LALAKI NIRATRAT SA BAHAY, PATAY

crimebaril1

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa harap mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong  Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Sariaya police ang biktimang si Roberto Sabinosa,  59-anyos.

Batay sa report ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Lucky Homes subdivision sa Barangay Sto. Cristo nang pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-7:30 ng umaga.

Sakay ang mga suspek ng isang ‘di natukoy na sasakyan na biglang tumigil sa harap ng bahay ng biktima.

Kasabay ng paghinto, bumukas ang bintana sa hulihan ng kotse at naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima.

Agad nalagutan ng hininga ang biktima na natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino ang mga suspek at kung ano ng motibo sa krimen. (SIGFRED ADSUARA)

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINISTAY NG 2 GUNMAN

shooting6

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang babae nang paulanan ng bala ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Tanay, Rizal, Linggo ng gabi.

Wala nang buhay nang idating sa Tanay General Hospital ang biktimang si Danica Manuel, residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas ang mga hindi kilalang salarin.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng Sampaloc Road, sa Barangay Plaza Aldea, Tanay, nang bigla na lang lapitan at kaagad na pagbabarilin ng mga suspek, dakong alas-9:30 ng gabi.

Kaagad tumakas ang mga salarin patungong direksiyon ng Sitio Lubigan, bitbit ang mga armas na ginamit sa pagpatay matapos bumagsak ang biktima.

Naisugod pa ng mga saksi sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para matukoy ang motibo sa pagpatay, at kung sino ang mga taong nasa likod ng pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

‘BIRADOR’ NA PULIS NIRATRAT SA TAPAT NG BAHAY NIYA

FIRING

TATLONG bala ang tumapos sa buhay ni PO2 Manuel Melendres nitong huwebes nang gabi sa Pasig City.

Kitang-kita sa video ng CCTV na bumulagta si Melendres habang nagbubukas ng gate ng kanilang bahay matapos siyang pagbabarilin ng di kilalang salarin.

Ayon sa imbestigasyon, 11:45 p.m. nitong Huwebes binira si Melendres sa tapat ng kanilang bahay na nasa loob daw ng Melendres Compound sa Brgy. Caniogan.

Tatlong basyo ng bala ang nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng pulisya ng Pasig City.

Ayaw pang magbigay ng konklusyon ang mga pulis, sapagkat iniimbestigahan pa nila nang husto ang krimen upang malaman ang posibleng motibo at dumale sa biktima.

Ngunit, ayon sa ilang  beteranong pulis, dalawang bagay na ang tiyak sa pagpatay sa pulis.

Una, malakas ang loob ng hired killer at determinadong tapusin si Melendres dahil sa mismong compound ng mga Melendres inambus ang nasabing pulis ng Criminal Investigation Group and Detection (CIDG).

Ikalawa, tiniyak na patay si Melendres dahil tatlong bala ang ipinutok sa kanya ng killer.

Sa ganitong ideya, posibleng napakatindi ng atraso ni Melendres sa utak ng ambush sa kanya.

Mabait daw na asawa si Melendres, diin ng kanyang maybahay nang makausap ng media.

Wala raw itong kaaway.

Ngunit, si Melendres ay posibleng isa sa mga birador ng CIDG.

Ibig sabihin, maaasahan siyang miyembro ng CIDG.

Ang CIDG ay itinuturing na “elite force” ng Philippine National Police (PNP), lalo na sa operasyon laban sa mga iligalidad at matitinding krimen.

Kapag miyembro ng CIDG, bawal na bawal ang ‘nangunguyakoy’ na pulis, diin ng mga beteranong pulis.

Please follow and like us:
Read More