MAG-INA INARARO NG TRUCK, NANAY, PATAY

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

HINDI nakaligtas sa kapahamakan ang mag-ina na kahit pa tumatawid sa tamang tawiran ay nabundol pa rin ng isang pick-up truck sa bayan ng Dumaguete, Negros Oriental.

Batay sa report, tanghali nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente habang magkahawak pa umano ng kamay ang hindi na pinangalanang mag-ina habang maingat na tumatawid sa pedestrian lane.

Subalit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nasagasaan sila ng kulay pulang pick-up na mabilis na bumabagtas sa patawid na mga biktima.

Nabatid sa pulisya na nagulungan ng sasakyan ang mag-ina at namatay sa ospital ang ina at nasa malubha naman ang kalagayan ng bata.

Napag-alamang nagkaayos na ang pamilya ng mag-ina at ang driver ng sasakyan matapos na sagutin nito ang pagpapalibing at gastos sa bata.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK PUMATAY NG TATAY ARESTADO

arested45

TILA nawala sa katinuan ang isang 30-anyos na lalaki nang patayin umano sa taga ang tatay nito sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Negros Oriental.

Arestado si Arnel Carillo na hindi pa rin maipaliwanag kung bakit pinatay ang ama na si Carlito, 56.

Sinabi ng ina ni Arnel na nagulat siya nang madatnang duguan at halos wala nang buhay ang kanyang asawa. Agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay para isugod sa ospital ang biktima ngunit patay na rin ito nang idating.

Nasa Canlaon City PNP na ang suspek na mahaharap sa kasong parricide. Susuriin din ito ng mga doktor sa hinalang may diperensiya ito sa pag-iisip.

Please follow and like us:
Read More

4 OPISYAL SA ‘NEGROS MASSACRE’ SINIBAK

negros oriental

(NI JG TUMBADO, NICK ECHEVARRIA)

APAT na opisyal sa sinasabing Negros massacre ang sinibak, Martes ng tanghali, habang iniimbestigahan ang kaso sa pagpatay umano sa 14 sinasabi nilang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA).

Gayong sinabi ng kapulisan na lehitimong police operations ang naganap, may mga saksi umano ang lumutang na nagsabing pinagpapatay ng mga pulis ang mga biktima na ilan ay matatanda nang magsasaka sa lugar.

Kabilang sa sinibak sa tungkulin sina:

PCOL RAUL TACACAPD, Negros PPO,

 

PLTCOL PATRICIO DEGAY

COP, Canlaon CPS, NOPPO

 

PLT KEVIN ROY MAMARADLO

COP, Manjuyod MPS, NOPPO

 

PCAPT MICHAEL RUBIA

COP, Sta Catalina MPS, NOPPO

(Details to follow)

     SINIBAK NI ALBAYALDE

SINIBAK  sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang apat na  police officers sa Negros Oriental upang bigyang-daan ang imbestigasyon kaugnay sa pagkakapatay sa 14 katao sa nabanggit na lalawigan at pagkaaresto sa 12 iba pa sa Canlaon City noong Sabado.

Sinibak sa tungkulin sina  P/Colonel Raul Tacaca, Negros Oriental Provincial Director, P/Lieutenant Colonel Patricio Degay hepe ng Canlaon City  , P/Lieutenant Kevin Roy Mamaradlo  chief  ng Manjuyod municipal police station at P/Captain Michael Rubia na hepe naman ng Santa Catalina police station.

Ang pagsibak ay ginawa ni Albayalde sa kabila ng kanyang pahayag noong Lunes na legitimate operations ang ginawa ng mga tauhan ng PNP sa bisa ng mga search warrants mula sa korte.

Sa report ng  regional director  ang mga napatay ay may mga dati na umanong  kaugnayan at ginagamit ng mga rebelde.

Sinabi rin ni Albayalde na ilan sa  mga sinasabing magsasaka na napatay ay maaaring magsasaka sa araw subalit NPA naman kung gabi, hindi rin aniya nangangahulugan na ang isang magsasaka ay wala nang maaaring maging kaugnayan sa mga rebelde.

Binigyang-diin  din ni Albayalde na hindi massacre ang naganap na pagpatay sa 14 na mga biktima dahil nangyari ito sa magkakahiwalay  at hindi sa iisang lugar at kung may intention aniya ng massacre dapat patay din yung 12 naaresto.

Gayunman ipinabatid ng hepe ng pambansang pulisya na iimbestigahan ng Internal Affairs Service ng PNP ang posibleng pagkakaroon ng lapses ng pulisya sa panahon ng operasyon.

Idinagdag pa ni Albayalde na bukas ang PNP sa anumang imbestigasyon at maging ang mga kasama mismo sa perasyon aniya ay nakahandang humarap sa pagsisiyasat para patunayan na lehitimo ang nangyaring police operation.

Please follow and like us:
Read More

14 NASAWI SA SEARCH OPS MIYEMBRO, SUPPORTERS NG NPA — PNP

negros oriental

NANINDIGAN ang Philippine National Police regional office 7 na ang 14 nasawi sa ginawang pagsalakay sa Negros Oriental ay mga kasapi at supporters ng New People’s Army na nakatakdang lumusob sa Canlaon City police station tulad ng naganap sa Samar nitong linggo.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Debold Sinas, director ng Police Regional Office-7 na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga grupo na kasapi ng SPARU ng NPA sa mga probinsiya ng Canlaon City, Sta. Catalina at Manjuyod.

Dahil dito agad kumuha ng search warrant matapos makumpirmang may balak gumawa ng karahasan ang mga grupo at makakuha ng impormasyong mga armado ang mga ito.

Nanlaban umano ang mga nasawi nang ikasa ang search warrant habang nakaaresto ng 12 kung saan may mga nakuhang dokumento at mga baril.

Kasama umano sa dokumento ang plano ng NPA na lusubin ang Canlaon PNP. Sinasabing mayroong sketch ng Canlaon City police station gayundin ang listahan at pangalan ng mga pulis at naka-duty na pulis.

Naniniwala ang kapulisan na plano rin ng grupong lusubin ang police station tulad ng naganap sa Samar kung saan nabigo ang rebelde na ikinasawi ng tatlo at pagkaaaresto ng isang sinabing rebelde na iniwan ng grupo habang patakas.

Noong nakaraang linggo ay isinailalim sa red alert status ang Negros Oriental dahil sa intelligence reports na lulusubin ito ng mga rebeldeng grupo.

Please follow and like us:
Read More

GALING SA DANCE TILT: 5 STUDENTS PATAY SA AKSIDENTE

negros

(NI JG TUMBADO)

ANIM katao ang patay habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong van at cargo truck sa bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental, nitong  Biyernes.

Kabilang sa sakay ng pampasaherong van ang 10 estudyante ng Basay National High School, isang guro at apat na iba pang pasahero.

Sa report ni SPO1 Rosita Mindac ng Zamboanguita Municipal Police Station, kagagaling lamang umano ng mga mag-aaral sa Cebu City, kung saan lumahok sila sa isang dance competition na “MathSayaw2019”.

Kabilang sa mga nasawi ang limang estudyante na nasa edad 14 hanggang 18 anyos habang ang isa ay pasahero rin ng van.

Nabatid na pauwi na sana sa bayan ng Basay nang magkasalubungan ang van at naturang truck sa pakurbadang kalsada sa bahagi ng Barangay Mayabon.
Patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kaugnay ng malagim na aksidente.

Please follow and like us:
Read More