IRR NG FREE LEGAL ASSISTANCE LAW ILABAS SC, BIR KINALAMPAG NI NOGRALES

KINALAMPAG ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at maging ang Korte Suprema dahil sampung taon na simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 9999 o Free Legal Assistance, ay wala pang inilalabas na Implementing Rules and Regulations (IRR). Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Nograles na napakaganda ng nasabing batas para matulungan ng mga private lawyer ang mahihirap na mamamayan na may kinakaharap na kaso sa korte ngunit hindi naiimplementa dahil sa kawalan ng IRR. “Ten years ago, Congress passed…

Read More

MAGNA CARTA OF COMMUTERS IPASA – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-2

(PFI Reportorial Team) NANAWAGAN ang isang bagitong kongresista sa kanyang mga kapwa mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na agad ipasa ang batas na nakikitang solusyon para mapabuti o mapahusay ang pagkilos ng mga Filipino sa buong bansa. Layunin ng Magna Carta of Commuters na pagtuunan ng pansin ang hindi pagkakapantay-pantay na dulot ng ilang dekadang kabiguan na maipatupad ang wastong pagkokonekta sa ating bansa, pahayag ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles. “Nananawagan tayo sa ating mga katrabaho. Bagong taon, bagong dekada, ngayon na ang tamang panahon bago pa…

Read More

REHAB CENTER SA RIZAL MAY AYUDA NG DDB

Nograles

(Ni JOEL O. AMONGO) Nagbigay ng limang (5) milyong pisong ayuda para sa pondo ng pagtatayo ng community based rehabilitation center ang pamunuan ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa San Mateo, Rizal bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra ilegal na droga sa bansa. Pormal na nilagdaan ang Memorundum of Agreement (MOA) nina DDB Chairman Catalino Cuy, San Mateo Mayor Cristina Diaz at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles nitong nakalipas na Biyernes, Disyembre 20, 2019. Pinagtibay ng MOA ang pagtutulungan ng pamahalaang lokal ng San Mateo, Rizal at…

Read More

PARALEGAL SALAIN

Rep Juan Fidel Nograles-2

Pamantayan, benepisyo, ipinatatakda ni Rep. Nograles (PFI Reportorial Team) ISINUSULONG ng isang bagitong mambabatas ang tamang benepisyo at pagkilala sa mga papasok sa propesyong paralegal. “Panahon na upang maging propesyonal ang paralegal work para matiyak ang kalidad ng serbisyong legal sa pamamagitan ng pagtatakda ng pamantayan para sa sinomang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho.” Ito ang dahilan kaya itinutulak ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles, ang House Bill 5886, isang komprehensibong panukala na nagsasaad ng tungkulin ng paralegal workers at magbibigay ng garantiya sa kanilang karera at propesyonal…

Read More

KOMISYON SA HEALTH PROMOTION ITINUTULAK NI REP. NOGRALES

REP NOGRALES-KALUSUGAN-2

(PFI REPORTORIAL TEAM) TINUTULAK ng isang bagong mambabatas ang paglikha ng Health Promotion Commission na popon­dohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law. Ang pangunahing tungkulin nito ay upang mabuo ang National Health Promotion Policy Framework and Action Plan para matiyak na kalusugan ang mangunguna sa lahat ng mga polisiyang gagawin, pati na rin ang pagpapakilos ng mga mekanismong panlipunan at ma-monitor ang kanilang pagpapatupad. Gagawa rin ito ng rekomendasyon para sa pag-unlad ng pamumuhunan sa mga tiyak…

Read More

REP. NOGRALES: SIERRA MADRE PROTEKTAHAN

Rep Fidel Nograles-Sierra Madre-2

NAIS ng isang mambabatas mula sa Rizal na masigurong nabibigyan ng proteksyon ang bulubundukin ng Sierra Madre. Ito ang layunin ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles kaya isinusulong niya sa Kamara ang pagbuo ng Sierra Madre Development Authority. Magiging pangunahing gawain ng naturang ahensiya ay magsagawa ng komprehensibong survey ng pisikal at mga likas na yaman gayundin sa mga potensyal na makikita sa Sierra Madre region at gumawa ng komprehensibong tala at detalyadong plano batay sa resulta ng survey, at gumawa ng disenyo upang mapangalagaan at gamitin nang mabuti…

Read More

NOGRALES BIDA SA ABROAD SA PAGSUSULONG NG KAPAKANAN NG OFWs

REP NOGRALES-6

PINURI ng Alliance of Bonafide Recruiters for Overseas Filipino workers Advancement and Development (ABROAD) si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles dahil sa panukalang batas na isinusulong nito na pagbuo ng hiwalay na ahensiya upang humawak sa overseas labor cases. Ayon kay ABROAD Convenor Russel Garcia, maganda ang hakbangin ni Nograles bukod pa sa napapanahon na upang bigyang pansin ang kapakanan ng mga makabagong bayani ng bansa. Sinabi ni Garcia na ang National Labor Relations Commission ay hango sa batas na inakda ng US Congress noong panahon ng Commonwealth Republic…

Read More

SINIGURO NI REP. NOGRALES SA 800 MAGSASAKA SA RIZAL: LUPA, KABUHAYAN

NOGRALES

MAHIGIT 800 agra-rian reform beneficiaries (ARBs) mula sa ikalawang distrito ng Rizal ang nakatanggap ng titulo ng kanilang sinasakang lupa bukod pa sa naipangakong tulong upang mapaunlad ang sakahan na saklaw ng 737 ektaryang lupaing agrikultural. Sinabi ni 2nd District Rep. Fidel Nograles, hindi magtatapos sa pamamahagi ng lupa bilang pagtupad sa kautusang nilalaman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang tulong na ibibigay sa ARBs. “Magbabalangkas kami ng mga pamamaraan upang siguruhin na mapapakinapangan ng husto ng mga benepisyaryo ang lupa na kanilang natanggap. Magtutulungan kami hindi lang para…

Read More

FREE LEGAL AID SA MAHIHIRAP ISUSULONG SA KAMARA PARA TUGUNAN ANG KAKULANGAN SA ABOGADO

REP NOGRALES-2

SA wakas ay matutuldukan na rin ang patong-patong na kasong hinahawakan ng Public Attorney’s Office, na hindi magkamayaw ang mga abogado ng ahensya sa pangangasiwa ng mga kasong idinudulog sa kanila. Ayon kay Rizal Second District Rep. Fidel Nograles, isang solusyon ay ang pagsasabatas ng free legal aid program sa mga eskwelahang nagtuturo ng batas sa bansa “upang bigyan ng libreng tulong-legal ang mga mahihirap na Pilipino.” “Ginagarantiya ng ating Konstitusyon ang pantay-pantay na pagkakataon sa katarungan ng mga mahihirap sa pamamagitan ng libreng serbisyong legal sa mga hukuman at…

Read More