3 PULIS TULOG SA DUTY, KAKASUHAN

(NI KOI HIPOLITO)

NAGSAGAWA ng surprise inspection ang direktor ng National Capital Region Police Office na si PMGen. Guillermo Eleazar, Lunes ng madaling araw sa mga presinto ng mga kapulisan ng nasasakupan ng Southern Police District.

Nahuling natutulog ang dalawang Mobile Patrol officer na kinilalang sina PCpl Eugin Ybasco at PCpl Jayson Monsales na parehong nakatalaga sa isang Police Community  Precinct (PCP) ng Las Piñas Police Station habang naka standby ang mobile ng Police Assistance Desk sa kahabaan ng Alabang Zapote Road, Pamplona Dos sa Las Piñas City.

Sa kasunod din na pag-ikot ng hepe ay namataan naman sa kalapit  ding presinto ang isa pang pulis na nakahiga kaya’t agad itong nilapitan ni Eleazar. Dito na nakumpirma na si PSSgt. Danny Cerbito ay natutulog habang naka-duty bilang desk officer ng Police Community Precinct (PCP2).

Agad na pinadisarmahan ni Eleazar ang mga nasabing pulis at sinabi nito na sisiguruhin niyang makakasuhan ang tatlong pulis ng kasong administratibo at paiimbestigahan din sa kapabayaan o neglect of duty.

Pinagre-report sa kanyang opisina ang mga nasabing pulis kasama ang kanilang hepe at precinct commander.

Please follow and like us:
Read More

P204-M SHABU NASAMSAM SA PASIG

(NI KOI HIPOLITO)

NASAMSAM ang hindi bababa sa P204 milyon ng mga iligal na droga sa isinagawang search operation ng magkasanib na puwersa ng mga operatiba ng RDEU, RID RSOU ng National Capital Region Police Office, DID-EPD, Pasig City Police Station at PDEA-RO NCR, ang bahay ng isang high profile drug personality, Lunes ng gabi sa Sorrento Oasis Residences, Brgy. Rosario Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Manolito Carlos, alyas ‘Lito’ at  ‘Tonge’.

Base sa ipinadalang report ni RDEU Chief PMaj. Ferdinand Mendoza kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, pinuntahan ng otoridad ang bahay ng suspek dala ang isang search warrant na inisyu ng korte at nadiskubre sa paghahalughog  ang 30 pirasong sealed plastic pack ng Chinese tea na naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu. Tumitimbang ito ng isang kilo kada pakete at tinataya sa P204 milyon sa street market value. Nakuha rin ang mga drug paraphernalia at iba’t ibang mga deposit slips na hinihinalang ibinayad sa drug transactions.

Ayon kay Eleazar, ang suspek ay dati nang naaresto ng Mandaluyong City Police sa pagbebenta ng iligal na droga subalit nakalaya at nagpatuloy sa iligal na aktibidades at kasama rin ito bilang major target ng NCRPO case operational plan.

Dagdag pa ni Eleazar na ang suspek ay nagsisilbi rin umanong kanang-kamay ng malaking sindikato at tagapag-ingat ng mga droga na nagpapakalat ng iligal na droga sa Metro Manila, Region 3 at Calabarzon na konektado rin sa mga nakakulong na drug personalities sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Mahaharap ngayon sa mga hiwalay na kaso ng paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165  ang nakakulong ng suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HALOS 15-K PULIS ITATALAGA NG NCRPO SA SEAGAMES 

(NI ROSE PULGAR)

NASA 14,800 unipormadong pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police (NCRPO) para magbigay ng seguridad sa gaganapaing ika-30 Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay NCRPO Director Police Maj. Gen Guillermo Eleazar,  nasa 12 sa 22 sports venue na tinukoy ng Philippines SEAG Organizing Committee na gagamitin ay nasa Metro Manila.

Sinabi ni Eleazar, handa na rin ang lahat ng venues maging ang seguridad na ilalatag sa lahat ng venues.

Aniya, ang mga Chief of Police at Station Commanders na nagsagawa na ng Security and Survey Inspection (SSI) sa mga lugar na pagdarausan ng nasabing palaro.

Gaganapin ang iba pang sports events ng SEA Games sa New Clark City Sports Complex sa Capaz, Tarlac, Bulacan, Laguna, Tagaytay at Subic.

Huling nag-host ang Pilipinas ng SEA Games noong 2005 kung saan nakamit ng mga Pilipino ang overall championship.

Opisyal na magbubukas ang SEA Games sa Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11 kung saan inaasahan na higit sa 10,000 atleta ang magtatagisan sa iba’t- ibang sports discipline para sa medalya.

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang bansang kalahok sa SEA Games ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.

Please follow and like us:
Read More

SAFEHOUSE NG KFR GROUP SINALAKAY, 1 PATAY

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa pakikipagbarilan ang isa sa mga miyembro ng Kidnap for ransom (KFR) group na isinasangkot din sa pagdukot ng ilang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Marilao, Bulacan.

Armado ng search warrant, nilusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at PNP Anti Kidnapping Group, ang pinagkukutaan ng grupo kung saan napatay ang 41-anyos na KFR member na si Leo Dela Fuente, residente ng Cubao, Quezon City.

Bago tinunton ng pulisya ang hideout ni Dela Fuente nitong gabi ng Miyerkoles sa Marilao, ay ilang serye rin ng pagsalakay ang ikinasa sa iba pang lugar, kabilang sa Caloocan at sa San jose del Monte City sa Bulacan.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, modus ng grupo ang manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

Gumagamit pa umano ng uniporme ng PNP ang mga suspek at may mga kasabwat silang mga AWOL na pulis.

Nakumpiska sa loob ng isa sa mga bahay ang 8 iba’t ibang uri ng armas na may mga bala habang sa mga sasakyang nadatnan sa lugar ay may mga nakuha din na mga high powered firearms.

 

Please follow and like us:
Read More

P3-M SHABU NASAMSAM SA 3 MIYEMBRO NG SINDIKATO

(NI KOI HIPOLITO)

NASABAT ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO), Manila Police District, Station Drug Enforcement Unit 9 at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NCR) ang hindi bababa sa P3 milyong halaga ng mga hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Harbor Square, Pasay City, Miyerkoles ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Graciano Rombo, alyas “Ciano”, 34, Roderick Pisig, 35, at Alican Pagayaw, 31.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, naaresto ng mga otoridad sa pangunguna ng RDEU ang mga suspek matapos kumagat sa bitag ng isang undercover agent na nagpanggap na bumili ng 200 grams ng iligal na droga kapalit ang halagang P250,000 sa mga suspek at nagkasundo na magtagpo sa nasabing lugar sa Pasay City.

Narekober sa mga suspek ang limang piraso ng transparent ice plastic pack  na may timbang na 100 grams kada isa na umabot sa 500 grams ang nasamsam na mga pinaghihinalaang shabu, 2 unit ng cellular phones, isang Toyota Fortuner (SUV) na may plaka na NAC-9054 at ang ginamit na P250,000 marked money.

Sinabi pa ni Eleazar na ang naunang usapan sa ay napagkasunduan sa isang lugar sa Paranaque City subalit malapit umano ito sa lugar ng Camp Bagong Diwa, kaya’t nagbago ng plano at lugar ang mga suspek.

Napag-alaman din na ang mga droga ay galing sa isang lugar sa Cavite at modus na ng mga suspek ang mag-deliver at magbagsak sa mga pusher na nakatira sa iba’t ibang condominium unit sa Metro Manila para gawing hideout at responsable rin umano ang mga suspek sa pagpapakalat ng droga sa Southern Part ng Metro Manila.

 

Please follow and like us:
Read More

4 AKYAT-BAHAY TIMBOG SA P13-M NAKAW SA QC

(NI LILY REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

NASUKOL ng mga operatiba ng Kamuning Police Station (PS10) ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na miyembro ng bigtime Akyat –Bahay gang  na tumangay ng P13 milyon halaga ng salapi at mamahaling alahas sa Quezon City.

Kinilala ni  PLt.Col Louise Benjie Tremor, hepe ng QCPD-PS10,  ang mga  naarestong suspek  na sina sina Jimwell Bondoc, 27, ng No. 917 R. Papa St., Sampaloc, Manila;  Eric Eulogio, 44,  ng No. 54 Isocrates St., Vista Verde, Cainta, Rizal;  Pierre Lance Lansang, 28,  ng No. 32 Gold Land Mansion, 5th Ave., Brgy. Socorro, Cubao at April Kyle Gonzales, 21, ng No. 067, Zone-6 Brgy. San Miguel, Hagonoy, Bulacan.

Napag-alaman na  ang grupo ay nag- ooperate  sa mga condo  at nambibiktima ng mga negosyante.

Sa imbestigasyon ay  napag-alaman na  noong nakalipas na Hulyo  28 ay  nabiktima ang negosyanteng si Bernard Cloma, 51, PR Agent at may –ari ng  Unit 2630 at  renter  ng  unit 2316 Tower C, Condominium    Mother Ignacia Ave., Brgy. South Triangle.

Si Cloma ay ninakawan ng nasabing Akyat–Bahay gang ng mga alahas, salapi at mamahaling kagamitan na nagkakahalaga ng P13 milyon  at ito ay nadiskubre lang noong Hulyo 29, ng alas 2:00 ng madaling araw.

Agad naman ipinagbigay-alam ni Cloma na siya ay nilooban at ninakawan at sinalakay kung kaya  agad na namang isinagawa ang follow up operation  at sinalakay ang condo na inuupahan ng mga suspek na naging sanhi ng  pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Please follow and like us:
Read More

NCRPO NAKALAMBAT NG 12 SA LOTTENG

(NI KOI HIPOLITO)

KALABOSO ang 12 katao sa isinagawang police operation ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRPO) laban sa illegal numbers game sa tatlong distrito ng mga kapulisan sa Metro Manila na kinabibilangan ng Quezon City Police District (QCPD), Eastern Police District, (EPD) at Southern Police District (SPD).

Labing-isa naman ang kinasohan ng paglabag sa PD 1602 as ammended by RA 9287 (Illegal Numbers Game/Lotteng/ EZ2, Lotteng 6/42) at isa ay inaresto para sa kaso ng PD 1829 (Obstruction of Justice) na may kaugnayan sa Art.148 of RPC (Direct Assault upon an Agent of Authority) nitong Sabado.

Sinabi ni NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, Linggo ng umaga, sinabi nito na ang operasyon ay dahil na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte may may kaugnayan sa pagpapatigil ng PCSO gaming activities, kabilang ang Lotto at Small Town Lottery (STL) at pagsunod na rin sa Executive Order.

Alinsunod narin umano ito sa ipinalabas na direktiba sa buong kapulisan ni Philippine National Police ni PNP Chief PGen. Oscar David Albayalde, tuluy-tuloy na kampanya laban sa lahat ng uri ng illegal gambling, partikular na ang Small Town Lottery (STL)  kung saan ang mga nananalong kumbinasyon ng mga numero ay nakabase sa lotto games winning combinations.

Pinaalalahanan din ni Eleazar ang publiko na huwag tangkilikin at iwasan ang lahat ng uri ng iligal na sugal.

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-PWERSA NG NCRPO IBIBIGAY SA BASECO

(NI ROSE PULGAR)

BUNSOD ng kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno, magdaragdag

ng pwersa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang linisin ang kontra droga sa buong Baseco Compound sa Tondo, Maynila.

“Maybe because of his instruction, we will provide more muscle and more personnel to add up to the personnel who are conducting operations already in Manila, gagawin natin lahat. You know Manila is one of the hotbeds in drug problem as well as the whole Metro Manila because we have some peculiarity in Metro Manila, all the barangays have depressed area,” pahayag ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar.

Sinabi ni Eleazar, nito lamang nakaraang araw ay ipinag-utos ni Moreno sa Manila Polic e District (MPD), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa mga barangay officials na linisin ang buong Baseco Compound kontra droga at loose firearms.

“Pag nalinis natin ‘yan (Baseco), wala na tayong hindi malilinis sa Maynila,” ayon kay Moreno.

Mariing sinusuportahan ng alkalde ang mahigpit na kampanya ng gobyerno kontra droga

 

Please follow and like us:
Read More

SONA 2019 GENERALLY PEACEFUL –ELEAZAR 

(NI LILY REYES)

SINIGURO ni National Capital Region Police Office (NCRPO) na magiging maayos  at tahimik ang  ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte , kung kaya halos hindi ito  nagpahinga sa buong maghapon hanggang sa  matapos ang nasabing okasyon.

Simula  alas 12:00  ng hatinggabi ay sinimulan nang  ayusin at inspeksiyunin ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga sasakyang mga nakailigal park sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue  at bandang alas 4:00 ng madaling araw ay simulan na ring i-deploy ang  TG- Quezon na binubuo ng iba’t ibang kapulisan mula sa iba’t ibang distrito sa Metro Manila  na may  kabuuang bilang na  5, 115 na mga kapulisan .

Bandang  alas 6:15 ng umaga  ay  nag-inspeksiyon  naman ng kanilang mga tauhan  na  naka-deploy sa SSGTB Bravo ng Sandiganbayan na nasa ilalim ni  PLTCOL Cipriano Galanida,  sina  PBgen Joselito Esquivel, QCPD- District Director kasama si PCol. Enricho Vargas, DDDO deploy sa SSGTB Bravo ng Sandigan .

Samantala, sa QCPD SSTG IBP Litex 2 kung saan nagsagawa naman ng Oplan Sita bandang alas 6:00 ng umaga sa IBP Rd Litex 2, sa pangunguna ni PCMSg Minerva Casem at nangasiwa naman ng inspection of personnel na deploy sa SSTG Litex 1 sa ilalim ni PLtCol Rossel Cejas, Station Commander.

Please follow and like us:
Read More

EPD, SOTTO, NCRPO NAGSANIB VS RIDING IN TANDEM CRIMES

(NI MAC CABREROS)

NAGSANIB-PWERSA ang pamahalaang lungsod ng Pasig, Eastern Police District at Motorcycle Riders, group para mapaigting ang kampanya laban sa krimen sa kalsada lalo ang Riding-in-Tandem o RIT crimes.

Nilagdaan nitong Linggo nina Mayor Victor Ma. Regis N. Sotto, EPD Director BGen. Nolasco K. Bathan at mga pangulo ng iba’t ibang Riders’ group sa Pasig City Sports Center ang kasunduan para itaguyod ang Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol.

Sa kanyang mensahe, binigyan diin nina National Capital Region Police Office Director, MGen. Guillermo Eleazar at Mayor Sotto, na malaki ang maitutulong ng mga riders para malabanan ang RIT crimes.

“Tandem tayo sa mga krimeng gawa ng riding-in-tandem,” diin Eleazar.

Bibigyan ng sticker ang mga rider bilang tanda na kasali sila sa programa. Ngunit dadaan pa rin sila sa inspection para masiguro na ‘malinis na kasapi’ ang mga ito.

Binanggit ni Eleazar na patuloy bumaba ang RIT crimes sa Metro Manila saan 71 kaso noong 2017 ay bumaba ito sa 32 nitong unang bahagdan ng 2019.

Sinabi pa Eleazar na nakipag-ugnayan rin sila sa iba pang Regional Police Office upang ganap na coordinated ang kampanya laban sa krimen gaya ng RIT.

Please follow and like us:
Read More

ELEAZAR NAG-SURPRISE INSPECTION SA 10 PRESINTO

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY JIMMY CARBO)

NAGSAGAWA ng surprise inspection sa may 10 Police Community Precinct (PCP) Lunes ng madaling araw si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar upang tingnan ang kalinisan ng presinto at gising sa oras ng trabaho ang mga kapulisan.

Unang binisita ni Eleazar ang Maharlika Police Community Precinct at ang PCP-8 sa Taguig City at nakita naman nito ang kalinisan ng mga naturang presinto.

Isinunod na binisita ni Eleazar ang PCP-1 sa Pasig na nakita rin naman niyang maayos subalit nag-init ang ulo nito nang makita ang isang guwardya na natutulog sa tabi ng presinto at kaagad niya itong sinermunan.

“Bakit ka natutulog? Duty ka ah!… Dapat hindi ka natutulog. Sinusuweldohan ka rito para huwag matulog. Eh alam mo ikaw force multiplier ka namin. Katulong ka namin kaya ka nga sinusuwelduhan at pati sinu-supervise kayo ng PNP [Philippine National Police],” sermon ni Eleazar sa guwardya.

Pumunta rin si Eleazar sa PCP 4, PCP 1, at Station Patrol Unit sa Mandaluyong City at binisita na rin nito ang mga restrooms ng mga naturang presinto at natuwa naman ang hepe ng NCRPO nang makita itong malinis.

“Ito kasi, kapag nakita ng tao na malinis itong presinto, ang dating sa kanila ay maaliwalas, ‘di ba? Saka pati ang isang lugar na malinis, ito ay nakaka-encourage ng environment na maging kaaya-aya,” pahayag ni Eleazar.

Naaktuhan naman ni Eleazar ang PCP commander ng Labores PCP sa Manila na kagigising lang at hindi ito naka-uniporme.

Hindi naman ito sinermunan ni Eleazar dahil inabutan niya ito sa loob ng presinto.

“So hindi natin ine-expect na ang PCP commander ay gising sa gabi at nakauniporme. Pero maganda na makita natin ang PCP na nandu’n ‘yung commander. Ibig sabihin, mas pinipili pa nila dito mag-stay kaysa umuwi,” pahayag Eleazar.

Kasama sa mga binisita ni Eleazar ay ang Sta. Ana Police Station sa  Manila,  PCP 2 sa Makati City, at ang PCP 2 sa Pasay City.

Natuwa naman si Eleazar dahil ayon sa kanya ay napanatili ng mga PCP’s ang kalinisan ng kanilang lugar mula ng kanyang huli itong binisita.

Hinimok din ni Eleazar ang  lahat ng mga PCP commander na panatilihin nilang palagi na malinis ang kanilang mga presinto.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS SA VIRAL VIDEO SINIBAK NI ELEAZAR

(NI KOI HIPOLITO)

NAGPALABAS na ng pormal na pahayag sa media si NCRPO Chief P/MGen.Guillermo Eleazar, tungkol sa dalawang abusadong pulis ng Eastern Police District (EPD) na inireklamo ng pang-aabuso nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Eleazar na ininutos na niya kay  direktor ng EPD na si P/BGen. Nolasco K. Bathan, na alisin sa kanyang puwesto sa San Juan City Police Station at Marikina City Police Station ang  dalawang pulis na sina PSMS Arnulfo Ardales at PSMS Nicolas Lapie Jr., at ilipat sa Regional Headquarters Support Unit (NCRPO-RHSU) ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Matatandaan noong gabi ng Sabado ay sumabog at nag-viral sa social media ang pagkilos ni Ardales na pinagmumura at binantaan ang isang call center agent na nakasabayang bumili ng ulam sa isang karinderya sa Lungsod ng San Juan at dahil dito agad ipinag-utos ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang pagdisarma at pagbawi ng tsapa ng pulis at inilagay muna sa District Holding Support Unit (DHSU-EPD).

Samantala, nakakulong naman ngayon si Lapie Jr.,  sa Pasig City Custodial Cell para sa kasong physical injuries in Relation to RA 7610 oThe Antii- Child Abuse Law dahil sa pananakit sa isang biktimang walong taon gulang na batang lalaki habang nanonood ng basket ball game sa covered court ng Barangay Bambang sa Pasig City noong gabi ng Linggo. Nag- viral din sa social media ang video.

Nakita sa video na sinakal ng pulis ang bata at pinagmumura subalit nagpumiglas ito at nakatakbo ngunit hinabol ito ng suspek at pinilipit ang braso bago hinatak patungo malapit sa kanya.

Dahil sa nangyari nagtakbuhan ang mga tao para awatin ang pulis na si Lapie at tulungan i-rescue ang bata.

Naawat ng mga rumespondeng pulis ang kanilang kabaro at kapwa dinala sa Womens and Childrens Protections Desk  (WCPD) ng Pasig City Police Station ang pulis at ang batang biktima.

Kapwa inirekomendang sumailalim sa Values Formation Seminar sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sina Ardales at Lapie Jr.

Hinikayat din ni Eleazar ang mga pamilya ng mga naging biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang abusadong pulis at siniguro rin nito na sila ay bibigyan ng proteksyon.

 

Please follow and like us:
Read More

COMPUTER SHOPS MALAPIT SA SCHOOL BABANTAYAN

ncrpo12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

IPINAG-UTOS ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng computer shop sa Metro Manila lalo na ang mga shops na malapit sa eskwelahan upang maiwasan ang paglalaro ng mga estudyante ng mga online games sa oras ng klase.

Ang kautusan ni Eleazar ay bunsod nang maaktuhan ang 12 estudyante na senior high school habang ang mga ito ay naglalaro ng online games sa isang computer shop sa Makati City dakong alas-2:00 ng hapon ng Huwebes.

Ayon kay Eleazar, batay sa Department of Education Order No.86 series of 2010 bawal pumasok sa mga computer shop, mall at sinehan ang mga estudyante kapag oras ng klase.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang NCRPO sa mga local government  units na maging aktibo sa pagbabantay sa mga estudyante na hindi pumapasok sa kanilang klase at inuubos ang kanilang oras sa paglalaro ng online games sa mga computer shops.

Ayon kay Eleazar, may kapangyarihan din ang lahat ng local government unit na magsagawa ng inspeksiyon sa mga naturang establisiyemento.

Maliban dito, sinabi ni Eleazar na nakikipagtulungan din sila sa mga opisyal ng mga paaralan upang matiyak na hindi pakalat-kalat ang kanilang mga estudyante sa lugar na malayo sa paaralan.

Babala naman ni Eleazar na kanyang ipasasara ang mga computer shop at ilang establisyemento kapag pumayag sa mga estudyante na maglaro ng online games sa oras ng klase.

Sinabi pa ni Eleazar na hihingi rin sila ng tulong sa mga pamahalaan lokal ng mga lungsod na sa oras na makakita o makahuli sila ng mga estudyante na naglalaro  sa loob ng mga computer shop ay kanilang ipapasara ito.

 

 

Please follow and like us:
Read More

P1.2-M SHABU NAKUMPISKA SA MNLF MEMBER, TIYUHIN SA QC

shabu12

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

ARESTADO  ang isang aktibong miyembro ng  Moro National  Liberation  Front (MNLF) , kasama ang tiyuhin nito na nagresulta  sa pagkakakumpiska  sa P1.2 milyon shabu  sa isang buy bust operation, Biyernes ng gabi sa  Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala  ni  Quezon City Police District (QCPD) Director , Police Brigadier Gen Joselito Esquivel, Jr. ang mga suspek na sina Bismar Sabtula Nadduha, alias Best, 25, aminadong miyembro ng MNLF  at ang tiyuhin nitong si  Jinsir  Abduhaddi Jhol, 40, kapwa mga nakatira  sa  inuupahan nitong kuwarto  sa No. 359 3rd St.,  Santa Catalina, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang pagkakaaresto sa magtiyuhin  ay  nag- ugat  sa anti-drug operation ng Police Station 8 ng QCPD  sa pamumuno ni PLTCol  Jeffrey Bilaro.

Agad namang iniharap ni  Esquibel  kasama si NCRPO Chief, PMaj General  Guillermo Lorenzo Eleazar, sa mga mamamahayag ang  mga naarestong suspek.

Nabatid na  ang magtiyuhin na suspek ay inginuso  ng mga naunang naaresto sa  drug bust operation ng PS-8 na sina  Nemia Castillo at Marites Dela Cruz.

Makaraang ma-validate ang mga impormasyon, isinagawa ang  buy-bust operation sa inuupahang  kuwarto ng mga suspek.

Ang mga droga umano ay galing sa East  Asian countries sa pamamagitan ng illegal backdoor channel.

Kaugnay nito, kinilala rin ng magtiyuhin ang  kanilang source na ngayon ay hinahanting sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency .

Nabatid na ang nasabing source  ay responsible  sa shipment  ng kontrabando  mula Zamboanga papuntang Metro Manila.

Napag-alaman  mula kay Gen. Eleazar na  ang suspek na si Jhol ay naaresto ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD noong 2003 sa Brgy. Culiat sa kasong illegal drugs  kung saan ay nasentensiyahan ito ng 13 taon na pagkakabilanggo.

Sasampahan ng kasong  violation of RA 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magtiyuhin.

Please follow and like us:
Read More

NCRPO FULL ALERT NA SA HALALAN

ncrpo16

(NI FRED SALCEDO)

ISINAILALIM na ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert status para tiyakin ang seguridad ng sambayanan sa May 13 midterm elections.

Sinabi ni  NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, wala nang pahihintulutang leave ang mga pulis para magampanan ang kanilang tungkulin  sa eleksiyon  maliban na lang kung may valid reason.

“All leaves are canceled, except those that are emergency in nature. All policemen should be present in their respective offices and stations,” dagdag pa ni  Eleazar.

Ayon sa hepe ng NCRPO, 16,000 pulis ang ipakakalat sa mga polling precincts at canvassing centers sa buong rehiyon.

Inatasan na rin umano niya ang limang police district directors sa Metro Manila na bantayan ang political developments sa kanilang mga nasasakupan lalo na ang mga nagkaroon ng election-related violence sa nakalipas.

Samantala, inatasan na rin ni Eleazar ang kanyang mga pulis na mas palawakin ang paglalatag ng checkpoints at mahigpit na ipatupad ang  police visibility hanggang Hunyo 13, huling araw ng election gun ban.

Pinayuhan din ni Eleazar ang kapulisan na huwag maging partisan at itaguyod ang integridad ng halalan.

 

Please follow and like us:
Read More

ALBAYALDE, ELEAZAR NAG-IKOT SA AIRPORT, TERMINAL 

albayalde12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PERSONAL na nag-ikot si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa kamaynilaan para inspeksyunin ang seguridad na inilatag sa mga bus terminals, Miyerkules ng umaga.

Partikular na tinungo ni Albayalde, kasama sina NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar, QCPD Director P/BGen. Joselito Esquivel at PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, ang Araneta Bus Station sa Cubao, Victory Liner sa Pasay City at ang Ninoy Aquino International Airport.

Nais matiyak ni Albayalde ang kahandaan  ng mga police assistance desks na naatasang mangalaga para asistehan ang mga pasahero na bibiyahe sa mga lalawigan para sa paggunita ng Holy Week.

Pinaalalahanan din ni Albayalde sa kanyang pag-iikot ang mga pasahero at mga gwardiya sa mga terminals para sa mga safety measures na dapat gawin ngayong Semana Santa.

Nabatid din ng hepe ng pambansang pulisya ang kakulangan ng mga bus na inirereklamo ng mga biyahero na nakadaragdag sa sobrang init ng panahon. Ayon kay Albayalde  naka-full alert ngayon ang PNP sa Metro Manila lalo na sa mga matataong lugar,  simbahan at sa mga lugar na tourist spots habang heightened alert naman ang ipinatutupad sa ilang mga rehiyon ng bansa.

Napansin din  ni Albayalde na tila unti-unti nang natututo  ang mga bumibiyahe dahil sa report ay wala nang gaanong nahuhuli na nagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay sa mga terminal at paliparan na kanyang binisita.

Umaabot sa 91,000 mga police personnel ang idineploy ng PNP para tiyakin ang kaligtasan ng mga bakasyunista, turista at mga deboto ngayong Lenten Season.

 

Please follow and like us:
Read More

NCRPO HANDA NA SA SEMANA SANTA; 11-K PULIS IKINALAT

PNP150

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY MAYA FELIZA)

HINIGPITAN ng mga awtoridad ang seguridad sa mga paliparan, daungan, terminal ng bus at jeep sa Metro Manila bilang hakbang sa pagdagsa ng ating kababayan na maglalakbay ngayong Semana
Santa na magsisimula ngayong araw (Abril 14) o Linggo ng Palaspas.

Ipinakalat na ni National Capital Region Police Office director, Major General Guillermo Eleazar, ang 11,000 pulis na magbabantay sa mga istratehikong lugar kasama na rito ang mga simbahan at pilgrimage sites, malls at maging residentials areas.

Kinansela na rin Eleazar ang leaves ng mga pulis para masiguradong nasa puwesto ang mga ito. Magsisilbing multipliers ang mga security guards at barangay tanods gayundin na magpapakalat ng K9 units. Magkakaroon din ng assistance desk, ayon Eleazar.

Naunang pinaalalahanan ni Eleazar ang ating kababayan na tiyaking nakasara ang mga lagusan ng bahay bago umalis; iwasang i-post sa social media ang pagbabakasyon; huwag magsuot ng mamahaling alahas at iwasang magdala ng bawal na bagay.Bilang karagdagang tips, pinayuhan ni Eleazar na agahan ang pagtungo sa paliparan, daungan at terminal gayundin na dalhin ang tiket o passport, huwag magdala ng malalaki at mabigat na gamit at maging alerto lagi.

Nagpaalala din ang Bureau of Fire Protection na tiyaking walang nakasinding kandila, gamit panluto at i-off ang mga electrical appliances bago umalis ng bahay upang maiwasan ang sunog.

 

Please follow and like us:
Read More

2 ARESTADONG ‘KIDNAPPER’ INIHARAP NG NCRPO

kidnapping1

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

HINIMOK ni National Capital Regional Police  Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar ang mga pamilya ng tangkang kidnapping na magsampa ng kaukulang reklamo upang umusad ang kaso sa korte. Kasabay nito, dumagsa rin sa tanggapan ang ilang pamilya na kumumpirmang tinangkang dukutin ang kanilang mga anak.

Sa isang press conference sa tanggapan ng NCRPO, sinabi ni Eleazar na wala aniya itong katotohanan na may nagaganap na kidnapping at itoy nagiging sanhi lamang aniya para mag-panic ang publiko lalu na ng mga magulang.

Kung saan wala naman aniyang ebidensiyan, na nagpapatunay na may insidente ng kidnapping dahil wala namang nag-re-report sa pulisya.

Ang naging tugon ni Eleazar ay base sa pahayag ng suspect na iprinisinta  sa mga mamamahayag na si Lilibeth  Bustamante, 47, tubong San Pedro, Laguna at nakatira sa Brgy. Manuyo Uno, Las Pinas City.

Naunang inakusahan na isang miyembro ng kidnapping syndicate ang suspect  na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan.

Ayon pa kay Bustamante,  dalawa aniyang bata ang biktima ng kidnapping sa area ng Laguna.

Base sa record ng NCRPO, naganap ang tangkang pangingidnap  ni Bustamante ay noong Pebrero 19 ng taong kasalukuyan, alas-11:00 ng umaga sa no. 8 Libas St., Sampaloc Site, BF Homes, Paranaque City.

Nabatid, na lumapit  at nagtanong umano ang suspect sa biktimang si  alias Nene, kung saang may malapit na tindahan at  kung maaari ay samahan siya.

Subalit, tumanggi ang biktima, kung kaya’t pwersahan itong hinawakan  ng suspect hanggang sa nagpapupumiglas naman ang bata.

Umatungal ng iyak ang bata ngunit pilit pa rin itong hinihinala ng suspect para dalhin ito.

Isa sa mga kapitbahay ng biktima ang nakialam at napilitang umalis ang suspect.

Nakarating sa barangay ang insidente, na nagresulta nang pagkakaaresto sa suspect, na kaagad namang dinala ito ng mga tanod sa tanggapan ng Paranaque City Police.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 800-K LUMABAG SA ORDINANSA SA MM DINAKIP NG NCRPO

ncrpo1

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAHIGIT 800,000 indibidwal na lumabag sa iba’t-ibang ordinansa na ipinatutupad sa Metro Manila ang inaresto ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) simula noong  June ng nakalipas na taon.

Ayon sa report ng NCRPO, nasa 809,885 na mga violators ang nadakip simula June 13, 2018 hanggang March 10, 2019.

Nangunguna sa listahan  ang mga  kasong paglabag sa  smoking ban hanggang nitong lingo ng alas-5:00 ng umaga  na umaabot sa 191,917, katumbas ng 23.70% ng kabuuang bilang ng mga naaresto.

Sinundan ng mga minors na lumabag sa curfew hours na 48,763 o 6.02% ng mga naaresto sa kalakhang Maynil sa parehong panahon.

Nasa  42,740 na mga individual o 5.28 % ang bilang ng mga naglalakad sa pampublikong lugar na walang damit pang-itaas ang dinakip din ng NCRPO.

Umabot naman sa 37,890 ang mga dinakip dahil sa pag-inom ng  alak sa mga ipinagbabawal na lugar o 4.68 percent.

Samantalang ang natitirang 488,575 o 60.33% ay inaresto sa magkakaibang kaso ng paglabag sa mga umiiral na  City at Municipal ordinances sa National Capital region.

Sa Metro Manila ang Quezon City ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na 473,352 (58.45%) na mahigit sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga naaresto.

Pangalawa naman ang Eastern Police District (EPD) na may kabuuang 153,594  o 18.96%, sinundan ng Northern Police District (NPD) na nasa 73,156 (9.03%) at ang Manila Police District (MPD) na nakapagtala ng 62,607 (7.73%), panghuli ang Southern Police District (SPD) na mayroon lamang  47,176 o katumbas ng 5.83% na huli.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, karamihan sa mga hinuling lumabag ay pinalaya din kaagad makaraang magpiyansa at dahil sa human considerations.

Sa kabuuang bilang ng mga nadakip na individual sa Metro Manlia 164,226 ang bilang ng mga nakapag-multa samantalang 526,769 naman ang kinasuhan.

Ang pagpapatupad sa mga city at municipal ordinaces ay bahagi ng peace and order strategy ng NCRPO.

 

 

Please follow and like us:
Read More

7 EX-LAS PINAS POLICE-SDEU KINASUHAN SA KOTONG, KIDNAPPING

scalawags

(NI JOSE KOI LAURA/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

MULING inaresto at sinilbihan ng arrest warrant ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Special Operation Unit (RSOU-NCRPO), Southern Police District Special Operations Group (SPD-SOG) at ng Silang Municipal Police Station sa ilalim ng direktiba nina NCRPO Chief P/Major Gen. Guillermo Eleazar at Cavite Provincial Police Director Police Col.William M. Segun nitong Miyerkoles ng hapon sa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

ang mga dating pitong pulis ng Las Piñas Police Station Drug Enforcement Unit na sangkot sa Robbery Extortion sa isang drug suspect sa Silang Cavite nuon nakaraang taon.

Ang mga suspek na pulis ay sina P/SSgt. Joel Lupig, 35, PCpl.Vener Gunalao, 34, Jeffrey De Leon, 28,  Pat.Mark Jefferson Fulgencio, 31, Pat. Raymart Gomez, 28, Pat. Erickson Rivera at  PCpl.Jayson Arellano, 31.

Ayon sa report isinilbi ng mga otoridad ng Silang Cavite PNP sa mga suspek ang isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 134 ng Tagaytay City, Cavite para sa kasong Kidnapping for Ransom. Matatandaan na noong Nov.21, 2018 ay  nagsumbong si Shane Lugutan Dajo, kapatid na babae ng drug suspect  na matapos umanong arestuhin si Cryrus Wency Lugutan ng mga police scalawags ng Las Piñas- Station Drug Enforcement Unit, ay hiningan ito ng malaking halaga para makalaya at maabsuwelto sa kaso.

Subalit  agad na inilatag ng NCRPO at ng Silang PNP ang entrapment operation at nahuli ang pitong suspek dahilan para sibakin sa puwesto ni Major General Eleazar  ang buong unit ng Las Piñas Station Drug Enforcement Unit pati na ang dating Chief of Police dito na si Police Senior Supt.Marlon Balonglong.

Kasalukuyan parin ngayon nakadetine sa RSOU Custodial Facility sa Camp Bagong Diwa ang mga suspek bago iharap sa korte.

 

 

Please follow and like us:
Read More

NCRPO: ISURENDER ANG MGA BARIL NA EXPIRED ANG LISENSIYA

ncrpo16

(NI LILY REYES)

UMAPELA si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, PDIR  Guillermo Lorenzo Eleazar sa  mga  gun owner  na  expired na ang  lisensiya  na isurender  sa awtoridad ang kanilang mga baril  ‘for safekeeping  at safety purposes’.

Ito  sa gitna ng campaign season para sa 2019 midterm elections sa pamamagitan ng kanilang pina-igting na pagpapatupad ng Oplan   Katok.

“Ang ating sinasabi sa kanila ay ito’y pansamantalang i-turn over sa atin for safekeeping   sa ating mga pulis. At tutulungan na rin nating ma-facilitate itong pagre-renew ng kanilang   firearms,” sabi ni Eleazar.

Sinabi ni Eleazar  na  may mga listahan umano ang Philippine National Police (PNP)  Firearms and Explosives Office  (FEO) ng  mga may-ari ng  baril  na mag i-expire na o expired na , at ito ang magiging basis nila para puntahan  ang bahay ng mga  may-ari.

“Kapag nakita doon na mag-e-expire na or expired na ‘yung license  ng baril nila , ‘yun ang kinakatok natin, nire-remind natin sila,” dagdag ni Eleazar.

Siniguro ni Eleazar  sa mga gun owner na  sa oras na  isinurender nila ang kanilang baril na expired ang lisensiya ay  makatitiyak silang  hindi sila  makakasuhan  sa halip ay tutulungan  pa silang makapag renew ng lisensiya ng kanilang mga baril.

“Makipag-ugnayan lang sa malapit na police station at ‘yung atin mismong pulis ang    pupunta sa kanila para i-facilitate ang turnover and temporary safekeeping namin nitong  baril na ito habang inaayos ang lisensya niya,” dagdag pa ng hepe ng NCRPO.

 

Please follow and like us:
Read More

P2.3-M SHABU NAKUHA SA LIVE-IN LOVERS

shabu15

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang tatlo katao  at nasamsam ang  halagang P2.380.000 halaga ng shabu   sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police |District (QCPD)  at  Los Banos Police noong Huwebes sa  Los Banos, Laguna.

Kinilala ni  QCPD Director PCSUPT  Joselito Esquivel, Jr. , ang mga naarestong suspek na sina  Shoib Sampal, alias Tikboy, 35  at ang live-in partner nitong si  Rossette Dimas, alias Seth, 39 , negosyante  at residente ng  Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna and Violeta Espina, 31, ng  Tondo, Manila .

Sa report ni QCPD  Director,PCSUPT  Esquivel  kina  PNP Chief, Police Director General Oscar D Albayalde  at  National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Director Guillermo Lorenzo T Eleazar,  ang nasamsam na P 2.3 milyon halaga ng shabu ay  mula sa  joint  operation  QCPD Novaliches Police Station (PS 4) at Los Baños Police Station , Los Baños, Laguna .

Ayon kay PS 4 Commander,PSUPT Rosell Cejas,  ang nasabing buy bust operation  ay offshoot  sa nakalipas na  drug operation  sa Brgy. Bagbag, Novaliches  noong Pebrero 13  na nagresulta sa  pagkakaaresto sa apat  na suspek at pagka kumpiska sa  50 gtamo ng shabu  na may street value na  P300,000 halaga ng shabu.

Ang mga naaresto umanong suspek ang nagturo  sa kanilang source na si alyas Tikboy at live-in partner nitong si   Seth na dating nanirahan sa  Brgy. Bagong Silang , Caloocan City bago sila lumipat ng  Los Banos, Laguna.

Sa report ng QCPD, nabatid na bandang alas 9:30  ng gabi noong Pebrero 14, ay  ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng QCPD – PS 4 at  Los Banos Police  sa pamumuno ni PSUPT  Lowie  D Dionglay, sa  L1 Unit 2 B5 Villa  Armanda residences, San Antonio, Los Banos, Laguna.

Bumili umano  ang poseur buyer ng halagang P191.000.00 halaga ng shabu  mula sa mga suspek  na naging sanhi ng  pagkakaaresto sa mag live-in.

Nakuha mula sa mga suspek ang 35- gramo ng shabu na may street value na  P2.380,000. million , limang mobile  phone,  isang dark gray ng  Toyota Fortuner at ang buy bust money .

Please follow and like us:
Read More

NCRPO HANDA SA SIMULA NG KAMPANYA

ncrpo1

(NI LYSSA VILLAROMAN)

INIHAYAG Lunes ng tanghali ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bukas, Pebrero 12, ay handa na ang kanilang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato na tatakbo sa  2019 election.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, bagamat wala pa silang naitalang election hotspot sa Metro Manila ay hindi pa rin dapat maging kampante ang mga police personnel sa pagbabantay sa mga lugar ng kani-kanilang mga areas of responsibility.

Sinabi ni Eleazar na dapat tiyaking magiging maayos at mapayapa ang darating na midterm elections sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Dagdag pa ni Eleazar na kahit may mga insidente ng patayan sa ilang lugar sa Metro Manila ito ay mga isolated case lamang umano.

Kasama ring tutukan ng NCRPO ang araw ng mga puso sa Pebrero 14  na posibleng dadagsa ang mga kababayan na magtungo sa mga mall at mga pasyalan.

Muling umapela ang NCRPO sa publiko na mananatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad kung may mga kahina- hinalang kilos ng mga individual o bagay na kaduda-duda at ipaalam sa mga pulis upang maiwasan ang anumang banta sa publiko.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 700K PASAWAY NAARESTO SA METRO

smoke1

(NI JESSE KABEL)

NASA 709,515 katao ang  naaresto dahil sa  paglabag sa mga ordinasa sa Metro Manila simula June 2018 hanggang Lunes ng umaga,  ayon sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, numero uno sa listahan ang mga lumabag sa smoking ban na umabot sa 174,440 o 25 percent ng kabuuang bilang.

Sinundan ito ng 43,391 na menor de edad na lumabag sa curfew hours.

Ikatlo naman sa pinakamaraming lumabag sa lewd ordinance naked from waist up o mga walang damit pang-itaas na umabot sa 39,556 ang violators.

Kabuuang 33,551 naman ang nahuli dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar.

Sinabi naman ni Eleazar 20.8 percent lang sa kabuuang bilang ang pinagmulta habang 65.3 percent ay binigayan lamang ng warning.

Please follow and like us:
Read More