin Matalam at apat pang iba sa isang checkpoint, Biyernes ng gabi sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato.

Lulan ng kanyang Nissan Patrol van ang napatay na si Datu  Hashim Matalam kasama ang apat na  iba pa nang harangin sa checkpoint, ayon kay Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana.

Isang engkwentro na umano ang naganap nang sa halip huminto ay agad nakipagbarilan ang grupo ng nasawi sa mga namamanman na sundalo sa naturang lugar.

Kinumpirma naman ng mga kaanak na anak ni Norodin Matalam, dating governor ng Maguindanao at mayor ng Pagalungan sa Maguindanao, ang nasawi.

Sinabi ni Brig. Gen. Alfredo Rosario na naghihigpit sa naturang lugar matapos ang sunud-sunod na engkuwentro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kalapit lugar dahil sa nagaganap na clan war o Rido.

Nabawi sa mga nasawi ang high-powered firearms at granada sa loob ng sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

TRUCK TUMAGILID; 2 PATAY, 28 SUGATAN

north cotabato 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang dalawang sakay habang 28 iba pang mga kasamahan nito ang sugatan matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng sinasakyan nilang Isuzu Elf cargo truck na nauwi sa isang aksidente sa  North Cotabato, Lunes ng hapon.

Nakilala ang dalawang nasawing sina Akraman Aluyudan, 43, at Huyaan Mamir, 27, kapwa ng Alamada sa nabanggit na lalawigan.

Sa paunang imbestigasyon ni P/Capt.  Pangandigan, acting police chief ng Pikit Municipal Police Station (MPS), patungo sa kabayanan  ang mga biktima sakay ng nasabing truck na minamaneho ni Esmail Manisin Tambag, 43, ng Banisilan,North Cotabato nang mangyari ang insidente.

Dumausdos umano nang patagilid ang truck nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Nalapaan, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang biktima ang pagkakasugat ng 28 iba pa.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng naaksidenteng truck lulan ang mga sakay nito habang binabaybay ang naturang lugar bago naganap ang insidente.

Isinugod naman sa Aleosan District Hospital ang biktima na halos pawang magkakamag-anak samantalang mga malubhang nasugatan naman ay dinala sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.

Please follow and like us:
Read More

PULIS BINARIL NG DYOWA NG EX-GF

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

ARAKAN, NORTH COTABATO – Sugatan ang isang pulis matapos pagbabarilin ng kasintahan ng kanyang dating nobya sa Barangay Ganatan, Arakan, North Cotabato, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Chris Manuel, 30, residente ng Antipas, North Cotabato at nakatalaga sa Cotabato Provincial Mobile Force Company sa Amas, Kidapawan City.

Kinilala ang suspek na si Ryan Amor, 30, security guard at residente ng Amas, Kidapawan City.

Ayon sa ulat na ipinarating ng Public Information Office ng CPPO, pumunta umano ang pulis sa bahay ng kanyang ex-girlfriend para kunin ang kanilang apat na taong gulang na anak.

Pero biglang dumating ang suspek na siyang live-in partner ng kanyang dating nobya na si Ecel Sajulga.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at suspek nang bigla na lamang maagaw at mabunot ng suspek ang caliber .45 pistol ng biktimang pulis.

Tinamaan ang pulis sa dalawang hita na agad namang naisugod sa pagamutan matapos ang pamamaril alas-11:00 ng umaga.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga otoridad laban sa suspek na tumakas.

Samantala, si Patrolman Manuel ay una nang naireport sa Antipas PNP ng isang magsasaka, matapos nitong tutukan ng baril sa  Cadungon Street, Barangay Poblacion, Antipas.

Nabatid na dumulog sa himpilan ng Antipas PNP ang isang Ariel Saludares Portillo, 31, residente ng Barangay Sarayan sa bayan ng Matalam nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, naglalaro umano ang dalawa ng playing cards at lasing Manuel habang nasa isang burol sa nabanggit na lugar.

Sa hindi pa malamang kadahilanan, biglang tumayo ang suspek at akmang susuntukin ang biktima.

Dito na umano tinutukan ng pulis ang biktima ng kanyang baril.

Kakaharapin naman ng suspek ang kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code o grave threat.

Hindi naman anya konektado ang dalawang magkahiwalay na insidente na kinasangkutan ng nasabing pulis.

 

Please follow and like us:
Read More

3 UTAS SA HIT AND RUN

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang tatlo katao, kabilang ang 3-anyos na bata, habang isa namang menor de edad ang sugatan makaraang masalpok ng isang van ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Purok Centro, Barangay New Rizal sa bayan ng Mlang ng lalawigang ito, gabi nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Efren Pacheca Pagdato, 48, isang Barangay Peacekeeping Action Team, drayber, habang patay din ang angkas na si Conchita Buenaventura, 48, may asawa at Ken Nathaniel Cabana Fuentes, 3, habang ginagamot naman ngayon sa ospital si Aldrin Jay Caluna Cabana, 9, lahat ay residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-7:00 ng gabi habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na minamaneho ni Pagdato patungo ng BagonTapay, Mlang ay sumusunod umano ang isang Grandia van sa kaparehong direksiyon at pagdating sa lugar ng aksidente ay nabundol nito ang motorsiklo.

Tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo kung saan napuruhan si Buenaventura habang isinugod naman ang mga sugatan pero binawian din ng buhay si Buenaventura at ang 3-anyos na bata.

Sa halip naman umano na tulungan ng drayber ng van ang mga biktima ay tumakas ito.

 

Please follow and like us:
Read More

17-ANYOS DALAGITA PINALAKOL NG STEPFATHER

crime ax 12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 17-anyos na dalagita makaraang pagsasaksakin at palakulin ng ama-amahan nito na nagtangka pang gahasain ang biktima sa Brgy Upper Glad 1, Midsayap North Cotabato, Lunes ng umaga. Nakilala ang nasawi na si Jeanny Mae Rollan, grade 11, sa Saint Jude College at residente ng housing area Brgy Upper Glad 1 Midsayap, North Cotabato.

Suspek ang kanyang stepfather na si Jesus Socito.  Naganap ang krimen alas 5:10 ng umaga nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng pulisya tinangka umano ng suspek na gahasain ang dalagita ngunit nanlaban ito.

Kumuha ng itak ang stepfather, pinagtataga ang biktima at hinampalos pa ng palakol ang ulo at mukha.

Dead on the spot ang dalagita nang magtamo ng malaking sugat sa ulo at mukha.

Agad namang sumuko ang suspek sa kanyang mga kapitbahay at mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Midsayap PNP at patuloy na iniimbestigahan.

 

Please follow and like us:
Read More

10 BAHAY NAWASAK NG BUHAWI

buhawi12

NORTH COTABATO– SAMPUNG kabahayan ang nasawak sa buhawi sa Mlang, North Cotabato.

Sinabi ni Bernardo Tayong, ng municipal disaster risk reduction and management, ang  buhawi ay buhat sa malakas na ulan sa bahagi ng Barangay Buayan bunsod ng Intertropical Convergence Zone.

Wasak ang mga bahay nang mabagsakan ng mga puno ng niyog at saging.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Nagpaabot naman ng tulong pinansiyal ang pamahalaang lokal ng Mlang sa mga apektadong pamilya.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA NIRATRAT SA DUYAN; TATAY TODAS

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Dead on the spot ang isang 40-anyos na mister habang sugatan ang kanyang isang taong gulang na anak matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Takepan, Pikit, North Cotabato, Martes ng tanghali.

Kinilala ng Pikit PNP ang nasawing biktima na si Fortunato Nadela Jr. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, alas 12:30 ng tanghali nang pagbabarilin ang biktima habang nagpapahinga sa duyan na nasa harap ng kanilang bahay.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng agarang pagkamatay.

Habang tumakas naman ang suspek patungong liblib na lugar ng bayan na lulan ng motorsiklo.

Patuloy namang ginagamot ang anak nitong nasugatan sa kaliwang balikat.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More