PATAY KAY URSULA 57 NA – NDRRMC

ndrrmc-typhoon

Umakyat na sa 57 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Ursula noong Kapaskuhan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

Batay sa 5:00 pm update ng ahensya noong Huwebes na nilagdaan ni Executive Director Ricardo Jalad, ang bilang ng mga nasugatan at napinsala ay 369, mas mataas sa unang napaulat na 362, habang nananatiling anim ang bilang ng mga nawawala.

Ang mga namatay ay naitala sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas, ayon pa sa NDRRMC.

Samantala, ang mga bahay na napinsala sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas ay naitalang umabot sa 513,626. Sa nasabing bilang, ang 63,312 ay buong nawasak at 450,314 naman ang bahagyang nasira. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More