LIBERIAN BINITBIT NG NBI SA BLACK DOLLAR SCAM

(NI RENE CRISOSTOMO) DRAMA o tunay na nag-iiyak sa harap ng mga mamamahayag ang isang Liberian national,  matapos iprisinta ng National Bureau of Investigation –Special Action Unit (NBI-SAU) ) dahil sa panggogoyo nitong  Disyembre 12 sa isang entrapment operation sa Paranaque City. Si George Kennedy ay natimbog sa isang entrapment operatioin sa isang fast food sa Macapagal Boulevard sa Paranaque City , nang maghain ng reklamo ang hindi na binanggit na pangalan ng biktima . Ayon sa ulat NBI Deputy Director for Services Ferdinand Lavin, nagpakilala umano ang suspek sa…

Read More

KTV BAR FOR CHINESE ONLY; P15K BAWAT GRO, SINALAKAY NG NBI

(NI ROSE PULGAR /PHOTO BY JOVEN ORTEGA) NI-RAID ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang high-end KTV bar na sinasabing ginagamit umano sa prostitution at na-rescue ang  91 mga babaeng Chinese national at apat na Pinay sa Makati City, Lunes ng gabi. Nadakip din ang walong kalalakihan na ang apat dito ay Chinese national at ang apat pa ay pawang mga Filipino. Base sa report, dakong alas-11:00 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay ng mga tauhan ng Anti- Fraud Division ng NBI ang Sky Scope International KTV Bar…

Read More

NIGERIAN SCAMMER PATAY, 3 HULI SA HUMAN TRAFFICKING, CYBERCRIME

(NI HARVEY PEREZ) ISANG Nigerian national ang napatay habang nadakip naman ang tatlo katao ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cyber Crime Division at Anti Human Trafficking , kasama ang dalawang bading na ang isa ay menor de edad at nagbubugaw ng mga menor de edad,   sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Pasig City. Sa ginanap na press conference,  napatay si  Okoroike Harrison Chibuike, Nigerian national habang arestado si Eduard Parcedes Godoloson, ng 135 St. Michael Subd.Talaba 7, Bacoor, Cavite City noong Setyembre 17. Nagpanggap pa umanong…

Read More

KILLER NG RTC JUDGE, ARESTADO

(NI HARVEY PEREZ) ARESTADO ng pinagsanib na tauhan ng National Bureau of Investigation-Tagum, Naval Intelligence Service Group-Eastern Mindanao(NISG-EM) at Philippine National Police (PNP), ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay kay Judge Reymar Lacaya, presiding justice ng RTC Branch 28 Liloy noong Setyembre 2 sa Mati, Davao Oriental. Iprinisinta ni NBI Deputy director Ferdinand Lavin, ang suspek na si Juliver Cabating, job order personnel ng  RTC Branch 28 at driver at striker ni dating judge Oscar Tomorong, pinalitan na judge ni Lacaya. Ayon kay  NBI Deputy Director for Regional Office Operation…

Read More

PINOY WANTED SA EUROPOL VS CHILD SEX HULI NG NBI

(NI JULIE DUIGAN) PINAGSANIB na  puwersa ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) at  Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang umaresto sa isang 32-anyos na Pinoy na no. 1 most wanted criminal sa talaan ng European Police Office (Europol)  dahil sa pagpapakalat ng  child sexual exploitation materials (CSEM) sa ‘dark web’. Iniharap sa mga mamamahayag, sa pangunguna ni NBI-AHTRAD chief, Atty. Janet Francisco, ang suspek na nakilalang si Nelson Siacor Torayno. Si Torayno ay nadakip sa kanyang inuupahang silid sa  Barangay Luz, Cebu City noon pang…

Read More

MISIS 7-BUWAN CYBER SEX SLAVE NG SRI LANKAN NA MISTER

arrested12

(NI HARVEY PEREZ) NASAKOTE ng mga operatiba ng  National Bureau of Investigation (NBI), ang isang Sri Lankan national na  inireklamo ng kanyang misis na Pinay matapos siyang gawin na “cyber sex slave” sa loob ng pitong buwan at molestiyahin ang kanyang anak na babae , Biyernes ng gabi sa  San Jose Del Monte, Bulacan. Napilitan nang ireklamo sa NBI ng ginang na hindi na pinagalanan ang suspek na Sri Lankan national bilang proteksiyon sa kanilang mag-ina nang maging ang kanyang anak na babae sa unang relasyon ay sinimulan na rin…

Read More

3 KOREANO TIMBOG SA BENTAHAN NG PUSLIT NA YOSI

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ) BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -Special Action Unit,ang tatlong koreano ,  na nagbebenta nang may P500,000 smuggled na sigarilyo nitong  Martes sa Bacoor,Cavite. Kasalukuyang nasa kustodiya ng  NBI detention cell sa Taft Avenue sa Ermirt ,ang mga suspek na nakilalang sina Young Kook Kim,Jong Kook Choi,Gee Pong Lee. Batay sa ulat ni NBI Director Dante Gierran, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng tatlong suspek at nang makumpirma ay kaagad na ikinasa ang entrapment operation. Nagpunta sa…

Read More

ENGINEER  KINASUHAN SA PAGPASLANG SA MISIS

crime34

(NI ROSE PULGAR) KASONG parricide ang isinampa ng Paranaque City Police laban sa inhinyero na pumaslang umano sa sariling misis na nagtamo ng mahigit sa 100 saksak sa iba’t-bang bahagi ng katawan. Ayon kay Police Col. Rogelio Rosales, hepe ng Paranaque City Police, kinasuhan nila si Noel Torres dahil  lumitaw sa imbestigasyon na siya lamang umano ang itinuturong may dahilan, may history at ng mga sirkumstansya na papatay sa kanyang asawang si Christina. Magugunitang Hunyo 11 ng hapon, inireport ni Torres sa pulisya at mga kapitbahay na inabutan niya ang…

Read More

SIYAM TIKLO SA SHABU SA MALACANANG COMPLEX

palasyo shabu12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ) SIYAM katao ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) sa serye ng anti-illegal drugs operations sa Malacanang Complex, Paco, Maynila, iniulat ngayong Biyernes. Iniharap sa media  ang mga suspek na sina Rolando Laya, Bryan Jason Batrina, alyas “Ian”, Melvin Santiago, Freddie Nacion Jr., Esperanza Pido, Joan Garcia, Ronnie Gonzales Lao, Sulpicio Reyes Cassiler Jr., at Leonardo Dela Cruz Asa. Ayon kay NBI Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, sa bisa ng search warrants ay sinalakay…

Read More

5 BRANCH NG PERYAHAN NG BAYAN IPINASARA NG NBI, PCSO

perya12

(NI KIKO CUETO) BACOLOD CITY — Ipinasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa limang branch ng Peryahan ng Bayan sa Negros Occidental. Ayon sa NBI, ito ay dahil na rin sa iligal na pasugal. Armado ng search warrant, pinasok ng mga operatiba ang mga branch ng Peryahan ng Bayan sa lalawigan nitong Linggo. Agad na naaresto ang 36 na kolektor at staff ng peryahan. Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, hepe ng NBI Bacolod, 2014 nang bigyan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng deed of authority ang…

Read More

3 PULIS NA PUMATAY SA ANAK NG MAYOR, LAGLAG SA NBI

sariaya12

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Pormal na inaresto ng pulisya at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes ang tatlong pulis na hinihinalang nasa likod ng pagpaslang sa anak ng mayor ng Sariaya, Quezon at isang kasama nito. Si PCol. Ramil Montilla, Quezon police director at mga operatiba ng NBI ang naghain ng warrant of arrest laban kina PLt.Col. Mark Joseph Laygo, PCpl. Lonald Sumalpong at PPat. Robert Legaspi, sa police mobile force headquarters sa Camp Soledad Dolor sa bayan ng Candelaria bandang alas-6:00 ng…

Read More

KILLER NG PSG NAARESTO MATAPOS ANG 13-TAON SA LAGUNA

nbi12

(NI JULIE DUIGAN) MULA pa sa 13 taong pagtatago, naaresto na  ang isang convicted murderer na may kinakaharap pang kasong murder sa Manila court sa pagpatay sa isang pulis na miyembro ng Presidential Security Guard (PSG) noong 2016, matapos madakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Task Force Agianst Illegal Drugs (NBI-TFAID) noong Lunes, sa San Pedro, Laguna. Iniharap sa mga mamamahayag ni  Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng NBI-TFAID, ang suspek na nakilalang si Ronnie Rivera, alyas ‘Ogie’ , na convicted sa kasong murder dahil sa pagpatay sa…

Read More

3 KILONG COCAINE BYAHENG THAILAND NASABAT; 3 ‘COURIER’ HULI

NBI12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ) NAHULOG sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong ‘courier’ ng iligal na droga na sinasabing mga recruit ng mga asawang Pinay ng miyembro ng Western African Drug Syndicate (WADS) nang makuhanan ng mahigit 3 kilong cocaine sa tangkang pagpuslit patungong Thailand, sa magkasunod na operasyon sa Pasay at Pasig City, iniulat kahapon. Sa pulong-balitaan sa NBI headquarters kahapon, ipinrisinta sa mga mamamahayag ang mga suspek na kinilalang sina Ma. Clara Q. Bedico, Alvin J. Avila, at Antonette R. Mendiola,…

Read More

14 PULIS SIBAK SA P2-B INVESTMENT SCAM

scam12

(NI BONG PAULO) TINANGGAL sa kanilang puwesto ang 14 na mga pulis ng Police Regional Office o PRO 12 na sinasabing sangkot umano sa Pulis Paluwagan Movement o PPM investment scheme habang iniimbestigahan sa mahigit P2 billion-peso investment scam. Ayon kay PRO 12 Public Information Officer, Police Col. Aldrin Gonzales,  nitong Biyernes ay tinanggal na sa kanilang pwesto sina Police Lt. Col Henry Binas, Senior Master Sergeant Margild Aranas, Master Seargents Dervin Baluran, Francis Gee Caravalle at Roderick Ringon. Tanggal din sina Staff Sergeants Joemar Abella, Roger Agodania at Jeannete…

Read More

18 CHINESE NATIONAL HULI SA ONLINE GAMBLING

chinese12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ) BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD), ang 18 Chinese national na sangkot sa iligal na online gambling sa isinagawang pagsalakay sa isang gusali noong Marso 18 sa Angeles City. Iprinisinta ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang mga naaresto sa tanggapan ng  Royal Priggish International Development Corp. na matatagpuan sa 3rd floor ng Saver Mall Bldg., Mc Arthur, Highway Balibago, Angeles City. Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ng Capas, Tarlac RTC, Branch 66.…

Read More

NBI PAPASOK SA SILAWAN RAPE-SLAY PROBE

cebu12

(NI TERESA TAVARES) PASOK na rin ang NBI sa imbestigasyon sa brutal na pagpaslang sa dalagitang si ChristineSilawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Sa Department Order Number 117 na pirmado ni Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan nito ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up laban sa mga nasa likod ng pagpatay at hinihinalang paggahasa sa 16 anyos. Ipinasusumite rin ni Guevarra sa NBI nang direkta sa kanyang tanggapan ang mga reports kaugnay sa imbestigasyon nito sa insidente. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa Sitio Mahayahay sa Barangay Bankal na…

Read More

PITONG CHINESE NATIONAL TIMBOG SA KIDNAP

nbi12

(NI JULIE DUIGAN) BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese national na sangkot sa pagkidnap sa isa nilang kababayan,  Linggo ng hapon sa isang Condominium sa Pasay City. Martes ng hapon ay ipinirisinta nina Vicente de Guzman, deputy director for Investigation Service at  Atty. Emetrio Dongallo, Jr. Chief SAU, ang mga suspek na sina  Liu Shenshui,Deng Shuijin,Xiong Jinxiang,Xiong Jonpeng  ,Xiong Jilong,Luo Gen Jin, at Chen Yiguo, pawang Chinese nationals at mga turista  na kadarating lamang umano sa bansa. Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at…

Read More

19-TAON ANG NAKALIPAS, PULIS ARESTADO SA TORTURE NG PRESO

torture1

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ) NAKAMIT din sa wakas ang hustisya — matapos ang 19 taon  paghihintay – nang madakip ang isang pulis na sangkot sa pagtorture sa bilanggo ng Police Community Precinct sa Tondo, Maynila. Inaresto si PO1 Nonito Binayug, sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila nang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI). Unang naaresto ang kapatid nitong si dating Sr.Insp. Joselito Binayug na noon ay Block Commander ng  Manila Police District -Asuncion PCP, na sakop ng Station 2. Kasalukuyan itong nakatalaga sa New…

Read More

IMPOSTOR NI PRES’L SPOKESPERSON PANELO HULI NG NBI

panelo

(NI CHRISTIAN DALE) MAGSISILBING babala sa mga manggagantso ang nangyaring pag-aresto sa impostor ni Presidential spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Ayon sa orihinal at tunay na Sec. Panelo na mahuhuli ng batas ang mga impostor na manloloko at mapapanagot sa batas. “The person who has been swindling people misrepresenting himself to be me has been arrested in Cebu City last week. And this should serve as a warning to all that the law will always catch up on you people who misrepresents and commit fraud. And of course also…

Read More

TAUHAN NG COAST GUARD SINIBAK SA KOTONG

coast1

(NI JULIE DUIGAN) SINIBAK na sa puwesto ang isang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang bitbitin ng  mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Palawan. Kinumpirma ni PCG Spokesman Capt. Armand  Balilo, na inilagay sa preventive suspension si Ensign Allison Tindog, operations officer ng Coast Guard Distrct Palawan na ngayon ay nasa kustodiya ng NBI. Nabatid na bukod sa isasampang kasong kriminal, mahaharap din ito sa mga kasong administratibo. Ayon kay Balilo,  pinahahalagahan ng PCG ang doktrina ng integridad at propesyunlismo lalu na…

Read More